03
Inis na inis ako habang pinagmamasdan ang aking gawa para sa isang major subject. Sa inis ko ay hindi ko namalayan na nabutas na pala ang aking ginagawa na siyang nagpainis sa akin lalo.
"Anak ng tupa naman, oh!" totoong frustrated na ako ngayon. Paano ba naman ang pangit pangit na nga ng gawa ko sa animal cell na ito ay nabutas pa. Uulit na naman ako!
Lakas naman kasi, eh! Hindi naman ako nainform na arts class pala itong napasukan ko! Akala ko walang drawing sa nursing, kaya nga ako andito, eh! Kasi ayoko sa arts, ayokong magdrawing tapos heto ako nagdadrawing ng lintik na animal cell to, may prokaryotic at eukaryotic pang nalalaman pareho namnag cells to! Ngumiwi ako, baka mamaya may computation na din to ha?
Narinig ko ang hagikgik ng aking katabi kaya napalingon ako, tumatawa siya habang nakatingin sa drawing ko! Tinaasan ko siya ng kilay.
"You're offending me, girl!" maarte kong sinabi.
Hindi naman niya pinansin ang kartehan ko, imbes ay lalo lamang siyang tumawa. Itinuro niya pa ang drawing ko na para bang isang malaking joke ito! Nanliit ang mata ko at umirap.
Gago 'to ah! Di naman kami close kung makatawa akala mo isa akong malaking joke. Sarap bigwasan. Tinginan ko na din ang drawing ko, medyo nagtagal ang tingin ko sa aking gawa kaya napangiwi ako nang mapagtantong isa nga itong joke!
"Sorry, Aki. I didn't mean to offend you. Natawa lang talaga ako. Ano eh! Ano, pangit!" humagalpak na naman siya kaya iniwan ko na, nakakainis eh!
Napatingin ako sa board, medyo nagtagal ang tingin ko duon at nang lumipat ang tingin ko sa aking papel napangiti ako. Hindi naman nagkakalayo ang drawing skills naming ng prof ko sa biochem, ah? Kaya hindi na masama? Labag man sa loob ay tinuloy ko na ang aking ginagawa. Pangit ang gawa ko, pero nag effort naman ako kaya baka mappreciate na din ng prof? kung hindi niya maappreciate edi hindi na kami bati!
Nang lunch time na ay napagdesisyunan kong umuwi sa dorm para kumain. May dala naman akong ulam na pang isang linggo. Adobo iyon, dahil iyon lang ang ulam na alam kong magtatagal.
Habang pauwi ay nakita ko si Samuel, may mga kasama siya pero nang nakita niya ako ay agad siyang lumapit sakin. Nakangiti siya ng lumapit siya sakin.
"San ka, Aki? Lunch out? Mag isa ka? Gusto mong samahan kita?"
Umiling ako at ngumiti na rin sa kanya.
"Dorm.. Doon ako kakain, para tipid! Sige na sige na! inaantay ka na ng mga kasama mo, oh." Turo ko pa sa kasamahan niya bago ako nagsimulang maglakad.
Pabagsak akong umupo sa couch, luminga linga ako sa paligid. Bigla akong nakaramdam ng lungkot, naalala ang aking pamilya. Minsan gusto ko na lang umuwi sa amin, pero kapag naiisip ko ang pangarap ko na pangarap na din ng mga magulang ko nabubuhayan ako ng loob. Napapangiti na lang ako sas tuwing naalala ko na pinagmamalaki ng pala ako mama ko doon sa aming baryo.
"Ah, yung anak kong si Aki? Nurse yun!"
"Ang panganay ko? Masipag yun at mabait!"
Hindi ko pwedeng biguin ang mga magulang ko kaya mahirap man, gagapangin ko ito matapos ko lang.
Tumungo ako sa maliit na ref sa aking apartment. Parang tinatamad na akong kumain. Ganito ba talaga kapag college ka tapos nag aapartment ka? Ang lungkot ng buhay. Ang hirap na nga ng college, wala pang makain.
Utang uta na talaga ako sa adobo, sa ilang buwang pag-pasok ko, heto ako at puro adobo ang ulam. Nakakaloka talaga. Kung hindi lang ako broke kakain na lang sana ako sa labas, kaso broke ako eh.
Sawang sawa man ako sa adobong ulam ay wala naman akong magawa, bukod sa saying ito ay kailangan kong kumain, mangangayayat ata talaga ako sa nursing!
Tumunog ang aking cellphone kaya agad kong kinuha. Natuwa naman agad ako ng mabasang wala na daw kaming klase ngayong hapon dahil may biglaang meeting. Sobrang saya ko na sana kaso medyo may pagkatanga ako napidot ko yung like, kaya napasend ako ng like sa gc! Anak ng pucha naman, oh!
Nagising ako mga bandang alas kuwatro na at nagdesisyon kong maggogrocery ako. Wala na pala akong pagkain at dahil uta na ako sa adobo, kakain na lang ako sa Jollibee!
Kumuha ako ng pancit canton, sardinas, mga delatang tuna, corned beef at kung ano ano pang mga instant na pagkain. Magkakasakit ako nito sa bato.
"Nagpapakamatay ka ata, miss?" nagulat ako ng may biglang nagsalita sa tabi ko.
Isang matangkad na lalaki, merono siya. Singkit ang kanyang mga mata at maamo ang mukha. Matangos ang kanyang ilong, mapula ang mga labi dinaig pa ang labi ko na kung walang liptint ay napaka putla! Guwapo siya at sa tantsa ko ay ilang taon ang tanda sa akin.
Umirap ako sa kanya at nagpatuloy sa paghanap ng murang corned beef. Kumuha na din ako ng ilang chichirya para may makain ako oras na magutom ako.
"Puro mataas sa preservatives yang mga binibili mo, kung ipagpapatuloy mo yan kalauanan magkakasakit ka sa bato." Nagulat ako ng nakasunod pa din sa akin yung lalaki!
Sa pagkakataong ito ay tiningnan ko na siya, ibinaba ko muna ang aking basket saka pumay-awang. Umirap muna ako bago nagsalita.
"Alam mo mister, salamat sa concern pero hindi mo dapat pinapakealaman ang binibili ng ibang tao. Nanay ba kita?"
Irita ako sa kanya, ewan ko ba! Wala naman siyang ginagawang masama at mukha namang walang kakaibang intension pero nararamdaman ko yung hangin sa paligid niya! Mukhang mayabang! Gwapo sana pakelamero lang. What is he? My mother?
Pagkatapos kong magbayad ng aking mga pinamili ay dumeretso ako sa Jollibee sa baba lang nag grocery store na pinuntahan ko. Madaming tao dahil labasan na ng mga escuela, karamihan ay puro high-school may ibang barkadahan, mayroon din namang mga nagdedate. Hay sana all may kadate.
Nang makakita ako ng upuang walang laman ay agad akong umupo! Swerte ko pa din naman! Kung tutuusin ay pwede ko namang sa apartment na lang kumain pero kakatamad kami magligpit ng pinagkainan kaya dito ko ito kakainin! Iiwan ko na lang itong pinamili ko, wala naman sigurong magkakameon ng interes sa sardinas at pancit canton ko!
Pumila ako sa counter para makaorder, madaming tao kaya medyo nagtagal pa ako roon.
At dahil nga hindi ko naman naenjoy ang pagkain ng abodo kanina ay gutom na gutom ako ngayon. Susubo na sana ako ng may magsalita sa harap ko. May tao pala?
"Miss, pwedeng makitabi?" nag angat ako ng tingin at nakita ko na naman iyong lalaki kanina sa grocery!
Nagtaas ako ng kilay at umirap.
"Hindi pwede! Dun, maghanap ka doon!" sabi ko at nagsimula nang kumain pero nagulat ako ng inilapag niya ang tray niya at umupo pa rin kahit na sinabi kong hindi!
"Hoy ano ba?"
Ngumiti siya na tila ba inaasar ako, "Hindi mo naman siguro ito pag-aari, at isa pa Miss, gutom na ako. Makikiupo lang ako."
Umirap ako at luminga sa paligid. Puno nga at tong table ko na lang ang may bakante. Kalma lang, Aki! Okay lang yan! Gutom ka diba? Kumain ka lang at 'wag magpaapekto.
Nagpatuloy lang ako sa pagkain, pero naging pabebe ata ako, ah? May pabebeng sumapi sa akin? Ang hinhin ko naman ata. Paano ba naman kasi habang kumakain ako ay naninitig itong lalaki sa harap ko! Naconconscious tuloy ang lola niyo!
Tumikhim ako ng naabutan siyang nakatingin pa rin sa akin.
"Anong tinitingin mo diyan? Gusto mo nito?" tukoy ko sa burger na kinakakagatan ko. "Bumili ka, uy!"
Umiling siya at ngumiti nakatingin pa rin sa akin.
"Anong pangalan mo?"
Kumunot ang noo ko, bat gustong malaman nito ang pangalan ko? Iaadd ako sa facebook ganon?
"Bat mo tinatanong ang pangalan ko?"
"kasi hindi ko alam? Magtatanong ba ako kung alam ko?
Plastic ko siyang nginitian, "Wala ka bang pangalan? Bakit mo gustong malaman ang pangalan ko? Gagayahin mo?"
Tumawa siya, masyado atang natawa sa sinabi ko.
"Hindi ka lang pala maganda, nakakatawa ka din."
Pinamulahan ako, ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ako madalas kabahan lalo na kapag hindi ko naman kakilala yung tao. Hindi na din naman bago sa akin ang mga pambobolang ganito kaya bakit ako kinakabahan? Siguro dahil gwapo siya? At totoong gwapo siya.
Uminom ako ng softdrinks bago ulit bumaling sa kanya na hanggang ngayon ay nakatingin pa din sa akin, nag aantay ata ng pangalan ko.
"Hindi ko ibibigay ang pangalan ko. Binigay ito ng mga magulang ko sakin 'no kaya bat ko naman ibibigay sayo? Edi nawalan ako ng pangalan? At isa pa, hindi kita type! Tsaka ka na magtanong sa pangalan ko kapag type na kita!"
Bigla siyang nasamid dahil sa pagtawa, nagulat ata sa sinabi ko na parang isang malaking joke. Namumula na siya ngayon at tawa pa din ng tawa. Iritado akong tumayo at nagsimulang kuhanin ang mga gamit ko. Aalis na ko! Napaka walang modo ng lalaking ito!
Tumigil naman siya sa pagtawa dahil sa ginawa ko at sinubukang magseryoso, pero andoon pa din ang multong ngiti sa labi.
"Aalis ka na? Wag kang mag-alala, miss, hindi din naman kita type." At nagsimula na naman siyang tumawa pero pinipigilan na niya ngayon ang pagtawa!
Irita talaga ako sa kanya padabog akong umalis pero hindi pa man ako nakakalimang hakbang ay hinawakan niya ang palapulsuhan ko. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Ano?"
Ngumisi siya at ipinakita sa akin ang isang balot na napkin!
"Napkin mo, naiwan mo."
Agad akong namula at pakiramdam ko ay kitang kita ang pamumula ko ngayon! Marahas kong kinuha ang napkin na iyon at agad kong inilagya sa ecobag! Bakit naman sa dinami dami ng mahuhulog ay itong napkin pa? Pwede namang iyong mga sardinas na lang na sa paa niya sana nahulog.
Akmang aalis na ako nang nakaangisi siyang nagsalita.
"Wala man lang 'thank you sa pagbabalik ng napkin ko'?"
Sarcastic akong ngumiti.
"Thank you ha? Wag na sana tayong magkita!" tumalikod na ako, hindi ko na siya matagalan. Nabubwisit ako sa kanya!
Narinig ko pa ang pag 'aww' niya, ano ba siya aso?
"See you around, miss" iyon ang huli niyang sinabi bago ako tuluyang makalayo.
Isang lingon pa ang aking ginawa ng makalayo na ako, hindi na ako babalik diyan! Hindi na ulit ako kakain sa Jollibee na yan masigurado lang na hindi na tayo makikita pa.