Chapter 5: Alone(5)
Sa simpleng hapunan at salu-salo kagabi ay naging masaya ako kahit papaano dahil na rin matagal ko nang inaasam ng ganitong klase ng kainan kasama ng mga mahal ko sa buhay, napakakwela ni Banjo habang si Alfonso ay lagi akong kausap dahil na rin sa mga pangyayari na rin sa kanyang kolehiyo.
Mahirap talaga kapag lapitin ng kababaihan, nanghihingi ng payo sakin kung paano tabuyin. Anak ka ng- ako pa naman magbibigay ng payo sa mga ganyan na dapat ako nagtatanong sa kanya kung paano gumalaw sa babae dahil wala akong binatbat dyaan.
Nagtatawanan sina Tito at tita habang pati ang mga katulong sa bahay ay nagkwekwento mga kalokohan ng magkapatid, aba eh si Banjo ay may nililigawan na pala. Taga-UP diliman naman, nagkakilala sa gathering kung saan lahat ng estudyante ng UP ay dadalo sa diliman para sa selebrasyon ng pagtatapos ng semestre.
Ang maganda pa doon ay malapit lang dito galing, sa Carmona nakatira, ayun ginogoyo siya habang proud si Tito sa kanya pero binatukan naman siya ni Tita dahil kinokunsinte ang anak eh dapat daw magaral muna.
Maayos at payapa ang gabi nang ako'y nakatulog dahil na rin sa hindi ako magisa ngayon kaysa sa mga nakaraang araw na nasa bahay ako,nagiisa.
-----------------------
Alas-otso na akong magising, sari-saring amoy ng mga mababangong pagkain ang bumungad sakin. Kahit na nakasarado ang pinto ay kung nasa likod bahay naman ang mga niluluto at nakabukas ang bintana ay mapapagising ka sa sarap ng amoy.
Napaupo ako sa higaan habang nakatapat ang mahinang hangin nagmumula sa bentilador; nakakagutom kaya napainat na ako, aakmang tatayo na ako sa kama. Pagkatayo at tumingin ako sa bintana, sinag ng araw at hanging tumatama sa ibabaw ng katawan ko.
Napunta ang tingin ko sa baba sa labas, ang bangong naamoy ko ay nagmumula kung kina Tita at ang mga babaeng katulong niya kung saan niluluto nila ang lechon at iba pang putahe kakainin ngayong araw kasama si Alf at ang isang lalaking katulong.
Pasigaw ko sinabi ang "Magandanag umaga!" kasabay ng pagkaway ko ng dalawang kamay ko at wagayway ko ng braso ko, napatingin sila saakin at kumaway silang bilang sagot.
"Alvin! Paki gising naman si Banjo." Sabi ni Alf sakin.
"Sige, kakatokin ko ang kwarto niya."Pagsangayon ko sa kanya at naglakad na ako palabas ng silid upang pumunta sa pintuan saang natutulog si Banjo at kinuha ko ang papel naglalalman ng impormasyon tungkol sa gumawa ng neuralgear na dala ko para itanong kay Tita Leona. Pakatok na ako ng bumukas ang pintuan, kita ko siya na kakagising lang din niya.
"Kuya, Magandang umaga."
"Gigisingin sana kita, eh mukhang mas nauna ka pang nagising kaysa sakin. Happy birthday nga pala pre'." Basa sa itsura niya ay kanina pa ito gising, wala pang ganang tumayo pa sa kama.
"Salamat kuya." Ngumiti siya habang ang hawak niyang cellphone ay nanginginig kaya napatingin siya doon.
"Baba na ako, maghahanda na ako ng mga plato para sa almusal." Pababa niya pero ang tingin ay nasa hawak niya pero ang laki ng ngiti niya, napangiti na lang ako sa kanya. mabilis siyang bumaba sa hagdan habang sumusunod ako papunta sa hapagkainan.
Tanaw ko na sa Tito papasok na ng kusina dala na ang mga pagkaing pangalmusal.
"Alvin,Banjo. Maghilamos na kayo, malapit na kumain."
"Opo Tito." Kasabay ng "Opo, Papa." ni Banjo.
Ako na naunang naghilamos tutal nagaayos na ng mga plato at kurbyertos si Banjo. Naririnig ko mula sa labas ng banyo ang mga pagbati ng kaarawan kay Banjo.
Simple lang ang almusal sa hapag; itlog, hotdog at sinangag kasi na rin sa maraming niluluto para sa handaan. Tumawag na daw si tita Loren, dadating bago mag-alas dose siya doon habang ang asawa niya ay medyo matatagalan dahil susunduin ang mga anak nilang si Hannah at Hailey mula sa mga dorm nila.
Nagpaalam ako na lumabas habang nagaalmusal upang mageehersisyo, sumama sa akin ang magkapatid dahil titignan ni Alf ang palayan at si Banjo ay pupuntahan niya ang mga kaibigan niya upang iyaya makisalo sa bahay mamayang tanghalian.
Maaliwalas ang umaga at napakamahangin dahil sa kawalan ng usok kagaya ng siyudad, kung ikumpara mo sa tinitirhan ko; ay unti-unting nagkakaroon ng lungsod na umuusbong kaya di ko na rin siya masasabing probinsya na ang Dasmariñas.
Umabot ng 11:00 am ng nakabalik ako sa bahay nila nang nadatnan ko si Tita papasok ng pintuan. Lumapit ako sa kanya dahil na rin kakausapin ko siya ukol doon sa impromasyon ng neuralgear ni Ailee.
"Tita."
"Oh, 'iho bakit?" habang papaunta siya ng kusina upang kunin ang mga sangkap na gagamitin sa pagluluto.
"May itatanong na sana ako sa inyo pero medyo abala pa po kayo kaya mamaya na lang." isinantabi ko na lang muna ang gusto kong tanungin sa kanya mamaya.
"Ito nalang, tulungan mo na lang ako sa pagdala nito at sumama ka nang makihiwa doon. Tungkol ba iyan saan?"
"Gusto ko lang naman po tanungin tungkol sa neuralgear kung kilala niyo ang nagpatuloy maliban kay Ailee. May binigay na pangalan, kung kilala niya siya ay mas mainam na rin baka kasi lumang impormasyon na ito."
"Ano ba pangalan niya Alvin?"
"Nasa bulsa ko yung papel, pakita ko po sa inyo pagkababa ng mga dala dala natin." Tumango lang sa akin si Tita at sabay na kaming pumunta doon sa likod bahay.
Binaba ko na ang mga dala ko at binigay ko sa kanya ang papel sa bulsa ko, kumuha na ako ng kutsilyo at sangkalan. 3 lang sila nagluluto doon kaya tumulong na din ako kahit na paghihiwa para matapos na bago magtanghalian.
Nakatuon ang buo kong atensyon sa paghihiwa dahil na rin sa di ako sanay maghiwa kaya di ko nakikita ang mukha ni Tita habang tinitignan niya yung nakasulat sa papel.
"Alvin, saan mo ito nakuha?" Di ko maintindihan ang pagiiba niya ng boses pero di pa rin ako lumingon sa kanya
"Kasama yan sa mga nahalungkat ko sa kwarto ni Ailee, mukhang matagal na yan base sa itsura ng papel." Ayaw kong mahiwa kaya tinigil ko muna at tumingin sa kanya, nagtataka ako lalo sa itsura niya dahil sa pagkatuliro niya sa papel.
Naiayos niya ang sarili niya at sinabi "Di na siya dito nakatira, nasa San Pedro na siya."
"Oh, Kakilala niyo po ba siya Tita?"
"Oo, matagal na. Katrabaho ko siya sa project na to, kaso nung umalis ako ay isa siya sa mga nanatili doon para tapusin." Di ko na pinahaba ang usapan dahil base sa pagkakasabi niya ay mukhang sensitibo ito kaya pinagpatuloy ko na lang at binigay niya na lang sakin.
"Magpahinga ka muna Tita, parating na po sina Tita Loren mamaya. Para na rin makaligo ka na at makapagbihis."
"Kaya mo na ba yan 'iho?"
"Opo, sige na pasok na po kayo sa loob." Sabay rin ng pagsensyas ng 2 katulong nila na nagluluto doon
"Ah, eh sige. Sabihan niyo na lang po ako kapag may problema aah."
"Sige Ate." Sabi ni Aling Nora. Naglakad na siya papunta ng bahay, parating na kase si Tita Loren kaya siya na lang sumalubong sa kanila tutal mananatili muna ako sa loob ng kwarto ko muna upang iayos ang mga damit ko para mamaya para susuotin ko sa selebrasyon.
Umabot kami nina Aling Nora at Jackie ng alas dose nang matapos ang mga pagkain, ang gagaling nilang magluto aba. Silang dalawa ang katulong nila mula pa pinanganak pa si Alfonso, taga-bohol silang dalawa at magkabilang bayan lang layo nila sa isa't isa.
Sinabihan nila ako na umakyat na ako para makapagayos na dahil di pa ako naliligo mula nung umaga kaya tumayo na ako, naabutan na ako ng magkapatid papasok ng bahay.
"Oh, may darating pa bang ibang bisita?" tanong ko kay Banjo.
"Opo, pero mamaya pa daw sila pupunta; mga bandang meryenda daw sila darating para makisalo."
"Ayus yan, susunod rin yung sa palayan para rin makikain." Sabi ni Alfonso na tinganggal niya ang salakot sa ulo niya at pinapaypayan niya ang sarili niya gamit non.
"Mas marami, mas masaya. Kita ko pa naman yung 2 lechon kanina, nangangamoy pistahan na dito eh." Ngiti ko sa kanilang dalawa habang sila rin ay kuminang ang mga mata nang sinabi iyon.
"Tsk, SARAP NAMAN NIYAN!!" Sigaw ni Banjo na kinatuwa lalo namin ni Alf.
Sumabay na kaming pumasok ng madatnan namin si Tito Harnan na nakabihis na. Simple lang ang suot niya, komportableng berdeng T-shirt na pang-alis na may design ng unibersidad niya dati sa madrid.
"Kararating niyo lang? eh magsiligo na kayo, naku parating na silang lahat. Mukhang magsasabay sabay na sila ni Tita at Tito niyo ng dating , di gaanong kabigat ang trapik sa manila papunta dito." Pinagtutulak na kami papunta sa banyo para maligo pero di pa namian nakukuha yung mga twalya namin sa kanya kanya naming mga kwarto.
"Buti naman nakikisama ang panahon sa araw na to." Sabi ko habang paakyat kami sa hagdanan at tumango lang silang dalawa sa tabi ko.
"Oo nga eh, kaya magmadali na kayo aah."
"Opo, Tito." Kasabay ng "Opo, Pa." ng dalawa.
----------------------------------------------------------------------------------
Pinauna ko na maligo ang magkapatid habang ako ay naghihintay sa kanila. Binuksan ko ang aparador para kunin ang dala kong bagahe upang kunin ang cellphone ko at charger, pagtingin ko ay mataas pa ang baterya nito at may naisip akong gawin.
Nilapag ko papel na nasa bulsa ko sa kama at kinuha ko sa pitaka ko ang calling card ni Dracamonte, tska ko naisip na mali agad ang huling sinabi ko sa kanya kahapon; Mukhang magkikita ulit kami kaagad.
Kailangan malaman niya at kasama siya bukas dahil kailangan patagpiin ang mga bagay na alam niya kung ano ang mga alam niya sa huling sandali ng kapatid ko kasabay ng sasabihin ko kung anong gusto kong gawin ko para malaman ang sanhi ng lahat ng to at anong huling habilin sakin ni Ailee.
Pero tinawagan ko muna ang mga numero sa papel ng tumapos sa Neuralgear, may misteryo sa taong to na kahit si Tita ay napatuliro dito.
Hinihintay ko ang sagot niya, dumaan ang minutong puro tunog lang ng linya nang isagot niya ito.
"Hello?" isang malalim na boses ang naririnig ko mula sa cellphone.
"Magandang tanghali po, ito po bang tinatawagan ko ay si-" tinignan ko ang papel para makita ko ang buong pangalan nito , "Juanito San Vendra."
"Ako nga to,-" nahudlot ang sasabihin niya ng ilang segundo. "Sino ito? Paano mo nakuha itong numero na to?" buti na lang buhay pa tong numero na to.
"Pasensya na po di po ako agad nakapagpakilala sa inyo, ako po pala si Alvin Alcantara. Kapatid ko po si Ailee Alcantara." Natahimik kaming pareho nang matapos ko ito sabihin, huminga siya ng sandali.
"Di ko alam kung sino ka at kung paano mo nakuha ito pero wag mo ako tawagan ulit at magpakilala ng kung sino." Kalmado ang pagkasabi nito pero napupuno ito ng galit, puputulin na niya ang tawag nang-
"Sir, Sir! Wag nyo muna ako bababaan." Pagmamadali kong sabi sa kanya at pinagpatuloy ko ang pagsasalita ko sa cellphone.
"Ako po talaga si Alvin Alcantara, hindi po ito prank call."
"Alam mo pre', style mo bulok eh. Kung gusto mo ako huthutin, humanap ka ng iba."
"Sandali lang po, papatunayan ko po na kapatid ko po si Ailee." Kinuha ko ang kuwarderno, tinignan ang numerong huling ginamit ni Ailee. Pagkakita ko nito ay may nakasulat doon ang numerong ginagamit niya lang para tawagan lang siya.
"Sasabihin ko pa ang numero na ito, 09- - - - - - - - -."
"Eh ano naman meron diyaan sa sinasabi mo?"
"Ito po ang huling numerong ginamit ni Ailee para tawagan po kayo." Alam lahat ng mga tao sa paligid niya ang mga personal contacts niya maliban dito, nanahimik sa kabilang linya. Narinig ko ulit ang boses niya.
"Kailan ang huling tawag niya sakin?"
Tiningnan ko ulit dahil may petsa at oras sa tabi nito, "1 taon na po nakalipas, sasabihin ko po ang eksatong petsa at ora-"
"Wag na alam ko nang ikaw ang kapatid niya,bakit ka nga pala napatawag?" paderetsang tanong niya sakin
"Eh gusto ko po sana kausapin kayo tungkol sa Neuralgear."
"Oh, makikita mo na sa internet lahat kung paano gamitin at mga dapat mong bibilhin."
"Ano po kase may binigay sakin si Ailee na neuralgear na di ko po alam ang model, pangalan niyo po ang nakalagay sa mga tala sa papel kung sakaling may iba pa ako tanong ukol dito." Pagkasabi ko niyon ay bigla napatigil ang paghinga niya.
"Na sayo ngayon ang Prototype Model?" nagtanong siya na parang mananalo ako sa lotto kung tama ang pagkakasabi ko.
"Opo, wala naman po ganitong model sa merkado."
"Ah. Kung may itatanong ka ay wag dito, kausapin mo ako nang personal." Payak niyang sinabi sakin.
"Pupunta na po ako sa inyo sa lunes, sinasabihan ko lang po kayo para di po kayo mabigla."
"Umm, Bata. Di na ako sa Los Ba-"
"Alam ko po, pupunta na lang po ko sa inyo sa San Pedro."
"Paano mo nalaman ang bagong address ko?"
"Kay Leonora Salavacion, Tita ko po siya."
"Aaah." Patay na katahimikan ang bumalot kagaya ng kay Tita ng makita niya kung sino ang pangalan niya.
"Oh sige, Alvin noh?"
"Opo."
"Kita na lang tayo sa bahay ko sa lunes aah, sabihan mo na lang ako kung darating ka na. Di ka kase papapasukin ng guard kung di nila alam na darating ka."
"Sige po, paalam."
"Geh." Binaba niya agad ang tawag. Tinignan ko ang cellphone sa nangyari, ganun ba mamaalam? Ewan ko ba, sunod kong tinawagan si Atty. Dracamonte.
"Atty. Dracamonte, Who is this?"
"Hey, good afternoon Attourney?"
"Whoa, call me Edmond. Napatawag ka Alvin? Wait; first and foremost, is this your permanent number?"
"Well I don't know yet but probably not, napatawag lang ako dahil kung may libreng oras ka ba bukas?"
"Meron, pagtapos ng almusal sa magulang ko bukas ay libre na ako buong magdamag. Bakit?"
"Pumunta ka sa sana dito sa Tagaytay, bigay ko sayo yung address para makapunta ka pagkatapos mo diyaan. Kailangan nandito ka bukas sa usapan kasama ng pamilya."
"Oh, A-anong pagusapan ba iyan na dapat kasama ako?" biglang nanukat ang kanyang boses, bakit nanenerbyos to?
"Paguusapan sana bukas ay yung gagawin ko para kay Ailee at kung ano meron sayo kung bakit may pinasundan sayo." Napatanto niya ang sinabi ko, dapat lang kasama siya dahil sa may kung anong koneksyon siya sa kapatid ko sa puntong kailangan ni Dracamonte kumuha ng bodyguard
"Oo nga, mukhang tama ang gagawin nyo." Narinig ang buntong hininga niya sa cellphone ko.
"Pumunta ka na lang dito, sasabihan ko sila na parating ka rin. Hindi malabo mangyaring may planong mabubuo."
"Sige, pupunta ako." Paniniguro niya
"Dracamonte, itata-"
"Edmond, please."
"Edmond," pagtatama ko. "Itatanong ko kung bakit alam mong maglalaro ako ng Utopia?" Ngayon lang dumaan sa isip ko na alam niya darating ang panahong maglalaro ako doon, napakaswabe ng usapan namin na di ko man lang napagtantong di ko sinabi sa kanyang maglalaro ako sa larong kinahiligan at naging trabaho ng kapatid ko.
"Kinutuban din ako sayo. Alam mong di basta basta ang dahilan ng suicide niya, may di ka sinasabi sakin kaya mataas ang tiyansa na maglalaro ka doon para maghalungkay ng katotohanan. Ano ka ba, abogado ako." Mataas ang kummpyansa niya ng pagkakasabi niya sakin na para bang mangyayari talaga ito
"Sabagay, text ko na lang yung address ng bahay dito sa tagaytay."
"May itatanong ka pa?" kakaiba ang tono ng pagtatanong niya sa akin, na may dapat talaga ako itatanong sa kanya.
"Wala naman, basta pumunta ka na lang dito." Kumunot nag noo ko, isa lang naman at nasagot naman niya ng maayos, tumahimik ang kabilang linya.
"Okay, I'll go there. See you tomorrow then."
"See you, bye." Natapos ang tawag nang ako ang unang pumutol nito. Ano pa bang tanong gusto nyang itanong ko sa kanya?
Binalik ko sa pitaka ko ang papel at calling card tapos nilagay ko sa duffel bag ko. Nag-aayos ako ng susuotin ko pagkatapos ko maligo nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
Binuksan ko iyon nang makita ko ang Aling Jackie na ako na daw ang susunod na maliligo, di na siya nagsalita at tinuro niya ang banyo sa dulo ng palapag. Tinaas ko lang ang kaliwang palad ko para malaman niyang maliligo na ako.
---------------------------------------------
Nagkakasiyahan na sa baba nang ako'y nakapagbihis, mukhang kumpleto na ang pamilya. Naririnig ko na ang karaoke sa di kalayuan at kumakanta na si Banjo at Hailey doon.
Nadatnan ko si Tito Charlie kausap si Tito Harnan, lumapit ako sa kanya para salubungin siya.
"Tito Charlie!" sinalubong ko siya, matanda pero makisig dahil na rin sa trabaho niya bilang pulis na kagaya din ni tita Loren, sa kalbong ulo nito ay may itim na balbas at bigote ito na maganda ang pagkakamintina nito. Sa moreno nitong balat ay malalaman mo hindi ito ang dating kulay dahil sa namumula ito.
"Alvin." Masayang bati niya sakin at ginulo ang aking buhok, sa tangkad niya na anim at kalahating talampakan isama mo pa ang kanyang malaking katawan ay nakakatakot kung di mo siya kilala, kahit na ba naandito na siya sa Pilipinas ng lampas dalawang dekada ay di pa rin nagbabago and kanyang amerikanong tuldik kung saan siya dati pero may pagkakoboy dahil na rin sa kinalakihan niyang lugar sa Texas.
"Nasaan na si Tita Loren?"
"She's at the Karaoke together with the twins, you should go there since all of us are going there already. Harnan and I will catch-up." Pagsangayon ko na kanya kaya lumakad na ako palapit sa hapagkainan malapit sa harapan ng bahay kung saan nakahanda na ang kainan at ang boses ni Hailey naman sa karaoke.
"Kuya Vin!" Nakita ako ni Hannah habang nagaayos siya ng mga plato kasama si Tita Leona. Sumabay na ako tumulong kasi parating na yung hinandang pagkain na dadalhin nina Aling Nora At Aling Jackie habang kinukuha na yung isang lechon ni Manong Ronnie at Manong Sonny.
"Nakahanda na ang pagkain! Pumunta na dito para makapagdasal na!" Sigaw ni Tita upang pumunta na lahat na ay pumunta na sa hapag.
Itinigil muna nila Banjo ang karaoke habang sumunod na si Alf, Hannah, Hailey at si Tita Loren pati na rin ang dalawang matandang lalaki malapit sa gate na sina Tito Harnan at Charlie.
Nagtipon tipon na ang lahat ng tao nang sinumulan na ni Tita Leona ang pagdadasal.
"Panginoon, maraming salamat sa araw na ito. Pakibiyayaan ang hapag po namin sa masaganang pagkain at mabuting kalusugan ng buong pamilya, salamat po sa gabay na pinagkaloob niyo saamin na kahit na wala na po ang isa sa amin ngayon. Sana po ay ingatan niyo po sa kalangitan si Ailee at ilayo niyo po kami sa kapahamakan. Sa larangan ng Ama, Anak, at Espiritu santo amen."
**
-----------------
Masaya ang salo salo ng buong angkan, simpleng kainan tska kumpleto na kami dahil may karaoke at inuman. Magaalas-tres ng hapon nang dumating ang mga kaibigan at ang magsasaka kaya nilabas na rin ang pangalawang letchon, katabi ko si Alfonso habang pinapanood namin sila mag-agawan ng mikropono. Isipin mo nakikisali si Tita Loren doon, kaya piningot sa tenga ni Tita Leonora.
Makikilala mo ang pagkakaiba nilang dalawa kahit na sobrang magkamukha sila dahil sa kulay ng balat nila; Si Tita Leonora ay maputi at balinkinitan habang si Tita Loren ay may pagkayungmanggi at bruskong katawan na di karaniwan sa babae.
Tumatawa na lang kami ni Alfonso, mas lalo na nung kinikwento sakin ang mga nangyayari sa kolehiyo niya. Umabot ng dilim ng bagsak na sina Banjo sa lasing at pagod kakakanta na tanging boses ni Tita Loren ang naririnig namin, ayan na nga; Concert na niya. Mamaya na ito matutulog.
Nakita ko ang oras sa telepono ko, 11:13 pm. Binubuhat na namin ni Alfonso ang lahat ng lasing malapit sa karaoke, malinis na ang kapaligiran dahil ang tagal nang umalis ang mga tao nang matapos ang hapunan kaya sina kasambahay ay naguumpisa nang uminom kasama ng lechong kawali para sa pulutan.
Binuhat ko si Banjo habang si Alf at si Tito Charlie dala dala ang kambal sa guest house katabi ng bahay nina Tita Leonora. Binagsak ko si banjo sa kama niya pero siya ay kumakanta pa rin kahit na wala na siyang mikropono dahil naririnig niya tunog ng karaoke, bilib naman din ako dito eh no?
Pagbaba ko ay napasin kong nakapatay na ang karaoke at nakita ko si Tita Leonora nagpapahinga sa upuan sa labas malapit sa bintana, binuksan ko ang pinto ng madatnan ko siyang may dalang gitara.
Magisa na lang si Alf pumunta sa bahay nang madatnan ko siya, dumerecho na rin pala ng tulog si Tito Charlie pero si Tita Loren ay umupo sa tabi ni Tita Leonora. Mukhang magkakantahan na lang sila gamit yung gitara.
"Labas muna kami ni Kuya Alvin , magpapahangin lang muna kami."
"O sige, ingat lang aah. Masyadong malalim na ang gabi."
"Opo, punta lang po kami convienient store sa malapit para maliwanag sa daan"
"Dala ka ng pera oh, baka may gusto kayong bilhin doon." Inabutan ni Tita ng pera si Alf, kinuha niya at sumabay na kaming lumabas na kahit di ko alam kung bakit. Sinenyasan na lang ako ni Alf palabas.
--------------
Nasa tabi na kami ng ihawan malapit doon sa convienient store nang magsalita na siya.
"Naabisuhan pala ako ni Papa bago siya matulog na maguusap daw tayo bukas, mukhang seryoso yon aah."
"Oo, kailangan niyo marinig din kase. Di pwedeng hindi kundi maapektuhan din kayo sa balang araw nang di niyo alam." Paupo na kaming dalawa sa kainan nang sinabi namin ang mga biniling pagkain.
Nagiba ang itsura niya kasi kapag may ganitong ganap ay laking peligro nito sa mga kinasangkot na kaso ni Tita Loren na kung saan nadadamay ang pamilya.
Narinig namin ang salita sa telebisyon kung saan may litrato ng kapatid ko sa balita.
-"Ipinahayag ng buong Utopia E-sport Player Association ang pakikiramay nila sa pagpanaw ni Ailee Alcantara, 8th time world champion ng Utopia World Championship Series nakaraang linggo sa huling araw ng lamay nito. Sa biglaan pagpanaw niya lalo na't habang nasa kalagitnaan ng taon kung saan nagaganap pa ang Utopia League Series, masasabing malaking kawalan ito sa industria dahil siya lamang ang may ganoong karaming tropeo sa buong kasaysayan ng Utopia E-sport. "
"Ang buong Assosasyon at ang mga dating organasyong sinalihan ni Ailee Alcantara ay gusto nila bigyan ng pagkilala sa lahat ng kontribusyon niya sa taong lumpias bilang isang E-sport Athlete, Magsasagawa sila ng Mermorial Ceremony dito sa pilipinas. Pagkatapos ng UWCS ay gagawin na ang mga hakbang upang mangyari ito, base sa artikulong binigay ng player association ay maaring magaganap ito sa huling linggo ng agosto.
Kinalulugod ng publiko lalo na sa social me-"-
Nagkatinginan kaming dalawa, di makapaniwala sa narinig. Kinuha ko ang iba't ibang klase ng diyaryo habang si Alf ay binuksan ang cellphone para tignan ang internet ukol sa balita may kaugnayan sa kapatid ko.
Tinignan ko ang Sports section ng bawat diyaryo, mukhang ngayong araw lang ito nabalita. Di ko lang maintindihan kung bakit di man lang ako sinabihan tungkol dito.
"Alvin, bakit ganito? Sapilitan?" tinignan niya kahit sa social media, mukhang pinaghandaan ito.
"At least di sinabi na inaprubahan na nito ng pamilya natin, pero nakuha na nila ang loob ng masa dahil dito kaya mapipilitan tayo dumalo dito."
"Kung pipigilan natin ito ay kaya nito ng media na baluktutin sa kung anuman gusto nilang storya." Napahilot siya sa noo.
Pinagisipan ko kung bakit ganun ang pinalabas nila sa publiko, di naman pwedeng nakalimutan lang nila abisuhan kami.
Pero napatingin sakin si Alf, namimilog ang mata na may napantanto niya kung bakit.
"May gustong makakita ang mukha natin sa publiko." Sa pagkakasabi ni Alf, yun lang ang makatwiran na rason.
"Pwede naman na di na lang tayo dumalo doon." Papikit kong sabi sa kanya at sumandalo ako sa kinauupuan ko, dagdag sa problema pa itong media.
"Ang mahirap dito ay susugpuin natin ang reporter sa mga susunod na mga araw, mukhang doon pa lang ay panalo na sila. Sa Lunes ito tayo bibiglain." Dumating ang mga inorder naming inihaw, kinuha ang tagisang pork BBQ.
"Gusto ko pa naman matapos itong gabi na ito ng payapa, ang panget tuloy ng tulog ko nito." patay kong wika sa kanya kaya tahimik na lang kaming kumakain sa kokonting tao nandoon sa ihawan.
Sa darating na dalawang buwan ay dapat magiging perwisyo ito dahil na rin sa ganitong ganap, maganda naman kase ang intensyon nila kaso sakin lahat ng bagay ay may pakay lalo na't medyo kontrobersyal ang nangyari sa kapatid ko.
Peste!