Alone (3)
Pumunta ako ng convienient store para bumuli ng ice cream tutal makikikain lang naman din ako kina Kuya Toro sa bahay niya, paborito nya ay chocolate kaya bumuli ako ng double chocolate fudge ice cream para naman engrande kahit papaano. Umuwi na muna ako sa bahay para magpalit ng damit upang maging presentable sa pagpunta sa kanila, 15 minuto ang layo ng bahay niya mula saakin at madaanan ko tlga muna ang bahay ko dahil ang dulong parte pa ito kaysa sa tahanan ko sa kalagitnaan kung saan nakikita ang centro; palengke, court, at Homeowner's Association.
Nagpapahinga lang ako saglit nang may kumatok sa gate. Lumabas ako ng kwarto ko, naglalakad papuntang sala kung saan ang pintuan palabas sa gilid ng mga litrato ng pamilya na nakalagay sa maliit na mesa at nakita ang tao sa labas.
"Lola Heidi! Magandang gabi po."pumunta na ako sa gate upang buksan ito at nakita ko siya may dalang kung anong bagay, isang rektanggulong kariton na nakabalot sa itim na cartolina na may laki lamang ng isang pocketbook.
"Alvin 'iho, magandang gabi rin sayo." Isang matandang babae na hindi katangkaran ang bumati sakin; karaniwang kayumanggi na balat, nakasuot ito ng pulang duster na may orchid design, pinaghalong itim at puti na aakma sa edad niya at ang nunal sa kanang bahagi ng nunal niya. Ang tindahan ni Lola Heidi ang lagi kong pinupuntahan sa tuwing may kailangan ako sa bahay noong bata pa ako, tska taguan namin ni Ailee ng mga gamit na tinatago namin sa bahay na dapat di makikita ng magulang namin.
"Napadaan po kayo, may kailangan po ba kayo sa akin?" ngumiti ako ng malaki sa kanya, iniisip ko kung papasukin ko siya sa bahay pero di ko pa nalilinis pa naman ang bahay mula bumalik ako dito para sa lamay ni Ailee.
"Wala naman 'iho, ano lang umm.. gusto ko lang sana ibigay sayo to, ito kasi ang pinapatago sakin ng kakambal mo bago siya pumanaw. Sabi raw niya ay ibigay ko daw sayo sa araw na may mangyari sa kanya kaso huli na nung nagpagtantong ito pala ang kanyang ibig niyang sabihin, pasensya na kung di ako nakapunta sa lamay pero kailangan ko ibigay sayo dahil importante to kung pinpatago sakin ni Ailee ito." Inabot niya sakin ang kahon para ibigay at kinuha ko ito. Di naman kabigatan para sakin nang kinuha ko ito, kaso masyadong malaman ito kung ibabase ko sa liit at lapad nito.
"Salamat po Lola, nagabala ka pa pumunta dito. Sana pinadala mo kay Mikhael ito."
"Di alam ng apo ko tungkol dyaan, pinabilin talaga sakin yan ng kakambal mo. Di ko alam kung bakit, pero walang makakaalam na may hawak ko ito base sa sinabi niya sa akin." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya, nakakakuryoso tuloy tignan. Nakasisiguro ako na may koneksyon ito sa gulong pinasukan niya.
"Sige po Lola, titignan ko ang laman nito mamaya. Ihatid ko na po kayo pauwi." Alok ko sa kanya na ikinakaway ng mga kamay niya.
"Di na 'iho, mas improtante yan. Tska maglalakad ako papuntang court, may laro dito sa baranggay. Basketball, homecourt natin maglalaro ngayong game 2 ng liga natin. Sige paalam na." Mahilig si Lola sa basketball kaya gusto niya lagi manood kung meron sa baranggay at sa T.V.
"Bye po, ingat po kayo sa paglalakad." Tinaas ko ang kaliwang braso ko para mamaalam habang siya ay naglalakad paalis.
Tinignan ko ang itim na kariton, gusto ko sana buksan ngayon pero pupunta muna ako sa bahay ni Kuya Toro kaya isinilid ko muna sa kwarto ko at kinuha ko na ang Ice cream sa ref para dalhin
----------------
Kumatok na ako sa gate at nakita kong si Kuya Toro ang nagbukas nito.
"Sakto! Patapos na magluto si Tañya magluto, pumasok ka na." pinagmamadali na niya ako pumasok sa loob ng bahay nang hinala niya ako. Di ganoon kalawak ang harapan ng bahay nina Kuya, limang tapak lang paderecho ay nasa harap ka na ng pinto ng bahay nila.
"Chill ka nga lang, ano bang luto ni Ate Tañya?"
"Sinigang, kaya pumunta ka na doon. Tulungan mo ako maghain, asikasuhin ko lang muna yung anak ko sa taas." Pumunta siya sa kwarto ng anak niya kung saan naglalaro ito. Binuksan ko ang pinto ng bahay nila, bungalow ang bahay nina kuya. Simple lang ng setup; sala, kusina at 2 kwarto para sa isang anak at magkasama sila ng asawa niya. Wala masyadong gamit dahil na rin sa bagong lipat lang silang dalawa sa bahay na pinagawa nila, nanirahan kase muna sila sa nanay ni Ate Tañya bago sila lumipat ng tuluyan.
Nadatnan ko sa kusina nang makita ko si Ate na nilalagay na ang gulay sa kaldero, nagpakita lang ako sa bata sa labas ng kwarto niya habang pumasok si Kuya bago ako dumerecho sa kusina.
"Oh, Alvin. Maghain na, sabi ni Kuya mo na dito ka maghahapunan."
"Opo, tska nagdala rin ako ng ice cream mamamyang panghimagas."
"Aba gusto ko yan, sige nandyaan sa cabinete yung mga plato. Patulong na lang, nasaan si Alturo?" kinuha ni ate ang dala ko para mailagay sa freezer.
"pumunta lang po sa kwarto ni baby Aljun." Kinuha ko na ang lahat ng kailangan sa hapagkainan.
"Pinapatulog na ata ng kuya mo, gabi na rin kase eh." Nakatalikod siya sa akin dahil hinahalo na niya ang niluluto para maiwan na ito ng ilang minuto para maluto ang gulay.
"Alas-otso imedya palang oh."
"Maagang pinapatulog namin siya para rin maaga din siya magising, ang haba niya matulog. Mga sampung oras siya natutulog, di pa kasama doon yung siyesta niya sa hapon."
"Nakapagtataka naman, napa-checkup niyo na ba siya sa doctor."
"Oo, base raw sa test ay ok lang naman siya. Mabilis lang daw lumaki ang bata kaya mahaba ang tulog nito dahil sa pagproseso ng sustansya sa katawan."
"Ilang taon pa lang ba ang bata?"
"anim na buwan pa lang."
"Anim na buwan pa lang iyon?" Nakita ko ang bata sa kwarto bago ako pumunta ng kusina, parang 2 taong gulang na siya.
"Malakas din kase kumain, sabi ng doctor ay bigyan daw ng vitamins dahil nagkukulang ang sustansya niya sa katawan base sa laki niya."
"Edi ang lakas mag gatas niyan?"
"Oo, buti na lang nakakayanan namin ang pambili ng gatas at di kinakaya ng breast milk."
"Makakabalik ka ba sa trabaho ng maayos pagkatapos ng leave mo?"
"Nagtatrabaho na ako ngayon, sa bahay nga lang. mabuti na yung naandito ako kaysa nasa malayong lugar. Maiba tayo, ikaw kamusta ka na?" umupo na siya sa upuan katabi ng mesa.
"Ito, mabuti naman. Malungkot lang sa bahay, ako lang kase nagiisa ngayon doon."
"Ang problema ko naman sa bahay ay masyadong malaki na yun para sakin."
"Bayad na ng buo yung bahay noong iniwan sa inyong dalawa, anong gagawin mo ngayon?"
"Ewan ko, pinagbakasyon ako ni Ninong muna. Di ko pa alam ang plano ko dahil nabigla rin ako sa pangyayari."
"Ito pala ang unang bakasyon mo noh, kailangan pang may trahedya para makapagpahinga ka. Di mo nabigyan sarili mo ng oras, tignan mo nga itsura mo. Para ka nang sanggano, di ka ba doon pinagpapahinga? Puro ka trabaho."lukot yung mukha habang tinignan nya ako mula ulo hanggang paa, pinupunto ang itsura ko ngayon.
"Ano meron sa itsura ko?" hinawakan ko ang balbas ko, okay naman aah.
"mukha ka nang taong buhok, tabasin mo yang balbas at bigote mo. Ang dumi mo tignan."
"Okay, okay. relax!" tumawa ako habang pinatay na niya ang niluluto.
"Ewan ko sayo, tawagin mo na Kuya mo."
"Sige po." Tumayo na ako at pumunta na ako sa sala at nakita ko na si Kuya Toro papunta na rin sa kusina
"Kakain na?"
"Oo, tinatawag ka na nga ni Ate." Umupo na kaming dalawa at akmang sasandok na kami ng kanin at ulam nang tinapik ang mga kamay namin ni Ate
"Anak ka ng tipaklong, magdasal muna nga tayo!" may hawak na siyang tinidor, dinuduro sa aming dalawa.
"Ito na, magdadasal na." tinaas ang magkabilang kamay ni Kuya at nagsimulang magdasal sa hapagkainan.
Masaya ang hapunan naming tatlo sa mga kwento at tawanan, ngayon lang ako nakatawa ulit ng todo mula ng pagpunta ko dito sa cavite. Di naging masaya ang trabaho ko dahil sa mga operasyon at undercover cases sa mga araw ko sa militar, kumbaga lagi nakasalalay ang buhay ko sa bawat araw na nagtrabaho ako. Lagi ako malayo ang loob ko sa mga tao sa paligid ko dahil sa kawalan ng tiwala, kaya laging civil ang pakikitungo ko lalo na sa kapwa ko sundalo. Mahirap ang ganitong buhay; lagi nagtatago sa dilim at nagmamasid sa paligid.
"Ilabas mo na kaya yun panghimagas." Naghuhugas ng pinagkainan si kuya sa lababo habang ako ay pupunta na sa ref.
"O sige ba, si Ate ba kakain?"
"Dadalhan ko na lang siya, may itatype lang yun sa laptop niya."
"Oo nga pala no writer pala siya."
"Screenwriter, sa mga pelikula siya lagi nakadestino gumawa ng mga script."
"At least, di na siya lalabas ng bahay."
"Ok lang naman din, pa minsan minsan lumalabas kaming 3 para maglakwatsa."
"Tama yun, nakakalabas yun bata sa labas. Pansin ko ang laki ng bata aah." Binuksan ko na ang ice cream at kumuha ng kutsara para kumuha para ilagay sa mga baso.
"Kahit nga kami ni Ate mo nabigla rin, buti na lang wala naman komplikasyon. Problema lang ay kakulangan ng sustansya nya sa katawan dahil sa mabilis nyang paglaki at napakabibo niya."
"Well, napupunan nyo ng vitamins at pakainin nyo lang din ng kanin kung aktibo para maubusan ng lakas agad." Nagbugtong hininga siya habang tinatapos niya ang mg hugasin.
"Oh, may problema ba?"
"Lagi naman may problema pero madali lang naman solusyunan, wala masyadong mabigat na problema."
"bakit ka ganyan ka makahinga, mukhang may nabunot na tinik sa lalamunan mo."
"Kasi nag-aalala ako sayo pero nung nakasama kita ngayon, mukhang maayos ka naman."
Nagkibit balikat ako sa kanya.. "Wala akong magagawa, nangyari na eh. Totoo yung nasa imbestigasyon, nagpakamatay nga siya."
"Di namin alam kung bakit ginawa niya iyon kahit na ang mga taong malapit sa kanya ay nagtataka."
"Di rin maituro ng mga pulis ang sanhi, pero naghihinala pa rin ako. Di basta basta ang rason ng kakambal ko, alam mo yan Kuya."
"Kilala ko kayong dalawa, ikaw yung iyakin sa inyong dalawa kahit na ba panganay ka." Nang marinig ko iyon ay pinagsusuntok ko sa balikat si Kuya
"Aray, Aray! Masakit! Hoy, masyadong malakas aah!" humahalakhak siya habang ginagawa ko iyon pero tinigil ko na rin pagkatapos ng iilang suntok.
Hinihilot niya ang kanang balikat niya. "May nalaman ka ba o nahalungkat sa mga bagay ng kakambal mo?"
"May alam ako pero di ko masabi kung anong mismong sanhi, kailangan ko ng sapat na ebidensya para makita ang totoo rason kung bakit."
Tumaans ang parehong kilay niya."Alam ba to ng mga autoridad? May plano ka ba kung paano mo malalaman?"
"Base sa sitwasyon, kahit ako mismo ang nakakita sa lugar ng krimen ay walang foul play kaya di nila malalaman kung ano ang dahilan. Ayaw ko lang sabihin sayo dahil kagustuhan ata ni Ailee na konti lang nakaalam." Sa palatandaan ng iniwan sakin ni Ailee ay mukhang ako pa lang ata ang nakakaalam.
"Wait lang, may plano ka na ba para makompirma ito?" lumayo ang tingin nya sakin base sa sinabe ko.
"Oo, may iniwang habilin sakin si Ailee. Mapagtagpi-tagpiin ko lang itong lahat kung maglalaro ako sa Utopia."
"Yung nilalaro ng kambal mo? Kung saan naging pro-player siya?"
"Tama ka, mukhang ako lang nakaalam at gusto nya panatilihing ganito." Base kase sa kung paaano ko nakuha ang mga bagay, ayaw talaga malaman ng ibang tao at tanging ako lang ang nais nyang malaman dahil na rin sa binigay sakin ni Lola Heidi.
"Alam mo, sa ganitong bagay ako lalo nag-aalala. Baka ikaw na sumunod kay Ailee nyan." Tinignan nya ako na may kulot sa noo at matalas na tingin sa mata.
"Kaya nga sinsabi ko sayo, darating yung araw na kailangan ng tulong mo. Respohan mo sana ako bilang pulis kung ganoon ang magyayari." Binigay ko na ang dalawang baso na may ice cream sa kanya.
Binalik ko na ulit ang ice cream sa ref at lumabas kami dalawa sa harapang bakuran ng bahay nila, kinuha ni Kuya ang mga Monoblock chairs para makaupo kaming tatlo. Dumating si Ate at humabol ito sa usapan naming dalawa sa plano ko.
"Ang plano mo ay ubuhos ang atensyon mo sa Utopia muna?" tumango lang ako sa sinabi ni Ate
"Naku, walang alam kaming dalawa dyaan. May maitutulong ba kami sa gagawin mo?" taim bagang ni kuya habang kumakain kami ng ice cream.
"Mukhang wala pa naman sa ngayon, kakausapin ko pa si Ninong tungkol sa trabaho ko sa susunod na linggo."
"Indefinite leave o resignation."
"Depende sa usapan namin iyon, pero kung ayaw ni Ninong ng idefinite leave ay mag-reresign ako."
"Sasabihin mo ba sa kanya ang gagawin mo?"
"Hindi, ayaw ko siya idamay dito at opisyal siya. May mga bagay na di ako pinagkakatiwalaan sa pulis at militar, baka nga conektado pa sila."
"Paano mo nasabi?" tumaas ang kaliwang kilay ni Ate
"Masyadong mabilis ang imbestigasyon at konektado ako sa militar, baka may nagmamasid na sa akin nga doon bago pa tong mangyari lahat."
" pinuputol mo na ang mga ugnayan mo, okay yan kung gusto mo talaga ng covert operation." Pagsang-ayon sakin ni Kuya.
"Tama ka kuya, gusto ko tahimik at dapat walang makaalam na maglalaro ako ng Utopia. Baka may humarang pa sa gagawin ko dito at sa laro."
"Wala ka bang cover-up? Kasi kung nagkataong mawawalan ka ng trabaho ay maghihinala pa rin sila sayo."
"Di ka nga rin alam, isa rin iyon sa mga magiging problema ko kung magreresign ako."
"Pagiisipan namin yan ni Kuya mo, baka may maitulong ako dyaan." Tumingin si Kuya kay Ate habang si Ate ay malaki ang ngiti niya at kumikinang na mga mata.
"Sige, sabihan ko kayo kung ano ang magiging resulta. Wag na lang muna natin pagusapan ito dahil preparasyon pa lang naman, baka sa susunod na punta ko dito sa susunod sa sabado pa natin ito paguusapan ulit."
Dumaan ang oras habang kami ay nagkwekwentuhan hanggang sa mag-aalas diyes na ng gabi, tumayo na ako at hinatid na ako palabas ng gate nila habang si ate ay nauna nang bumalik sa bahay para ilagay ang baso sa kusina.
"O siya, paalam na."
"Ingat ka, Alvin aah"
"Opo, bye." Tinaas ko ang kanang kamay ko sa kanya habang papalakad na ako uwi, narinig ko ang pagsara ng gate nila.
---------------
Sumunod na araw, alas – nuwebe ng umaga ng biyernes.
Naglalakad ako katabi ang mga matatayog na mga gusali ng makati, hinahanap ang Law Firm na kung saan ang abogado ng kapatid ko. Tirik ang araw pero hindi pa ganoon kainit kaso ang nagpapadagdag nito ay ang mga sasakyan sa daan na nakatigil dahil sa traffic jam, malalaman mong itong siyudad na ito ang pinaka-abala sa dami ng taong nakauniporme pamasok sa kani-kanilang mga trabaho.
Taong naglalakad sa kaliwa't kanan ko, nagmamadali o mabagal, may iba pang may kausap sa cellphone. May kanya kanyang ganap sa kanilang hanapbuhay dito sa lugar na to.
Tinignan ko ang cellphone ko kung nasaan ang G.T international tower habang naglalakad ako sa gilid ng ayala avenue, malapit na ako at nasa kabilang daan kung saan katapat ko na ang mismong gusali. Sa kinatatayuan ko, ang gusaling hinaharang ang sinag ng araw sa tayog niya ang mismong lugar kung saan ang office ng D&S Legal Co.
Pumasok na ako sa building, talagang hindi ako taga dito talaga. Puro sila nakasuit pumasok sa gusali, habang ako ay naka black/grey checkered long sleeved polo at fitted dark maong jeans kasama ng grey boat shoes. May dala lang ako duffel bag dahil dederecho na ako ng laguna pagkatapos ko dito, pumunta ako sa sentro kung saan maraming elevator ang nakahilera sa lobby. Sa anim na malalaking elevator ay parang nasa peak hours pa rin ako sa taong nakapila para gumamit ng elevator, mabilis ang ubos ng pila at ilang minuto lang ay papunta na ako sa dulong elevator sa kanan.
Nakapasok na ako at pinindot ko ang numerong 30 sa gilid para makapunta sa 30th floor, di pinupuno ang elevator kaya may espasyo ang pagitan sa mga tao sa loob. Isa – isang lumalabas ang mga tao sa elevator hanggang sa may 5 pang katao na kasama ako sa bilang, narinig ko na tunog ng elevator sinsabing '30th floor' at awtomatikong bumukas ito. Lumabas na ako at nakita ang buong palapag, sa harapan ko ang receptionist area na may pangalan ng Law firm.
D&S Legal Co.
Isa sa mga pribadong law firm ng Pilipinas, ang mga cliyente ng kompanya ay sumasaklaw sa iba't ibang klase ng kaso pero mataas ang bayad nila dahil sa magandang reputasyon nito sa industriya. Di bale ng hindi sila nangunguna pero sapat ang kanilang kliyente upang mapalago ito.
"Good Morning! Welcome to D&S, What's the purpose of your visit sir?" babaeng may puting buhok pero naka-bun ito at nakaiwan bangs nito sa kaliwang bahagi humahaba lamang sa noo nito. Napakatipical ang kanyang suot, itim na long-sleeve suit at skirt kasama ng white polo sa loob.
Tumingin ako sa biluging mukha nya, halatang naka – contacts ito dahil sa asul na mata niya pero may halo ng kape. Hindi ganoon ka grabe ang palamuti sa mukha niya pero ito lang nagpaganda sa kanya lalo na lutang ang kanyang pulang labi.
"Good morning, umm...I'm Alvin Alcantara, I have an appointment with Atty. Dracamonte today."
"Let me check first, sir." Tinitignan nya ang schedule sa desk nya para lang makasigurado, bumalik sya ulit sa harap ko.
"You have an appointment at 10 am, Atty. Dracamonte is not here yet so please kindly wait in the meeting room. The guard will guide there." Tinawag niya ang security guard upang ihatid niya ako doon.
Sinundan ko lang siya papasok sa mismong loob ng palapag na ito, binuksan ang glass door at nakita kung gaano kalapad ang mismong palapag.
3 meeting room ang nakikita ko mula rito sa pintuan kung saan gawa ito sa salamin habang nakapaligid saakin ang mga personal na opisina ng mga empleyado dito. Pinapasok ako ng guard sa Meeting room #1, at umupo ako sa gilid ng isang malaking rektanggulong na mesa na may 20 upuan.
Mga 20 minuto ako naghintay doon nang may pumasok na isang Lalaki at babae, unang lumapit sa akin ang Lalaking naka - grey corporate attire at necktie.
" Good Morning Mr. Alcantara." payak ang tono ng pagkakasalita ng matipunong lalaki sakin. Kahit na ang linis nya tignan mula ulo hanggang paa ay patay ang sigla sa pinaghalong kape at pulang kulay ng kanyang mata, tangos ng ilong, at makorteng panga. Nakangiti sya sakin pero nararamdaman mong nagiging propesyunal lang sya. Nilahad nya ang kanyang kaliwang kamay sakin
"Atty. Dracamonte." Nakipagkamay ako sa kanya at ngumiti, tumagilid sya upang ipakilala ang kasama nya
"This is my secretary, Dianne Ilao." Nakipagkamay din ako sa kanya; iba ang pagkaputi nya sa karaniwang metiza, namumutla ang pagkaputi nya. Nakalugay ang itim na buhok nya kaso merong dark red na kulay sa dulo ng buhok nya, wala syang pilikmata na nagpapalitaw sa ganda ng korte ng kilay nya, manipis ang pangangatawan nya kaysa sa receptionist kanina sa harap ng opisina.
"Hello, Mr. Alcantara." mababang tona ng boses nya base sa karaniwang babae; malamig pero kabaliktaran sya ng abogado, puno ng buhay.
"Good morning, Ms. Ilao." Umupo na kaming dalawa habang ang secretarya niya ay may nilagay na documento at briefcase na hawak niya pagpunta dito.
"Based on her will of testament, all of her properties and accounts will be transferred to you by the time she will die. This official document has been done for years, do you know any of it?"
"I don't know that she filed her will, I should be the one doing that since my job is riskier than hers," I said truthfully to him. Both of them glancing at each other.
"Do you have any knowledge of how much money your twin sister makes?"
"We don't talk about that, maybe a hundred thousand pesos?" The lady rushes out to the room as if she was getting something since what I said is unexpected of them. Atty. Dracamonte doesn't mind what's happening, I think he's ready for whatever I am to say.
"Look." He opens a Clearbook and gave it to me. I saw the content of the Clearbook, disoriented of what the number means but I'm shocked when realizing what the number means.
These numbers are what my sister's income on her accounts, literally plural. I don't know how many bank accounts she has, and this is legal money.
"This is the money that your sister has in the past decade of playing as a professional player, well do you know the E-sport called Utopia right?"
"Yeah, I got the gist of it but I don't know how it works."
"Let me explain this to you of what your sister is in the Sport, she is one of the most paid players in all of the sport. She is amounting 20 million dollars by just being in a team in one year alone; with the popularity and how good she is in the game, she got individual sponsorships besides the contract sponsors by the organization. By your looks, you don't know how rich your sister was." He plainly talks about it but he was estranged of how shallow my knowledge of my sister's work while I was wide-eyed by how much her income alone.
"Despite having a lot of money, the only property she bought is the whole floor condominium in Makati. Besides that, nothing more than just a bunch of bank accounts."
He talks longer on how she makes those income statements, he points that her life has been conservative and lowkey as a celebrity since being an E-sport player means being one of a public figure in the whole world. The door opens again and sees her holding by some document that seems to be left out.
He paused for few seconds "3 weeks ago, Ailee rushed this. She added a condition too before you fully access all of her bank accounts." Ms. Ilao present me with the file document with a few pages on the table with a pink letter pinned on the file.
I opened the file document, it is the updated will of testament almost the same that the Attorney gave to me but the added condition is in the pink letter.
"We look into it but I can't understand what she is trying to say to you so we hand this to you late because we think you know about her work earlier and we should go through the process as we should agree years ago but the things would have been escalated, I think I know now why she rushed it." He said to me that he discovered something I didn't tell him, this is coming to connect now. There something happened in the past 2 weeks' time before she died and we both know it.
I open the small pink letter and reveals the content. I pull it out, then I see a note inside of it saying 'Kuya Alvin's Treasure Box'. Now I think about it, the one she is meaning on is the box that I found in her room yesterday. In our childhood, we called this 'Treasure box' because we want to hide things to our parents and storage it at Lola Heidi's house so they ant find it. Right now that our parents are gone, We put it in her closet and if things go awry we will put it again to Lola. I'm the one who teaches it to her since she is young when parents are gone at her young age of 10.
"I think I know what she is saying here." Sinabi ko sa agad sa kanya iyon na labis na kinagulat nilang dalawa.
"Now, in summary, you can't transfer the accounts and the property in Makati until the condition is met right?" tulala pa rin ang babae habang ang abogado ay tumango na lamang at bumalik sa karaniwang patay na mukha niya.
"Yes, the condition is vague in legal terms so it will be hard for us if you don't know the condition but since you know it would you mind tell us what is it so we can put it on paper." Sinabi niya sakin pero ayaw kong ipakatiwala sa kanya ang mga nalalaman ko dahil na rin sa ugali ko sa trabaho.
"I think not, don't put it on paper. Just remain it vague and tell you when the time comes."
"Is there any reason why you didn't want to tell us because it will cause problems in the international accounts because of the weird condition."
"My sister trusts you both because you know her personally and I don't know when and why but there is something you both didn't tell me yet. I can tell based on how you present the outdated will of the testament and you test me of how I know my sister's professional life. You can take care of that, right?" the man only smirks at my remark and the lady closely shut her pink lips hiding it.
Tumayo siya at nakipagkamay ulit. "We can do that, as long as you can finish the job." Ngumiti ako sa kanya dahil sa sinabi niya, may nalalaman siya pati na rin ang babae kaya napasabi niya ito ng ganito.
"Don't worry, doesn't matter how long it takes. I will finish it." Sinagot ko sa kanya upang malaman niya na naintindihan ko ang mensahe.
Tinapos lang ang mga naiwan na dokumento para pirmahan ko ang will of testament at may pahabol pang mensahe sakin ang abogado habang lumabas ang sekretarya niya kasama ang mga ito para itago.
"Mr. Alcantara, may pinagawa sakin si Ailee." May kinuha siya sa loob ng vest niya at binigay niya sakin ang isang asul na bankbook.
Tingnan ko ang laman ay may malaking pera dahil na rin 7 digit dollar at Php figures na nakapaloob dito.
"Binigay yan sakin ni Ailee at gusto niya ito ipagmukhang parang savings account ito para sayo." itong pera na ito ay sobra pa sa sapat para maituon ang atensyon ko sa paglalaro sa Utopia; pota, gusto niya talaga mawala ang lahat ng accounts niya at mas lalong lumakas ang pangganyak at kutob ko dito. Kailangan ko na talaga ng mabusising paghahanda dahil kung sino man makakalaban ko sa laro ay baka rin ang mga taong ito ang dahilan at mismong magtatangkang pumatay sakin nang totoo sa hinaharap.
"Masyadong malaki naman ito upang maging savings account, mapapanatili ako nitong buhay ng habambuhay nito." Binubuklat ko ito habang gulat ako sa laman nito
"Tama lang yan, para pagmukhang unang parte pa lang iyan ng contrata sa will of testament ng kapatid mo." Inaayos niya ang kanya suot at binutones nya ang kanyang vest.
"Salamat, malaking tulong ito. Pasensya na dahil di kita kilala, di ka nakwento ng kapatid ko."
"I think she will never tell you though."
"Oh really? I'd better leave it at that." May mga bagay na di dapat ikwento, ayaw kong maghinala pero iwan na lang natin ng ganito.
"Kaibigan ba ng kapatid ko ang sekretarya mo?"
"Oo, Si Ailee ang nagsuggest na dito siya magtrabaho since magkakilala kaming dalawa at buti na lang dahil magaling siya sa ginagawa niya kahit na may lisensya siya ng pagaabogado."
"Ailee has a habit of being organized, maybe she learned a thing or two from her since my twin is very meticulous to everything."
"Aah, tell me about it." Bumugtong hininga siya at pumikit na alam niya ang sinasabi ko. Aha, alam ko na kung ano meron sa kanila dati. Patago akong ngumiti sa kanya.
"Eventually, you will play in the Utopia. Contact me there in-game, I might help something in what will you do in the future." Binigay niya sa akin ang calling card niya at may maliit na papel ng pangalan nya sa laro at saan ko siya palaging nakikita.
"I think it will not be helpfu to contact you in game, it will cause gossips and I think they are investigating about you and me right now so the chances of wanting to meet you is low to never."
"Wait, you notice that too." Dumikit ang dalawa niyang kilay pero di kumulubot ang noo nito.
"Nang ano? May nagmamanman sa akin? Nasa militar ako, syempre alam ko. tumigil lang iyon nung araw ng libing ng kapatid ko kaya nga nagtataka ako sa nangyari dahil suicide ang pangyayari kaya dapat wala silang ipagaalala."
"Tumigil lang sa akin ng nahalata ko na at kumasundo ako ng private security."
"Tama iyong ginawa mo kasi sibilyan ka, pero ingat ka pa rin dahil sinisugarado nilang wala kang relasyon sakin." base kase sa nangyari sa lamay ng kapatid ko ay ako lang ang pakay nila habang naninigurado ang mga taong malapit sa kapatid ko ay walang gagawing kakaiba at pagbabago ng relasyon sakin."
"Kaya nga sana I-contact mo ako kahit na sa Utopia na lang."
"Yun nga rin eh, lahat ng ito ay dahil sa larong ito. Kung sino man kasangkot dito ay makikita din natin sa Utopia kaya salamat dito pero mukhang malabo pa tayong magkita."
"Ito pala una at huling pagkikita natin sa mahabang panahon."
"Baka nga, ayaw kong naising aabot sa puntong kailangan magkita tayo upang humingi ng tulong." Kung umabot sa ganitong sitwasyon, ibig sabihin sobrang alanganin na ang buhay ko nang literal. Kaya base sa tono ng pananalita ko ay naging seryoso ang mukha niya.
"Mukhang sa susunod na pagkikita natin ay pagtatapos ng will of testament ng kapatid mo." Nakuha nya ang sinabi ko dahil kapag naging mahusay ang gagawin ko ay sa pangalawa namin pagkikita ay dito muli para ayusin ang will of testament para ayusin ang paglilipat ng ari-arian sa akin.
"Yes, if everything goes smoothly."pahapyaw kong pagkakasabi sa kanya pero napakalabo nito dahil protektado ito ng mg organisasyon.
"You wish." Ngumit siya na kinagulat ko, marunong palang ngumiti nito. Ang laki ng ngiti nya na umaabot sa pisngi nito, alam niyang imposible iyon mangyayari.
Kinuha ko na ang duffel bag ko para umalis, payak na namaalam ako sa kanya bago ako lumabas ng opisina nila.
Kung ganito ang mangyayari, madadamay ang mga kamag-anak ko. mukhang di lang basta basta ang mga bagay na ito, kung sino man kasangkot dito ay pagbabayaran nila ito ng tunay.
Para sa kapatid kong nagpakamatay at napagkaitan,
sa mata ng batas ay hindi man sila mapaparusahan.
Pero alam ng buong maykapal na sila ang may kasalanan,
Ako mismo ang karmang sisira sa kanilang pinaghirapan.