Chapter 7 - CHAPTER 6

"Love is something you will never know when it comes."

Now playing: Tadhana

Ivy

Hindi ko lubos akalain na mangyayari iyon sa akin. I mean, ang mahawakan ang hinaharap ng kapwa ko babae.

Nahihibang na ba talaga ako?!

Isa pa, bakit naman kasi naka ubot hubad siya roon?! At bakit kahit isa eh walang nagsabi na mayroon palang gumagamit ng jacuzzi?! Kulang nalang halos mahimatay ako sa harap ni Sommer kanina.

At hindi ako makapaniwala na makikita ko ang kanyang....waaaaaahhhhh!!!! Ang kinis niya sobra! Huhuhu. Hindi mabura-bura ang kanyang imahe sa aking isipan.

"Okay ka lang ba?" Agad na tanong ni Grace sa akin ng makapasok ako sa loob ng bahay. Punong-puno ng pag-aalala ang kanyang mga mata.

Hindi ko agad ito magawang sagutin dahil masyadong naninikip na naman ang aking dibdib. Mabuti na lamang din at hindi kalayuan ang aming bahay mula sa resort.

Mabilis ako nitong inalalayan pa upo sa isang silya. Habol hininga na kinapa ko ang aking gamot mula sa aking hand bag, ngunit naunahan na ako ni Grace. Mabilis na inilagay niya iyon sa aking bibig at binigyan ako ng isang basong tubig.

Gustuhin ko man ang ikwento ang mga nangyari, pero hindi ko magawa dahil mas lalo lamang mauubos ang aking lakas.

"T-Thank you..." Pagpapasalamat ko habang pinagpapawisan ng malamig.

Nanghihina at nanginginig ang aking buong katawan na nahiga sa pahabang sofa. Sandaling pumunta rin muna si Grace sa aking kuwarto upang kumuha ng kumot. Hindi ko na kasi kaya pang ihakbang ang aking mga paa papunta roon at mas pinili na lamang ang manatili dito sa sala.

"Magpahinga ka na lamang muna. Tinawagan ko na rin si Prince at ang daddy niya." Wika nito. Napatango ako ng mabagal, habang unti-unting ipinipikit ang aking mga mata.

----

Pagising ko, madilim na ang paligid. Bukas na ang mga ilaw sa loob ng bahay, habang si Prince naman ay naka upo sa aking tabi at nanonood ng TV.

Hindi ko mapigilan ang mapa ngiti habang pinag mamasdan ito ng palihim. Nagpapasalamat dahil siya ang aking unang nakita sa pag mulat ng aking mga mata.

"Hey, how are you feeling?" Tanong nito ng makita ako at agad na inalalayan sa pag upo.

Binigyan ko siya ng isang mabagal na ngiti. "Good." Sabi ko. "Thank you kasi nandito ka." Sabay yakap ko sa kanya ng mahigpit na agad niya ring ginantihan.

"Pinag-alala mo ako." Sabi nito sa akin. "Nang galing na dito si papa." Dagdag pa niya. Ang ama kasi nito ang aking Doctor. Siya ang nag cheheck sa akin at nagbibigay o nag mamaintain ng mga gamot na dapat kong inumin.

Malungkot na binigyan ko siya ng ngiti at napa yuko.

"Hey, you don't have to worry." Hinawakan ako nito sa aking baba upang salubungin ang kanyang mga tingin. "Ipinagbabawal lang naman niya sayo ang sobrang pagtatrabaho, stress at...pag inom ng alak." Natigilan ito sandali.

"I'm sorry....alam ko kasing isa ako sa dahilan ng mga iyon, kaya sorry. Sorry kung napaka gago kong boyfriend. Babawi ako, okay?" Sinasabi niya iyon habang naka titig sa aking mukha.

"Aba'y dapat lang!" Biglang singit ni Grace na kagagaling lamang sa kusina habang mayroong hawak na isang tray ng pagkain. Binigyan ko ito ng warning look, ngunit hindi siya nakinig atsaka padabog na inilapag sa lamesa ang kanyang hawak.

"Mag paka nobyo ka naman sa best friend ko, Prince." Sabi nito ng naka paweywang pa. "Hindi 'yung sakit niya ang papatay sa kanya, kung hindi 'yung mga stress na binibigay mo. May sakit na nga siya sa puso, dinadagdagan mo pa!" Medyo tumataas na ang tono ng boses nito.

"Grace, please." Pigil ko sa kanya. "Okay na ako, okay? Tama na yan." Dagdag ko pa bago nagsimula ng kainin ang pagkain na inihanda nito para sa akin.

Iiling-iling naman itong umalis sa aming harapan at pagkatapos ng ilang minuto ay nagpaalam na rin siyang aalis na. Naiintindihan ko naman ito, alam kong bukod sa lahat isa siya sa nahihirapan sa sitwasyon ko. Pamilya ko na rin si Grace at kapatid na ang turingan namin sa isa't isa. Ayaw lamang nitong nakikita na umiiyak ako nang dahil kay Prince.

Dahil sa nangyari, kinailangan ko muna ang magpahinga ng ilang araw at lumiban sa trabaho. Mabuti na lamang at hindi masyadong mahigpit ang aming supervisor kaya agad naman ako nitong pinayagan.

Sa tatlong araw na pamamalagi sa bahay, ay hindi ako iniwan ng aking nobyo. Talagang tinutoo nga nito ang kanyang ipinangako na babawi siya sa akin.

Siya ang nagsilbi kong taga luto at gumagawa rin siya ng mga gawaing bahay. Nakakatuwa at talagang nakakataba sa puso, dahil kahit sa loob lamang ng tatlong araw na iyon, naramdaman ko kung gaano niya ako kamahal at iniingatan.

Alam kong gago si Prince kung minsan. Madalas akong umiyak ng dahil sa kanya, madalas kaming mag talo at palaging may involve na ibang babae. Hindi ko naman maaalis iyon sa kanya, lalo na ang maraming tukso. Kaya lang minsan, umaasa parin ako na gigising ako balang araw na marunong na siyang makontento sa isa. Sa akin. 'Yong tipong hindi na niya kailangan pang humanap ng iba dahil hindi ako naging sapat sa kanya.

Kaya ngayon, sobrang nagpapasalamat na ako dahil kahit papaano eh hindi niya iyon ipinagkait sa akin. Syempre, sa bawat kasalanan na nagagawa niya, deserve niya naman na patawarin ko siya, hindi ba? Walang tao ang hindi nagkakamali at hindi deserve ng kapatawaran.

Sakto alas sais na ng gabi ng matapos ako sa pagligo at pagbibihis. Hindi na ako naglagay pa ng makeup dahil hindi naman ako mahilig. Polbo at lip tint lamang ay okay na ako.

Habang bumibiyahe papunta sa aming meeting place, hindi parin naaalis ang saya na aking nararamdaman hanggang ngayon. Parang tanga na naka ngiti ako sa kawalan habang nag dadaydream. Mayroon kasi kaming date ni Prince at isa iyon sa ipinangako niya sa akin. Excited lang ako. Hehe.

Masayang itinext ko siya nang makarating na ako roon. At habang naghihintay, hindi ko mapigilan ang magpalinga-linga at ang mapatingin sa paligid.

Nandito ako ngayon sa baywalk, ang paboritong place ng mga nagdadate dito sa Puerto Princesa. Ang iba ay tinatawag itong cheap place, para sa mga mag kasintahan na gusto ritong pumunta. Pero para sa akin? Isa ito sa perfect place para sa mga couple. Bukod kasi sa tabi ng dagat eh, nandito rin ang masasarap na pagkain. Seafoods na ipinagmamalaki ng Palawan, souvenirs at mga events. At syempre, hindi mawawala ang kanilang magical lights tuwing gabi na perfect sa pag selfie.

Medyo marami na rin ang mga taong nandito kaya alam ko nagsisimula na ang happy hour dito. Napatingin ako sa aking suot na relo, hanggang ngayon kasi ay wala parin si Prince kaya medyo nainip na ako.

Muli kong inilabas ang aking cellphone at tinext ito. Nag hintay pa ako ng ilang minuto para sa kanyang reply, pero bigo ako.

Hays. Nasaan na kaya 'yun? Huwag niyang sabihin na nakalimutan niya? Sana hindi naman.

Lumipas pa ang maraming minuto, hanggang sa inabot na ito ng isang oras, doon lamang tumunog ang aking cellphone. Mabilis at awtomatikong gumuhit ang ngiti sa aking labi ng makita ang pangalan ni Prince sa screen nito. Ngunit mabilis ding nawala iyon dahil sa hindi na siya makakarating pa. Sinabi nito na mayroon silang importanteng lakad ng kanyang daddy.

Malungkot na napa buntong hininga ako at tuluyan na ngang nawalan ng gana.

Alam ko naman talagang mangyayari ang bagay na ito. Bakit pa ba ako umaasa? Malungkot na tanong ko sa sarili.

Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng pagka bitter nang bigla na lamang may dumaan na couple sa aking harapan habang magka holding hands pa sila. Alam mo 'yung kahit simpleng bagay lamang na ganoon, sobrang nagpapasaya na iyon sa ibang babae.

Pero kami ni Prince? Never pa kaming naging ganoon in public place. Never pa siyang naging ganoon sa akin. Iyong para bang mas gusto pa nito ang makasama ang kanyang mga barkada kaysa sa akin. Ni hindi nga niya ako magawang ipagmalaki sa mga kaibigan niya eh. Hindi naman sa pagiging demanding, pero masarap sa feeling kapag alam mong proud sayo ang nobyo mo.

Gusto kong maiyak pero ayaw ko na munang hayaan na mangyari sa akin iyon. Kaya lang kasi....bakit naman ganoon? Sana kung mayroon silang lakad ng daddy nito, sana hindi na lamang niya ako niyayang mag date. O kung emergency man, sana kanina pa niya ako sinabihan para naman hindi ako nag mumukhang tanga rito na naghihintay sa wala.

Napapahinga na lamang ako ng malalim, atsaka napapatingala sa langit upang pigilan ang sariling maiyak. Ang unfair talaga niya! Dagdag na reklamo ko pa.

Nagulat na lamang ako nang mayroong biglang umupo sa aking tabi at binigyan ako ng dirty ice cream.

Mabilis na nag-angat ako ng tingin rito at agad ding nagulat ng makita ang kanyang magandang mukha. Hindi ko rin mapigilan ang mapa singhap noong muli ko na namang masilayan ang kanyang magandang mga ngiti.

"Smile place?" Sabi nito habang naka ngiti. Boses pa lamang niya, parang pinakakalma na agad ang loob ko.

"Ayaw mo?" Dagdag pa niya bago kinain ang gusto nitong ibigay sa akin.

Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang bumalik sa aking isipan ang mga nangyari noong huling beses ko itong nakita. Lahat-lahat pati na rin ang kanyang buong katawan.

Kusa na lamang namula ang aking mukha bago napayuko. Hays. Ano bang ginagawa niya sa lugar na ganito?

"Where's your date?" Tanong nito bago nagpalinga-linga sa paligid. "You should not be alone in a place like this." Dagdag pa niya.

Napalunok ako. "A-Anong ginagawa mo rito?" Pag iiba ko ng topic dahil ayokong pag usapan na muna si Prince o maging ang date namin na hindi naman natuloy.

"What kind of question is that? Of course, it's a baywalk, Ivy. People come here to see the view, to relax and to eat. Am I correct?" Sagot naman nito ng may nakakalokong ngiti. Oo nga naman, bakit ko ba kasi iyon naitanong.

Parehas kaming natahimik sa loob ng ilang sandali habang pinagmamasdan ang mga taong pumaparoon at parito.

"I haven't seen you at work for a few days. Is everything okay?" Tanong nitong muli in a concern tone. Pero nanatili parin akong tahimik.

Gusto kong magtiwala kay Sommer. Gusto ko siyang maging kaibigan, pero sa ngayon, mukhang nahihirapan pa akong gawin iyon. Dahil kahit na ano pa ang mangyari, boss ko parin siya at kailangan ko iyong respetuhin. Kailangan ko ng limitasyon.

"Hindi ka ba sinipot ng date mo?" Dagdag na tanong pa niya atsaka ako tinapunan muli ng tingin.

Bakit ba ang kulit niya? Hmp.

Napailing ako. "Oh. That's....bad." Komento nito bago tuluyang napatayo na. "You should go home, Ivy." Sabi niya. Halatang aalis na. "See you at work." Isang mabagal na ngiti ang iginawad nito sa akin bago tuluyan na akong tinalikuran.

Pinanood ko naman ito habang naglalakad papalayo, hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa aking paningin. Naghintay pa ako ng limang minuto bago nagpasya na tumayo na rin mula sa pag kakaupo at nag decide na umuwi na rin.

Nakaka ilang hakbang pa lamang ako nang may biglang humawak sa aking braso dahilan upang matigilan ako.

"I have an idea." It's Sommer again. Dahan-dahan na napalingon ako sa kanya at muling sinalubong ang magaganda nitong mga mata.

"Let's have a date." Diretsahan na sabi nito sa akin. Napalunok ako habang namimilog ang mga matang naka tingin sa kanya.

"D-Date?" Gulat na bulalas ko. Napatango siya.

"YES!" Bigay diin niya. "Let us make this night memorable for you." Pagkatapos ay walang sabi at basta na lamang niya akong hinila sa aking kamay papunta sa parteng dulo ng baywalk, kung saan pweding mag rent ng mga bike.

Walang nagawa na napapa ngiti na lamang din ako ng palihim sa aking sarili, habang tinitignan siya sa kanyang likod.

She's really my savior. Sana naging lalaki nalang siya. Sigurado akong maraming mahuhulog na kababaihan sa kanya. At isa na ako sa mga iyon.