"You're my peaceful harbor and your kindhearted soul is my home."
Now playing: Till I Met You
Ivy
Pauwi na kami ngayon galing sa Hospital. Ngayong araw kasi ipinakilala sa amin ni Sommer kung sino ang aking magiging heart donor, pati na rin ang pamilya nito na handang ibigay ang puso ng kanilang anak sa akin.
Isa siyang pasyente na mayroong brain tumor, mayroon na lamang itong nalalabing araw dito sa mundo. Kung titignan, halos hindi na nga ito humihinga, makina at oxygen na lamang ang tanging bumubuhay sa kanya. Hindi ko tuloy alam kung deserve ko ba talaga na bigyan ng ganitong pagkakataon. Kung dapat ko bang ipagpasalamat ang pagbibigay nito ng kanyang puso sa akin, o dapat akong makaramdam ng kosensya.
Paano kung biglang magkaroon ng himala at madagdagan pa ang buhay niya? Bigla siyang gumaling? At lahat ng iyon ay hindi na mangyayari pa dahil sa akin. Hays! Iniisip ko pa lang, kinakain na ako agad ng kosensya ko.
Kaya lang, paano naman si Sommer? Si mama? Kung hindi ko tatanggapin at tatanggihan ang pagkakataon na ito. Mas lalong hindi ko naman yata kaya na iwanan nalang sila ng basta dito sa mundo.
Awtomatikong napa yuko ako nang maramdaman ang mainit na palad ni Sommer na lumapat sa aking kaliwang kamay.
"I told you, you do not have to worry. Everything will be fine now that you have met your heart donor." Sabi nito habang nasa daan naman nakatutok ang mga mata.
Hindi ko mapigilan ang mapahinga ng malalim.
"Tingin mo, deserve ko ba talaga ito?" Malungkot na tanong ko sa kanya bago muling ibinalik ang mga mata sa unahan.
"Eh bakit naman hindi?" Biglang sagot ni mama na tahimik lamang na nakikinig mula sa back seat.
"Naiintindihan ko, naaawa ka doon sa donor mo. Pero anak, gusto niyang ibigay sayo ang kanyang puso, dahil alam niyang mas deserve mo iyon. Para magkaroon ka pa ng mas mahabang panahon na magawa ang purpose mo dito sa mundo." Dagdag pa niya.
Hindi na lamang ako nagsalita pa hanggang sa tuluyan na kaming makarating sa bahay. Tahimik parin ako at hindi magawa na muling ibuka ang bibig.
Ewan ko ba, hindi ko maintindihan pero ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Bakit ganon?
Iniwan na muna kami ni mama sa sala at pumasok na ito sa kanyang kuwarto. Alam kong hinihintay lamang din ni Sommer na magsalita ako, kaya tahimik lamang din itong pinagmamasdan ako.
"Alam mo ba kung ano ang unang dahilan bakit ako nahulog sayo?" Biglang tanong nito dahilan upang muling salubungin ko ang kanyang mga mata.
Nakangiti siya ngayon na para bang wala ng pag-aalala pa sa kanyang mga mata. Mukhang panatag na ang kanyang kalooban.
Dahil doon ay unti-unti na ring sumikay ang ngiti sa aking labi. Ang sarap parin talaga na may isang tao kang masasandalan. Isang taong kahit gaano pa kahirap ang sitwasyon, hinding-hindi ka niya bibitiwan at sasamahan ka parin nito. Sobrang nagpapasalamat ako, dahil si Sommer iyon.
"Seeing the smile on your face makes me so happy to be alive, it makes my heart beat faster and because of that, I fell in love with you the first time I saw your smiles." Sabi niya habang nagniningning ang mga mata. Napalunok ako sa mga katagang iyon, parang tinutunaw ng mga ito ang puso ko.
Isang matamis na ngiti ang muling pinakawalan nito bago hinaplos ang pisngi ko. "When you smile, you are more beautiful than the sunset." Dagdag pa niya. "So I will do everything just to keep seeing those smiles, no matter what happens, at all cost."
Awtomatikong napa nguso ako. Gusto kong maiyak dahil sa mga sinasabi niya, pero baka isipin niya masyado na akong nagiging cry baby.
"UWAAAAAA!!!!" Pero hindi ko parin napigilan. "Bakit ka ba ganyan Sommer? Huhuhu!" Tanong ko habang nagpapadyak ang mga paa at nasa aking mukha ang dalawang palad.
Agad naman akong niyakap nito habang hinahagod ang likod ko. "Awww, my baby." Sabi niya habang natatawa. "Stop crying. Baka isipin ng mama mo, pinapaiyak kita." Dagdag pa niya.
"I-Ikaw naman talaga eh!" Hayyyy. Bakit ba kasi napaka pure ng puso ni Sommer? Wala akong maihusga sa kanya bilang partner. Napaka perfect niya para sa akin. Nakakatakot ang pagiging perpekto nito.
Nagtagal pa kami sa sala. Pilit akong pinatatahan nito habang ako naman ay patuloy lamang sa pagpapa baby.
Sinamahan niya rin ako sa loob ng aking kuwarto. Habang kapwa kami nakahiga sa aking kama at nasa kisame ang mga mata, eh biglaang sinabi nito ang lahat ng plano niya sa para sa aming dalawq. Noon ko rin napatunayan na napakarami niya pala talagang pangarap para sa amin. Siya iyong tipo ng kasintahan na pang habambuhay at hindi panandalian lamang. Siya rin iyong tipo na, once na minahal kana niya, never ka na niyang susukuan pa.
She even sang a song for me until I finally fell asleep.
Okay naman talaga ang lahat. Napaka safe na ng puso ko sa piling ni Sommer. Masayang-masaya ito at masasabi kong healthy, kung hindi lamang dahil sa aking kondisyon. Pero hindi na bale, dahil kahit na ano pa man ang mangyari, pipiliin ko parin ang kung saan makakasama ko parin si Sommer ng matagal. Kung saan, makakabuo kami ng pinapangarap naming pamilya.
----
Sommer
Dahan-dahan at maingat akong bumangon mula sa pag higa dahil baka muli ko pang magising si Ivy. Hindi ko mapigilan ang mapa ngiti sa aking sarili habang tinitignan ang maamo nitong mukha, bago marahan na hinawi ang ilang hibla ng kanyang buhok na humaharang sa kanyang pisngi.
"Good night, lovey." Bulong ko sa kanyang tenga atsaka ito binigyan ng isang halik sa kanyang noo.
Maingat na isinara ko rin ang pintuan ng kanyang kuwarto. Magpapaalam pa sana ako kay Ms. Demers na aalis na, kaya lang mukhang tulog na rin ito.
Napailing na lamang ako habang napapa ngiti na nakatingin sa pinto ng kanyang kuwarto.
Magtetext na lamang siguro ako. Sabi ko sa aking sarili.
Palabas na sana ako ng kanilang bahay nang mapansin kong gising pa pala si Ms. Demers habang tahimik na naka upo sa may veranda.
"Aalis kana ba?" Agad na tanong nito noong makita ako. Napatango ako bilang sagot. "Tulog na ba si Ivy?"
"Oho." Magalang na sagot ko bago naupo sa isang bakanteng silya sa kanyang harapan. "Hindi ba kayo makatulog?" Dagdag ko pa.
Sandali itong natahimik bago napatitig sa aking mga mata. Syempre, hindi maiwasan na mailang ako kaya mabilis na napaiwas ako ng aking mga mata.
"Ikaw talaga ang sadya ko kaya ako naupo rito." Wika nito sa makahulugang tono. Inaamin kong nagulat ako kaya agad na napaturo ako sa aking sarili.
"A-Ako?" Tanong ko pa. Napatango ito bago nagpakawala ng isang malalim na paghinga sa ere.
"Mag mula ngayon, hindi ko na iisipin ang sasabihin ng ibang tao. Kalilimutan ko ang kinagisnan kong pag-uugali at mga katuwiran. Para sa anak ko, kung saan siya masaya, doon na rin ako masaya." Naguguluhan na napatitig ako ng maigi sa kanyang mukha.
"Alam kong balak mo ng mag propose sa anak ko." Mas lalo akong nagulat sa sinabi niyang iyon. Kaya hindi ko mapigilan ang mapalunok habang nanlalaki ang mga mata.
P-Paano niya nalaman? Gulat na tanong ko sa aking sarili.
"Alam ko...dahil babae rin ako." Sabi niya na parang nababasa ang nasa utak ko.
And suddenly she pulled out a pink notebook with a printed barbie on its cover.
"Binibigyan na kita ng blessing kahit hindi mo pa man iyon hinihiling sa akin." Muling wika niya at iniabot ang notebook sa akin.
"Ms. Demers, I--"
Ngunit mabilis na kinuha nito ang aking kamay at inilagay mismo roon ang bagay na gusto niyang ibigay sa akin.
"Alam kong mabuti kang bata. Alam kong iingatan at aalagaan mo ang anak ko, anuman ang mangyari. Alam ko iyon, at nakikita ko. Hinding-hindi mo siya pababayaan. Napatunayan mo na ang sarili mo sa akin, kaya hindi mo na kailangang gumawa pa ng effort para lang magustuhan kita." Dire-diretso niya iyong sinasabi habang tinititigan ako. At pagkatapos ay napa musyon ito sa aking hawak.
"Kaya ibinibigay ko sayo ang notebook na iyan. Gusto kong basahin mo ang nilalaman at lahat ng nakasulat riyan, bago ka tuluyang mag propose sa kanya." Sabay ngiti pa nito sa huli.
Napalunok akong muli atsaka napa yuko sa aking hawak. Sa totoo lang, hindi ko parin alam kung ano ba ang dapat na sabihin.
But I was surprised when Ms. Demers suddenly held my hand. She was about to cry but she was holding back.
"Salamat dahil nakilala ka ng anak ko." Sabi niya. "Salamat dahil siya ang napili mong mahalin. Kampante na ako ngayon at panatag na rin ang loob ko, dahil may nag-iisang ikaw ang anak ko." Marahan na piniga nito ang kamay ko. "Isang Sommer na gagawin ang lahat para sa kanya." Binigyan niya ako ng isang ngiti. Iyong ngiti na alam mong panatag na nga ang loob nito.
Kaya naman, marahan na hinawakan ko rin ang kamay nito bago siya ginawaran ng isang ngiti pabalik.
"I promise you I will never leave her. I will treat her like a queen, because no one can hurt her. I will love her, just like the love you give her." Buong puso na sinasabi ko iyon sa harap ng ina ng aking mahal.
At tuluyan na ngang pumatak ang mga luha sa kanyang pisngi.
"Thank you, Sommer...I mean, my daughter-in-law." Isang pamilyar na kiliti ang aking naramdaman nang marinig ang mga katagang iyon.
Hanggang sa makauwi ako sa Resort, hindi mabura-bura ang malawak na ngiti sa aking labi. Lalo na ang mga sinabi na iyon ni Ms. Demers.
Because of that conversation, I had more courage to prepare my plan for Ivy and me. And of course, kailangan ko ng tulong ni Ms. Demers at ang best friend nitong si Grace.
Pero teka...bigla akong napatingin sa notebook na ibinigay ni Ms. Demers sa akin. Para saan naman kaya iyon?