Chapter 2 - CHAPTER 1

"Moving on is a process to get to the right person."

Sommer

People will come and go in our lives. Ngunit may isang tao na habambuhay na mananatili sa ating mga puso at hindi natin magawang alisin kahit na anong mangyari.

Lumipas man ang mahabang panahon, hindi mabubura at matutumbasan nino man ang mga alaala na nabuo ninyong dalawa habang magkasama. Bakit? Dahil minamahal mo siya, hindi man kayo hanggang dulo pero naging masaya kayo sa piling ng isa't isa. Minsan mo na siyang sinandalan at minsan ka na rin niyang naging pader sa buhay. Naging karamay niyo ang isa't isa.

Nawala na man ang nararamdaman ni Rae para sa akin at napalitan ang lahat ng iyon ng bagong masasayang alaala nila ni Adriana, pero ako, mananatili ang lahat ng iyon sa akin. At palagi ko parin siyang mamahalin.

I thought she was the one, I thought after our break up then she would come back to me again. But I was wrong. Dahil hindi parin pala ako ang itinadhana para sa kanya.

At ngayon, isang taon na ang nakalipas, simula noong ikasal si Rae at Adriana. Ngayon malapit na itong manganak. Magkakapamilya na sila, samantalang ako, heto, araw-araw paring nasasaktan at nahihirapan kung paano makakausad sa nakaraan.

I could not get her out of my heart and mind. Every day I still hope that everything is just a dream, that I hope I wake up one morning, she is still by my side while lying on my arm. Pero habang tumatagal, at sa bawat paglipas ng mga araw, unti-unti ko ng natatanggap na hindi na kami babalik pa sa dati. Na mayroon na siyang sariling buhay at bumubuo na ito ng pamilya, kasama ng babaemg napili nitong pakasalan. Ang aking pinsan.

I mean, you can't blame me guys, because she really is my dream woman. I am happy for both of them, I swear! Pero...ewan ko, nasasaktan parin ako ngayon.

Alam kong madalas sa mga katulad ko ang iniisip ay napaka martyr ko, na dapat ay mag move on na ako dahil matagal na kaming tapos. Yes, that's what I'm doing now. Moving on. And I hope that one day when I wake up I will no longer carry the weight on my chest, na sana isang araw pagising ko ay matanggap ko ng hindi na ako ang makakasama niya for life. Na sana isang araw tatawanan ko na lang ang lahat ng iyon, at ngingiti ako ng totoo, ng hindi na kailangang itago pa ang totoong nararamdaman mula sa iba. Ngingiti ng wala ng sumisilip na lungkot sa labi at mga mata.

Gusto ko lang naman na maging masaya. Gusto ko ng muling maging masaya. Nakakapagod na ang malungkot, ang masaktan at ang mag-isa. Siguro naman deserve ko rin ang maging masaya, diba? Pero...alam kong hindi pa iyon ngayon. At mas lalong hindi pa ako handa para pumasok sa bagong relasyon.

It can wait. Kung may darating man na bagong pag-ibig, hindi ko hahayaan na mangyari iyon ngayon. Ayoko kong makasakit ng iba para lamang mabuo ako. Gusto ko, mabuo muna akong muli, ang sarili ko.

------

Nandito na ako ngayon sa Palawan. Mas ginusto ko ang mamuhay ngayon dito ng mag-isa dahil iyon naman talaga ang gusto ko. Sayang nga lang dahil ang taong gusto kong makasama ay hindi ako ang pinili nito. Argh! Change topic.

Huling beses na makita ko si Rae at Adriana ay noong kasal pa nila, bumalik ako kaagad rito pagkatapos kong ibigay ang aking wedding gift sa kanila. I am now back in Puerto Princesa because I stayed for four months in San Vicente, one of the best destinations here in Palawan.

Naisip ko kasi, tama na ang pagmumukmok. Tama na ang drama, I want to be happy like everyone else. Isa pa, kailangan kong tutukan ang resort lalo na ngayon na summer na. Tiyak na mas maraming guests ngayon ang kailangang asikasuhin. Isusubsob ko na lang muna siguro ang aking sarili sa trabaho, baka pweding makatulong iyon sa lungkot na hanggang ngayon ay yumayakap parin sa akin.

Pansamantala ko na rin munang hindi tinanggap ang mga project mula sa ilang kompanya na kilala sa bansa, dahil mas gusto ko na muna ang magpahinga sa pagmomodelo. Gusto kong matahimik muna ang aking pangalan mula sa mga media. Gusto kong mamuhay muna ng tahimik dito sa probinsya.

It was past three in the afternoon when I finally arrived at the resort. Masayang sinalubong ako ng mga staff kasama ang manager ng resort na si Joseph.

Naging kaklase ko siya noon, napaka sipag at mabuting asawa. Kaya siya ang kinuha kong manager dahil alam kong mapagkakatiwalaan siya sa lahat ng bagay. Isa pa, kilala ng aking mga magulang ang magulang nito dahil dati na rin silang namasukan sa amin.

Agad na kinuha ng ilang staff ang aking mga gamit at dinala sa aking kuwarto. Habang ako naman ay sandaling nakipag kwentuhan na muna kami ni Joseph habang nagkakape. Napag usapan din namin na marami ang naging empleyado ngayon ng resort at karamihan ay fresh graduates.

Tuwing summer kasi, willing kaming tumanggap ng mga part timer dahil sa marami ang mga bisita. We just want to provide good service for our guests, so we had to hire part timers to provide them with fast and efficient service. At para na rin makatulong sa mga kabataang walang gagawin kapag ganitong summer dito sa Palawan, at least hindi lamang sila tatambay at hihingi ng pera sa kanilang mga magulang. Isa pa, libreng training na rin ito para sa kanila.

Kaya katulad ng dati, karamihan sa mga baguhan na nakikita ko ngayon ay mga kabataan. Mas bata, mas mabilis ang trabaho. Iyon nga lang ay may mga disadvantage din kung minsan, dahil kulang sila sa focus sa kanilang mga trabaho. Kung mayroong problema sa kanilang mga bahay o may problema sa pag-ibig ay dadalhin sa trabaho. Pero naiintindihan ko naman iyon, of course lahat tayo nanggaling sa ganoon. Isa pa, kaya nga sila mayroong training, right?

I was happy and satisfied with Joseph taking care of the resort. I really know that he will not disappoint me. Mas dumami ang aming guests ngayon, mas nakikilala ang resort, lalo na ng mga foreigner na nagmula pa sa iba't ibang mga bansa.

Pagkatapos naming mag-usap ni Joseph, nagpaalam muna ako sandali na maglalakad-lakad muna ako sa may dalampasigan. I really like the beach or the sea. Everytime I see its blue color and its white sand, para bang pinagagaan nito ang loob ko? Alam niyo ba 'yung ganong pakiramdam?

Habang pa lakad-lakad ako at hinihintay ang paglubog ng araw, masayang pinanood ko na rin muna ang aming mga bisita na masayang naglalanguyan sa dagat. Pagkatapos noon ay muli akong naglakad sa unahan, hanggang sa mapadpad ako sa wala ng masyadong tao.

Naupo ako sa isang bench roon na gawa sa kahoy. Wala pang ilang segundo nang lumapat ang aking pwet, ay doon ko naman narinig ang dalawang taong nag-uusap at parang nagtatalo pa.

Kunot noo at agad na muling napatayo ako. Hinanap ko agad ang pinanggagalingaan ng boses ng mga ito hanggang sa makita ko sila ng tuluyan.

The couple arguing over something. And whatever it is, wala na ako roon. At wala na rin akong balak na alamin pa. Kaya lang, nag-aalala ako na baka magkasakitan sila. So I stayed and remained silent as I watch them.

The man's face looked angry as if defensive while explaining to the woman, while his girlfriend was already crying, she looked hurt and sad.

"Ilang beses mo pa ba itong kailangang gawin? Paulit-ulit mo nalang akong niloloko, Prince. Nakakapagod na!" Umiiyak na sambit ng babae sa kanyang nobyo.

"At sino na naman bang tsismosa ang may sabi niyan sayo?! Hindi kita niloloko. At napapagod na rin ako sa paulit-ulit nalang na ganito ang topic natin! Nakakasawa kana. 'Yang pagiging iyakin mo at mga pagdududa mo sa akin!" Sigaw nito sa kanyang nobya.

Napapikit ako ng mariin sa hindi malamang dahilan. Para akong nanonood dito ng love scene ng isang drama serye.

"Pwede bang 'wag ka ng umiyak dyan?! Parang tanga naman eh!" Palatak parin ng nobyo. "Siguro mamaya nalang tayo mag-usapa kapag okay kana." Pagkatapos ay agad na tinalikuran na nito ang kanyang nobya at walang lingon likod na humakbang papalayo.

Bigla na lamang ako nakaramdam ng pagkainis. Ay ang galing! Pagkatapos niyang paiyakin at sigawan ang kanyang girlfriend, basta nalang niyang iiwanan ng ganon?! Nakakainis 'yung mga ganong klase ng lalaki. Tsk!

Tatalikod na rin sana ako nang mapansin na naka suot ng uniform ng resort iyong babae. She is probably one of the newly hired employees in the resort.

Parang bigla naman akong na konsensya kung iiwanan ko na lamang siya ng basta rito. I mean, she's my employee. Isang malalim na pag hinga ang aking pinakawalan, pagkatapos ay nagbilang muna ng tatlo bago tuluyang nag pasya na lumapit na sa kanya.

Nakayuko ito habang umiiyak parin kaya hindi ako nito nakita o napansin na lumapit. Marahan at dahan-dahan na kinuha ko ang panyo sa likod ng bulsa ng aking jeans. Mabuti nalang at hindi ako nawawalan nito kahit saan ako magpunta.

"Are you in your break time?" I asked her. "Here." Sabay abot ko ng aking panyo sa kanya ngunit hindi niya iyon tinanggap. Nananatili parin siyang nakayuko, marahil nahihiya. Muli, ay napahinga ako ng malalim.

"Fine, I'll see you around then." Tatalikod na sana ako ng muling mapaharap sa kanya. "But are you sure you're okay?" Nag-aalala parin ako. I just want to know that she is okay, so that no conscience will bother me.

Napatango siya bilang sagot kaya alam kong okay na siya. Sandaling tinignan ko muna siyang muli bago kinuha ang kamay nito at inilagay mula roon ang panyo. Pagkatapos noon ay dire-diretsong tinalikuran ko na siya at hindi muling nilingon pa.

I'm sure, she will be alright. And she will be. But wait, what's her name? I forgot to ask her.