-------------------------------
Kahit na maraming sinasabi ang mga pinsan ko buong tanghali hanggang gabi tungkol sa laro pero di ko masabi sa kanila na sobrang kakaonti lang ang naintindihan ko dahil di ko pa nararanasan ang ganitong klaseng laro. Ayun ang malaking pagkakaiba ko sa kapatid ko, kaya gumagaling si Ailee ng sobrang bilis dahil sa pagiging preparado at pananaliksik di katulad ko na walang papasok sa utak ko hangga't di ko pa ito nalalaro. Tikom lang ang bibig ko pero alangnin ang ngiti ko sa kanila.
Kahit na magulo sa puntong sinasakal na ni Hailey sa Alfonso dahil kalat na kalat talaga, isa rin tong si Banjo na walang pake basta salita lang ng salita.
Napansin ni Hannah ito kaya patago binigyan niya ako ng nakasulat na guidelines nang pagkatapos iyon habang pinupukol sakin ng tatlo kong pinsan sa utak ko lahat ng impormasyon na alam nila kahit na ba di ko pa magagamit pa iyon sa kasalukuyang sitwasyon, nakalimutan ata nila na matagal na akong di nakapaglaro mula pa nang pumasok ako sa academy at militar.
Nakapaghapunan na kami pagkaalis naming lahat sa kwarto ko pati na rin sina Tito at Tita kasama si Edmond, ngayon nang sasabay na ako kay Tita Loren Pauwi sa bahay nila sa Carmona para bukas ako makapunta kay Dr. San Vedra habang ihahatid ni Tito Charlie ang kambal sa mga dorm nila. Naandito na kaming lahat sa labas upang mamaalam, nakalabas ng bahay si Edmond galing sa banyo para tuloy-tuloy ang byahe niya papunta sa condo niya sa Makati.
Dala dala ko ang mga backpack at Training bag ko naglalaman ng pinaglumang damit n ni Banjo galing pa kay Tita Leona, medyo maluwag nga lang dahil malaki masyado ang pangangatawan niya dahil sa hugis ng pangangatawan niya kahit na mas matangkad ako sa kanya.
"Kuya Alvin ahh, binigay na namin sa lahat ng alam namin sa iyo aaah."
"Kuya Vin! Wag kang magaalala, kung may tanong ka pa itanong mo lang sakin, wag dito sa dalawang punggok na to." Binatukan niya si Banjo kaya nagkahabulan tuloy
"Alvin, kapag kailangan mo nang tulong. Sabihan mo agad kami, nagiisa ka lang sa cavite. Wag kang mahihiyang dumalaw dito." Pabilin ni Alfonso.
"Banjo! Hailey! Magsitigil nga kayo! Gabi na oh!" nakapamaywang si Tita Leona sa kanila at pinahihinto na ang dalawang naghahabulan
"Alvin, Lorena, ingat kayo." Pamamaalam na ni Tita Harnan pero kausap pa niya si Tito Charlie sa tabi ng kotsa niya.
"Paalam po Tito Harnan, Kita na lang po sa bahay Tito Charlie." Sabi ko sa kanilang dalawa at kumaway ako sa kanila
Naandito na si Edmond sa tabi namin. "Paalam Alvin, salamat na pinapunta mo ako dito. Ngayon lang ulit ako nakadama ng ginhawa kagaya ng unang punta ko sa probinsya mula pa nang bata ako kahit na ba sandaling oras naandito ako."
May mga bagay di naibibgay ng siyudad na kaya lang ibigay ng probinsya. Kaya napangiti ako sa kanya, "Maki-dalaw ka na lang rin dito paminsan-minsan. Kung nahihiya kang pumunta dito magisa, sabihan mo ako o kung pupunta ako ay yayain kita."
Nagtaka siya base sa itsura niya sa pagkakasabi ko. "Sige, sa sususnod." At tumingin na siya sa iba pang tao doon para mamaalam sa kanila
Natapos din magpaalaman kaya nauna na akong pumasok sa kotse ni Tita Loren tapos nilagay ko ang mga dala ko sa likod bahagi kung saan pwede magpasakay pa ng pasahero, nasa harap ako sa kanang tabi ng Driver's seat at naghintay kay Tita doon sa labas.
Simpleng pulang sedan ang sinasakyan ni Tita, halata nang dekada na ang tanda nito dahil nahuhuli na sa mga bagong modelo na nakikita ko sa daan. May nilagay lang siya sa trunk at binuksan na niya ang kaliwang pintuan para makaupo na siya sa loob ng kotse
"Mag seatbelt ka ha?" sinarado na niya pintuan ng kotse tska siya nag-seatbelt.
"Opo."
Naririnig na ang mga makina na ang mga kotseng lalabas at hinihintay kaming lumabas kaya patuloy pa rin ang kaway ni Tita Leona habang ang tatlo ay nakatayo lang doon. Umandar na kami palabas kung saan nakabukas ang maluwag na gate, naghihintay doon si Manong Sonny para isarado ito pagkatapos naming lumabas.
-----------------------------------------
Tahimik lang sa loob nang lumipas na bente minuto, malapit lang ang tagaytay sa laguna kung magaan ang trapik sa daan kaso madaming kotse dito at unsad pagong lang kami.
"Kamusta naman ang bahay?" biglaang tanong ni Tita, naktuon lang ang mata niya sa daan.
"Bagong Linis ang bahay, di ko nga lang alam kung saan ko ilalagay ang mga gamit ni Ailee." Nakatingin lang ako sa nakasaradong bintana at tinignan ko ang mga sasakyan sa labas at unti-unting pumapatak ang ulan.
Nanahimik kami ng saglit, pinapakinggan ang ulan at mga busina ng mga sasakyan. Gusto ko sana buksan ang radyo dahil ang tahimik pero pinigilan niya ako, tumingin ako sa kanya at nakita kong gusto niya pa ako kausapin. Seryoso ang mukha niya kaya hinihintay ko kung anong nais niyang sabihin.
"Sigurado ka na ba dito? Kase parang biglaan mo lang napagdesisyunan to."
"Tita, halos kalahati ng buhay ni Ailee wala ako. Gusto ko man lang sa huling hiling niya ay magawa ko kahit man lang di ko malalaman kung bakit siya nagpakamatay, yun lang sapat na yun."
"Alam nating dalawa na di tayo makukuntento pagkatapos mong pinakita sa amin iyon kaninang hapon."
" I don't know where to find leads because the way she said it is vague but I'm sure that we get something along the way. We all know that something or someone will have to uncover the truth right?"
" it's just what we feel when we find the truth. Maliban sayo dahil kapatid mo siya ay si Banjo ang pinakamaapektuhan sa malalaman mo o natin kung sasabihin mo samin." Pinagisipan ko sinabi niya, nang wala ako ay si Banjo ang naging pangalawang kapatid niya. Nagpatuloy si Tita.
"Banjo is the only one who supported her all the way from the start and became the best thing to her, we were happy about it but right now? Maybe he is contemplating now since the one thing she makes her soar, is also the one thing she falls." Pagmamalasakit niyang tono na nagpatanto kong di lang para sarili ko itong ginagawa kundi para rin sa buong kamag-anakan ko lalo na kay Banjo.
Sa lahat ng taong dapat niyang bigyan ng kagaya sa video maliban sa akin ay si Banjo at di ako. Napakamakasarili ko naman, di pa kami nakakapagusap ng masinsinan pero sa palagay ko ay yan rin ang iniisip nito.
"Buti na lang pinakita ko sa inyo at napagusapan natin, at least napanatag si Banjo di lang ganun ganun lang ang pagkamatay ni Ailee."
"Alam mo, nabigla rin ako. Base sa pagkakakilala ko sayo, di mo to papakita sa amin at gagawin mo ito na walang pakundangan."
"Yun ang unang naisip ko pero nang sinabi ni Edmond na may sumusunod sa kanya pati sa buong angkan natin mula pa nung lamay at yung video na dapat ako lang nakakakita, mukhang di kakayanin magisa lalo na ngayon lang ako nakabalik sa normal na lipunan."
Kababalik ko lang dito sa pilipinas ngayon sa pagkalipas ng samoung taon ko sa serbisyo, syempre wala akong alam sa estado at di ko na mabatid ang kalakaran ngayon. Hindi naman kase ako kagaya nang normal na sundalo.
"Ayun pa ang pinasasalamat ko na naisip mo iyon. Naandito lang naman kami tska di ka naman magisa ngayon, susuportahan ka namin sa kung ano man gagawin mo." Natigil ang pakikinig ko sa kanya ng marinig ko ang katagang 'di ka naman magisa'
"hmm.. mmm.." yun na lang ang nasabi ko sa kanya at tumango na lang ako sa kanya pero pumalayo na ang tingin ko sa kanya. kahit alam sa utak ko na may tutulong sakin pero sa tagal ng panahon ko sa trabaho ay nakatanim sa buong pagkatao ko na walang taong maasahan lalo na lagi nakasalalay ang buhay ko sa bawat araw sa nakalipas na dekada.
Narinig ko lang ang pagbuga ng hininga ni Tita sa tabi ko habang hindi ako nakatingin sa kanya, tuloy tuloy lang ang katahimikan sa loob ng sasakyan hanggang sa antukin na ako sa tunog ng buhos nang ulan.
----------------------
Nagising ako sa tapik ni Tita sa tabi ko nang nasa loob na kami ng garahe ng bahay nila, namulat ang diwa ko sa paligid kung saan nakikita ko na ang mga kagamitan sa pagaayos ng kotse sa kanan kung saan nakasabit sa pader.
Hilig ni Hannah ang mga Motorsiklo at kotse, siya mismo nag-aayos pati na rin kay tita at kay tito. Tumutulong din si Tito Charlie sa mga simpleng bagay pero si Hailey ang gumagawa sa mga complikadong bagay kaya sumusunod lang si Tito sa mga utos ni Hailey sa tuwing kapag may gagawin sa kotse.
Nasa gitna kami ng garahe kung saan nakapwesto lang kotse ni Tita, sa kanan may malaking espasyo na kung saan nakaparke si Tito.
"Alvin, gising na. Nandito na tayo, kunin mo na gamit mo."
Naalipungatan pa ako pero sinumalan ko nang iaalis sakin ang seatbelt at binuksan ko ang pintuan ng kotse para makatayo na, kinuha ko ang mga gamit ko habang binuksan na ni Tita ang ilaw ng bahay. Naglalakad na ako papasok nang napansin ko wala pala ang motor ni Hailey doon, baka nandoon sa dorm nila para di na sila maglakad papunta sa unibersidad.
Nakita ko nang nakasarado na ang mahabang gate, baka naka-remote ito kaya di ko na binigyang pansin. Pagkapasok ko sa bahay nila nang makita ko ang mala-kahel na kulay mapa-loob at labas nito pero ang mga gamit ay hindi tumeterno dahil sa sa mga kahoy maliban lang sa kusina kung saan lahat ito ay gawa sa marmol kagaya sa bahay. Pababa na si Tita at tinawag na niya ako.
"Akyat ka na lang sa bakanteng kwarto, nilagay ko na ang mga takip ng unan at kama. Ikaw na ang bahala ah."
"Sige po salamat, magpahinga na po kayo."
"Pwede mo ba mahintay si Tito mo?"
"Wala naman pong problema doon Tita."
"Salamat, Mauna na ako umakyat." Tumalikod na siya at umakyat papunta sa kwarto nilang mag-asawa.
Umakyat ako sa kwarto para ayusin ito at para na rin makapagbihis pangtulog, sa baba na lang ako maghintay tutal di pa naman ako inaantok. Dala-dala ako burner phone at tinext si Dr. San Vedra kung may iba pa siyang kailangan pagdating ko sa bahay niya bukas, nag-reply siya sa pinadala kong mensahe.
'Magdala ka ng makakain, di ako makalabas ng bahay dahil busying-busy ako sa lab ko. Abono mo muna, bayaran na lang kita bukas.'
Yun ang reply niya , sinagot ko ng 'Sige, ako bahala.' . Tumingin ako sa kusina kung meron maiinom na tsaa habang hinihintay si Tito pero nakarinig na ako ng sasakyang palapit sa bahay at awtomatikong bumukas ang gate. Kinawayan ako ni Tito kaya hinintay ko siya makapasok sa garahe at isarado ang harap nito dahil siya na lang naman ang hinihintay.
"Salamat Alvin, nasaan si Tita mo?"
"Nandoon na po sa kwarto niyo po."
Sabay na kaming nakapasok sa loob ng bahay, nakalimutan ko palang sabihin kay Tita na anong oras kami aalis bukas
"Tito, nakalimutan kong sabihin kay Tito na kung anong oras kami aalis bukas ng umaga."
"I'll take care of that, what time do you leave tomorrow ba?"
"I'll leave in nine in the morning, if she can't accompany me I'll just commute going there."
"Okay, noted on that. Let's go uptairs to sleep na." Humihikab na siya, nauna na siyang umakyat habang ako ay susunod sa kanya na may dalang mainit na tsaa. Sa kwarto ko na lang iinumin habang binabasa ko ang mga nakatagong files ni Ailee sa Laptop.
Nakaakyat na kami sa pangalawang palapag at papasok na ako ng kwarto nang nakita ko siyang nakatingin sakin, di ko alam kung anong meron pero may gusto siyang sabihin sakin pero wala maintindihan base sa itsura niya.
"Good night, Tito Charlie?" Nanunukat kong tono sa kanya.
Umipon ng hangin galing sa bibig niya kaso napabuga na lang ito, bumagsak ang mga balikat niya. "Good night din." Tumalikod na lang siya papunta sa kwarto at kumaway.
Napataas ako ng kilay sa kanya, di yun ang gusto niya sabihin. Nagtataka tuloy ako sa kanya pero binalewala ko na lang kasi baka di niya pa kaya pag-usapan, di magaling si Tito sa mga seryosong usapan. Ang hirap din sakin ay di rin ako makipag-usap ng masinsinan dahil iniiwas ko o di ko pinatatagal pa kaya nag-aalangan din ang mga tao sa paligid ko kahit sa mga kamag-anak ko.
-/-/-/-/-
Nakapasok na si Charlie loob ng kwarto nilang mag-asawa, namimikit-pikit ang mata na ni Lorena habang ito ay nagbabasa sa kanyang librong binabasa ng madatnan na niya ang asawa na nakaupo pa sa kama pero naka nakakumot na ito.
"Hello, bhe. Gising ka pa, Alvin though you were asleep already." Binuksan niya ang pintuan ng banyo para makaligo nang mabilis para makapagpahinga sa kama ng presko ang pakiramdam.
" I was dozing off to sleep reading." Humihikab na siya at ito'y umiinat tska ito humiga ng maayos ng kama.
" I was expecting for the story you said to me earlier." Sumigaw siya sa palikuran habang ito ay naliligo, rinig ni Lorena dahil nakausli ang pinto dahil may gusto pa siyang sabihin sa kanya.
"Oo nga pala no, tungkol sa gaanong kagaling ni Alvin maglaro?"
"Talaga? Ng video games?" Mataas na tono niya at nagpatuloy siya sa pagsasalita.
"uhm.. hm.."
" Aba, di ko nakitaan kay Alvin iyon kahit pa bata pa sila." Sa tagal ng pagkakakilala niya kay Alvin ay ni walang man lang pahiwatig o pagkakataon na masasabing magaling siya maglaro dahil nakita na niya ito dati nang mga bata pa sila
"Mukha lang, kahit nga ako ay nagulatang sa sinabi ni Ailee noon. Nung isang taon lang din nalaman, di ko lang nasabi dahil wala naman saysay ikwento sayo. Lahat ng tao may mga sariling kinahihiligan noong kabataan nila."
"Sabagay, isa lang naman sa mga kinahihiligan ni Alvin maliban sa traditional sports na nilalaro niya noong elementary pa siya."
-/-/-/-/-/-
----------------------------------
Nagising ako ng alas singko ng umaga, may banyo naman na sa kwarto kaya derecho ligo ako para bihis na ako pagbaba.
Pagkababa ko ay kita ko na si Tita na naka-sleeveless v-neck shirt pero halos suot na niya ang unipormeng pampulis; umiinom na ito ng kape habang nakaupo sa hapag at nakita ko si Aling Mara, ang matagal na nilang katulong. Di ko na siya nakita nang ako'y nagtratrabaho na, bago pa lang siyang katulong noong pumasok sa army.
"Magandang umaga po Aling Mara, Tita." Bati ko sa kanilang dalawa
"Magandang umaga, halika na sabay na tayo kumain para makaalis na tayo." Bati niya at tumabi ako sa kanya sa bilugang hapag tutal kami lang naman kakain, Di na sumabay si Aling dahil magdidilig pa daw siya ng halaman.
"Nga pala, Ihatid na kita hanggang sa pupuntahan mo."
"Po? Eh sa San Pedro pa po ako."
"ok lang tutal mamaya pa ang pasok ko, malapit lang iyon. Dederecho ka ba nang uwi?"
"Opo. Pagkatapos natin kumain ay kukunin ko na ang gamit ko pauwi."
"iwan mo na lang iyang maruming damit mo dito tutal may lalagyan ka naman ng pinagiwanang damit dito sa bahay."
Nagdadalawang isip ako sa alok niya pero pumayag nalang ako. "Sige po. Iwan ko na lang ang damit ko." pero dadalhin ko parin ang gym bag ko dahil dadalawa lang ang bagahe ko maliban sa army bag ko.
Niligpit ko na ang pinagkainan habang si Tita ay pumunta na sa kotse para painitan na ito, tinupi ko ang gym bag para magkasya sa bagpack bumaba na ako derecho sa garahe.
Mataas ang sikat ng araw sa daan at tuloy tuloy ang daloy ng trapiko, tumitingin lang ako sa daan sa gilid ko nang mahagip ang tingin ko sa side mirror, isang motorista. Helmet at leather jacket ito at protective gear, sa nakalipas na ang sampung minuto ay nasa likod pa rin namin ito. Nababahala na ako sa inaasta nito.
"Tita."
"Pansin mo rin?" Tumingin si Tita sa top mirror niya para makita ang motorista.
"Eh paano pa naman tutok ang ulo niya sa kotseng sinasakyan natin, napaka-apisyunado naman nitong taong to." Napatawa naman si Tita sa sinabi ko, ang amateur kahit ako eh nahihiya para sa kanya.
"Tita, ganito na ba dito sa pilipinas."
"Ay, sorry naman aah. Di ko kasalanang bobo siya." Umiba ng daan si Tita, di ko alam kung saan siya pupunta pero tama ang ginawa niya dahil di namin alam kung anong kayang gawin ng kumag na 'to .
"Sa palagay mo, may kasama kaya iyan?" kinukuha na ni Tita ang radio communcation device para sabihan ang mga kapwa niyang pulis sa nangyayari ngayon.
"Sa ginagawa niya, sigurado akong merong kasama iyan. Ang hinahanap ko ngayon kung saan sa paligid natin ang mga kasabwat niyan." Wala pa naman akong baril.
Tumawag na sa radyo si Tita para ilarawan ang lalaking motoristang sumunod samin.
Mukhang sibilyan ang pananamit niya kaso sinusundan pa rin kami kahit na umiba na kami nang daan, manhid ba to?
"Tita, mukhang paparating na ang mga kasama nito." kahit di namin nakikita kung may tinatawagan ito dahil nakahelmet ito, panigurado sa gannong kalapit samin ay mukhang kukursunadahan na kami.
"Bring immediate backup, possible shooting over."
"Affirmative, over." Dinig ko sa radyo habang kumakasa na ng pistol si Tita
"Meron akong baril sa ilalim ng upuan mo." Tiningnan ko ang ilalim ng upuan ko, naglalaman ito ng glock-34. Semi-automatic pistol with a 9x19mm caliber, naglalalaman ng 33 bala kaya mahaba ang magazine clip nito bago ko ilapag ang bagahe ko sa paanan ko.
maliban sa baril ay may dalawa pang magazine ang nandoon kaya kinuha ko rin ito at sinumalang I-double check, mahirap na baka magloko ito sa kalagitnaan ng gulo.
"Tita,Ilang minuto pa darating ang tulong?"
"Sampung minuto, malapit lang naman tayo sa presinto pero mas mauuna ang mga nakamotor darating dito." Paninigurado niya pagkatapos niyang itanong kung anong oras darating ang backup.
"TITA!" Biglaan na lang ang pangyayari nang may bumangga sa aming kotse sa malapit kay Tita Loren.
----------------