Chereads / Two Sides of the Coin / Chapter 1 - Chapter 1: Alone

Two Sides of the Coin

🇵🇭Raysly
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 26.8k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1: Alone

2 Sides of the Coin

Chapter 1: Alone.

Sa Pag-gising ko sa kama, napapalibutan nang dilim sa buong kwarto—tumayo ako sa gilid ng aking kama, pagod na pagod at namumukto ang aking mata sa puyat. Kinuha ko ang tuwalyang pampaligo para mabuhay ang aking ulirat at kumuha ng damit sa aparador sa tapat ng kamang tinutulugan ko. Nilagay ko ang mga damit na kinuha ko sa aparador sa kama.

Binuksan ko ang aking pintuan nakita ko ang sala na nakalimutan ko buksan ang ilaw dahil dumrecho ako natulog pagkauwi ko ng alas-singko ng hapon pagkatapos ng cremation ng aking kambal sa huling araw ng burol niya, dala dala ang labi sa isang puting porcelanang garapon.

Pagkabukas ko ng ilaw, nabigla ang mata ko sa biglaang pagliwanag ng paligid at nakita ko ang buong sala. Isang mahabang sofa na yari sa katad, katapat nito ang malaking CRT TV na nakapatong sa gabineteng gawa sa kahoy.

Walang nagbago mula pumasok ako sa militar hanggang sa biglaan pagbalik ko, ang nagbago lang ay ang abong labi ng kapatid kong nakaipon sa garapon katabi ng mga kuwadrong larawan ng aming pamilya malapit sa pintuan ng aking kuwarto.

Ilang bugtong hininga ako, di makapaniwala ang nadarama sa mga nangyari. Naglalakad ako sa banyo paderecho malapit sa bahagi ng kusina—binuksan ang gripo at napaupo sa inidoro na may suot pa rin ng tinulugan kong damit, naririnig ang lakas ng tubig na lumalabas sa gripo papunta sa maliit na bariles. Kusang umiyak na lang ako, di alam ang gagawin.

Namaalam agad ang aking kapatid ko sa pagkuha ng sarili nyang buhay sa pamamagitan ng pagbigti—di ko maiisip na magagawa niya iyon, sa taong malapit sa kanya ay di rin alam kung bakit niya ito ginawa. Lahat ng bagay naman ay may dahilan di ba? Bakit di mo man lang ako hinintay, Aileen?

Sana natulungan kita kahit na tawagan mo man lang ako sa Cellphone, di ko matanggap na ganito ang kahihitnatnan sa kapatid kong mas maraming natamong pangarap kaysa sakin. Alam ko sa huli ang pagsise pero sana binigyan mo ako ng pagkakataon.

Tumayo na ako, puno ng luha sa mukha—nang susumamo na ito'y isang masamang panaginip lamang at sa paggising ko ay babalik sa normal ang lahat habang ako ay naghuhubad para maligo.

Aileen, iniwan mo akong magisa at sinundan mo sina Nay at Tay sa langit. Ang bata mo pa para mamatay. Dadalawa na lang tayo eh, sana man lang naisip mo ako bago mo to ginawa sa sarili mo.

--------

Paglabas ko nang kwarto ko, bagong ligo at nakasuot ng puting maluwag na T-shirt at itim na jersey shorts—binuksan ko ang pinto ng kwarto ng yumao kong kambal. Sa lahat ng parte ng bahay, ito ang pinakamaraming nagbago kaysa sa akin na parehong- pareho mula noong pumunta ako sa Philippine Military Academy upang maging sundalo kagaya ng aking tatay na labis ikina-aangal ng aking kapatid na gawin ko.

Pinuntahan ko ang kwarto niya kung may bakas man o lihim kung bakit siya nagpakamatay na ganun- ganun lang , base sa imbestigasyon ng pulis ay walang foul play na nangyari sa condominium niya sa makati kung saan siya nagpakamatay. Walang liham, bakas, o kahit man lang motibo kung bakit kaya pumasok ako sa kwarto niya kung ano ginawa niya sa pagdaan ng mga taon na wala ako sa tabi niya.

Maraming poster sa mga pader ng mga koponan na sinalihan sa dekada niya sa E-sports, lahat ng poster may mukha nya kasama ang mga kakampi at katrabaho sa industriya. Naging masaya siya sa trabaho niya dahil may nakalagay ng mga litrato na nakalagay sa mesa niya katabi ng mga kwaderno niya kung saan may buong ngiti sya.

Lahat may pagbabago maliban lang sa aparador niya pero iba na ang mga damit na sinusuot niya sa tagal ng panahon, ang may nakita akong isang karton na pinangalanan 'Kuya Alvin'—Isang lumang kahon na gawa sa kayumangging karton, nakasarado ito sa pamamagitan ng packaging tape.

Nilabas ko iyon papunta sa sala, mas mabigat siya sa inaakala ko. Kumuha ako ng cutter mula sa mesa ni Ailee, nilapag ko ang kahon sa sofa—di alam kung anong makikita ko dito. Hinati ko sa gitna gamit ang hawak kong cutter, binuksan ko para makita sa ilaw kung anong nilalaman nito.

Pero tumambad sakin ay ang itim na papel na may salitang 'Sorry Kuya' na nakasulat gamit ang paborito niyang kulay ng gel pen, Pink. Maliban doon ay may iba't iba pang mga bagay sa loob nito na libas ko at nilapag iyon sa mesa gawa sa salamin sa gilid ng sofa.

Habang iniisa isa ko ang mga bagay sa loob ng kahon ay pansin ko ay mukhang mga bago ito at pinagtataka ko ay kung bakit nilagay niya ito sa sobrang lumang kahon? Sana may makuha akong mga sagot sa mga tanong ko dito.

Nailabas ko na ang mga laman sa kahon, ang pagkakita ko sa loob ng kahon may isa pa pero napahinto ako nang makita ko iyon—Litrato naming dalawa na may hawak na controller, nakatingin sa CRT TV at nagtatawanan habang naglalaro. Kinuha ko iyon, si Nanay kumuha ng litrato nito noong mga bata kaming dalawa. Napangiti ako sa mga masayang alaala namin na wala kaming problema kundi paano niya matatalo sa Tekken 7, doon lahat nagsimula ang pagkahilig niya sa Video games.

Pagkalapag ko litrato kasama sa mga makakapal na kuwaderno kasama ng USB, laptop, 2 libro at di pangkaraniwang Neuralgear na nakikita ko sa internet. Lalo akong nalito kung anong gustong pahiwatig sakin ng kapatid ko, lahat ng ito ay mukhang bago pa at di napirme ng ilang taon dahil hindi ito naipunan ng alikabok. Nakita ko ang 10 kuwadernong pinangalanan na "Crafting Materials", ang 2 libro ay may tekstong sa harapang takip ng libro 'Para kay Kuya'.

Binuksan ko muna ang mga kuwaderno kung saan wala akong naintindihan dahil parang ito ang material index ni Ailee sa lahat ng produktong di ko alam kung saan ito magagamit, sunod kong binuksan ang 2 libro—di ko naintindihan kung bakit para saakin yun pero nagkamali ako, yun mga libro na to ay tungkol lamang sa isang armas tinatawag "Alvin's Axe". Syempre nakapangalan sakin, ibig sabihin ginawan talaga ako ni Ailee na para saakin.

Habang binabasa ko, puro crafting method ukol sa palakol kung paano gumawa ng mismong armas na ito. Anong gustong ipahiwatig sakin ni Ailee? Tapos napatingin ako sa natirang di ko pa binubusisi; Yung laptop, laman ng USB flash drive, at kakaibang Neuralgear.

Sinarado ko ang libro at nilapag ko sa katabi ko sa kanan kasama ng mga kuwaderno, binuksan ko ang laptop at kinuha ko ang flash drive par malaman ko kung bakit para saakin tong lahat.

Pagkabukas ng laptop, iisa lang ang nakita ko sa desktop. Itim na background at nasa gitna nito ay isang Video file pinangalanang 'Kuya', pinindot ko ito upang buksan kung ano man mapapakita saakin.

Nakita ko ang Kapatid ko muli— derecho ang tingin niya para bang alam niya ako ang makakakita sa kanya sa video na to, itim at derechong buhok, kulay kape nyang mga mata kaso kalumata sa kanyang ibabang bahagi ng mata niya, ang kanyang bilugang mukha ay napalitan nito ng pagkapayat parang di ito nakakain ng maayos, at malungkot niyang ngiti.

"Kuya." Pangsusumamo niyang tinig.

"Sorry Kuya ha, di kita nahintay. Di ko na kaya, di ko matanggap ang sarili ko sa ginawa nila saakin." Ang mga tumutulong luha sa kanyang mukha ay umaabot na sa kanyang pisngi pero di nya ito mapigilan dahil sa kinikimkim na damdamin.

"Kuya, di ko sasabihin kung bakit dahil ayaw kitang iwanan ng puno ng paghihiganti sa loob mo. Di ako mapapayapa kung buong buhay mo dadalhin yan, gusto ko lang sana bumalik ka na dito sa bahay. Okay na tayo ohh—napagraduate at nakaipon ka na para sa sarili mo." Malalim na bugtong hininga at bawat hinga nito ay pabigat ng pabigat, may nais pa siya sabihin pero tinikom niya ang kanyang bibig.

"O sige kuya, ito na lang. May mga bagay akong iniwan para sayo, nakita mo na ito bago mo buksan ang laptop at mga iyon ay mga bagay pa na hindi mo pa naiintindihan. Lahat yang iniwan ko sayo ay tungkol sa larong kung saan ako naging professional player, larong naging masaya ako at ito rin ang dahilan kung bakit ako mawawala." Binigyan niya ako ng malungkot na ngiti sa huling pangungusap na binigay niya sa akin.

"Alam mo naman na siguro iyon, pero meron sana akong ibigay na huling habilin para sayo kuya. Di ko to magagawa kahit na ako mismo ang gagawa nito, May Tatlong akong account nakakalat sa mundo sa saklaw ng aking paglalaro sa 'Utopia'. Kuya, gusto ko sana madelete iyon kaso protektado ito ng mga organisasyon kung saan ako nagtrabaho bilang professional player.

Naabuso nila ang lakas nito para makaangat sa kumpetisyon, may kasalanan din ako kaso sumosobra na sila sa pagiging dominante na kung saan nakadepende sila sa mga ginawa kong account para mapanitili sila sa kinatatayuan nila. Di ko na alam kung nasaan na sila ngayon, pero magagawa mo lang sila madelete kung mapapatay mo sila sa mismong laro." Pagpapaliwanag niya sakin na kung saan pwede kong paghinalaan ang puno't dulo kung bakit siya nagpakamatay.

"Sa paghanap mo sa kanila ay masasagot ang mga tanong sa isip mo na di ko masasabi sayo ng derechong impormasyon dahil kung mahahanap nila ito ay malalagay ka sa alanganin din, lahat gagawin nila para lang mapanatili ang sikreto na to." Nakikita ko sa kanya ang mga matang nanginginig na bumabalot sa mata niya, kung ano man pinasukang gulo ng kapatid ko ay di niya inakala na ganoon ka lalim ang mahuhuskay niya.

"Kaya sana kuya; magawa mo ang huling habilin ko sayo at makabalik ka na dito hindi bilang sundalo kagaya ni Tatay, pero bilang kuya ko." Ngumiti siya saakin pero lumuluha ang dalawa niyang mata at tska natapos ang video file.

Napatunganga ako sa desktop, Totoo nga ang hinala kong may nangyari kay Ailee kaso di niya saakin masabi ng derecho. Kung gusto ko malaman ang bagay na gusto niya iparating ay dapat maglalaro ako ng 'Utopia'. Simple ang habilin sakin kaso paano ko madedelete ang mga iyon?

Napatingin ako sa kisame, di ako mapapanatag kung di ko malalaman ang dahilan kaya napagtanto kong gagawin ko to di para lang kay Ailee, kungdi para rin sakin.

Wag ka mag – alala Ailee, gagawin ni Kuya ang hiling mo. Kahit ano pa man mangyari, gagawin ni kuya.

Pumikit ako at binuksan ulit ang mga mata ko, puno ng pagpapasiya sa loob kong tatapusin ko to at iiwan ito sa nakaraan para magpatuloy sa kinabukasan ko.

Bumalik ang tingin ko sa desktop at sinaksak ang USB flash drive, para halungkatin ang mga laman nito.

'Utopia' huh, here I come.