Chapter 3 - CHAPTER 2

"Not everyone in a relationship is happy, so it is better to just stay single and do what you want, than to stay in a wrong relationship that you just want to run away from."

Ivy

Nagising ako dahil sa sakit ng aking ulo. Dala na naman ito marahil ng hangover dahil sa pag inom kagabi, kahit na mahigpit na ipinagbabawal sa akin. Wala eh, anong magagawa ko? Palaging nagloloko ang aking boyfriend. Ikaw ba naman ang ma in love sa isang chick boy. Hays!

Mabuti na lang dahil hindi ako iniiwan ng aking mga kaibigan. Kahit na anong mangyari, palagi silang nadiyan upang damayan ako. Hindi nila ako iniiwan. Actually, isa sa kanila ang nagsabi sa akin na hanggang ngayon ay nambababae parin si Prince, ang pangalan ng aking nobyo. Kahit na ilang beses na itong nangako sa akin na hindi na niya iyon uulitin. Wala raw siyang magawa dahil lalaki lang siya. Lapitin ng tukso.

Siguro nagtataka kayo kung bakit hindi ko pa siya iniiwan. O kung bakit ayaw ko siyang iwanan sa kabila ng mga ginagawa niya, ganon talaga siguro, mahal ko eh. Kahit na ganoon siya, malaking bagay parin ang natutulong nito sa akin. Isa pa, hindi ko siya kayang mawala sa akin ng ganon-ganon lang. Kaya hangga't kaya kong magtiis, magtitiis ako wag lamang niya ako tuluyang iwanan. At ang higit sa lahat, siya lamang ang lalaki na gusto ng aking pamilya para sa akin. Wala ng iba.

Ilang beses ko na ring naisip o sumagi sa aking isipan na makipag hiwalay sa kanya, pero sa tuwing naiisip ko palang na gagawin iyon, nasasaktan na ako. Sumisikip ang dibdib ko. Feeling ko, ikamamatay ko iyon. Hayyy. Aywan ko ba! Baliw na nga yata talaga ako sa lalaking iyon.

Bumangon na ako at nag-asikaso para sa pagpasok. Pipilitin ko parin ang pumasok kahit na kumikirot ang aking ulo dahil sa hangover. Isa pa, bago pa lamang ako sa resort, ayoko naman na mawalan ng raket dahil lamang sa problema ko sa aking buhay pag-ibig.

Hindi ako mayaman, sakto lang. Actually, tingin sa aming pamilya ng ibang tao rito ay mayaman o may kaya sa buhay. Pero ako? Hindi ko iyon nakikita dahil kahit konting pera o pang gastos, hindi ako humihingi sa aking mga magulang. Mas gusto ko ang mag trabaho at magsumikap para sa aking sarili, ayokong umaasa sa iba para lamang makuha ang lahat ng gusto ko, ang mga luho ko.

Nasa Germany na sila mama kasama ang aking mga pinsan at mga tiyahin. Wala na akong kasama pa rito, ako na lamang mag-isa. Minsan umuuwi ang aking ina rito para ako ay bisitahin, apat na beses umuuwi rito si mama sa loob ng isang taon. Madalas tumatagal lamang siya ng isang buwan at pagkatapos ay babalik na ulit doon.

Wala na po akong ama, sanggol pa lamang ako noong pumanaw siya. Kaya hindi ko na ito nakagisnan pa, kaya hanggang ngayon, uhaw na uhaw parin ako sa pagmamahal ng isang ama. Kaya ganoon na lamang din ang pagmamahal na meron ako para kay Prince, dahil siya lamang ang kauna-unahang lalaki na nagparamdam sa akin kung gaano ako kahalaga.

Ayoko rin kasing sumunod sa Germany kina mama, ewan ko. Ayaw ko lang talaga at mas gusto ko ang mag-isa rito. Mas masarap kayang tumira rito sa Pilipinas. Diba?

Pagdating ko sa resort, agad na binati ko ang ilang guest na aking nakakasalubong. Masaya ako dahil nakapasok ako rito, isa kaya ito sa resort na madalas ko lamang daanan noon. Pero ngayon, empleyado na ako. At isa na ako sa mga taong bumabati sa mga bisita na nandito.

Kunot noo na napatingin ako sa aking mga kasamahan noong mapadaanan ako sa may front desk. Naka tanaw kasi ang mga ito sa dagat at parang may pinagbubulungan. Ano naman kaya iyon?

Dahil na rin sa dala ng curiosity, ay agad na napalingon na ako kung saan sila nakatingin. Medyo madami ng guest ang naliligo sa dagat ngayon kahit na masyado pang maaga at malamig pa ang tubig, karamihan sa mga ito ay foreigner habang nag-eenjoy sa malakas at naglalakihan na hambas ng mga alon.

Pero isang tao lamang ang agad na nakaagaw ng aking pansin. Iyong feeling na naging blur lahat ng nasa kanyang paligid noong sandaling mapadako na ang aking mga mata sa kanya. Iyong isang babaeng nagsusurf, at hindi lamang iyon, napaka galing pa niya!

Hindi ko mapigilan ang mapanganga sa sobrang paghanga. Kaya naman pala ganoon na lamang ang titig ng aking mga kapwa empleyado sa kanya, dahil sa galing nitong pagsusurf.

"Wow!" Hindi ko mapigilang komento sa aking sarili, dahil hanggang ngayon ay hindi parin mabura-bura sa aking isipan ang husay ng babaeng iyon.

"Guest ba natin 'yun?" Tanong ko kay Grace habang naglalakad na kami papunta sa kitchen. Parehas kasi kaming waitress rito, at kasalukuyang nagttraining pa lamang. Sabay kasi kaming na hired kaya masaya ako dahil isa sa best friend ko ang kasama ko ngayon rito.

Napalingon pa akong muli sa babaeng tinigtignan namin kanina na ngayon ay paahon na mula sa tubig dagat. Hindi ko alam pero hirap na muling inalis ko ang aking paningin sa kanya, para kasi itong may magnet.

"Hindi mo alam?" Tanong nito sakin na may halong pagtataka. Mas lalo lamang tuloy napakunot ang aking noo.

"Siya ang may-ari ng resort na ito. Sa ibang salita, siya ang boss natin. And guess what? Isa siyang model!" Hirap na napalunok ako habang nanlalaki ang mga mata dahil sa narinig.

"T-Talaga ba?" Hindi makapaniwala na tanong ko. Bakit hindi ko yata alam 'yun? Atsaka bakit hindi ko yata alam na dumating na siya?

Napatango si Grace.

"Oo. Kahapon lang siya dumating, atsaka napaka ganda niya. Hayop sa ganda!" Paliwanag pa nito habang kumikinang ang mga mata. Napa hinto kami sandali sa pag hakbang. "Sayang dahil break time mo 'non kahapon, hindi mo siya nakita. Hihi." Dagdag pa nito ng may pang-aasar. Hmp!

"Nakakainggit ka naman. Sexy?" Sabay tanong kong muli sa kanya. Hindi nito mapigilan ang mapahampas sa aking braso.

"Aray naman!" Reklamo ko ngunit hindi niya iyon pinansin.

"Ay sinabi mo pa! Matangkad na at napakaputi pa, makinis, unfairness!" Dagdag pa nito. "Hindi mo ba talaga kilala ang may-ari ng resort na ito?" Tanong pa niyang muli. Napailing ako.

"Kilala ko lang sa pangalan. Pero hindi ko pa nakikita." Sagot ko naman. Sa totoo lang wala talaga akong ideya sa mukha ng taong may-ari ng resort na ito, wala akong ideya kung sino man ang taong pinag-uusapan namin.

"Siya mismo ang may ari?" Tanong ko dahil sa tingin ko eh parang napaka bata pa niya para magkaroon ng ganitong resort. Sabagay, kapag anak mayaman, syempre mayaman din ang anak.

"Naku! Baka kapag makita mo, tumulo yang laway mo." Sabay tawa nito kaya napatawa na rin ako.

"Sira ka talaga! Pero baka nga." Biro ko naman bago kami muling nagtawanan. "May abs kaya siya?" Walang preno na tanong ko dahilan upang mapalunok si Grace habang naka tingin sa likod ko, at parang natuklaw ito ng ahas.

"Yes, I have. Want to check it out?" Wika ng isang napaka gandang boses mula sa aming likuran. Agad na bumilis ang pintig ng aking puso dahil sa magkahalong gulat at kaba. Kusa ko na lamang ding naramdaman ang pag-akyat ng dugo sa aking buong mukha.

"Shit! Patay." Bulong ni Grace atsaka ako dahan-dahan na napalingon sa babaeng nagsalita.

At gayon na lamang ang gulat sa aking mukha at mga mata ng magtama ang aking paningin sa kanyang napaka gandang mukha. Tama nga si Grace, mapapatulala ka lamang sa kanya dahil sa amo ng kanyang mukha at iyong katawan niya, tutulo na lang nga yata bigla ang laway ko anumang segundo dahil sa sexy niya. Atsaka....iyong mga abs nitong nagyayabang. Omg! My eyes! Gusto kong mapaiwas ng tingin ngunit mas gusto nila iyong titigan.

"Do you want to touch them?" Rinig ko pa na tanong pa nito, dahilan upang makaramdam ako ng lalong pang-iinit ng aking mga pisngi.

"Eh?" Iyon lamang ang tanging na bigkas ko dahil sa kahihiyan. Oh juice colored! Kunin na sana ako ng lupa. Nakakahiya!

"My abs, do you want to touch them?" Sabay ngisi na wika nito halatang nag-eenjoy sa kanyang ginagawa.

Halos malaglag na ang aking panga sa sahig kung hindi lamang ako siniko ni Grace mula sa aking tagiliran.

"Ahem! G-Good morning Ms. Sommer." Pagbati nito sa kanya. "P-Papunta na ho kami sa aming trabaho. Pasensya na po." Sabay hila sa akin nito at kinaladkad ako hanggang sa makarating sa kitchen.

Hmmmm...ang ganda naman ng pangalan niya. Sommer...bagay na bagay sa ganda niya! At mas lalong bumagay sa panahon ngayon, ang init! Pwew!

Isang malakas na sapak naman ang biglang natamo ko sa aking kaibigan, pero iyong alam kong pabiro lang.

"Nakakahiya ka!" Singhal nito sa akin. "Sinabi ko lang naman na baka tumulo yang laway mo, hindi ko naman sinabing pag nasaan mo siya ng harap-harapan!" Dagdag pa niya. Dahil doon ay kusa na lamang akong natauhan sa ibig nitong sabihin.

Napatampal ako sa aking noo. "Oh my God. Oh my God. OH MY GOD!" Nakakahiyaaaaa. Waaaaah!!!

"Oo, nakakahiya diba? Kaya kung ako sayo, bukas na bukas din eh mag resign kana. Jusme!" Sabay hilamos niya ng kanyang dalawang palad sa kanyang mukha.

Hindi ko tuloy mapigilan ang magpapapadyak na parang bata sa sahig. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ngayon. Wala na yata akong mukha na maihaharap pa sa boss namin. Huhu. Kasalanan kasi ng mukha niya, bakit kasi ang ganda niya? Atsaka 'yung abs niya! First time kong makakita ng abs ng isang babae sa personal, sa mga pelikula ko lang naman 'yun napapanood pero bakit naging totoo na ngayon?

Nakakahiya!