Chereads / See You at the OPD / Chapter 3 - Ikalawa

Chapter 3 - Ikalawa

02

"Bakit mo muna pinatigil si Samuel sa panliligaw niya?" pang aasar ni Drei na nagpasimangot sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Bakit muna ang rupok mo?"

Siya naman ang hindi makangiti ngayon, tumawa ako. Akala ata mananalo sa akin. Tiningnan ko siya, ngumunguso siya at napayuko kaya sinapak ko siya.

"Ano? Aminadong marupok? Ang problema kasi sayo, Drei... masyado kang malandi, na para bang mauubusan ka ng babae sa oras na hindi mo patulan yung mga nagkakagusto sayo. Hay nako, paalala ko lang ha? Hindi paligasahan ang pag ibig. Hindi din padamihan ng nagiging jowa. Bakit kaya hindi mo muna subukang mahalin ang sarili mo bago mo mahalin ang iba?"

Umismid siya at hindi na nagsalita. Nagsimula na lang siyang kumain kaya kumain na lang din ako. Oo nga pala, gutom nga pala ako. Nakalimutan ko dahil sa karupukan ng isang ito.

Habang kumakain ako ay bigla na lang nyang hinawakan ang gilid ng labi ko kaya natigilan ako. Pinanlakihan ko siya ng mata, "Oy, ano yan? Gusto mo akong halikan?"

Tumawa siya at bahaygang itinulak ang aking noo. "Feelingera! Ganda ka, teh?! Ang kalat mong kumain, may dumi ka. Hindi ka maganda, no!" kumuha siya ng tissue at ibinigay sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin. Nagsisinungaling siya! Hindi daw ako maganda? Sinungaling!

Sinungaling to, wag ko lang mababalitaan na liligawan mo ako ha? Dahil basted ka na agad sa akin!

"Anong plano mo?" saad niya ng mapansing nabuubusanna kami ng pinag uusapan.

"Mag aasawa?" natatawang sagot ko.

Ngumuso siya, "Yung seryoso na kasi. Kaya di ka nagkakajowa puro ka biro!"

Tumawa ako sa sinabi niya, hindi ako affected no! uminom muna ako ng tubig bago nagpatuloy.

"Nursing. Colegio de San Nicholas."

"Huh? Nursing? Akala ko ba mag e-engineering ka kaya ka nag STEM?" gulat na gulat?

Nagkibit balikat ako.

"Akala ko din. Pero narealized ko na gusto ko ng jowang doctor! Nung naospital kasi ako pucha ang gwapo nung nurse! Mahabagin! Baka sakaling ito na!" natatawang saad ko na may medyo katotohanan naman.

Totoong marami akong nakitang gwapong nurse sa ospital pero bonus na lang iyon kumbaga. Ang totoo kasi niyan ay pangarap ko talaga ito bata pa lamang ako.

Isa pa, hindi lahat kayang maging nurse. Sabi nga nila, many are called, but few are chosen. Baka sabihan niyo akong plastic kung sasabihin kong gusto kong makatulong pero iyon ang totoo.

"Ang landi nito!" sinuri niya ako ng tingin kaya inirapan ko siya. "Pero bagay sayo maging nurse, ah! Mukha ka naman maamo, mukhang hindi ka din nanlalapa. Kaya baka magtagumpay ka diyan sa course na gusto mo."

"Anong baka? Magtatagumpay ako, no!" maarte kong sinabi.

"Edi ikaw na ang magtatagumpay. Goodluck! Basta pag nahihirapan ka na, chat mo lang ako! Comfort kita!" kinindatan niya ako.

Ew!

"Bakit ichachat pa kung pwede mo naman akong ilibre na lang ng ice cream?"

Malungkot siyang ngumiti, "Mag mamaynila ako, eh. Iyon ang gusto ni mama."

Natigilan ako sa sinabi niya. Bahagya akong nalungkot, may kung anong sakit na dumaan sa aking dibdib. Malungkot ako dahil aalis ang kaibigan ko. Hindi naman kami ganoong kaclose pero kumapara kay Joy ay mas maayos naman itong si Drei pakisamahan. Madami din naman akong kaibigan pero iilan yung alam kong totoo at kabilang doon si Drei.

Madami akong kaibigan kapag kailangan nila ng tulong, pero kapag ako na yung nangangailangan ng tulong bigla bigla na lang nawawala. Si Joy, ayos naman siya nung una kaya lang simula ng maging kaklase namin si Samuel nag iba na siya. Crush niya, eh. Kaya inintindi ko na lang. Kaya lang nitong pinatigil ko si Samuel at alam kong nasaktan ko siya, bigla bigla na lang akong sinugod ni Joy at simampal nya ako. Ang gagong iyon may gusto pala kay Samuel, push pa ng push. Kung gusto naman pala niya sana sinabi niya. Di ko naman papatulan yun kung sinabi niyang hindi siya cool dun sa ideya na yon eh. Pero nagpapasalamat na din ako at nangyari iyon, at least nalaman ko ang ugali niya.

At ngayon, si Drei na lang ang natitirang totoong kaibigan ko tapos aalis pa siya.

Naramdaman niya siguro ang lungkot ko kaya tinapik niya ang balikat ko.

"Wag ka nang malungkot. Ichachat pa din kita. Wag kang mag-alala. Kaibigan mo pa din ako, Aki."

Mabilis na nagdaan ang mga araw. Hindi ko namalayan na ito na araw na pala ng pag alis ko. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung kakayanin ko ba. Sa unang pagkakataon sa buhay ko, malalayo ako sa aking pamilya. Noong una gustong gusto ko ang ideya na magdodorm ako. Ako lang mag-isa. Makakagala ako ano mang oras ko gustuhin, ngunit ngayon ko napagtantong parang mahirap. Walang magluluto ng pagkain ko, baka mangayayat ako pag nagkataon.

Gusto ko nang umatras pero pagkakataon ito para maging independent na ako. Eighteen na ako at dapat kong matutunang mamuhay ng mag isa. Hindi habang buhay andito ang parents ko para suportahan ako, kaya dapat kong kayanin at pagbutihin!

"Auring, kaya mo ba talaga?" naiiyak na saad ni Mama.

Malungkot akong ngumiti at tumango.

"Kakayanin ko, Mama! Para sa pangarap. Magtitiis ako. Magiging nurse mo ako diba?"

Ngumiti si Mama, may mumunting luha na sa kanyang pisngi.

"Mag iingat ka palagi ha? Kapag nahihirapan ka tumawag ka lang, kahit wala kang kailangan tumawag ka. Kakain ka sa tamang oras ha?"

Luh, si mama pa-fall!

"Oo, ma! Mag iingat po ako! Wag kang mag alala! Matatag tong anak mo, no!"

Nang masiguradong ayos na ako ay umalis na din sila. Umiyak pa si mama at paulit ulit na pinaalala sa akin na mag iingat ako at wag masyadong gagala lalo na kapag gabi na. Ngayon ay mag isa na lang ako sa apartment na aking tutuluyan. Nalulungkot ako, kahit naman iilan lang ang totoo kong kaibigan never ko namang naranasang maging mag-isa tulad ngayon. Wala akong kaibigan sa bagong escuelahan na ito, wala din akong kakilala.

Naputol ang aking pag mumuni muni ng tuminog ang aking cellphone, nagpopped out ang icon ni Samuel, agad ko itong binuksan.

Samuel:

Hi, Aki! Kamusta? See you, tomorrow!

Napangiti ako nang maalalang may kakilala naman pala ako sa bagong lugar na ito! Hindi kami pareho ng kurso kaya tiyak na hindi kami madalas magkikita pero hindi na din masama! Maganda naman ang pag uusap naming dalawa! Nagkaliwanagan naman na kami. Kaya baka pwede naman kaming maging magkaibigan!

Kinabukasan ay maaga akong nagising, actually hindi naman talaga ako nakatulog! Hindi naman ako excited pero hindi ako nakatulog! Bukod sa namamahay ako ay kinakabahan pa din ako. Ang tanging nagpalubag sa aking loob ay ang pag iisip na maraming gwapo sa nursing!

Nakalugay ang aking mahabang buhok na nahahati sa gitna. Naglagay ako ng kaunting lip and cheek tint sa aking pisngi para lang magkaroon ng kulay ang aking mukha. Iningatan ko ang paglalagay ng cheek tint sa aking pisngi at siniguradong hindi mapapasobra dahil may iilang pimples ang aking pisngi. Mabilis akong mamula dahil ditto. Noong una naiinis ako sa mga lecheng pimples to, pero kalauanan napagtanto ko na hindi naman nakakabawas ng pagkatao itong mga pimples na to. Hindi naman nabawasan ang kagandahan ko, kaya hinayaan ko na.

Dumeretso ako sa room kung saan ang first class ko. I heard block section daw kami at dalawang section lang dahil kakaunti na lang ang kumukuha ng kursong nursing sa panahon ngayon. Pagdating sa assigned room ay may iilang tao na agad akong nakita, napatingin sila sa pagpasok ko kaya ngumiti ako at lumapit sa isang upuan sa may dulo.

Nakipag usap na din ako sa ibang kaklaseng naroon. Mukha namang mababait ngunit hindi ako dapat magpadalos dalos mamaya may sama palang itinatago. Sa halos tatlumpung minuto kong pamamalagi dito ay napagtanto ko na puro pala kami babae at iilan ang mga lalaki! Lasa ko'y nasa thirty-three kami sa klase at pipito ang lalaki! At ang nakakadismaya pa ay para akong nag order sa lazada dahil sa expectation vs reality na aking nakikita sa harapan ko! Kakaunti na nga ang mga lalaki, wala pang gwapo! Karamihan pa ay ramdam kong kakaiba.

Ilang sandali pa ay dumating na din ang aming professor at nagpakilalang siya raw ang prof namin sa Anatomy and Physiology na isa sa major subject namin. Ayos naman sana kaya lang, nirequest niya na mag alphabetical kami para sa sitting arrangement! Ano ba yan! Parang bata! Akala ko pa naman iba na pag college, mas malala pa pala ito sa high school!"

Lat, Dimona Divine R.

Mesina, Aurelia Cynara L.

"Ano tayo elementary?" bulong ng katabi ko sa akin. Napatawa na lang din ako, she seems nice. Ngumiti siya, "I'm Didi, by the way."

Hindi sinasadya na napatingin ako sa dibdib niya matapos niyang sabihin ang kanyang pangalan. Flat iyon, kaya naweirduhan ako. Ano yun? Didi ang pangalan niya pero wala naman siyang dede!

"I know what you're thinking! Well, Didi is what my family calls me, I introduced that way 'cause I like you. But just call me Diva if naweweirduhan ka talaga." Ngumuso siya.

She's pretty. Magkaibang magkaiba ang skin complexion naming. Morena siya at payat. Matangkad din, palagay ko ay nasa 5'5 ang kanyang height. Nasa tamang tangos ang kanyang ilong. Maliit ang kanyang labi.

Inayos ko muna ang aking salamin bago ngumiti sa kanya.

"I'm Aurelia Cynara, Aki na lang."

"I thought you'd say akin ka na lang! I'm willing though!" she giggled.

Malas ako sa mga kaibigan kaya sana ay ito na. I just hope that we'll become good friends, kung hindi naman tuloy pa rin ang buhay.