Chapter 6 - CHAPTER 5

"No one else matters when I look into your eyes."

Now playing: Build me up buttercup

Ivy

Pasilip-silip ako sa paligid habang nagtatago rito mula sa isang poste. Hindi naman sa nahihiya, kung hindi dahil naiilang na muling makasalubong si Sommer.

Hindi ko na kasi namalayan pa kung paano ako nakauwi kagabi. At hindi ko rin alam kung ano pa ba ang ibang bagay na nasabi ko sa kanya dala ng kalasingan. Ni hindi ko nga alam kung may mga nakakahiya pa ba akong bagay na nagawa habang magkasama kami eh.

Pero in fairness, ang bait niya pala talaga. Hindi ko akalain na sa loob ng isang gabi, magiging ganoon kapanatag ang loob ko sa kanya. Dahil doon ay hindi ko na itutuloy pa ang pag reresign. Ewan ko, pakiramdam ko kagabi kahit sa loob ng ilang oras na nakasama ko siya eh naramdaman kong safe ako. Na may taong promotekta sa akin at hindi ako hinayaang mag-isa.

Hindi ko maiwasan na mas lalong humanga pa sa aming boss. Dahil bukod sa napaka ganda at maamo nitong mukha, eh ganoon na ganoon din ang kanyang pag-uugali. Isa pa, kahit sa mga simpleng aksyon lamang niya eh, masasabi mong napaka sweet nitong tao.

Atsaka...ang hindi ko maintindihan eh kung bakit ang ganda-ganda palagi ng mga ngiti niya para sa akin. Iyong ngiti na totoo at walang halong kaplastikan. Ilang beses akong napapatulala sa kanya, at kahit na subukin ko pang ibaling sa ibang direksyon ang aking mga mata, bumabalik at bumabalik iyon sa kanyang mukha.

Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang makita si Sommer na mayroong kausap na dalawang foreigner. Isa sila sa aming mga guest rito.

The way she laughed and smiled, its mesmerized me. Parang kusa na lamang humihinto ang mundo para sa akin, at tanging sa mukha lamang nito nakatutok ang aking mga mata. Gosh! Ang ganda-ganda niya talaga. Hindi na ako nagtataka kung bakit siya naging isang modelo.

"Paki sara naman yang bibig mo. Kulang nalang pasukan ng langaw eh."

"Ay palaka!" Gulat na reaksyon ko nang biglang mag salita si Grace mula sa aking likuran.

"Ano ba kasing tinitignan mo at sinasayang mo ang lunch break mo dyan?" Tanong nito bago tuluyang napatingin na rin sa kanina ko pa tinitignan. Nasa kanyang silya ito nakaupo. At katatapos lamang din kasi namin sa pagkain.

"Hmmm.." Napapatango niyang sabi. "Naku! Iba na yan." Dagdag na biro pa niya. "Ang ganda 'no? Hirap hindi titigan." Sabay tawa pang sabi nito sa huli.

Napailing lamang ako bago muling ibinalik ang mga mata kung nasaan si Sommer.

"Pero...hindi naman masamang magkaroon ako ng girl crush, diba?" Sabi ko pa sa aking kaibigan. "Hindi ka naman magagalit?" Napatango siya.

"Wala naman talagang masama eh. Basta ba girl crush lang." Sagot nito. Muling ibinalik ko ang aking mga mata kay Grace.

"Diba doon naman kayo nagsimula ni Jussel?" Tanong ko habang naka ngiti. At yes, tama kayo. Mayroon siyang girlfriend at isa siyang bisexual. Nakaka inggit nga eh, dahil nakikita ko na mas matatag pa ang relasyon nilang dalawa kaysa sa amin ni Prince.

"Oo." Sagot niya. "Pero...basta girl crush lang ha." Muling paalala nito sa akin. Alam ko na agad ang ibig nitong sabihin, alam kasi niyang hindi hahayaan ng aking pamilya ang ganoong klase ng relasyon. Masyado kasi silang relihiyoso.

Nagpaalam ito sandali na mag reretouch lang. Kaya naman naiwan akong mag-isa habang napapaisip ng malalim. Hindi naman ako aabot sa pakikipag relasyon sa babae, isa pa, bukod sa hindi iyon hahayaan ng aking pamilya, eh alam kong mas gusto ng mga ito si Prince para sa akin. Kahit na anong mangyari. Isa pa, hinahangaan ko lang talaga si Sommer. Ngayon lamang kasi ako naka encounter ng katulad niya.

Muling hinanap ng aking mga mata ang babaeng tinitignan ko kanina pa, ngunit huli na dahil wala na ito roon maging ang kausap niya. Hindi ko alam pero dismayadong napayuko ako habang napapailing sa sarili.

"Are you looking for someone?" Biglang tanong ng isang boses dahilan upang mapatalon ako sa gulat.

Ang hindi ko pa inaasahan eh, masyado palang malapit ang kanyang mukha sa akin. Pigil hininga na hindi ako makakilos sa aking kinatatayuan. Para akong napako roon at nakatulala lamang sa kanyang mukha. Bakit naman kasi bigla na lamang siyang sumusulpot at ganito pa siya kalapit?

"H-Hi.." Utal na pagbati ko. Hindi parin nito inilalayo ang kanyang mukha sa akin.

Amoy na amoy ko ang napaka bango nitong perfume na sobrang nakaka adik. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang pagsulyap nito sa aking labi bago napalunok ng mariin habang nakatitig roon. Pagkatapos ay muling nag-angat ng tingin sa aking mga mata.

Magsasalita na sana akong muli ng maunahan niya ako. "How was your sleep? Wala ka bang hangover?" Tanong nito bago tuluyan ng inilayo ang kanyang katawan at mukha sa akin. Nakalimutan ko na yata kung paano ang huminga sa loob ng ilang segundo na iyon.

"W-Wala naman." Sagot ko bago napakamot sa aking batok. "Uhmm...p-pwede bang magtanong?" Mabilis naman itong napatango.

"Sure! What is it?" At nandiyan na naman po ang nakakatunaw niyang mga ngiti. Napaiwas ako ng tingin upang hindi mawala sa aking isipan ang nais itanong sa kanya.

"P-Paano ako nakauwi kagabi?" Mula sa kanyang pag ngiti ay napalitan iyon ng isang nakakaasar na ngisi.

"Owww! You don't remember, don't you?" At hindi ko na po gusto ang tono ng pananalita niya. Parang mayroon kasing ibig sabihin.

"Hindi eh..." Nahihiyang sagot ko. Gusto ko na naman tuloy ang mag walk-out at pagtaguan na siya habambuhay. "May nagawa ba akong hindi dapat?"

Dahil sa itinanong ko ay napatawa siya. Iyong tawa na hindi naman nakakaasar pero mapapatulala ka dahil lalo siyang gumaganda. Tss!

Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang akong natigilan nang tuluyang maalala ang mga nangyari kagabi.

Flashback:

"Hoy! Sommer, bakit ang ganda-ganda mo?" Tanong ko sa kanya habang pinipisil ang magkabilaan nitong pisngi. Halatang nasasaktan na siya pero hindi ko parin iyon binibitiwan.

"You're just drunk." Sabi nito habang natatawang inaalalayan ako pababa sa kanyang sasakyan.

"May boyfriend ka na ba?" Tanong ko pa. "Asawa? May asawa kana no? Ayiieeee. Gwapo ba?" Muli na naman itong napatawa.

"You're cute but you're drunk." Sabi niya. "Come on, get a rest."

"Crush na yata kita *hik*" Naniningkit ang mga sabi ko pa. Sandali itong napatulala sa aking mukha bago napangiting muli.

"I know. Everyone has a crush on me." Pagmamayabang pa niya.

"Huwag mo na akong iuwi." Pagpipigil ko bigla ng masulyapan na nasa tapat na kami ng bahay. "Ayokong umuwi. Ayokong pumasok sa bahay na yan. Ayokong mag-isa." Pagkatapos ay bigla na lamang akong napahagulgol at nawalan ng malay....

End of flashback:

Napa tampal ako sa aking noo bago nahihiyang napa hilamos ng aking palad. Habang naririnig ko naman ang mahihinang pag tawa ni Sommer. Pakiramdam ko nangangamatis na masyado ang aking mukha sa harap niya.

"It's okay. I won't tell anyone." Sabi pa niya. "See you around, Ivy." Biglang paalam niya at mabilis akong tinalikuran na. Habang ako naman eh naiwang tulala at hindi na naman alam ang gagawin dahil sa nangyari.

Sommer

Hindi ko mapigilan ang mapatawa ng mag-isa at parang siraulong naglalakad pabalik sa aking kuwarto. Ewan ko ba, pero nakakatuwa lang masyado itong si Ivy.

I can't help but admire her. I mean, paano niya nakakayanan ang lahat ng mag-isa? Base kasi sa mga nalaman ko kagabi, mag-isa na lamang siya rito sa Pilipinas. Dahil lahat halos ng kamag-anak nito ay nasa Germany na, maging ang kanyang ina. Kaya kinailangan niya ang mag trabaho para sa kanyang sarili, dahil iyon na lamang ang paraan para mabuhay siya.

Dahil doon eh hindi ko maiwasan ang makaramdam ng lalong pagkainis para sa kanyang nobyo. Paano niya nagagawa ang mga bagay na iyon kay Ivy? Dahil napaka swerte na niya rito para balewalain lamang at paglaruan palagi ang feelings ng kanyang nobya. Hayyyy. Well, that's their problem not mine.

Kaya lang kasi, bakit hindi ako makatulog dahil sa pag-aalala? What the hell?! Hindi ko pa naman siya kilala ng lubusan pero bakit ganito ako mag-alala?!

Maybe because I know that there are still people who are going through a lot harder than me. That someone else has a deeper problem than me. Like Ivy. Hindi sa katulad ko na ang tanging problema lamang ay ang kung paano makakalimutan ang kanyang ex-girlfriend.

Sinubukan ko na muna ang ibaling ang aking atensyon sa ibang bagay, hindi kay Rae, hindi kay Ivy o maging sa mga gawain dito sa resort.

I try to find something else that I can distract. So, I went out and looked for a gym where I could work out. We had our own gym at the resort, but I needed another place to clear my mind. Nag stay ako roon ng halos tatlong oras.

Pagbalik ko sa resort, ini-reserve ko na muna ang jacuzzi para sa akin. Ibig sabihin walang ibang pweding gumamit o makakapasok roon maliban sa akin. Dahil iyon ang bagay na isa sa nakasanayan ko. I just want the place alone and because I am fully naked when I go to the jacuzzi.

I play soft music to relax my body and mind. As I closed my eyes and felt the warm water, I was suddenly startled when someone screamed in front of me.

Hindi ko mapigilan ang mapamura sa aking sarili at mabilis ang kilos na napatayo at hinanap ang aking bath robe, ngunit mas lalo lamang itong napasigaw at napatakip ng kanyang mga mata noong humakbang ako papalapit sa kanya, kung saan banda nakalagay ang bagay na aking hinahanap.

Noong aabutin ko na sana ito ay hindi sinasadyang naitulak niya ako pabalik sa pool. Kaya naman awtomatiko na bumagsak akong muli sa tubig kasama siya, dahil sa na out of balance rin ito.

Bigla siyang natigilan sa kanyang pag sigaw. Hindi ko naman mapigilan ang mapatawa dahil sa naging reaksyon niya. Pagkatapos ay biglang napatitig sa kanyang mga mata na animo'y mayroon itong gayuma. Nakaka hypnotise ang mga iyon. And they shine like stars in the sky. Hindi ko maintindihan pero, nakatitig rin siya pabalik sa akin. Na parang walang ibang nag mamatter sa aming paligid kung hindi kami lamang dalawa. Walang sino man ang gustong bumitaw sa amin sa mga titig na iyon.

Hindi ko rin maiwasan ang hindi muling mapasulyap sa kanyang medyo nakaawang na labi na hirap ako palaging hindi iyon tignan, at ang mapalunok na rin. Para iyong isang candy na naghihintay na aking matikman. But I didn't.

Hanggang sa mapatikhim na lamang ako nang realize na nakakapit pala siya sa aking braso, habang ang isa naman nitong kamay ay nasa aking hinaharap. Napa ngisi ako ng nakakaloko.

Agad na nangamatis ang kanyang mukha at mabilis na napa bitiw mula sa akin. Awtomatikong na napa atras din siya papalayo habang nakahawak sa kanyang dibdib. Iyong parang nahihirapan siyang huminga.

"S-Sorry." Utal na pag hingi nito ng tawag habang umaahon sa tubig.

"Are you okay?" Nag-aalala na tanong ko at hindi na nag-abala pang takpan ang aking katawan. Hindi naman ako nahihiya. Besides, I should be proud of my body.

Pero hindi na ako nito sinagot at dire-diretso na lamang sa pagtakbo palabas ng jacuzzi area.

Dahil sa nangyari eh buong magdamag halos akong dilat at hindi makatulog. Na kahit anong gawin ko eh hindi ako dinadalaw ng antok dahil sa...pag-aalala?

Yeah, maybe this is because I'm worried about her. Pero bakit ba ako nag-aalala? She's only my employee for fcking sake. And I should not be worried about her because I don't want to be interested in anyone now. All I want is to move on, to move forward from the past and not to enter into a new relationship.That's it!