Chapter 9: Plan (4)
-------------------------------------------
Nakarating na kami sa presinto nakadestino si Tita Loren, Carmona Police Station. Naandito kami sa Loyola street pero di kami makapasok dahil biglaang gulo kanina. Madaming sasakyan na nakaparke ngayon, may protocol kung may ganitong pangyayari ngayon lalo nang maglalagay sila ng checkpoint para di makatakas ang mga suspek sa lugar na to.
Lumabas kaming 4 papunta sa loob ng presinto ng makita kaming lahat , maraming sumasaludo habang papunta kami sa opisina ni Tita.
May lumapit na mga tao sa kanya mula sa general office. Di ko sila kilala pero mukhang ito ang mga kalapit niya sa trabaho
"Mam! Bakit pa kayo naandito? Dapat derecho sa hospital na po kayo."
"Good Morning! Kinursadahan ka nang tirik ng araw ahh. Aba'y wala nang pinipiling oras ang pagpatay."
"Hay salamat nang ligtas. Magnet ka lagi ng gulo."
At Maraming pang iba habang kinakausap niya ito ng isa't isa. sinenyasan ako ni Tita na mauna na ako kaya hinatid ako ni Manalo sa opisina.
"Sir, magpahinga ka muna sa opisina ni Mam. May mga aasikasuhin din siya at magrereport kay Hepe tungkol sa pangyayari."
"Sige po." napaupo na lang ako sa upuan sa tapat ng desk ni Tita.
Matagal akong naghintay dito sa opisina, sa katahimikan dito ako napanatag kaya unti-unting kumakalma kaysa sa paglabas mo ay abala ang lahat ng tao dahil sa nangyari kaninang umaga.
Narinig ko bumukas ang pinto kaya tumalikod ako paara tignan ko sino iyon, si Tita na dumrecho sa tapat ko kung saan siya karaniwang nakaupo.
" Alvin, kung tutuloy ka pa rin papunta sa San Pedro ay matatagalan lang kasi magulo pa sa daan. May plano na sana ako, ewan ko lang kung payag sina Manalo sa gagawin."
"Ano ba yung plano mo?"
------------------------
Nakasuot na ako ng pampulis, partikular kay Dimagano dahil sa pangalan niya sa kaliwang dibdib niya. Pinahiram muna ako ni Tita ng Military boots tutal naman daw ay parehong size kami ng paa.
"Ayus ba Pañero?" tanong ni Tita sa kanya
"Oo, bagay na bagay Mam. Wala talaga makakapansin na di siya pulis, sakto sa pangangatawan niya."
"Ilibre ko nalang si Dimagano mamaya bilang pasasalamat."
"Makakarating, Mam." Nag-fistbump silang dalawa sa harap ko.
Tinitignan ko ang suot kong pampulis, nandito sa loob ng briefing room ng presinto kung saan nagiisip kami kung magdadala pa ba ako ng baril. Napagplanuhan ni Tita na kailangan ko daw magdisguise hanggang pauwi, maliban sa madumi at puro gusot na ang damit ko ay baka makakilala pa sakin at baka kursonadahan ulit ako ngayong araw.
Di malabong mangyari yun dahil sa dami pa naman pinadala para patayin lang kami dalawa ni Tita, baka nga nagisismula pa lang ito. Gusto ko sana malaman kung sino ang may gustongpumatay sakin pero
'Ako nang bahala doon, sabihan kita kung anong resulta ng imbestigasyon' yun lang ang nasabi ni Tita kung anong nangyari pagkatapos nilang nahuli ang mga taong nagpaputok samin na ngayon ay nasa hospital na.
"Tita, okay lang bang di ako magdadala ng armas tutal ihahatid naman ako ni Manalo hanggang sa pauwi."
"Pinagiisipan ko nga rin eh, anong suhestyon mo Manalo?"
"Ipariham mo muna Mam ang g34 mo tanggalin lang yung modding mo at pabaan ang Mag size."
Naningkit si Tita at iritableng sinabi "Di pwede yun! Paborito ko yan, kuha na lang siya ng iba tska masyadong kakaiba ang baril baka makahalata pang di siya pulis. Kaya ko lang ibigay ay yung dalawang reserbang magazine clip." Mabilis niyang sinabi, ayaw niya talaga ipahiram sakin. Ang ganda ng baril ni Tita, di kasi karaniwang glock-34.
May ginawang hiwaga nanaman itong si Tita, kaya pala ang naunang naisip ay ibalik ko sa kanya ang baril kanina pagdating niya sa opisina.
"May mga di lisensyadong baril na kapareho natin, tanong ko kay Tablete sa Armory." Kamot sa ulo si Manalo kaya yun na lang ang solusyon.
"Aprubado ba ito ni HEPE?" Tanong ni Pañero
"Hindi syempre, sasabihin ko sa kanya kapag nakaalis na kayong 2 kasama siya ihatid hanggang sa bahay niya."
Napapikit-tingala na lang silang dalawa, "ipagpaalam mo na to Mam, di pwede ganyan."
"Anak ka ng-, baka naman payagan ito ni HEPE! Aiasdnand-" at ayun na nga lumitanya na si Tita at ang lalaking kasing tangkad niya pero may katabaan nito lalo na sa may bandang tiyan.
"Tama na yan, Kuya pumunta ka na sa Armory." Magkagalit silang lumayo sa isa't – isa.
"Mamaya ka sakin, Alcantara." huli salita ni Pañero bago siya lumabas ng silid.
"Anong sabi mo!? *mura* *mura*" pagalit lumakad si Tita sa kanya pero pinipigilan na namin dalawa ni Manalo habang Tumakbo palabas si Pañero.
"Ganito ba kayo sa pamilya nyo?" alanganing tingin sakin ni Manalo
"Halos lahat, nasanay na lang kami sa isa't isa." binigay ko sa kanya yung ngiting nahihiya sa taong kakilala ko dahil sa inasal niya. Paborito kasi ng kambal kong tita ang away, gulo at giyera noong kabataan ayon kay Tatay. Siguro nawala na lang kay Tita Leona dahil di ko siya nakitaan sa kanya habang sa Tita kong kasama ko ngayon.
Nganga ang nakita ko sa kanya nang sinabi ko ang katotohanan, mukhang matagal na niya ito kakilala. Base sa tanong niya ay nakikita niya pa lang ang pamilya ni Tita Loren at Tito Charlie.
"Jake nga pala pre."
"Alvin Alcantara, inaanak ni Tita Loren."
Kumalma na si Tita napaupo sa puting Monoblock, umismid na lang siya at nagkrus ang binti niya.
"Mukhang ayos naman na maliban lang kay HEPE, sa tingin ko may magagawa ako."
"Mas lalong di ka papayagan ni HEPE niyan." Mapaklang tono ni Tita.
"Ako nang bahala, basta asikasuhin mo yang pamangkin mo. Baka may naisip ka pang iba tungkol sa pananamit niya." Lumabas na siya para kausapin ang HEPE ng presinto.
Tinignan ko ang sarili ko kung ano pa bang kulang sa itsurang pulis ko. utility belt, radyo, posas, dalawang magazine clip na medyo may kahabaan,at baril na kukuhanin ni Pañero. Kumpleto na ako tutuusin, kaya bigla ko naisip yung bagpack.
Baka may nasira doon, nilagay ko sa puting mesa pero may mga itim na giliran nito at nilabas ang mga gamit na laman ng bagahe. Mula sa libro hanggang neuralgear ay humipa na ako nang sigurado na ako na walang sira sa mga bagay at muling ibinalik ito sa bagpack ko kaso ang mismong bagpack ay puro dumi ng pulbura, bubog at dumi sa daan.
"Tumingin ka nga dito saglit Alvin." Tumingin ako sa kanya, nagtataka base sa tingin nya sakin.
Tinitignan ako ni Tita mula Ulo hanggang paa ng ilang beses na parang may mali sa istura ko.
Tumingin ako sa magkabilang balikat ko, "Meron pa bang kulang Tita?"
Ang TALIM ng tingin niya sakin, " May kulang, di ko masabi kung ano..." ganun lang ang tingin niya habang ako ay inaalam ko kung ano pa bang mali dito sa suot ko kaya turo ako ng turo kung saan – saan sa sinusuot ko kaya puro tanggi si Tita sakin nang napagtanto niya kung ano ba.
Bigla na lang siya lumabas at bilgang bumalik ng may hawak ng gunting, Hair Clipper, at Razor.
"no, No, NO!"
---------------------------------------
Para akong nawalan ng dignidad. Hinahawakan ko pa rin ang baba buhok ko habang palabas kaming 3 sa presinto.
"Pañero." Ibinato ni Tita ang susi na gagamiting sasakyan, sinalo niya ito nang tignan kung anong sasakyan gagamitin nila
"Ibang sasakyan to aah." Di ito ang sasakyan na ginamit nila kanina
"Maganda na yung sigurado, gamitin niyo na yan tutal alam na ni HEPE yan."
Tumingin siya sa relos si Manalo. "Dapit hapon na kami makakarating, uwi na lang kami derecho pagkabalik namin sa sasakyan."
"Sige, basta kung wala kayong iniwang trabaho dito sa presinto." Walang ganang pahayag niya sa dalawa, napatingin na siya sakin.
"Heh, ikaw lang naman may iniiwang trabaho dito sa presinto." Asil ni Pañero kay Tita, inignora lang ni Tita pero malakas na wasik ng kamay na dumapo sa braso nito kaya napa-aray habang nakatingin siya sakin.
"Alvin, ingat ha. Sabihan mo ako kung may katarantaduhan itong dalawa na to." Umangil ang dalawa sa likod niya at dumerecho na sa asul at puting sedan na may logo ng presinto ng Carmona.
"Opo, tutal may numero kita sa cellphone ko po."
"O'siya, tumuloy na kayo. Sila na ang bahala, pinapaalala ko lang sayo. Nakasuot ka ng pampulis, pagisipan mo mabuti kapag puputok ka ng baril." Pangtataboy niya sakin.
"Sige po Mam, paalam po." Biro ko sa kanya nang makalabas na ako ng presinto pero nakita ko siya napangiti na lang siya sakin.
Naririnig ko na ang andar ng makina nang makapasok ako sa likod ng kotse, di ito tipikal na sasakyang pampulis dahil walang metal cage sa harap at likod ng passenger seat.
Nakita ko silang dalawa na tulala sakin mula sa rear view mirror, di naman sila ganito kanina nang naandito si Tita. Taas ang parehong kilay ni Pañero na ngayong magmamaneho ng kotse habang si Manalo ay nakangising aso siya.
"Bagay sayo pala ang ganyang ayos, binagay mo pa sa suot mo. Mukha kang marangal na pulis." Puri ni Manalo tungkol sa bagong tabas kong buhok at ahit.
Describe manalo and panero.
"Salamat kaso hindi ako sanay sa ganitong istura ko, ang tagal na ng huli ako magahit." Kailangan din kasing naka-balbas sarado ako dahil sa middle east ako lagi.
Napatingin ako sa rear view mirror ng sasakyan, nakikita ang sarili ko doon. Ngayon nang tambad na ang itsura ko at di napapalibutan ng buhok, ay kitang kita ang mga peklat sa mukha ko. Tatlong magkakaiba sa leeg, kanang gilid ng bibig at sa baba. Parang pinagtagpi-tagpi lang para mabuhay lang ako, napangiti na lang ako dahil lahat nang iyon ay katibayan na nakabalik ako ng buhay.
Derecho lang ang tingin ni Pañero nang nagsalita siya. "Meron kasi kaming mga ganyang gamit kase kailangan sa decorum ng isang pulis, mabuti na lang napansin ni Mam kungdi ay may mungkahing mamukhaan ka at baka bigla tayo puruhan lalo na't ihahatid ka namin pauwi." Payak pero naiintindihan ko kung bakit ganoon.
Sang-ayon ako sa sinabi niya dahil di lang ito ang una kaya wag na sila bigyan ng opportunidad na naising patayin ako o si Tita.
Sa buong byahe, na kahit palabantay ako sa paligid ay ang dalawang tao sa harap ay naguusap lang na para bang walang nangyari kanina ay napanatag na rin ako dahil sinasabay na nila ako sa usapan; buhay, pamilya at lipunan, parang nakakahabol na ako sa realidad na dati kong ñkinagisnan bago pa ako napunta sa militar.
Pansin ko lang sa kanilang dalawa ay si Peter Pañero ang madaldal kaysa kay Manalo. Puno ng kwento ang nakakatandang pulis kahit na ba sa istura niyang lagi galit dahil sa kilay niya, dumagdag pa ito sa umbok sa tiyan at bruskong katawan. Masasabi mong masaya siya kung anong meron niya ngayon. Alam mo ang saya niya base sa pananalita niya pero di mo makikita iyon sa itsura.
Jake Manalo, sa maamong mukha niya at katamtamang pangangatawan ay palangiti lang ito, pala-kumento lang na mananaig ang pagiging tahimik niya. Nagsasabi siya sa sarili niya ngunit napakaikli at malaman, natutunan ko lang maging maskireto dahil sa uri ng trabaho ko pero siya ay parang buong pagkatao niya ay puno ng misteryo.
DI ko maitatanggi kung bakit siya gusto ng kababaihan base sa sinabi ni Pañero tungkol sa kanya kaya minsan ay nag-aasaran silang dalawa.
Sa mahabang rutang dinaanan namin papunta sa San Pedro ay di ko maintala maging panatag na lang, magaan kasama ang dalawa at halatang sanay na sila dahil na rin sa kasama rin sila sa mga dating maseselang kaso ni Tita.
Ngayon ko lang nakaramdam ng pagkapanatag pagkatapos ng mabigat ng sitwasyon dahil alam din ng tao sa paligid ko kung anong klasing sitwasyon na kinahaharap namin, ang hirap na sarili mo lang maasahan sa lahat ng bagay sa mundo dahil wala kang taong maasahan lampas kalahati ng buhay ko maliban sa kapatid ko.
Walang makausap, katawanan, masisilungan, at higit sa lahat; Pinabayaan at inabandohan. Ang tanging rason kung bakit ako nakalabas ng buhay ay para makabalik sa kapatid ko.
Tulala ako sa kawalan habang sila ay nag-uusap at nag-aasaran, maraming sumagi sa isip ko kung anong dinanas ko para lang makabalik dito.
Pumatay para makakain,
Pumatay para may gamit pangpatay,
Pumatay para mapagamot ko sarili ko,
Pumatay, nang pumatay, nang pumatay ng tao kahit sundalo, rebelde, o sibilyan para lang mabuhay.
" 'Pre, 'pre, 'pre." Pa-ulit ulit na sabi ni Jake, Tinatapik na niya ako sa likod ng kotse.
Doon lang ako nakabalik sa pagiging tulala, napatingin na ako sa paligid bago ako tumingin sa kanya. Naandito na kami sa gate ng pribadong village kung saan nakatira si Dr. San Vedra.
" 'Pre, ano ulit ang pangalan na bibisitahin mo?" Tanong niya sakin, nakabukas ang bintana ng kanang pinto. Tinatanong ng guard ng gate kung sino ang bibisatahin.
"Aah, Si ano pala; Dr. Juanito San Vedra." Nahihiyang sabi ko kanya.
"Okay, Dr. Juanito San Vedra kuya." Inulit niya ang pangalan para masabi niya sa nagbabantay
Describe Dr. San Vedra
"Sandali lang po, tatawagan ko lang po siya kung pwede kayo papasukin. Sino po ba ang bibisita?"
"Alvin Alcantara po, kami lang po naghahatid sa kanya papunta rito."
Tumango lang habang tinatawagan na ang bahay ng Doktor, ilang minutong lumipas ng pinapasok na kami ng guard sa village. Tinuro niya kung saan ang daan papunta doon, sa kaduluhan pa nito; malayo sa komunidad at konting tao ang mga nakatira sa parte na iyon.
"Para naman tayo sa ibang lugar dito sa dulong parte ng village." Palinga linga ni Pañero sa paligid kaya mabagal ang takbo ng sasakyan mula pa nang makapasok na kami sa village
"Wala masyadong mga tao dito pero ang gaganda naman ng bahay." Namamangha ako sa malalaki at matatayog na bahay.
"Puro yata bahay bakasyunan ito mga nakatayo dito, kaya na rin wala masyadong tao." May saysay ang sinabi niya, yung mga mansyon ay napakaaliwalas tignan kaysa sa yayamaning bahay sa siyudad.
Para lang kami namamasyal upang bumuli ng bahay lalo pa't mas bumagal pa ang andar ng kotseng sinasakyan naming tatlo, laglag panga pa rin kami sa bawat bahay na dadaanan namin, pa iba ibang disenyo kaya parang mga dream house ng mga may-ari ng bawat bahay dito.
May naglalakad na mga tao dito pero halos nadadaanang tao ay mga tagapagalaga ng may-ari ng mismong bahay, hindi ko hinangad ng ganitong klaseng bahay pero kung tutuusin ay maganda ring may maipundar ako na masasabi kong akin tutal titigil na ako sa pagiging sundalo.
Sabi daw ng guwardya ay makikita namin ang kakaibang bahay na may malaking lote nito, mahahalata mo agad dahil siya lang daw ang maliit kumpara sa ibang mga bahay na katabi nito. At totoo nga sabi niya, kung ano ang kinaliit ng bahay niya ay ito naman ang pinakamalaking lote sa lahat.
Simpleng bungalow house kagaya sa mga karaniwang bahay na nakikita namin kanina sa malapit sa gate pero ito ang may pinakamalaking lote kaya malaki ang espasyo habang nasa gitna ang bahay.
Mahabang ang lakaran pero hinihintay ako ng doktor sa labas ng pinto, nakatayo at naninigarilyo. Nakasuot ito ng lab coat pero nakapambahay na orange T-shirt at brown shorts habang nakasuot ito ng sandals.
Patay at puno ng stress ang mukha niya na makikita mo agad ang katandaan sa itsura niya, maraming lang siya ligaw na buhok sa bigote at balbas. Kailan lang nang ito'y nagahit pero sa buhok niyang sobrang ayos para rin sa kung ano mang ginagawa niya dito.
"Magandang tanghali po, ako po si Alvin; Kapatid po ni Ailee Alcantara." Nagpakilala na ako agad sa kanya baka malito siya kung sino sa aming tatlo.
"Oo, nakilala na kita sa mga kwento ni Ailee. Ang pinagtataka ko lang kung bakit ka may kasamang pulis, alam ko lang kasi na darating ka magisa." Walang gana ang tono ng pananalita niya.
"Ito po pala si Pañero at si Manalo." Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa at nakipagkamay sila sa doktor, nagpatuloy ako sa pagsasalita.
"Nagkaroon lang ng konting aberya papunta rito, kasama ko sila hanggang sa paguwi ko ng Cavite."
Tinignan niya ako, lalo na sa mga bagong sugat ko sa mukha at braso dahil na rin short sleeves ang uniporme ng pulis.
"Pasok kayo, ayus ka lang ba?" pamumungkahi niya na papasukin kami sa loob ng bahay, walang kagamit gamit halos sa loob ng bahay. Para sa taong nagiisa nakatira dito ay parang di siya dito natutulog gabi-gabi.
"Ok lang naman po ako, makikihingi na lang ng tubig po." Nauuhaw na ako, ngayon ko lang nakaramdam ng uhaw mula pa kaninang umaga.
"Pupunta lang ako sa kusina, sundan mo ako. Kayo, may gusto ba kayong dalawa inumin?" Tanong niya sa pulis na kasama ko.
"Kape na lang po kami." Suhestyon ni Pañero. Pumunta siya sa kusina, sinusundan ko siya para kumuha ng tubig sa refrigirator.
Inabot niya sakin ang baso, kumuha lang siya ng mga tasa at takoreng lalagyan niya ng tubig para iinit.
"Mukhang ang panget ng lunes mo aah." Paninimula niya ng usapan, binuksan ko ang ref para kumuha ng malamig na tubig.
"Oo; umaga pa lang, barilan sa daan ang natamo ko." pagkasara ko ng pinto ng ref at dinala ang isang malaking lalagyan ng tubig ay nakita ko siyang naguguluhan sa sinabi ko.
"Ano? Nakipagbarilan ka? Tangina, kaya pala meron kang mga bagong sugat." Namilog ang mata niya pero saliwat ito sa pagod na tono ng pananalita niya
Kinuwento ko sa kanya ang pinakanangyari kaninang umaga, di pa rin siya makapaniwala hanggang sa pinakumpirma ko sa dalawa kong kasamang pulis. Alam mo sa taong ito, napakaekpresibo niya sa tipikal na walang pakeng tao katulad niya. Di na lang ako maghuhusga tutal may mga bagay na pinagdaaanan kung kaya siya ganyan.
"Buti naman at ligtas kayo, may resulta na ba sa imbestigasyon." Palakad na kaming dalawa sa pulis para ihatid ang kape at nakuha ng dalawa ang pinaguusapan namin.
"Wala pa rin sagot kung bakit nila ginawa ito, nasa hospital ang mga buhay na suspek kaya sa mga darating na araw pa malalaman." Si Pañero na ang nagsalita sa kung ano ang takbo ng imbestigasyon kaninang umaga.
Napatingin sa akin si Dr. San Vedra, "Hey, wag tayo mag-assume. Si Loren itong pinaguusapan natin." Paghihinto ni Manalo, di lahat ng bagay sa mundo umiikot lamang sa akin at sa kapatid ko.
"Masyado naman kasi maganda ang timing, nagkataong pupunta ka dito tska di pa mahukay kung anong pinasok ng kakambal mo. Hay, si Ailee talaga." Hinawakan niya ang sentido sa patong-patong na stress, base sa litanya niya ay wala rin siya alam sa ginagawa ng kakambal ko at tanging relasyon nila ay sa ginawang neuralgear na dala ko.
"O, siya. Kumain muna tayong lahat, nakakagutom itong mga kwento niyo sakin."
"Tulungan ka na lang namin Doc para mabilis nang makapaghain."
"Salamat, Jake no?"
"Opo."
Naglalakad na silang dalawa sa kusina para makapaghanda ng kakainin, mahilig pala si Doc sa samgyupsal dahil na rin sa mga nakafreeze na liempo sa ref at iba't ibang gulay. Nakompirma ko lang ngayon dahil di ko makita ang mga kimching isasama sa kainan.
Tinapik ako ng matandang pulis kaya napatalikod ako sa kanya. "Alvin, idadag-dag namin ang Doctor sa mga taong babantayan sa maikling panahon ha." Mahinang tinig lang ang pagkakasabi niya para kaming dalawa lang ang makakarinig.
"Wala naman siya kinalaman sa nangyari eh, tska wala nga nakakaalam na may bahay siya rito."
"Ayun na nga rin ikinababahala ko, tinignan ko sa record ng census kanina bago tayo pumunta dito. Wala siyang record na may bahay dito, mukha naman siya hindi masamang loob pero pinagtatakpan siya na naandito siya. Mukhang mataas na tao itong pinuntahanan natin sa puntong di ko alam kung gaano kalalim koneksyon niya , gaano mo ba tong kakilala itong tao na to?"
"Ngayon ko lang naman siya nakausap ng personal, base na rin sa kung anong relasyon niya sa kapatid ko ay may pinagtataguan din na mga bagay sa kanya." Napaisip siya sa sinabi ko, ipinagtataka ko rin kung bakit ganoon ang pakikitungo niya dahil mas sanay siya sa tao kaysa sa akin sa puntong kilalang kilala siya ng mga tao sa paligid niya.
May nagbago sa kapatid ko sa tagal ng panahon at iyon ang bagay na di ko man lang naantabayanan. Ang laki ng pagkukulang ko sa kakambal ko, sana man lang may mapiga akong mga bagay sa pagpunta ko dito tungkol sa kanya.
Kwentuhan sa nangyari kaninang umaga.
Binigyan na niya ng kape ang dalawa
Nialabas na lang niya ang mesa at portable stove para pagkatapos nila magusap ni Alvin ay dito na rin sila magtangahalian.