01
"Sinuntok mo sana sa panga!" maarte kong sabi sa kwento ni Drei.
Tumawa siya at umiling.
"Gago ka ba, Aki? Hindi ako nananakit ng babae kahit na gaano ako kagalit."
Umirap ako at humalukipkip. "That's the problem! Masyado kang mabait kaya ka nasasaktan palagi at hindi nakakatuwa 'yan!"
"Kasi masyado nang masama ang mundo, ayaw ko nang dumagdag pa."
Umiling ako at pabirong sinuntok ang kanyang braso.
"Last mo na yan ha?! Tama na muna ang paglandi masyado ka nang nasasaktan! Wala pang dalawang buwan, dalawang babae na agad ang nakasakit sayo? Yung totoo, Drei?! Atat na atat ka ba talagang magjowa? Hamit na hamit 'to!"
Noong isang buwan lang kasi iba ang iniiyakan nitong lalaking 'to. At ngayon iba nanaman. Masyado kasi siyang marupok na konting asar, konting landi bibigay agad. Kagaya na lang nitong kay Jessica. Ang sabi sa akin ni Alex, inasar lang daw si Drei dun kay Jessica dahil may gusto daw ito sa kanya at ito namang marupok na 'to, nahulog agad. Probably the reason why we become close. I wanted to protect him, well... I can't control who he will date, but I at least want to be there whenever he got hurt.
Ganon naman palagi, ako yung kaibigan niya na lagi niyang nilalapitan sa tuwing nasasaktan siya. Ako yung nagcocomfort sa kanya. Ako ang nagpapatawa at nag aadvise sa kanya tuwing nasasaktan. Kaibigan ako kaya syempre di ko maiiwasang hindi magalit dun sa babae. Mga tanga eh, bakit ba nila sinasaktan yung mga lalaking seryoso?
Wow, Aki, coming from you?! Eh diba sinaktan mo si Samuel na walang ginawa kundi ang mahalin ka.
Well, this is always what happens. Magaling akong magcomfort at mag advise, kaya nga kami nagkasundo si Drei, at nang iba pang mga lalaking naging kaibigan ko. Na kalauanan ay nahulog na din sa akin, wala man akong motibong ipinapakita. At isa na nga dun si Samuel.
Ako:
Eh bakit ayaw mong makipag usap? Ako na nga itong friendly ayaw mo pa? choosy 'to, di naman yummy!
Tumawa ako sa aking mensahe para kay Samuel, nakakatuwa siya napaka uptight. Medyo mailap eh. Pabebe, nacucute-an naman sakin. Panigurado pikon na 'to.
Samuel:
Wag mo nga akong ichat! Broken-hearted ako
Kumunot ang noo ko? Niloloko yata ako! N'ong isang araw lang na kachat ko siya inaasar pa ako na may girlfriend siya, wag na daw akong umasa tapos ngayon broken daw? Assuming naman siya, akala niya ata gusto ko siya, eh hindi ko naman siya type.
Ako:
Ulol ka! Parang kahapon lang iniinggit mo pa ako na kasi may jowa ka! Di kita type, ulol!
Samuel:
Wala na kami ng girlfriend ko
Ay? Hala? Bakit sinasabi sa akin? Para ako naman yung sunod? Parang gago
Ako:
Ay, siya tagay na , bro!
Agad naman siyang nagreply
Samuel:
Hindi mo ba ako icocomfort?
Kumunot ang noo ko. Tangina naman, oh! Palagi na lang ba? Bakit ba ako nilalapitan ng mga broken-hearted? Bakit sa akin na lang palagi nagpapacomfort?
Well, wala din naman akong magawa kaya sige na, hindi na masama.
Ako:
Sige, magkwento ka.
Ilang sandal lang ay tumunog ang aking cellphone sa tawag niya.
("hello") sabi nya sa isang mababa at basag na boses.
"Ay, hala! Broken ka nga! Akala ko joke lang para matawagan mo ako." Tumawa ako, trying to light up the mood.
(nakakapagod din pala.) nabasag lalo ang boses nya. Narinig ko ang buntong hininga niya. Pumikit ako at inintay ang kanyang mga sasabihin. (Mahal ko siya, pero hindi ata talaga sapat ang pagmamahal kung hindi marunong makuntento ang isang tao. Ilang beses ko na siyang pinatawad pero paulit ulit lang din siya. Nakakapagod na.... kaya hinayaan ko na.) narinig ko pa ang iyak niya sa kabilang linya.
God! I hate this feeling! Well, wala ako sa posisyon para magsalita dahil hindi ko naman alam kung anong dahilan nung babae pero isa lang ang sigurado. Nasasaktan si Samuel ngayon, mahal niya nga talaga... hindi ko din pwedeng sisihin yung babae kasi hindi ko naman siya kilala pero pwede ko naman sigurong icomfort si Samuel.
Hinayaan ko lang siyang umiyak at maglabas ng sama ng loob. Mahirap kasi yung dala dala mo yung bigat sa dibidib. Ang hirap kaya hinayaan ko siyang ilabas yung nararamdaman niya para mabawasan yung bigat. Minsan kasi kailagan mo lang umiyak, kailangan mo lang maging mahina tapos pagkatapos non okay ka na ulit. Iiyak lang ako ngayon para bukas okay na ako ulit.
"Hmmm.. Hindi ko naman masabi sayo na okay lang 'yan kasi hindi ka okay. Pero magiging okay ka din eventually, alam ko. Siguro ano.. siguro murahin mo na lang yung babae." Seryoso kong sinabi
Narinig ko pa ang pagkakasamid siya sa kabilang linya kaya tumawa ako.
"Effective kasi yun! Laitin mo yung nanakit sayo! Hanapan mo ng pangit. Kunyare ganito..." isang tikhim ang aking pinakawalan bago nagpatuloy, "Ang panget panget naman niyang si Kelvin, akala niya kung sinong gwapo. Mukha naman siyang unggoy. Supot siya! Inutil!" sabi ko pa with feelings.
Narinig ko ang tawa niya sa kabilang linya, ay wow koya tawang tawa ka, ah? Saya ka? Happy? Happy?
(bakit ko naman siya mumurahin at lalaitin eh mahal ko siya?) saad niya nang makarecover siya sa pagkakatawa.
"Akala ko ba gusto mong makalimot at makamove on? Ako naman nag aadvise lang. Nasasayo kung susundin mo." Nagkibit balikat ako at lumakad patungo sa aking kama upang humiga.
("Nakakatakot ka naman palang kaaway.") Natatawang saad niya.
Tumawa lang ako at hindi na nagsalita. Nakakatakot ba ako? Well, I was certain that I was not! I am always warm and soft kaya, though sometimes nagtataray ako lalo na kapag may pagkatatanga tanga ang kausap. Pero sigurado naman akong mabait ako.
("Sino pala si Kelvin? Boyfriend mo?") si Samuel nang mapansin sigurong hindi na ako nagsalita.
Humalakhak ako bago nagsalita, "Hindi, crush ko! Kaso tanga, eh. Ayaw sa akin, choosy pa! akala ata hahabulin ko siya. Edi kung ayaw niya, edi hahanap ako ng iba!"
("So, single ka? Wala kang boyfriend")
Sumimangot ako, bwisit to ah, kailangang ipamukha sa akin na single ako?
"Wala. Hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend. Gusto mo i-try? Kung jojowain mo ako, ikaw ang first boyfriend ko." Biro ko pa
Dahil doon halos palagi na kaming magka-usap ni Samuel, walang araw na hindi kami magkausap. Na siyang nagpagulo sa akin. Unang-una mali.. kakagaling lang niya sa break up at parang ang weird naman na ako yung susunod. Parang bantay-salakay ang dating. Pangalawa, hindi ko siya gusto. Hindi ko pa siya gusto pero natutuwa ako sa kanya at masarap siyang kausap. Pangatlo, gusto siya ng isa sa kaibigan ko... kaya mas lalong hindi pwede.
"Naiinggit ako sayo, Aki!" ngumuso si Joy sa akin, kaibigan ko.
Kumunot ang noo ko.
"Huh? Bukod sa maganda ako, bakit ka naman naiinggit?" naguguluhan kong tanong.
Nag iwas siya ng tingin, "Kasi nakikita kong close kayo ni Samuel. Eh, ako? Ni hindi man lang niya ako china-chat. Nag chat ako sa kanya nung isang araw pero sineen lang niya ako."
Pumikit ako ng mariin bago siya tiningnan. "Gusto mo bang iwasan ko na lang siya? Sabihin mo lang kasi gagawin ko. Ayokong magkakasira tayo dahil lang sa lalaki."
Bumilog ang mga mata niya, nagtagal ang tingin niya sa akin bago malungkot na ngumiti.
"Hindi, Aki... Hindi mo kailangang umiwas dahil sakin. Crush ko lang naman siya at alam kong hindi naman niya ako gusto. Nakikita kong ikaw ang gusto niya, eh. Kung gusto mo siya, wag kang mahiya sa akin. Wag mo akong isipin." Matabang niyang sabi.
Okay lang pero halatang hindi nagugustuhan? I somehow felt bothered kahit wala naman akong ginagawang masama. Bago naman ako makipag usap kay Samuel nagsabi ako sa kanya na nagkakausap kami. Hindi dahil balak kong i-boyfriend si Samuel, pero dahil nirerespeto ko ang pagkakaibigan namin. Kaibigan ko siya at ayaw kong magkalamat kami.
"Joy, look. Kung nakikita mo din, hindi ko gusto si Samuel. Magkaibigan lang talaga kami, I swear! At kung iniisip ko na nilalandi ko siya, Joy hindi. Kaibigan lang talaga. Kung gusto mo sabihin ko sa kanya na kausapin ka niya, baka sakaling madevelop kayo."
Marahas siyang umiling at umirap sa akin.
"Hindi mo na nga kasi sabi kailangang gawin iyon! Kung ginawa mo iyon, magmumukha akong desperada!" iritado niyang sinabi bago ako tinalikuran.
Nalaglag ang aking panga sa kanyang inasal. Seriously? Ganon ba kababaw ang tingin niya sa akin? Na ipagpapalit ko ang friendship naming dahil sa lalaki? May kung anong gumuhit sa aking dibdib. Nagtatampo sa aking kaibigan. Bakit niya ako pinagdududahan? Ilang taon na kaming magkaibigan pero nagawa niya akong pagdudahan. Ang immature ha? Dahil talaga sa lalaki?
"Ang rahas ng tingin mo, ah! Parang anumang oras handa ka nang pumatay." Napatalon ako sa gulat ng may magsalita sa tabi ko
"Samuel!" sigaw ko sa pagkagulat.
Tumawa lang si Samuel at inabutan ako ng tubig.
"Inom ka muna, mukhang patay na sa utak mo yung kaaway mo, eh."
Tinanggap ko ang tubig na inalok niya at ininom iyon. Hilaw akong ngumisi sa kanya at nagpasalamat.
Nag aalala ang kanyang tingin sa akin.
"Anong problema? Pwede mo akong sabihan."
"May hindi kami pinagkaunawaan ni Joy, eh. Nagalit sa akin."
Yumuko ako, hindi ko pwedeng sabihin sa kanya kung anong dahilan dahil kung sasabihin ko naman lalabas lang na nagsusumbong ako at baka isipin ni Joy na nag papaawa ako kay Samuel.
Ngumiti siya, "Kung ano man ang hindi niyo pagkakaunawaan, maayos niyo din 'yan."
Ngumuso ako at tumango na lang. Nang bumaling ako sa kanya ay nakita ko ang marahan niyang titig sa akin kaya tumawa ako at nag iwas ng tingin. I suddenly felt conscious. May dumi ba ako sa mukha?
"Oh, gandang ganda ka na sakin? Baka matunaw ako, ha!"
I laughed, trying to make it looked like I'm not bothered by his stare.
"Tama ka, maganda ka nga."
Ako naman ang nasamid sa pagkakataong ito at pinamulahan. Puta ka, Aki! Maganda ka daw! Kalma, Aurelia! Nagsasabi lang siya ng totoo, wag kang kabahan!
"Are you hitting on me? Cause I'm telling you, I won't buy it. I am certainly not a rebound. And I'm not willing to be one."
Nagulat siya sa sinabi ko at agad na umiling, unti unti niyang hinawakan ang aking kamay.
"No, Aki.... You are not going to be a rebound. I have no plans of making you my rebound. Siguro mali akong sinabi koi to sayo kaagad. Masyadong mabilis, pero gusto kong malaman mo na..... Nahuhulog na ako, sayo. Gustong-gusto kita. At nararamdaman ko din naman na gusto mo din ako. Kaya, Aki... please, give me my chance."
Pinagtaasan ko ng kilay ang sinabi niya. Assuming! Kaya madalas nasasaktan, eh! Gusto ko daw agad siya? Hala, wala pa ngang 1 month, eh. Tsaka oo, hindi siya mahirap pakisamahan pero hindi ko pa nakikita ang sarili ko na magkakameron ng relasyon sa kanya eh. Pero, single naman ako, single din siya. The only problem is Joy. She would probably hate me for this. I should be careful. Friendship over boys!
"Samuel, let me think of it first, okay? Just like what you've said, this is too fast. At hindi naman tayo nagmamadali diba? We're just 17 and... uh, let's just go with the flow."
The next days, Joy approached me and said sorry. Sinabi niya din sa akin na okay lang daw kung magustuhan ko si Samuel, hahanap na lang daw siya ng ibang crush. Wag ko daw iturn down si Samuel dahil sa kanya. Which is a little bit confusing, kasi last time I checked, inaway niya ako dahil gusting gusto niya si Samuel and now hindi na daw? Pero dahil na din kaibigan ko siya may pagdududa man ng kaunti sa likod ng aking isipan ay pinagkatiwalaan ko siya.
Si Samuel naman ay patuloy na ipinramdam sa akin na gusto niya, hindi kalauanan ay pumayag na din ako. Hindi siya mahirap magustuhan kaya napapayag din ako. Yun nga lang umabot lang ng ilang buwan ang pagkagusto ko sa kanya, akalain mo yun? May expiration pala ang nararamdaman ko? Sana kasi nilagyan niya ng label.
Noong una ay ayos naman ang relasyon naman, andyan yung kilig kilig pero kalauanan ay nasakal din ako. Selos ng selos. Ultimo pinsan ko ay pinagseselosan. Sinubukan ko namang ayusin at tyagain pero wala talaga, eh.
"Aki, bakit may nagchachat na naman sayo?!" mariing sabi ni Samuel na siyang ikinagalit ko na din.
Tumayo ako at lumapit sa kanya.
"Hindi ko hawak ang isip ng mga sumusubok na magchat sa akin! At isa pa, bakit ka ba nagagalit diyan eh hindi naman ako nagrereply, ah!"
"Hindi ka nga nagrereply, pero nagseselos pa din ako! Ako lang dapat ang nagchachat sayo! Hindi na pwede yung iba!"
Nagpintig ang tainga ko sa narinig. Tangina? Label muna, boy bago selos! The demon in me is dominating and I can't do something about it!
"Bat ka ba sobra kung makaselos at bakit ba napakacontroling mo, eh hindi naman tayo?! Kung umasta ka paarang boyfriend kita, eh kalandian lang naman kita!" iritado kong sinabi sa kanya bago ako nagsimulang umalis.
Bago tuluyang umalis ay nilingon ko siya, laglag ang kanyang panga. Hindi makapaniwala sa narinig. Gulat ka, 'no? Akala mo patay na patay ako sayo? Luh!
This is bad, I know. I started this game na gusto ko siya, but then along the way nawala yung feelings. That was the reason why I really think na hindi sapat yung kinikilig ka sa tao para inext level niyo na. May expiration, eh. Hindi pala unlimited kaya sa next time na lalandi ako, titimbangin ko muna kung magtatagal ba, para sa huli wala akong masaktan.