Chapter 5 - CHAPTER 4

"Sometimes we are blinded by false love." - Sommer

Now playing: The flame by Six Part Invention

Sommer

Nakasanayan ko na yata ang lumabas tuwing gabi, pupunta sa paborito kong bar dito at maglalasing. Kasama ko man o hindi si Joseph.

I do not know but only when I drink I find the peace of my heart now. That even in a few minutes or hours, I was able to forget Rae. Hayyyy. Kailan ko ba mahahanap ang kaligayahan na gusto ko ng muling maramdaman.

Pakiramdam ko habang tumatagal, mas lalo lamang akong nababaon sa nakaraan. Nalulunod na ako sa lalim ng kahapon. Minsan tinatanong ko ang aking sarili, makakalimutan ko pa kaya siya? Magagawa ko pa kayang mag move on? Ang hirap. Ang hirap mag move on para sa katulad kong ginawa ng sistema ang magmahal sa isang tao.

That matter how many times I want to do something to turn my back on her, the past and the memories of the two of us kept chasing me.

Habang naghahanda sa aking pag-alis, bigla na lamang may nag pop-up na notification mula sa aking cellphone.

And when I checked it out, the smile automatically drew on my lips when I read Ivy's name written. I think she accidentally hit the heart button. That's why I thought to message her here on Instagram as well.

"Someone stalking me." And then I send it with a wink emoji. Hindi ko na hinintay pa ang kanyang reply, dahil kinailangan ko pang kitain si Joseph para sa aming dinner bago ako dadaan sa bar.

Pagdating ko sa restaurant, hindi parin mabura-bura sa aking isipan ang message ko na iyon kay Ivy. Hindi ko alam, but I think she's...cute? Every time she blushed in front of me, it was as if I wanted to squeeze her cheeks with a bite. Napaka inosente niyang tignan, ang pagiging madaldal niya pero shy type, nakakatuwang tignan sa kanya.

Bagay na agad na napansin ni Joseph ngunit tinignan lamang niya ako ng may pang-aasar.

I have only encountered Ivy three times since I came back here to the resort, but I feel like there is something in her that I want to get to know her better. Pero hindi pa sa ngayon. Alam ko kasi sa sarili ko na hindi pa rin ako handang kumilala ng ibang tao.

Also, I do not dream of ruining a relationship. She already has a boyfriend. And yes, natatandaan ko pa ang unang araw ko siyang nakita habang nakikipag talo sa kanyang nobyo. No matter what relationship they have now, I have no right to interfere. Because I have my own business to deal with.

"Stop looking at me like that." Saway ko sa kanya dahil kanina pa niya ako tinitignan ng nakakaloko. Nagmamaneho na ako ngayon pabalik sa resort para ihatid si Joseph. Hindi na niya ako masasamahan pa sa bar dahil marami siyang kailangang gawin bukas.

"What? I'm not saying anything." Pagdadahilan naman nito. Napataas ang aking kilay.

"Well, I'm not stupid Joseph. I know what's going on in your mind. Come on, just spell it out. I won't mind anyways." Kunwari naman na walang ideya na sabi ko sa kanya.

Inayos nito ang kanyang pag-upo at humarap sa akin. Habang ako naman ay nagpalipat-lipat ang mga mata sa kanya at sa kalsada.

"Who is she?" Diretsahan na tanong nito.

"What?" Kunwari naman na nagulat ako. Pero...hindi ko akalain na tsismoso rin pala itong si Joseph. Isa pa, masama bang ngumiti dahil sa natutuwa lang?

"The woman in your mind who she is? Well, at least kahit naman papaano eh kilala na kita. I know you always smile but this time, your smile is different than your normal smile." Sabay taas baba ng kilay na sabi nito sa akin. Hindi ko mapigilan ang mapatawa ng malutong habang itinatabi ang aking sasakyan at inihinto ito sa harap ng entrance ng resort.

"Joseph, stop being an issue person." Natatawa parin na wika ko. "I have no idea what is your talking about. Okay? Sadyang madumi lang 'yang isipan mo, so can you get out of my car, please?" Dagdag ko pa habang pinagtutulakan siya palabas ng aking kotse.

Tatawa-tawa naman itong lumabas hanggang sa muli kong pinasibad ang aking sasakyan. Napapa iling na lamang ako sa aking sarili habang inaalala si Jospeh. Ganoon ba ako ka obvious? Well, maliban na lang sa iniisip niya. Walang ibang babae na nasa isipan ko hanggang ngayon kung hindi si Rae. Period.

----

Nakakaubos na ako ng ilang bote ng San mig light nang maisipan kong pumunta sa rest room. I don't drink hard liquor tonight because I thought I might wake up late tomorrow. I knew Joseph needed a helper and I couldn't do that if I was still asleep.

Mabuti nalang dahil walang ibang tao ngayon rito. No one will recognize me and suddenly take a picture.

Agad na pumasok ako sa isang bakanting cubicle at doon naihi. Pagkatapos ng ilang minuto at noong matapos na ako, lalabas na sana ako ng marinig ko ang isang umiiyak na babae.

Iyong iyak na parang natatakot siya at nag mamakaawa. Kaya naisipan ko na manatili na muna sa loob.

"Prince, please. Umuwi ka nalang kaysa sa ganito oh. Nagtatrabaho ako." That voice was familiar to me as well as the man's name.

Wait, ilang trabaho ba ang meron siya sa isang araw?

"Uuwi lang ako kapag kasama kita. Sige na. Wag kana kasing mag trabaho, ibigay mo na muna ang oras mo sa akin." Sagot naman ng kanyang nobyo. Hindi ko maiwasan ang mapailing.

"Prince, napag-usapan na natin ito diba?" Sagot naman ni Ivy. "Kailangan kong mag trabaho."

"ALAM MO! ANG BORING MO KASING GIRLFRIEND KAYA MAS GUSTO KO NALANG ANG HIWALAYAN KA EH! BAHALA KA NGA DYAN!" Sigaw ng kanyang nobyo pagkatapos ay isang malakas na pag sara ng pinto ang aking narinig.

Nabalot ang buong silid ng mga hikbi ni Ivy. Doon ko naman naisipan na lumabas mula sa loob ng cubicle ngunit huli na dahil nakalabas na ito, mabilis na hinabol ko siya at tinawag.

"Ivy, wait!" Pigil ko sa kanya. Halatang nagulat ito ng makita ako at mabilis na pinunasan ang kanyang luha sa pisngi gamit ang kanyang palad. She looked so exhausted.

"Here." Pag abot ko sa kanya ng aking panyo, bago ito binigyan ng isang mabagal na ngiti.

"T-Thank you." Pagpapasalamat niya.

"Ang totoo? Ilang trabaho ba talaga ang meron ka sa isang araw?" Nagtataka parin na tanong ko. "Hindi ka ba napapagod?"

"Dalawa." Tipid na sagot nito. Hindi parin ito makatingin sa mukha ko. "Atsaka, hindi ko ho kailangang mapagod dahil kailangan kong buhayin ang sarili ko." Matigas na wika niya. Halatang na offend ko sa sinabi ko.

She was about to walk out as I grabbed her by the arm.

"Do you think I will let you work despite what happened? No, you need to rest." Pigil ko sa kanya.

"Kailangan kong magtrabaho." Muling wika niya habang nagingilid parin ang mga luha. Pero kahit na ganoon, hindi ko siya binibitiwan sa paghawak sa kanyang braso.

"Do as I say, Ivy. It's for your own sake." Concern na wika ko.

"Magagalit ho ang boss ko. Kailangan ko ang trabahong ito." Pagtatanggi at dahilan pa niya.

"Paano ba yan? Boss mo rin ako." Pangungilit ko pa bago napahinga ng malalim. Natigilan ito.

"I need you to listen to me. I'm sorry, Ivy. But as your boss, you are also my responsibility." Paliwanag ko. "Just stay here. I'll be right back." Sabi ko. Napatango naman siya. Mabuti nalang at marunong siyang makinig.

Dumiretso ako sa manager office at naabutan doon si Wisley, ang manager ng bar na ito. I know he knows me, because Adriana's dad is one of the owners of this bar. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa and told him my intention, something he never objected to.

Pabalik na sana ako kay Ivy nang may biglang humarang sa akin. Hindi ko mapigilan ang mapa iling in disbelief, sa itsura pa lamang niya, naiinis na ako.

I mean, Prince is handsome, kaya lang sa pag-uugali at gawain pa lamang niya, I know he is not the right one for Ivy.

"Hi." Pagbati nito sa akin. Halatang naghahanap ng susunod niyang bibiktimahin, habang ang kanyang girlfriend ay hindi parin tapos sa pag-iyak dahil sa kanya.

Napa cross arms ako. "What do you want?" Bungad ko dahil wala ako sa mood para sa mga kagaya niya. Napansin ko ang kanyang mga kaibigan sa may hindi kalayuan, halatang nakipag pustahan sa mga ito.

"Wow! English." Wika niya. "Gusto ko lang sanang makipag kaibigan. Nakita ko kasi na kausap mo si Ivy kanina." Bago niya ako binigyan ng kanyang killer smile na wala namang epekto sa akin.

Napailing akong muli. "Oh, come on. At least give me your number." Pangungulit pa niya. "Ang ganda mo kasi eh."

Napatawa ako ng pagak. "And your girlfriend? Isn't she beautiful?" He was stunned by what I said.

"I think Ivy is the most beautiful woman in the four corners of this place." Wika ko. "You're just stupid so you can't see that. And please, be a man." Inis na dagdag ko pa bago siya tinalikuran na at dire-diretso ang mga hakbang pabalik kay Ivy.

Mabilis na hinawakan ko ito sa kanyang braso at basta na lamang hinila palabas ng bar. Kahit na nagtataka at nag poprotesta ito, pilit na isinakay ko siya sa aking kotse.

"S-Saan tayo pupunta Ms. Sommer?" Good thing dahil hindi na siga umiiyak ngayon.

"Kung saan malayo sa boyfriend mo." Inis na wika ko bago pinasibad papalayo ang sasakyan.

Ivy

Hindi ko inaasahan na makikita ko rito si Ms. Sommer. Inaamin kong nagulat ako nang makitang lumabas siya mula sa rest room kung saan kami nang galing ni Prince kanina.

Alam kong narinig nito ang lahat. Kaya naman pinilit ko nalang ang aking sarili na tapangan ang bawat binibitiwang salita sa kanya, lalo na ang aking boses dahil ayokong kaawaan nito.

Ngunit hindi ko naman aakalain na mas makulit pa siya sa inaakala ko. At pilit na pinagpapahinga kahit na kaya ko pa naman ang mag trabaho. Ilang taon ko na itong ginagawa kaya hindi na bago sa akin ang ganitong mga sitwasyon at eksina, lalo na pagdating kay Prince.

Habang naghihintay sa pagbalik ni Ms. Sommer ay bigla na lamang may humablot sa aking braso at basta na lamang akong hinila palabas sa bar. Huli na ng marealize ko na si Ms. Sommer na pala iyon. Nag poprotesta pa ako dahil hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.

Noong makarating kami sa tapat ng kanyang kotse ay pilit niya rin akong pinasasakay rito. Kaya wala akong nagawa na sumunod na lamang.

Mukha siyang galit at hindi maipinta ang kanyang itsura. Kanina naman, napaka lambot ng kanyang awra at makikita talaga ang concern sa kanyang mga mata. Bagay na mas lalong ikinahanga ko sa kanya dahil bihira lamang ang mga boss na katulad niya. Iyong ituturing na hindi ibang tao ang kanyang mga empleyado.

"S-Saan tayo pupunta Ms. Sommer?" Tanong ko habang binubuhay nito ang makina ng kanyang sasakyan.

"Kung saan malayo sa boyfriend mo." Inis na wika niya bago pinasibad na papalayo ang sasakyan.

Magkasalubong lamang ang kanyang mga kilay hanggang sa makarating kami sa resort. Nagtataka man ay mas pinili ko na lamang ang manahimik.

Hanggang sa makarating kami sa mismong bar dito sa resort, pinaupo niya ako sandali sa isang bakanteng lamesa roon. Dahil may iilang guest pa rin naman ang nandirito.

Pagbalik niya, mayroon na siyang hawak na isang bote ng hindi ko kilalang alak. Mukhang matapang na alak. At dalawang baso sa kabila nitong kamay.

"Umiinom ka ba?" Tanong nito. Napatango ako ng dahan-dahan.

"Good." Simpleng sabi niya. "Samahan mo'ko." Dagdag pa niya.

"Ha?" Wika ko. Bigla na lamang siyang napatawa habang naka tingin lamang sa aking mukha. Iyong tingin na nakakailang kaya napa iwas ako ng tingin mula sa kanya. Atsaka, anong nakakatawa?

"Cute." Bulong nito sa sarili kaya hindi ko masyadong nadinig. "I said, let's drink." Hindi na ito naka busangot pa katulad kanina. Medyo light na ring muli ang kanyang awra. Napatango ako.

"S-Sure Ms.---"

"Just call me, Sommer." Putol nito sa akin dahilan upang muling mapatingin ako sa kanya. Iyong may halong pagtataka. "Sa tingin ko naman hindi nagkakalayo ang age natin." Dagdag pa niya.

"O-Okay." Lintik na dila 'to. Nauutal na naman. Saway ko sa aking sarili.

Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti. Iyong ngiti na makakalimutan mo nalang basta ang bigat na iyong dinadala. Masaya ako dahil napaka buting tao ng aming amo. Parang kanina lang, gusto ko ng mag resign dahil sa puro nalang kahihiyan ang dala ko sa kanya. Pero ngayon....parang gusto kong ipagkatiwala sa kanya ang lahat. Gusto ko siyang pagkatiwalaan at ituring na kaibigan.

"I love him." Bigla ko na lamang iyong nasabi sa kanya. Alam ko kasi na isa iyon sa gusto niyang i-open na topic. Isa pa, medyo napaparami na ang na iinom naming alak. Nararamdaman ko na rin ang pang iinit sa aking mga pisngi.

"Kaya kahit na ano pa siya, hindi ko siya kayang iwanan." Dagdag ko pa bago napatawa. "Kahit na ang sakit-sakit na. Ang martyr ko, diba?"

Napahinga ito ng malalim bago ako tinignan sandali sa mga mata.

"Well, there's nothing wrong with that. But sometimes we are blinded by false love." Wika niya habang nagsasalin muli ng alak para sa akin.

Napa kunot ang aking noo. "W-What do you mean..."

"What I am saying is that you are still young, you do not deserve someone like Prince." Pahayag niya.

"You deserve to be treated right, you deserve someone who will appreciate you and take care of you. You deserve someone who will not take you for granted because for him you are more than enough. That he has nothing more to ask for because he has someone like you. Trust me, you deserve better. Your heart deserves a man and not a boy." Walang preno na sabi pa niya.

Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kirot sa aking dibdib ng marinig ko ang mga katagang iyon. Mali ba talagang minahal ko si Prince? Pero...para sa akin kasi, kalahati ng buhay ko ang mawawala kapag hindi na siya ang taong makakasama ko sa future.

Ngunit mayroong nagsasabi sa akin na, paano kung tama si Sommer? Paano kung may isang tao na para talaga sa akin? 'Yung taong deserve ko at deserve ng pagmamahal ko katulad ng sinasabi niya. Makakahanap pa kaya ako ng taong katulad 'non?