05
Medyo naiirita ako habang nakaharap ako sa salamin. Paano ba naman ay may tatlong bagong pimples na naman ang tumubo sa aking mukha. Noong nakaraan ay natanggal na ang mga ito, pero dahil sa pagpupuyat ko nitong nakaraang ilang linggo ay nagsilabasan naman sila.
Tiningnan ko ang drug study na aking ginagawa at sinamaan ito ng tingin, "Ikaw ang may kasalanan nito!" iritado kong sisi sa aking ginagawa.
Masakit na ang aking kamay sa kasusulat sa walang katapusang mga gamot na ito. Bukod pa doon ay masakit na din ang aking pwet dahil ilang oras na akong nakaupo.
"Shit!" sigaw ko nang maaamoy ko ang iniinit kong ulam na nasusunog na ata ngayon! Patakbo ko itong nilapitan at agad na pinatay ang stove. Ngumiwi ako ng nakitang sunog na ang adobong ulam ko sana ngayon.
Ang hirap naman nito, ang hirap hirap na nga ng inaaral ko, mag isa pa ako sa buhay! Ano ba 'to? Lonely na ba talaga ang buong college life ko? Parang gusto ko nang umuwi sa amin sa putinglupa. tiningnan ko ang abodo na mukhang wala nang pag asa, kaya mag sasardinas na lang ako.
Kumakalam na ang aking sikmura dahil naalala kong nakaligtaan ko na pala ang pagkain ng tanghalian dahil sa dami ng ginagawa at alas otso na ngayon. Sawang sawa na din ako sa sardinas pero choosy pa ba ako? Wala naman din akong choice dahil nagtitipid ako, madami kaming project at napakagastos ng mga iyon!
Habang kumakain ako ay bigla na lang tumunog ang aking cellphone, umirap ako at agad ko itong kinuha. Nakita ko nag dm si Drei sa twitter. Kumunot ang noo ko dahil matagal tagal na din kaming hindi nag uusap dahil busy ako at busy din ata yun.
Dreiseason: Ang drama mo, ate!
Lalo akong naguluhan sa message niya, bakit ako madrama? Chineck ko yung mga tweets ko at wala naman akong kadramahan na ipinapakita eh!
Akimesina: got the wrong account, eh? :P
Agad siyang nagreply, bilis ah? Wala sigurong chix ito!
Dreiseason: no, nadadramahan ako sa tweets mo. Got a problem?
Akimesina: not really a problem, just school related, you know.. nursing has been fucking me every fucking time.
Dreiseason: but you're doing great, that's what matters I guess.
Napangiti ako, napagtantong ang tagal naming walang usap. Isang taong mahigit na din simula ng huli kaming magkita. I heard his doing great in Manila? Nagkagirlfriend din siya pero kalauanan ay naghiwalay din dahil nasasakal siya sa demands noong babae. And as usual, I was there nung nagbreak sila. Sa akin na naman nag sumbong at nagpacomfort ang isang ito.
Dreiseason: alam ko nahihirapan ka ngayon, pero wag mo sanang ipagkalat na nafaflat na yung pwet mo dahil wala ka naman non hahahaha
Agad akong napasimangot sa isa pang menhase na galling sa kanya, napahawak na din ako sa aking pwet at dinama ito, meron naman ah? Hindi gaanong kalaki, pero meron naman!
Akimesina: how did you know na wala ako non? Don't tell me you're looking at my bum?
Dreiseason: wala ka namang pwet kaya anong titingnan ko?
Nagtagal pa ang asaran naming ni Drei bago ko siya naisipang kamustahin.
Akimesina: how are u, by the way? alaws ka ba prospect at ako ang ginunulo mo?
Dreiseason: wala, eh. May mairereto ka ba?
Umirap ako, this manwhore!
Akimesina: sorry, but wala akong mairereto, my pretty girl friends are all taken! Ako na lang ang single, kaya ako na lang ang chix.
Dreiseason: edi, ikaw na lang? :">
Nasamid ako sa sarili kong laway ng makita ko ang reply niya! What the? Ang lalaking ito ako pa ang pagtitripan!
Akimesina: are u sure u want me? Wait, don't you have special someone rn? Kahit kalandian?
Dreiseason: just kidding! Baka magkagalit tayo, wag na lang!
Dreiseason: at wala akong kalandian ngayon, kaya nga nanghihingi ako sayo
Kumunot ang noo ko? Magkagalit? Why?
Akimesina: can't you stay single until you met the one na? why so hamit?
Dreiseason: kasi lahat ng friends ko may jowa na, ako na lang ang wala.
Akimesina: ify, orb! I'm single!
Dreiseason: bakit ka single? Wala bang nanliligaw sayo?
Pasamado ang bibig? Busalan kaya natin?
Akimesina: ikaw, why are you single?
Dreimesina: kasi walang may gusto sa akin?
Humalaklak ako, may nabubuong plano sa aking isipan. Hindi naman masamang maglaro diba?
Akimesina: you sure na wala?
Dreiseason: yes! Ayaw nila sa akin eh
Don't worry, Drei, I can pretend that I like you.
Akimesina: Drei...
Dreiseason: ano?
Akimesina: I like you!
Humagalpak ako ng maisend ko ang message na iyon! Panigurado kinakabahan ang lalaking iyon! Kukulitin kita, Drei! But just make sure that you won't fall for me, okay? Laro lang...
Mabilis na lumipas ang panahon, as usual mahirap pa din ang nursing! I have a lot of struggles especially sa pharmacology! It's just unbelievable! Ang dami daming computations and so on! Bukod pa doon ay ang hirap hirap bigkasin ng mga gamot! May generic name, may brand name yung mga adverse effects at side effects pa!
"Aki, what's the difference between side effects and adverse effect?" Didi asked. We're reviewing at my apartment.
"Well, the side effect of a drug is the expected or intended effects when you take the drug, let say ciprofloxacin.. Upon giving your patient ciprofloxacin, there's a high possibility that the patient will experience headache, abdominal pain, nausea and vomiting, well that effects are expected because they are side effects of a drug. Whereas adverse effect is the unexpected one, they are the dangerous one, because adverse effect if not managed can lead to fatality, let say anaphylaxis."
My exams went errr. Well, I can say. I'm not really sure if I got high passing score, but I am not really aiming for that. Passing score is enough, at the end of the day naman it is the attitude that matters. At hindi din naman itatanong ng mga pasyente ko ang grade ko bago ko sila pagsilbihan.
"It's so tiring, Aki! Out-patient department is fucking toxic! There's a lot of patients and relatives talaga! Sobrang nakakadrain. Yung boses ko is naubos na sa kasisigaw." Kwento ni Didi, halata ngang pagod na pagod, eh?
Well, it was really tiring. Yung ospital kung saan kasi siya nagduduty ay regional hospital kaya napakadami talagang tao, at dahil hindi naman kami magkagroup at hindi din naman kami magkaparehas ng ospital ay hindi ko pa naeexperience ang sinasabi niya, though OB ward is kind of toxic din, but keri lang para naman sa pasyente.
Ngumisi ako, "Saan ka ba napagod? Sa duty ba talaga o sa paghahanap ng gwapo sa ospital?" Biro ko pa sa kanya.
Well, dahil nga wala namang gwapo sa nursing (kasi kung sa nursing ka lang din naman hahanap ay wala ka talagang makikita), isa talaga sa habol naming sa pag duty ay ang paghahanap ng mga gwapong doctor sa ospital! Pampalubag man lang sa mga toxic na duty.
"Well, walang masyadong gwapo sa area ko, obstetric at pedia ang area natin eh, but sa may surgical department ang daming gwapo! I can't really wait na mag third year na tayo para dun surgical ward na tayo!"
Totoo dahil nga second year palang kami ay puro maternal and child ang cases namin ngayon kaya wala talaga kaming nakakasamuhang lalaking doctor masyado dahil karamihan ng mga ob-gyne ay babae, ganon din sa pedia.
"Happy birthday, Aki!" si Drei sa kabilang linya.
Napangiti ako, it's just a simple greeting but it made my heart flutter. It has been months since I started the stupid game of mine. At first I hesitated for some known reason, but as I talked to him, I fell. I don't know if this feeling was strong enough, but I am willing to compromise. He said he doesn't want me, he rejected me a lot of times pero iba ang sinasabi niya sa kinikilos niya kaya ipinagpatuloy ko.
Bilib nga ako sa sarili ko, imagine ang hirap ng nursing pero naisabay ko pa din ang paglandi! Multitasker ka, ghorl?
"Happy birthday lang? Wala kang gift?" humalakhak ako.
"Ano bang gusto mo?" Ikaw, char!
"Date mo ko!" speed ka ate ghorl?
Tumawa siya, "Bat naman kita idedate?"
Pakipot pa ito, gusto din naman akong kadate!
"Kasi birthday ko, sige na mabait naman ako! Hindi ako nagmumura promise." Sabi ko sa isang pabebeng boses, pota nakakakilabot!
"Ulol, nakita ko tweet mo, kakamura mo lang doon!"
Umirap ako, "Niloloko ko lang kaibigan ko, tawang tawa sakin yun pag nagmumura ako eh!"
Humalakhak siya, "Hmmm. Eh, bakit ako hindi mo ko minumura?"
"Bakit kita mumurahin eh gusto kita?" potang bibig to! Napaka landi!
Narinig ko ang ilang beses niyang paghinga sa kabilang linya, nabigla ata sa pagiging aggressive ko!
"Oy? Gago ka?" ramdam ko ang ngisi niya sa kabilang linya o baka masyado lang akong nagfefeeling?
"Uy, kinabahan siya!"
Tumikhim siya.
"Bakit naman ako kakabahan?" bahagya siyang nautal.
Tumawa ako, "Kasi gusto kita?"
Hay nako, Aurelia Cynara ang babaeng aggressive!
"Gusto ka ba?" ayun! Sapul! Bull's eye!
Ngumuso ako, bat nangrerealtalk koya? Label muna ba?
"Aba, malay ko! Hindi ko nga alam, eh!"
Isang malakas na tawa ang pinakawalan niya.
"Syempre." Tumigil siya ng ilang saglit bago ulit nagsalita. "Oh, alam mo na ang sagot?"
Ako naman ang hindi mapakali ngayon. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng puso ko at ang panlalambot ng tuhod ko, mabuti na lamang at nakahiga ako ngayon sa aking kama kung hindi ay baka humandusay na ako dahil sa panlalambot.
"S-seryoso?" Nasaan ang tapang mo, Aki? Nasaan ang landi mo?
"Oo," seryoso niyang sinabi.
"Hoy, tangina?"
"Ayaw mo ata-'' binitin ko na ang sasabihin niya, syempre gusto ko!
"Hoy, gago ka! Pinapakilig mo ako ng bongga ngayon! Seryoso ka ba talaga? Baka scam to ha? Mamaya issa prank pala!"
Narinig ko ang tawa niya, pinagtitripan ata ako!
"Huh? Ano bang sinabi ko?"
Ang gagong ito pinaglalaruan ata ako!
"Sabi mo gusto mo ako?!"
"Huh? Hindi, ah! Wala akong sinabi. Ang sabi ko syempre, alam mo na. Yung palagi kong sagot sayo, hindi!" tumawa siya ng tumawa sa kabilang linya ako naman nakaramdam ng iritasyon at hiya!
"Bwisit ka! Bahala ka na dyan! Pinakilig mo ako tapos binitin mo lang ako! Matutulog na ako bahala ka dyan!"
"Matulog ka na nga, madaling araw na puro ka pa din landi! Sige na, Aki. Happy birthday ulit!"
Hindi agad ako nakatulog dahil sa tawag na iyon, masyado akong kinilig yun pala joke time lang ampota. Kaya naman antok na antok pa ako nang magising ako sa katok sa pinto ng apartment ko.
Sino ba itong bwisit na ito? Sabado na sabado at birthday ko pa umeepal sa pagtulog ko! Walang suklay suklay, hindi ko na inintindi ang itsura ko nang bumangon ako at ibuksan ang pinto. Kaya naman laking gulat ko nang bumungad sa akin ang mabagong si Drei na may dala-dalang cake at isang pirasong rosas!
"Anak ng puta?! Mahabaging Diyos!" sabi ko sa gulantang.
Tumawa siya at lumapit sa akin.
"Happy birthday, Aki! Hindi mo man lang ba ako papapasukin?"