Chereads / See You at the OPD / Chapter 5 - Ikaapat

Chapter 5 - Ikaapat

04

"Aurelia Cynara!" napatingnin ako Krisha na ngayon ay humahabol sa akin. Papunta ako sa university canteen ngayon dahil kikitain ko si Samuel. Kaya naman nagtaka ako na andito si Krisha at humahabol sa akin.

"Bakit?" pagtataka ko pa.

Ngumiti siya, "Sama ako! Iniwan ako ni Kym, eh. Makikipagdate daw."

Tinanguan ko lang siya at nagpatuloy lumakad, sumunod naman siya sa akin. Pagkapasok ko pa lang sa may entrada ng building kung saan naroon ang canteen ay nakita ko na agad ang nakatayong si Samuel. Lumilinga linga sa paligid nang matagpuan niya ang aking mata ay agad siyang ngumiti. Naglakad ako papalapit sa kanya at halos makalimutan ko nang kasama ko nga pala si Krisha.

"Huh? Parang siya yung kasabay ko sa jeep noong isang araw." Komento ni Krisha sa aking gilid na pinagsawalang bahala ko na lang.

"Samuel," saad ko nang makalapit ako sa kanya.

Sa totoo lang nahihiya ako ngayon, alam kong literal na makapal ang mukha ko pero nakakahiya na nagpadrawing ako sa kanya. Hanggang ngayon ay nagpaparamdam pa din siya sa akin, sinasabi niya na hindi naman daw niya ako mamadaliin, ayos lang daw sa kanya kahit kaibigan lang kami. Masama mang tingnan dahil may gusto siya akin at nang humingi ako ng tulong tungkol dito sa padrawing drawing na ito ay nahiya talaga ako. Ang labas parang manggagamit ako eh.

Hindi nga ba, Aki?

"Dadalhin ko na sana sayo ito para hindi ka na napagod pumunta dito." Ngumiti siya sa akin at inilahad ang folder kung nasaan yung project ko.

Umiling ako at ngayon nakaramdam na talaga ako ng hiya. Alanganin akong tumawa, "Naku, Samuel! Salamat talaga! Nakakahiya talaga ito!"

Tumawa siya at pinisil ang aking pisngi. Kung normal na araw ito siguro ay guguluhin niya ang buhok, pero dahil nakapusod ito ngayon ay pinisil na lang niya ang aking pisngi.

"Ano ka ba Aki? Diba sabi ko naman sayo handa akong tulungan ka! Wala ito! Wag kang mahiya sa akin. Masaya akong nakakatulong."

Narinig ko naman ang tikhim ni Krisha sa gilid kaya napabaling ako sa kanya, nakalimutan ko na naman siya! Kailangan ko siyang ipakilala diba?

"Samuel, si Krisha kaklase ko. Krisha, si Samuel kaibigan ko." Matamis na ngumiti si Krisha at naglahad ng kamay, tinanggap naman ito ni Samuel at ngumiti na din siya.

"Hi! Ako si krisha, but you can call me tonight if you want!" Krisha giggled na nagpangiwi sa akin.

Ang landi ng babaeng ito, ah?

Tumawa lang si Samuel sa biro ng kaibigan ko at umiling.

"How can I call you tonight, I don't even have your contact details?"

Mas lalong lumaki ang ngisi ni Krisha na tila ba saying saya talaga ito, "You want my number?"

Bago pa man sila mag bigayan ng number ay nagsalita na ako. Ang dalawang ito, maglalandian na nga lang dito pa sa harap ko.

"Samuel, don't you have class na? May next subject na kasi, strict ang prof namin." Sa kauna unahang pagkakataon ay nagpasalamat ako na stikto ang prof naming sa Anatomy na siyang kinatatakutan din naming lahat kaya naman nagmamadali na din si Krishang nagpaalam at nakalimutan na din ata ang kalandian.

Ngumisi ako sa nakita. Nagpaalam na kami kay Samuel at nagsimula nang maglakad papalayo. Habang naglalakad kami ay salita ng salita si krisha na hinayaan ko na lang. panay ang papuri niya kay Samuel.

"Is he really your friend? I can see that you two are close, uhm, maybe you could match us?" her eyes twinkled.

Huminga ako ng malalim, "I'm sorry to break your hopes, but my dear, that would be awkward."

"Huh? Why?"

"He's my almost. We got a thing back then." I shrugged.

Natigilan siya at nag isip, "But you got over him na, right?"

Natigilan ako sa tanong niya. Did I? pinili kong hindi sagutin ang tanong niya. Napapaisip din ako. I was certain that I fell out of love, but lately I've been thinking of him. I am considering of maybe giving him a chance? Giving us again a try? Maybe this time, I would be mature enough to gamble and stay with him?

"I don't really like a clingy and controlling boyfriend. Pakiramdam ko nawawalan ako ng kalayaan, though I know that it is part of what so we called commitment. Still, I need my freedom." Sabi ko isang hapon habang nakatamabay si Krisha sa apartment ko.

I don't really like her but I think she's okay naman. Unlike Joy, she's more real and transparent. Kapag nagagalit siya o di kaya ay naiirita sinasabi niya sa akin. The reason why I liked her. Afterall, I think it would be great if I would be able to have a friend like her.

Aside from that, taga dito talaga si Krisha sa San Nicholas kaya naman medyo natutuwa akong pakisamahan siya dahil nagagamit ko siya sa pag explore sa bagong lugar na ito.

"Ah, kaya mo iniwan?" ngumiti siya, "I really like you, Aki! We have the same attitude. I know it's bad but what can we do, right? At minsan kasi madalas ay nahuhulog tayo sa kilig kilig na iyan kaya akala natin ay iyon na, pero oras na mabigyan tayo ng pansin, bigla bigla na lang nawawala yung feelings. Ang astig nga parang magic!" tumawa pa siya.

Nagtagal ang tingin ko sa kanya at nag isip. I should tell her what I feel, right?

"Krish, I think... I like Samuel na ulit. Na willing na ulit akong bigyan siya ng pagkakataon. I am thinking of.... Maybe we'll work this time? Watchathink?"

Bumuntong hininga siya.

"I don't think you like him na ulit. Baka naman nathethreatened ka lang? 'Coz, here I am voicing out my feelings and agenda for him once na pansinin niya ako?"

Nanliit ang mga mata ko. I'm starting to hate her! How dare her!

"Hindi ka ba naaawa? I like you, Aki, gaya ng sinabi ko. But come to think of it, why ngayon lang diba? Ngayon lang kung kalian may handa nang pumulot sa kanya. Ano? Totoo yung kasabihan na kapag wala na sayo tsaka mo lang marerealize ang halaga? I can see that he's a great guy and I think you don't deserve him."

Nalaglag ang aking panga sa sinabi. Totoong nawindang. Iritado talaga ako sa kanya ngayon!

"Krisha! Bakit ba yung ex ko ang pinagdidiskitahan mo? Diba ang dami mo namang lalaki? Na pinaiikot mo dyan sa mga palad mo? I'm sorry, you're my friend. I really consider you as my friend but I'm not gonna lie, you're not the right girl for him. You're right, he's great and I think he deserves the best. And that best wasn't you. Sasaktan mo lang din siya eh." Mariin kong sinabi. I don't wanna fight her, but she's provoking me.

"Wow, so he's your ex na? last time I checked, you don't want to call him your ex 'coz you are saying na never naman nagging kayo." Ngumiti siya.

Gusto ko siyang paalisin sa irita! Nakakainis ang babaeng ito! Wala ba siyang respeto?

"Can you leave?"

"Woah, easy, girl! Easy!" tumawa siya. "I was just testing. Masyado ka namang hot-headed diyan! So pikon, huh?!"

Sinamaan ko siya ng tingin, "Just leave."

Umiling siya at mas lalo pang dumikit sa akin. May ngising asong nakaplaster sa kanyang mukha.

"You like him, don't you? Chat him! Go, tell your feelings! Wag ka nang maghintay na mawala yung feelings niya."

That night I messaged Samuel telling him that maybe we should give it a try again. He immediately called me. Masaya siya, but he said we should take it slow para sigurado na.

Funny how nabaliktad ang sitwasyon ngayon. Ako na yung naghahabol, stupid Aki! Nagyon mo lang nalaman ang halaga kasi pakiramdam mo may nagpapasaya nang iba? Nakita mong kayang sumaya kahit wala ka?

I don't know if it's my ego or I do really like him. But nang makita kong parang may ibang nagpapasaya na sa kanya may gumagapang na sakit sa aking dibdib.

"Hey, Sam. I don't wanna hurt you. Naguguilty ako."

Tumawa siya, "That was silly, Aki! I volunteered. It's okay. And besides hindi mo naman sasadyain na saktan ako diba?"

That was a lie, having him as a patient means I would intentionally hurt him. Today I asked him if he could be my patient and he said yes. I need someone na mapapagpractisan kasi may return demonstration kami later para sa isa sa major subject naming. It was intradermal injecton, which is the painful injection of all! Alam ko kasi ilang beses na akong na-try-an ng mga kaklase ko.

"Are you sure about this?" I said ng nag aalis na ako ng bubbles sa syringe.

Tumango naman siya at ngumiti. I sighed, "Wala nang atrasan ha? This gonna hurt a lot, because of the many pain receptors in our forearm." Sabi ko habang pinupunasan ng alcohol swab ang kanyang braso, for aseptic purposes.

Ipinuwesto ko na ang hawak kong syringe sa may braso niya. Nakabevel up ang needle nito. "Tutusok na ko ha, ipapasok ko na." There I slowly inserted the needle in 5-10° angle, nang nakita kong nakapasok na sa kanyang balat ay unti unti kong ipinush ang plunger para makabuo ng wheel. Nang nakita ko na nakabuo na ako ng wheel ay tinanggal ko na ang needle at nirecap ito, usually sa hospital we don't recapped needles but right now is just a practice kaya tingin ko ay okay lang, isa pang paalala sa amin ng mga clinical instructors namin is to never ever use the syringe twice.

Nakita ko ang pagnaguwi ni Samuel, kaya agad akong naguilty. Alam kong masakit iyon.

"I'm really really sorry, Samuel. I didn't want to hurt you pero di maiiwasan eh."

That was one of my moments with Samuel nang marealize ko na gusto ko pala talaga siya. Just when I was thought that I was ready for him, that I am ready to be mature with him bigla na lang sinabi sa akin na infatuated lang daw siya sa akin. At ang gago ghinost ako! Bigla bigla na lang akong naechapwera sa tabi. At bigla bigla na lang nagkaroon ng iba. Ano yung amin? Nasaan ako? Bakit nagkameron ng iba?

Alexa Ilacad ang peg ng lola niyo, where was I? Nasaktan ako pero hindi ako umiyak. I thought of it na isang malaking downs lang. Hindi ako pwedeng magbreakdown, I don't have time for that. Madami pa akong dapat aralin at sauluhin.

Naghost ako, pero hindi ibig sabihin non ay katapusan na ng mundo. Hindi mauubos ang mga aralin ko dahil lang ghinost ako ng isang lalaki.