---------------------------------------------------------------------------
Chapter 4: Alone(4)
Lamig ng simoy ng hangin ang nadarama ko habang natatakpan ng mga ulap ang sinag ng araw, hindi madilim pero napaka silaw nito na tanging ginawa lang ng ulap ay di ko maramdaman ang silahis nito. Nakikita ko ang mga bata sa kalye; naglalaro sa gilid habang ang iba nasa computer shop. Umaakma ang laki ng kalye sa laki ng mga lote ng lupa ng mga bahay dito dahil na rin sa taniman sa di kalayuan lang dito ay ang mga bahay dito ay malalaki at maraming taong nakatira. Masasabi mong ang parte na ito ng tagaytay ay mukha pang probinsya kahit na ba syudad na ang lugar, di ganoon kagara ang bahay na mahahalata mo kung paano ito itinayo kung saan di propesyunal ang gumawa.
Di kalayuan may kumakaway na isang matandang babae " 'Iho!" ng marinig ko iyon ay pamilyar sakin ang boses.
"Tita Leona!" nakasuot ito ng pulang mabulaklak na duster na karaniwan dito sa mala-probinsya na bahagi ng tagaytay. Sa morena niyang kulay kagaya ni Tatay, sa bilugin niyang mukha at mapupungay niyang mata dahil sa mahahabang pilikmata nito. Halatang nakangiti ito sakin at kumakaway kung saan malapit ang bahay ng kanyang pamilya, nagtext lang ako sa kanya na pupunta ako dito kanina lang umaga kaya nasasabik din ito makita ako sa tagal na rin ng panahon na di ko sila nakasama.
"Dito 'iho, dali at magmemerienda na." pinagmamadaling tawag niya sa akin at binuksan niya ang gate para makapasok sa bahay niya.
Papalapit na ako sa bahay at naaninag ko na ang puting bahay pero napakabulaklak nito dahil di lamang sa bakuran nito ang meron pati na rin sa mga pader ng 3 palapag na bahay nila ng iba't-ibang kulay at baging.
Nakaiwang hindi naka-lock ang gate para makapasok ako kaya binuksan ko ito papasok at sinara ko iyon ng mabuti pagkapasok ko.
Napakamakulay ng paligid ng bahay at ang mga katulong nito ay nagaayos nito habang may hinahanda si tita sa harap ng bahay ang merienda ng buong pamilya. Nakita ko ang Matatandang at matangkad na lalaki, may pagka-espanyol ang istura at pangangatawan na makikita sa karaniwang payat na lalaking taga-Europa. Malalaman mo lang ang katandaan nito dahil lamang sa pinaghalong itim at puting parte sa buhok, bigote't balbas nito. Kulubot sa maliit nitong noo ay halatang halata pero sa masahayahing ngiti nito kasama ng kulay abo nitong bilog na mata.
"Tito Harnan." Salubong ko sa kanya papalapit sa hapag sa labas ng bahay.
"Alvin! Nandito ka na, Kamusta?" Niyakap ako at sumabay kaming umupo sa hapag at nilapag ko sa tabi ko ang dala kong bagahe.
"Okay lang naman po ako, pasensya na kung naparito ako ng di nyo inaasahan. Naabala ko po kayo."
"Sus, kapamilya ka na. Di ka na naiba sa amin, buti nga't naparito ka." tapos bumulong siya palapit sa akin "Sa Totoo lang okay na yung naparito ka ngayon, Si Leonora ay nagaalala sayo. mas lalong nababahala dahil nga kasi nagiisa ka na lang." kaya pala may ginhawa sa mukha nya ng dumating ako dito na walang abiso.
"Ayun din eh, kaya rin ako naparito para malaman niyang okay ako." Pa-segue kong sinabi sa kanya, at least nakita na ako ni Tita ng maayos. Mahirap kase na nagiisa ako ng tuluyan di kagaya dati na alam kong may taong uuwian ako, totoo ngang nasa huli ang pagsisisi dahil di ko sya napangalagaan ang kapatid ko ng maayos at sana naandito ako sa mga panahong naghihirap siya. Pwera doon, may itatanong na rin ako sa kanya tungkol sa mga koneksyon ni Ailee noon sa trabaho ukol sa neuralgear na binigay sakin lalo na't si Tita ang personal na gumawa ng neuralgear ni Ailee.
Siya ang Senior researcher ng neuralgear noon bago pa ito naging pampublikong inilahad sa buong mundo, sa mga unang proyekto nito ay ang unang papel nito ay para sa military simulations para sa mga sundalo upang paghahanda sa mentalidad at pagtataas ng kalidad ng mga ito. Ang mga bansang pumondo nito ay ang Estados Unidos,Hapon,Europa at Korea.
"Kung gayon ay para saan yang dala mong bagahe, dito ka ba muna mananalagi? Naku, magugustuhan pa naman iyan ni Leonora dahil kaarawan ni Banjo bukas."hinihipan ang tsaa niya bago ito ininom. Oo nga pala, kaarawan ng pinsan ko bukas. Di ko man lang naisip iyon.
"Sa totoo nyan, pupunta ako ng Laguna. May mga bagay lang ako aasikasuhin dahil na rin magpapahinga muna rin ako tska may kakausapin din ako taong kakilala ni Tita kaya napunta ako dito ng biglaan."
"Sa katrabaho ba iyan ni Leonora?"
"Opo, gusto ko lang sana malaman kung anong address niya sa Laguna."
"Ah, ganoon ba. Di mo ba pwede ipalipas mo muna iyan? Miss ka na rin ni Banjo at Alfonso, nagaalala din sila sayo eh. Mamayang gabi pa ang dating ng mga iyon mula sa eskwelahan, tska dito ka muna hanggang sa linggo." malumanay na sabi niya.
"Wala pa naman akong damit na dala Tito."
Malakas huminga nang palabas gamit ang ilong niya."Sus. Meron ka ditong damit, lagi kaya kayo may naiiwang damit ni kambal. Napakaburara mo kasi." Ngisi sa kanang parte ng labi niya. Tumingin ako sa kanya ng patay na mukha.
Hinilot ko na lang ang sentido ko at yumuko na lang sa sinabi nya habang tinatapik niya ang kaliwang balikat. Minsan lang naman maghingi ng pabor itong si Tito, pagbigyan ko na nga lang. "O sige Tito, dito muna ako buong weekend."
"Ayus. Sige sabihan ko na ang mga katulong na ihanda ang kwartong tutulugan mo ngayon gabi." Tatayo na siya para sabihan ang kalapit na katulong pero pinigilan ko siya.
"Mamaya na yan Tito, magmeryenda muna tayo. Di naman ako aalis agad eh." Ito naman si Tito, gayak na gayak. Bigla akong may mainisip na itanong kay Tito, mabuti naandito siya habang wala pa si Tita sa hapag.
"Tito, may itatanong pala ako sayo."
"Ano iyon 'iho?"
"May napapansin ka bang kakaiba simula pa nang lamay ni Ailee?" Nang naitanong ko iyon sa kanya ay napatigil siya at nilapag ang hawak niyang tsaa. Naging seryoso ang mukha niya at lumingon sakin.
"Ito rin ba ang isa sa mga pakay mo kaya ka napapunta ka rito?"
"Mas mabuti nang sayo ito itanong kaysa kay Alfonso o kay tita, mapagmatyag sila masyado at ayaw ko siya isama sa problema ni Ailee." Pagdadahilan ko na ikinatungo niya at kinuha ang tsaa.
"Akala ko ako lang nakakaramdam, may sumusunod sa amin buong magdamag at di ko ito pinansin dahil baka ukol ito sa kompanya ko pero base sa tanong mo ay meron din nagmamasid sa galaw mo din." Pinagpatuloy niya ang paginom ng tsaa at kinuha ng porcelanang takure para lagyan muli ang tasa niya ng mainit na tsaa.
"Tama ka Tito, meron nga kaso tumigil ito nang matapos ito nang libing ni Ailee at nawala na parang bula."
"Maliban sa atin, may hinihinala ka bang may ganoong sitwasyon?"
"Ang abogado ni Ailee ay may umaaligid sa kanya kaso nahuli niya ito sa akto kinabukasan nung araw ng libing kaso hindi nahuli at di nahanap muli ito. itatanong ko din kay Tita Loren kung meron din siya tutal naandito naman siya bukas kung maari sana sa linggo na lang pagkatapos ng kaarawan ni Banjo."
"Mabuti nang pagusapan na natin iyan sa linggo dahil naandito ang buong angkan bukas, tignan ko makakaya ko. Yung abogado? Ayus lang ba siya?"
"Oo naman po pero nagarkila na siya ng bodyguard simula ngayon dahil sa tingin ko siya ang taimtim at matagal na susundan maliban sa atin."
"Di ko lang maintindihan ay bakit ang abogado ng kakambal ang mas lalong sinusundan kaysa sa atin? Isipin mo aah, hamak na abogado lang siya ni Ailee."
"Mas minamanmanan nila ang abogado dahil sa Last will of testament ng kapatid ko at kung anong gagawing kakaiba o ipagpatuloy pa ang kaso ng kapatid ko. Kung tayo naman mamanmanan nila ay walang bisa; Militar ako, Si Tita Loren ay pulis naman, ikaw naman ay maselan dahil sa kompanya mo kaya madali silang paghinalaan, at si Tita Leona ay koneksyon sa U.N. kaya kung may ganitong bagay ay madali lang sila mahuli dahil isang tawag lang ay manhunt agad."
Napaisip si Ninong at.. "Sabagay, tama ka dyaan. Di ko muna ito sasabihin sa Tita mo hanggang sa linggo, kailangan malaman ito ng isa mo pang Tita. Di pwede itago lang nitong dalawa."
"Opo tito at maliban dyaan, may tatanong din ako sana kay Tita." Tinuro ko ang duffel bag ko at naintindihan niya ang kung anong meron laman sa bag ko. Naintindihan niya agad ito dahil may kaugnayan sa trabaho ni Tita ang itatanong ko dahil na rin ginagamit din ni Ailee ang neuralgear na dating proyekto niya.
"Tska nayan at nagugutom na ako, nakakagutom itong usapan natin." Tumango din ako sa sinabi niya, pinagusapan lang namin ito ay nakakapagod dahil kung gaano kaselan itong pinaguusapan naming dalawa. Maraming taong nasa alanganin sa mga nangyayari ngayon, kung gusto ni Ailee na ako lang makaalam ay gagawin ko pero dapat mailayo ko ang mga to sa panganib.
May lumabas sa pintuan ng bahay nila, si Tita Leona; may dalang dinuguan at puto para kainin sa meryenda. "Alvin kain ka muna ng meryenda, mukhang di ka pa kumakain oh. kain ka ng marami aah." Nilapag niya ang putahe, dinuguan at puto na naamoy naming dalawa kaya kumuha na kami ng puto para kumain.
"Di namin inaasahan ang pagdating mo, buti na lang sakto ang oras ng dating mo. Naparito ka?" tinignan ako ni Tito habang umakbay siya sakin, tumingin ito ng makahulugan sinasabing 'Ako na bahala, wag ngayon' kaya binuksan ko na lang duffel bag ko at nilabas ang neuralgear na dala-dala ko.
Sa sandaling nilabas ko ito tapos nilagay sa mesa sa tabi ko ay namilog ang mata nilang dalawa, nagtama ang mata nila sa isa't-isa. Tumigil sa pagkain si Tito habang si Tita ay tumigil, hawak ang takure nais lagyan ng tsaa ang tasa niya. May alam din si Tito dito? Anong meron nito?
"Sayo ba yan 'iho?" bumagal ang bawat salita ni tita habang binigkas ang nais niyang itanong
"Iniwan sakin ni Ailee, alam kong neuralgear ito pero masyado naman ata kakaiba ito sa nakikita ko sa publiko. Gusto ko manggaling sayo Tita kung ano ito?" sumeryoso ang pagmumukha nilang dalawa, matagal ang pagtikom nila ng bibig; pinagiisipan kung paanong sasabihin sakin itong pinakita ko sa kanila sa mesa.
"Alam mo Alvin, yang dala mo ay pinakamahalagang gear model na di mo mahahanap sa kahit saang parte ng mundo. Di ko alam paano nakuha yan ng kakambal mo, pero alam ko ang model na yan pero base sa tingin ko sa itsura niya; pwede sya gamitin." Nilapag niya ang hawak niya at kinuha niya ang neural gear ng sobrang ingat at alaga, maigi niyang tinignan ang bawat bahagi nito na may pagkamangha.
"Tito?" lumingon ako sa kaliwa para tignan siya.
" 'iho, di biro yang dala mo. Kahit nakita ko na siya dati galing sa tita mo ay mas lalong namangha ako dahil kung ano man pinagagawa ng kakambal mo ay ang problemang di naresolba ng tita mo sa neuralgear na yan at di matutumbasan ang ginawa niya."
Tinignan ko ang neuralgear, wala naman kung anong espesyal sa kanya maliban sa napakadaling isuot nito lalo na kapag nakahiga ako sa kama.
"Di matutumbasan? Yan? eh parang normal lang sakin pero mukhang customized na neuralgear." Tinignan ko ito ulit ang nilapag ko, nagaalangan ako sa sinabi ni Tito. Umupo si Tita habang hawak-hawak niya ito, puno ng ginhawa sa kanyang bawat buga niya ng hinihinga na para bang nabunutan siya ng tinik sa lalamunan.
Tumayo at lumapit si Tito sa kanya aakmang yayakapin niya si Tita, lalong kinabigla ko ang paghikbi ni Tita. Tiningalaan niya si Tito habang hawak niya ito. "Harnan,Ailee has it. My life's work is in this thing, and she perfected it!" lumuha na nang tuluyan sa harapan naming dalawa ni Tito kahit ang mga kalapit na katulong sa labas ay nakarinig din nito kaya napatigil rin sila.
Tumagal iyon at tumayo siya para yakapin ako. " 'iho, di ko alam kung anong ginawa ni Ailee pero alam ko nagawa ni kakambal mo ang imposible." Inilahad niya muli ito sakin habang palapit siya .
"Itong bagay na binigay sayo ng kapatid mo? Ito ang proyektong pinagpaguran ko sa buong karera ng trabaho ko, sa tingin pa lang ay nagawa niyang paganahin ito ng maayos at mas lalo pang pinaganda ang kalikad nito. Sa anong dahilan kung bakit binigay iyan sayo ay aasahan mo na ito lagi mong maasahan." Nakatingala at direkta ang tingin sakin.
Ang yakap niya ay may bigat di ko maintindihan, di bale nang magaan siya pero may kung anong pinapasan ko at kung ano man iyon ay biglan na lang ako napaiyak. Kulang pa pala ang iyak ko, masakit man pero masasabi kong lahat ng iniwan sakin ni Ailee ay tatak sa buhay namin.
Ailee, pinaghandaan mo talaga ito. Tatapusin ito ni Kuya para mapanatag ka,
Kaya salamat sa lahat.
--------------------------------
Patago na ang araw ng pumasok kaming lahat sa bahay, napaka-abala ngayon dahil sa paghahanda sa kaarawan bukas at sa hapunan ngayon. Tinuro sa akin ng isa sa mga katulong kung saan akong kwarto mananalagi ngayong gabi. Pinuntahan ko iyon paakyat sa ikalawang palapag ng bahay ni Tita at katabi iyon ng kwarto ni Alfonso habang katapat nito ang kwarto ni Banjo. Nang binuksan ko ang pinto ng silid, binuksan ko agad ang ilaw para malaman kung ano laman nito.
Kinalabit ko ang switch ng ilaw sa kanang gilid ko at lumiwanag ang kwartong tutulugan ko sa susunod na 2 gabi. Simple lang naman ang laman ng silid; Isang higaan na gawa sa kahoy na may manipis na matress at may kumot na nakatupi nakapatong sa dalawang unan, kahoy na aparador na mukha pang mas matanda sa akin, at isang malaking salamin na nakikita ko ang buong sarili ko mula ulo hanggang paa. Binuksan ko ang aparador, nakita ko ang mga naiwang damit namin ni Ailee nakaayos at mukhang bagong lagay lang dito.
May naiwang mga damit naming dalawa lagi sa bahay ni Tita dahil na rin madalas kaming naandito mula yumao ang magulang namin. Naging kalaro ni Ailee ang dalawa sa pagkabata niya habang malapit ako kay Banjo dahil parang tumayong kuya sa amin ni Ailee, pagklagay ko ng dala ko sa aparador ay napatingin ako ulit sa malaking salamin. Puno ng peklat sa katawan ko, ang layo na rin ng narating ko na di ko man lang naasikaso ang kakambal ko.
Pasong paso ako, para akong taong walang emosyon dahil sa uri ng trabaho ko pero may naramdaman ko ang lakas ng simoy ng hangin sa bintana kaya napatingin ako sa kaliwa ko. mahalalata mo ang lakas ng hangin nito dahil sa mga sumasayaw na kurtina na tumtakip nito pero di nito natatakpan dahil ihip nito. Palakad akong lumapit dito at tinignan ko ang tanawin sa labas nito.
Tumambad ang ganda ng tanawin sa mga hagdanan ng mga taniman ng palay, hindi ganoon kataas pero makikita mo ang tamang irigasyon ng daloy ng tubig dahil sa pagkakaayos nito na mas lalong nakakamangha na di natetengga para di magkaroon ng dumi mula sa mga peste. Kasama pa nito ang mga puno na pumapaligid nito na parang kumakalma sa akin. Sa ihip ng hangin at ang buwang lumiliwanag sa palayan ay kay gandang tignan.
Kumatok ang pintuan habang naririnig ko ang pintong tuluyang pagbukas nito, tumingin ako doon at nakita ko ang magkapatid. Si Banjo at Alfonso.
"Kuya Alvin!" Yumakap sakin ang bunso na si Banjo, nakaschool uniform ito ng UP Los Baños. Laking hawig nito kay tita na para bang papasang triplets sina tita loren at tita leona noong bata pa sila pero nagkaiba lang ang nakuhang nilang kulay ng mata mula kay Tito Harnan.
"Kamusta 'insan?" nagshoulder bump kaming dalawa. Malaki ang pangangatawan niya dahil sa kahiligan nito mag-gym at hulmang hulma niya si Tito mula ulo hanggang paa. Ang pinagkaiba lang nito ay medyo tan siya dahil minsan tumutulong ito sa mga palay nila kasama ng iba pang magsasaka sa bayan kaya sikat siya buong komunidad.
"Okay lang pre,eh kayo kamusta?
"Maayos naman, pagod lang sa biyahe."
"traffic jam nga papunta dito sa tagaytay. Eh ikaw Alf, kamusta biyahe mo?" Sa suot ni Alfonso na naka-uniform ng USTe.
"Wag mo na naising isagot ko yan." Malalim ang boses ni Alfonso, akala mo sa matanda nanggaling yung boses at nakita ko ang kanan niyang kamay na parang may tinataboy ng langaw sa palengke.
" dito muna ako hanggang sa lunes yata."
"Tama yun, tska birthday nitong ni Banjo."
"Buti na lang naandito ka muna kuya alvin, para naman magkapagpahinga ka."pagiinat niya dahil na rin sa pagod ng biyahe.
"Mamaya na tayo magusap, magsiligo muna tayo at galing tayong lahat sa labas. Pagagalitan nanaman tayo ni Tita niyan kapag nagkataong makita tayo nakaganito pa rin ang suot."
"Oo nga pala, kami ni kuya sa babang banyo kami maliligo. Ikaw na dito sa taas." Nagmamadaling lumabas na agad si Banjo, mapipingot nanaman siya ni tita kapag nagkataon di pa ito nagsibuhos ng katawan pagkatapos pumasok sa bahay.
Napangiti na lang ako habang inaayos ko ang mga susuotin ko ngayong gabi habang si Alf ay naiwan doon sa kwarto at sumandal ito sa gilid ng aparador.
"Malungkot pa rin si Banjo sa nangyari." Nagkrus ang kanyang braso.
"Mukha nga, sino pa naman hindi."
"Paboritong pinsan kase niya si Ailee. Sa lahat ng tao, siya ang di makapaniwalang nagpakamatay siya sa sarili niya."
"kahit ako naman din kaso may kasalanan din ako doon, di ko man lang nabantayan siya sa bawat tapak niya sa buhay. Kung nandoon lang ako."
"Masasabi mo bang suicide ang nangyari? Wala na akong tiwala sa "
"Labag man sa loob ko, totoong nagsuicide siya. Pero lahat naman may rason di ba?"
"Sabagay, alam mo ba?"
"Nagsabi na ako kay Tito na paguusapan natin yan kapag naandito na sina tita Loren."
Natahimik kaming dalawa, alam na niyang may aasahan siyang detalye.
"Kailangan niyo malaman ito dahil kailangan ko ng tulong niyo, gagawin ko ito magisa pero sasabihin ko to sa inyo para lang malaman niyo."
"Kung anong klaseng tulong iyan insan, gagawin namin. Basta para kay Ailee."
Ngumiti na ako sa kanya.
"Nga pala, balita nga pala sa trabaho mo. Hanggang kailan kang nakaleave?"
"Ayus naman, pinagbackout muna ako sa mga susunod na dpat gagwin ko na operasyon sa ibang bansa. Pinag- indefinite leave ako ni Ninong."
"Sus, kailangan pang may mamamatay sa pamilya natin bago ka iuwi." Pumakla ang pagkakasabi niya.
"Wag ka naman ganyan, pre. Sundalo ako."
"Kahit na ba, di naman ikaw ang sundalo sa buong pilipinas. Lagi na lang ikaw sa pangmatagalan, di namin malaman kung buhay o patay ka na."
"Sorry, wala naman magagawa si Ninong. Kahit na ba general na siya ay parang empleyado pa rin iyon, kahit nga si Ninong hiyang hiya na nga sakin."
"Marunong palang mahiya iyang Ninong mo, o siya mabuti na ganyan ang nangyari. At least naandito ka na-" tumingin siya sa relos niya.
"Sasabay ka ba ng hapunan?"
"Aba'y Oo, baka sigawan ako ng Mama mo."
"Ay oo nga pala, naandito pala siya." Lumabas na si Alf ng kwarto habang patuloy na kong inaayos ang damit na gagamitin ko at kunin ang tuwalya para maligo.
"Alvin." Tumingin ako sa kanya habang siya tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"Oh?" pagtataka ko sa kanya sa ginawa niya.
"Wag na wag mo itong gawing huling bisita mo dito aah?" Para akong dinibdiban sa sinabi niya, huminga ako ng malalim at nilabas ko iyon ng malakas at mabagal.
"Oo, hindi ito ang huli. Di pwede ito ang huli." Kumpiyansa ko sa kanya, sa bawat salitang binitaw ni Alf ay pinapaalalahanan niya ako na magingat.
"Sige punta na ako sa kwarto ko." naglakad na siya palayo sa katabing pintuan kung saan ang kwarto niya.