Chapter 8 - CHAPTER 11

"Sometimes, love begins with friendship."

Now playing: Beautiful Soul

Ivy

Alak, gusto ko ng alak. Alak na alak na akoooo! Hindi ko alam kung bakit nauuhaw ako ngayon sa alak kahit na alam ko naman na ipinagbabawal iyon sa akin. Hindi lang kasi mawala sa aking isipan ang mga sinabi ni Grace, ang mga nalaman ko tungkol kay Sommer.

Hirap na tanggapin ng aking isipan ang mga sinabi nito. Ayaw mag sink-in ang mga iyon at hanggang ngayon ay hirap parin akong paniwalaan.

I mean, hindi ko akalain na...hays! Ewan, ang ganda-ganda niya. Ang buong akala ko eh lalaki rin ang gusto nito pero hindi pala, kung hindi katulad niya rin na babae.

Pero teka nga, bakit ba masyado akong nagiging emosyonal at apektado? Hindi ba ako nga itong mayroong paghanga sa kanya?

Ows? Paghanga pa rin ba kaya 'yang nararamdaman mo? Tuyo ng aking isipan.

Oo, naman. Sagot ko rito. Atsaka, hello? May boyfriend kaya ako. Kahit pa gaano pa kaganda si Sommer, hinding-hindi naman magiging kami. Isa pa, bukod sa boss ko na siya eh, hindi kami nababagay. Oo, sabihin na nating pweding lumalim itong paghanga ko, pero hindi parin ito tama dahil may nobyo na ako.

Kahit pa...palagi ka namang niloloko? Muling tanong ng aking isipan.

Oo, at higit sa lahat, hinding-hindi ako mapapatawad ng pamilya ko oras na mangyaring lumalim ang paghanga ko sa kanya, lalo na si mama.

Napahinga ako ng malalim sa aking sarili. At hindi ko rin pweding kalimutan na kaibigan ko na siya ngayon, remember? Bawal ang mahulog sa kaibigan. Alam kong kaibigan lang din ang turing nito sa akin, wala ng iba. Ano ba namang laban ko sa iba dyan na humahabol sa kanya? Wala, diba? I'm just nobody.

Natigilan ako at mabilis na napailing. Talaga bang naiisip ko ang mga bagay na ito ngayon? Ang ikumpara ang saliri ko sa iba dahil lamang kay Sommer? Talaga ba, Ivy?!

Kaya kahit na alam kong mahigpit na ipinagbabawal sa akin ang pag-inom ng alak, ay iinom pa rin ako. Isa pa, sasamantalahin ko na ang pagkakataon na naka leave ako ngayon sa bar dahil anniversary ng resort. Part time ko lang naman iyon kaya kaagad nila akong pinapayagan.

Dahil ayaw kong uminom sa bar, kaya dumito na muna ako sa tabi ng dagat. Kung saan pinagmamasdan ang mga hampas ng alon sa aking harapan. Noon ko naman naisipan na tawagan si Prince. Dahil baka pwede niya akong samahan dito.

Pero nakakailang tawag na ako eh hindi parin nito sinasagot ang tawag. Sa inis ko eh, mabilis na itinurn-off ko ang aking cellphone.

Ano pa nga bang inaasahan ko? Syempre, abala na naman iyon sa mga kabarkada niya habang ako heto, nag-iisa at walang pweding makasama.

Sinubukan ko na ring yayain si Grace kanina pero mayroon itong ibang lakad kasama si Jussel, ang kanyang girlfriend.

Malungkot na muling tinungga ko ang can ng beer at napa ngiwi sa pait nito. Hanggang kailan kaya ako gagawing priority ng nobyo ko? Kapag ba nakahilata na lang ako dahil sa panay sama ng loob na lang binibigay niya? O kapag nawala na ako sa buhay niya?

Pambihira naman oh! Sa totoo lang? Never pa niya akong nadala sa bahay nila. Dahil hindi pwede, dahil wala naman kaming gagawin doon o kung hindi naman eh boring.

Hindi naman sa nagiging demanding akong girlfriend, gusto ko lang naman na maramdamang girlfriend niya kahit sandali. Kahit minsan lang, pero never niyang ginawa iyon. At hindi ko alam kung may plano pa ba siyang gawin iyon.

Awtomatiko ko na lamang ding naramdaman ang luha na pumapatak sa aking pisngi. Mabilis ko naman iyong pinunasan bago napa singhot at napasulyap sa aking uubusin pa na pitong can ng beer. Well, I guess mag-iisa lang talaga ako ngayong gabi.

Napaka romantic nga ng place eh. Sarkastikong komento ko sa aking sarili. Perfect para sa katulad kong palaging nag-iisa.

"Are you even real?" Hindi ko mapigilan ang mapatalon sa aking kinauupuan nang mayroong magsalita mula sa aking likuran. Agad na napahawak ako sa aking dibdib dahil agad na kumirot ito. Hindi kasi ako pweding nagugulat palagi, nakakasama sa aking puso.

At hindi ko na kailangan pang tignan kung sino iyon dahil sa boses at bango pa lamang niya, alam ko na.

"Oo naman, bakit?" Sagot ko habang naka ngiti, hindi ko parin ito tinatapunan ng tingin. Kaya naman agad na lumapit ito at naupo sa aking tabi. Napatingin din ito sa iilang guests na naliligo sa dagat. Habang ako naman ay inubos na ng tuluyan ang huling laman ng aking iniinom

"Ang lakas mo namang uminom. Ang totoo, lalaki ka ano?" Panunukso niya dahilan upang maibuga ko ang alak na lulunukin ko na dapat.

Hindi ko mapigilan ang mapatulala sa beer na ngayon ay nasa buhangin na. Sayang kasi. Hmp!

"Malapit na." Ganting tukso ko rin at tuluyan na ngang napatingin sa maganda nitong mukha. Pero hindi iyon nagtagal dahil muli na namang bumalik sa aking isipan ang mga nalaman ko sa kanya.

My God! Ang ganda niya talaga. Hindi ko mapigilang sabi sa sarili.

"And what is that mean?" Tanong nito sa aking sinabi. Napailing ako bago napatawa ng may halong kaba.

"N-Nakaka lalaki kasi yung ganda mo, Sommer. Nakaka tomboy, alam mo 'yun?" Pagkatapos ay muli akong napatawa ngunit muli ring natigilan noong ma realize ang aking sinabi.

Mabilis akong napayuko habang naka pikit ng mariin ang mga mata dahil sa pagkadismaya. Hindi ko rin mapigilan na mapakagat sa aking dila. Ang daldal ko talaga!

Kinuha ko ang pangalawang can ng beer at binuksan iyon.

"Ow. Be careful what you wish for." Kahit hindi ako nakatingin, nahihimigan ko ang pag ngiti nito ng nakakaloko. "Baka isang araw magising ka nalang mahal mo na ako." Dagdag pa niya dahilan upang muli akong mag-angat ng aking ulo at salubungin ang mga mata niya.

"Huh?" Gulat na wika ko.

"Nothing." Napapailing na sagot nito at pagkatapos ay mataman na tinitigan lamang ako sa aking mukha. Naiilang man eh, napatitig na rin ako sa kanya pabalik at pagkatapos ay muling tinungga ang aking pangalawang hawak.

"I said, I'm Lesbian." At sa pangalawang pagkakataon ay muli na naman akong napabuga ng iniinom na alak. Pagkatapos ay napaubo ng maraming beses.

"Oh my gosh! Are you okay?!" Gulat at biglang pag-aalala ni Sommer. Mabilis na hinagod nito ang aking likod.

At sa hindi malamang dahilan ay kusa ko na lamang na muling naramdaman ang kakaibang kiliti sa aking sikmura. Para iyong milyon-milyong bultahe ng kuryente na dumadaloy sa aking buong katawan.

Napalunok ako at pilit na pinakakalma ang aking sarili.

"L-Lesbian ka?" Tanong ko habang nanlalaki ang mga matang naka tingin sa mukha niya.

"Oh, sorry. At bakit parang gulat na gulat ka?" Ganting tanong naman nito bago napatawa ng mahina. Ngunit makikita mo rin sa kanyang mga mata na natutuwa siya.

Oo nga, bakit parang gulat na gulat ako eh parang kanina lang eh narinig ko na iyon mula kay Grace. Psh!

Nahihiya na napakamot ako sa aking batok.

"W-Wala naman." Pagdadahilan ko. "So totoo nga ang balita noon, na...na naging kayo ni Rae Lewis?" Diretsahan na tanong ko sa kanya at binigyan ito ng isang ngiti. Ewan ko rin ha! Pero nalulungkot ako na banggitin ang bagay na iyon. Para bang may kung anong kirot ang gumuhit sa aking dibdib.

Isang malalim na paghinga ang pinakawalan nito sa ere at kumuha na rin ng beer mula sa aking tabi, pagkatapos ay binuksan iyon.

"Yeah..." Sagot nito bago napainom mula sa kanyang hawak. Biglang gumuhit ang lungkot sa kanyang mga mata noong mapayuko siya at pagkatapos ay napa ngiti ng malungkot habang naka tingin sa kawalan.

"She was my...ahem! My g-great love." Utal na wika nito. Napatango ako ng maraming beses.

"So, kasalanan pala ito ni Rae." Bulong ko sa aking sarili.

"What? Why?" Pero mukhang napalakas yata dahil nadinig niya. Kagat labi na tinignan ko siya sa kanyang mukha habang napapangiti na parang tanga.

"Dahil sa kanya kaya kailangan mong mag move on." Mabilis na sabi ko rito. "Dahil sa kanya kaya ka napadpad sa islang ito. Dahil sa kanya...kaya nalulungkot ang magagandang mga mata---I mean, mga mata mo." Sabay iwas kong muli ng tingin at napayuko.

Awtomatikong na paturo siya sa kanyang sarili.

"Ako? Nalulungkot?" Tanong nito sa akin. Agad na napatango ako bilang sagot. "Well, you are wrong because I am no longer...sad." Napatawa ako ng mahina.

"Really?" Paninigurado ko. "Alam mo, Sommer Mendoza na ubod ng ganda. Pweding mag sinungaling 'yang bibig mo pero ang mga mata mo, hindi ako maloloko." Pagkatapos ay muli kong nilagok na naman ang huling laman ng lata.

"Eh ikaw? Hindi ka ba nalulungkot ngayon? You sit alone here watching the waves. Na para kang nasa isang pelikula na nagdadrama." Sabi nito. Napahinga ako ng malalim at hindi nalang kumibo pa.

"May problema ka ba? You know you can tell me." Dagdag pa niya. "Why do you drink alone?"

Hindi ko magawang tignan ang kanyang mukha. Alam ko kasi na kapag ginawa ko iyon, manghihina ako. Acck!

"Paanong hindi ako iinom mag-isa eh ini-stress mo ako. Alam mo 'yun? Ginugulo mo ang isipan ko." Pero hindi ko pweding sabihin sa kanya ang bagay na iyon kaya...

"I just want to be alone. To think." Pagsisinungaling ko. "Wala namang bastas na hindi pweding mapag-isa, hindi ba?" Dagdag ko pa bago napatingin mula sa mga alon.

"Eh paano ba yan, gusto kong kasama kita." Sambit nito dahilan upang mangamatis ang buong mukha ko. Mabuti nalang at medyo madilim kung saan kami ngayon.

"Bolera." Bulong ko sa aking sarili ngunit halata naman na narinig niya kaya napatawa ito ng malutong.

Pagkatapos ng ilang sandali ay hindi na ito muling nagsalita pa. Katulad ko, pinanonood na lamang din nito ang mga hampas ng alon habang ang malamig na simo'y ng hangin naman ay humahampas sa parehong mga balat namin.

Walang gustong magsalita. Walang gustong pumutol sa katahimikan na bumabalot sa amin, at ang tanging maririnig lamang namin ay ang sounds na nagmumula sa cottages ng resorts, mga guest na nagsisiyahan at pati na ang mga alon. Hanggang sa...

"Do you want to have fun now?" Tanong nito. Kusang nagbaling ako ng tingin sa kanya. "Since you want to be alone, so I will just borrow your time." Sabay taas baba ng kilay na dagdag pa niya.

Tumatawa habang napapailing akong tinitignan siya na para bang nahihibang na ito.

"No." Pagtatanggi ko. Biglang napa pout siya.

Awwww. My heart!!

Marupok Ivy, marupok. Tuyo ng aking isipan.

"Hindi ka pweding mawala sa party mamaya. Alam mo yan." Sabi ko. "Nagtataka nga ako kung bakit ka nandito eh, hindi ba dapat abala ka ngayon sa pagtulong kay Sir Joseph?" Dagdag ko pa.

Pero imbis na mapa isip siya eh tinignan lamang ako ng nakakaloko.

"Joseph is the manager of this resort, and I have a lot of trust in him so you have nothing to worry about." Paliwanag niya habang tumatayo na mula sa pag-upo. Pinagpagan na rin nito ang kanyang suot na pants bago inilahad ang kanyang kamay sa akin upang tulungan ako sa pag tayo.

Nagdadalawang isip naman kung tatanggapin ko ba iyon o hindi.

"Come on, we have something to do." Sabay pwersahang kinuha nito ang aking kamay bago ako itinayo.

"M-May gagawin tayo?" Utal na tanong ko at agad na napunta sa ibang bagay ang aking iniisip.

Oh. My. Ghad! Tumigil ka naman oh! Saway ko sa aking sarili.

"Don't worry, I won't bite you." Biro nito sa akin bago siya napakagat labi.

Damn! Ang sexy.

"At hindi natin gagawin ang bagay na ayaw mo." Dagdag pa niya. Pagkatapos ay agad na inakbayan na ako.

Nagsimula na kaming maglakad hanggang sa makarating kami sa unahan, may kalayuan na mula sa resort pero nasa dalampasigan parin kami at natatanaw pa ang baybay ng Calmante.

Medyo madilim ang paligid dito dahil wala na masyadong lights at ang tanging liwanag na lamang ng buwan ang nagsisilbi naming ilaw. Huminto kami sa paglakad. Habang nagpapalinga-linga ako sa paligid, ay narinig ko na lamang ang pigil na pagtawa ni Sommer.

Pero hinayaan ko lamang ito.

"You haven't done this before, right?" Rinig kong pag tanong niya kaya napalingon na akong muli rito.

Gayon na lamang ang aking gulat nang makitang naghuhubad na siya ng kanyang pantalon, at ang tanging bra na lamang nito ang naiiwan sa kanyang itaas.

Mabilis na muling napatalikod ako habang nakapikit.

"A-Anong ginawa mo? B-Bakit ka naghuhubad?" Isang malutong na pagtawa ang aking muling narinig mula sa dyosang kasama ko. Napa singhap na lamang ako ng maramdaman na nasa harapan ko na pala siya, now she was just wearing her underwear and bra.

Hindi ko naman tuloy mapigilan ang mapatulala sa kanyang mga nagyayabangan parin na abs. What the?

"Let's go swimming." Biglang pagyaya niya at walang sabi na tinalikuran na ako. Patakbong naglakad ito papunta sa tubig at nagsimula na ngang maligo.

Napapakaway pa ito sa akin habang ako naman eh, hanggang ngayon hindi parin humihinga.

Bakit ba ang hilig niyang maghubad sa harap ko? Jusko! Nagkakasala palagi ang mga mata ko ng dahil sa kanya. Mas maaga rin yata akong kukunin ni Lord dahil sa kulang nalang eh atakihin na ako sa puso.

Ilang beses pa akong pinilit nito bago tuluyang sumunod sa kanya sa tubig. Katulad niya, lakas loob na tinanggal ko na lamang din ang aking damit at pants. Ang tanging naiwan na lamang din ay ang aking bra at underwear.

Nahihiya pa nga ako nang makalapit sa kanya. Dahil hindi katulad sa katawan niya ang meron ako, kung hindi baby fats. Haha.

Bigla itong natahimik noong makarating ako sa kanyang harapan. Naiilang na tumingin ako sa kanya, nang malagkit na pinasadahan niya ako ng tingin.

"Ahem!" Pagtikhim nito at agad na napa iwas ng tingin. "Y-You have a nice body." Utal na komento nito dahilan upang mapa ngiti ako na parang natatae na ewan.

Pagkatapos ng ilang segundo ay masayang naglaro kami sa tubig. Sa totoo lang, tama nga si Sommer. Ngayon ko lamang ito nagawa. Feeling ko para akong isang ibon na nakawala sa aking hawla. At salamat sa kanya dahil bagong experience na naman ito para sa aking sarili.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nagbabad sa tubig. Basta ang tanging alam ko lang ngayon, pabalik na kaming muli sa resort na parang mga basang sisiw.

Hindi ko mapigilan ang mapa ngiti na parang ewan.

"You look happy." Wika niya habang tinitignan ako sa aking mukha in amusing look. Mabilis na napatango ako at napahinto sa pag hakbang. Ganoon din siya.

"I'm glad, because I made you happy." Pag amin niya. "Honestly, I just don't want you to sleep sad." Sinasabi niya iyon ng nakatingin sa buong mukha ko.

At swear! Nakikita ko ang sinseridad sa mga mata ni Sommer. At ngayon palang, ang bilis-bilis na masyado ng pintig ng aking puso.

"That doesn't suit a cheerful person like you." Dagdag pa niya at sa hindi inaasahan ay bigla na lamang ako nitong hinalikan sa aking pisngi. Pagkatapos ay kagat labi na tinalikuran na ako.

Habang ako naman ay naiwan roon na nakapako ang mga paa sa aking kinatatayuan, at nakalimutan na namang huminga sa loob ng ilang segundo. Dahan-dahan na ini-angat ko ang aking kamay at napahawak sa parte ng aking pisngi, kung saan dumampi ang kanyang malambot na labi.