Chapter 6: Plan
Kagaya ng inaasahan, ang panget ng gising hindi dahil sa balitang nalaman namin kagabi kundi dinaan na lang namin sa inom ni Alf para lang makatulog derecho na walang inaandang problema sa susunod na araw. Kaso itong si Alfonso nagpakalasing! Anak ka ng depotsa, ayun bagsak pa rin sa kama eh alas dose na.
Tres im'punto ng madaling araw kaming natulog kasama na doon ang pagduwal niya sa banyo, inakyat ko siya kaso naibagsak ko siya sa sahig kaya ako nagtataka kung paaano nakapunta sa kama iyon. Di bale na di ko na problema niya na iyon, malaki na siya.
11:13 ng umaga ako nagising at uhaw na uhaw ako sa tubig, bumaba ako sa sala at gising lang ay sina Aling Nora at Mang Ronnie doon. May lutong Lechong Paksiw dahil sa mga tirang lechon kagabi at ginisang gulay, nagpaluto lang ako ng dalawang itlog kay Aling Nora pero naamoy ko ang mabangong nilulutong kanin sa labas gamit ang pressure cooker at iniinit ito sa paso na lutuang de uling.
Mukhang kaming 3 pa lang ang gising dahil wala pa akong nakikitang lumalabas na tao sa kabilang bahay, tahimik ang tanghalian ko ng sandaling iyon. Pagkatapos ko iligpit at hugasan ang pinagkainan ko ay pumunta ako sa labas na may dalang kape at umupo ako sa labas ng bahay malapit sa puno sa tabi para magpalipas ng oras.
Mukhang mamaya pa ang masinsinang usapan namin ng buong angkan tutal tulog pa ang mga taong dapat kakausapin ko at mapapaaga ang dating ni Atty. Dracamonte dahil sinabi ko sa kanyang pumunta siya rito dahil sinabi ko sa kanya ay after lunch siya pumunta dito. Bahala na, enjoyin na lang muna naming dalawa ang hangin dito.
Umabot ng halos dalawang oras akong nakaupo sa lilim ng puno nang magising silang lahat at kumakain na sa loob ng bahay nang dumating si Edmond na may dalang kotse. Paano kong nalaman iyon? May dumating na isa sa mga taong kapitbahay nina Tita Leona na may naghahanap dito sa bahay niya kaya sinabihan ko na kilala ko siya at pinapunta ko siya dito, nagtataka si Tita kung bakit kaya sinabi ko na lang sa kanya na "Mamaya."
Pinark niya ang kotse niya sa loob ng bakuran katabi ang kotse nina Tita Loren at Tito Charlie. Bumaba siya ng kotse, nakasuot ng grey stripes polo shirt at navy blue maong shorts umaakma sa grey sneakers. Tumitingin sya sa itim niyang relo baka huli na siya sa oras.
"Hey, you came early!" pagkabati ko sa kanya, tama lang ang oras ng pagdating pero wala pa sa ulirat ang lahat dahil kagigising lang at ngayon pa lang kakain itong kakausapin namin.
"Really? That's a relief. Akala ko ako na lang hinihintay dumating." Kaya pala mukhang di pa maayos ang itsura niya kaysa sa huli namin pagkikita nang nakaraang araw.
"Well, I didn't tell them you were coming so nagulat din sila na pagdating mo." I give him a briefing on what's the situation right now.
I continued. "Papakilala na lang kita sa buong pamilya tutal makakausap mo naman silang lahat at baka kailangan namin ang tulong sa mga darating na panahon."
"Yeah, thanks. Nabalitaan mo ba iyong tungkol sa ceremony ni Ailee?"
"Oo. Di ko rin inaasahan iyon sa balita, ni isa sa pamilya namin nakaalam doon sa anunsyo kahit man lang e-mail."
"Hindi niyo alam? Di nila sinabi sa inyo may ganoon silang announcement? That sounds shady."
Lumukot ang mukha ko sa opinyon na kinasasangayonko rim. "Isa rin yansa pag-uusapan natin ngayon, may masamang kutob ako sa mga nangyayari." Pumasok na kaming dalawa sa bahay at pinakilala siya sa buong pamilya.
Ang pamilya ay nagpapakilala sa kanya ng isa-isa, pero narinig ko ang kambal sa paguusap nila ni Edmond.
"Sa wakas nakita ka na namin kuya Edmond, maraming naikwento sa amin si Ailee tungkol sayo." mahinang tinig ni Hailey kaya't nakurot siya ni Hannah sa bewang.
Nagulat siya sa sinabi ni Hai pero naibalik niya sa ayos ang mukha niya na di siya na apektuhan. "Marami rin naikwento rin siya sakin din tungkol sa inyong dalawa." Kahit na mas matanda siya ay may panggalang ang tono niya rito.
"Pagpasensyahan mo na tong kambal ko, medyo chismosa." Pangtataboy niya sa kakambal niya palayo kay Edmond at nagpatuloy siya. "Naparito ka nga pala?"
"Pinapunta ako ni Alvin dito, may mga bagay din akong sabihin sa inyo lahat maliban sa kanya." Nung sinabi niya iyon ay tuminigin saakin si Tito Harnan saakin at bingyan ko siya ng thumbs up gamit ang kaliwang kamay ko at binulungan niya si Tito Charliie para maintindihan kasi nagtataka pa rin siya kung bakit siya naandito maliban sa abogado ni Ailee.
"Maiwan muna kita Edmond, aakyat lang ako." Sabi ko sa kanya at um-oo na lang siya sa harap ko.
Paakyat na ako sa taas para maligo nang inaalok na siya ni Tita Leona para kumain na kahit na busog pa siya ay pinilit pa rin siya kaya wala rin siya magawa kaya napangisi ako dahil mapapamangha siya sa sarap ng lutuin dito kahit na ba tira-tira na lang iyon kahapon.
--------------------
Napapatuyo lang ako ng buhok sa kwarto at tumatambay lang nang may kumatok sa pinto, tumayo ako at buksan ay nakita ko si Alf na bagong ligo at bihis sa kanyang jersey shirt at shorts.
"Ikaw na lang hinihintay, naandoon na silang lahat sa salas sa baba. Gising na diwa nila."
Tinignan ko ang oras sa loob ng kwarto, 2:49.
"Sige pababa na ako, may dadalhin lang akong gamit pababa." Iniwan kong bukas ang pinto at kinuha ang bag na may laman ng Neuralgear.
kinuha ko mula sa aparador at sumabay na ako pababa kasama siya.
Pasara na ako ng pinto nang may sinabi siya. "Susunod lang ako, may aayusin lang ako sa kwarto bago bumaba."
"Hintayin na kita tutal mukhang sandali lang naman gagawin mo." Sabi ko sa kanya
"Sige, sandali lang aah." Pumunta ako sa harap ng pinto ng kwarto niya habang siya ay pumasok at may hinahalungkat na kung anong bagay.
Nakalabas din siya ng kwarto nang may hawak siyang maliit na libro na takip nito ay gawa sa katad, mamaya ko na lang siya tanungin tutal baka yan din ipapakita niya mamaya doon kaya di ko na lang pinairal ang pagkausisa ko.
Bumaba na kaming dalawa at tanaw na namin ang Salas na nakatipon silang lahat pabilog sa maliit na mesa.
Bagong ligo at bihis din silang lahat maliban kay Edmond. Nakikita naming dalawa habang pababa si Edmond na naghihintay sakin sa pintuan, nagaalangan pang pumasok sa sala. Palakad na si Hai at Han na magkaternong pink tribal shirts doon at naghihintay sa amin habang ang apat na matatanda na ay naguusap sa sala.
As usual si Tita Leonora na nakaduster pero ngayon ay pink baby blossoms naman ang istura at kulay, Tito Harnan na nakaitim na sando at branded shorts habang putting sando naman kay Tito Charlie at Hawaiian shirt, Si tita loren na loose brown t-shirt na ang haba nito hanggang kalahati ng hita niya at naka Blue Muay Thai Shorts.
"Okay pala ang lugar na ito, napakamaaliwalas. Kakaiba sa karaniwang siyudad na puno ng mga lagusan at daanan." Damang dama ni Edmond ang ginhawa sa probinsya, mukhang stress na stress sya. Base rin ata sa mga nangyayari ngayon ay dapat hindi namin ito balewalain ito.
"Ngayon ka lang ba nakapunta sa probinsya?"
"Unang punta ko pa lang sa ganitong lugar mula pa noong college pa ako."
"Magugustuhan mo rin dito kasi sa di kalayuan ay kapitolyo na kaya may mga mall at mga business centers din, dumalaw ka dito paminsan – minsan kung wala ka ginagawa." Paanyaya ni Alf sa kanya, tinignan ko siya na para bang ngayon ko lang siya nakita.
Di ganoon ang pagyaya niya sa mga bisita nila lalo na sa mga taong ngayon niya lang nakita, pero may lumiwanag na bumbilya sa utak ko kaya napangisi tuloy ako sa kanya na hindi nakikita ni Edmond.
"Di ba nakakahiya iyon? Hindi niyo naman ako kaano-ano." Nagaalangang tono niya kay Alf
Tumingin si Alf kay Edmond pero ngumiti lang siya. "Wooshoo, parang kapamilya ka na namin." Tinago ko na lang ang tawa ko dahil di ko pinapahalata na may kutob akong na may relasyon sila ng kakambal ko noon at tska kapatid ko si Ailee syempre baka magiba ang pagtrato ni Edmond sakin kaso lumabo ang mga pisngi ko sa pahayag na yon.
Alanganing ngumiti si Edmond lalo na sakin pero tinapik ko na lang siya kaya natawa na rin tuloy si Alf at tumuloy na kaming tatlo sa salas.
Nakamtabay ang lahat doon, naghihintay sa amin habang silang apat ay nakatayo. Sinabihan na ni tito Harnan ang tatlo nang masinsinan ang buong pamilya sa kung anong meron ganap ngayon.
Nakatingin sa akin lahat ng tao maliban kay Dracamonte na may dalang tasa na may lamang tsaa at si Alvin naman ay umupo sa arm chair sa solong sofa kung saang nakaupo si Banjo. Ang kambal ay nasa mahabang sofa, kulay beige ito at kaya upuan ng 4 na katao pero nakahiga si hailey dito habang nakaunan sa hita ni hannah.
Sa mukha nila makikita ang pagkahawig nila kay Tita Loren kapag seryoso na sila, kung di mo sila kilala ng matagal ay mabibigla sa pagiiba nila ng anyo. Nakatingin lang si Hailey sa cellphone niya at si hannah ay inaayos niya ang buhok ni hannah dahil sa mga buhol nito.
Nilapag ko sa mesa ang hawak kong bag naglalaman ng Neuralgear na dati ko nang pinakita kay Tita Leona at Tito Harnan.
Huminga ako ng malalim at bumuga ako ng mabagal ng ilang beses. "May iniwang habilin sakin si Ailee bago siya magpakamatay, base sa mga nakuha kong mga gamit ay halatang halata na pinaghandaan ito ng kakambal ko kaso hindi niya masabe kung ano talaga ang puno't dulo kung bakit nagkaganito ang lahat."
Nilabas niya ang Laptop sa bag kung saan nakalagay ang video file, ayaw kong ilipat sa phone ko, iitong laptop na ito ay di pa ito nakasagap ng internet base sa inusisa ko dito. Walang history ito ng kumunek ito sa internet.
Binuksan ito ni Tita Loren katabi si Tito Charlie at narinig ng lahat ang boses ni Ailee pero silang dalawa at Tito Harnan lang ang nakakakita ng video. Tahimik ang lahat pero nararamdaman kong napadako ang mata ni Edmond sakin. Gusto sana tignan ni Alf pero napatingin siya kay Banjo, di niya kaya makita ang paborito niyang ate sa ganoong kalagayan base sa itsura kaya pinakakalma niya ito para di matrauma.
Ang kambal at si Tita Leona ay mahina ang loob sa ganitong bagay na baka magulantang sila sa itura ni Ailee doon, ayaw nila ang huling itsura na makikita nila ay itong video na ito
Nang matapos ang video ay sinarado ni Tito Charlie at tumingin sakin ang lahat.
"ibibigay mo ba ito sa otoridad?" tanong ni tito Chalie sakin na mabilis ko ding sinagot
"Hindi, ayaw kong may makaaalam maliban sa inyo."
"Alvin, may alam ka ba sa Utopia. Alam kong sikat iyang laro na iyon sa buong mundo, pero gaano kalalim ba alam mo dito?" tumaas ang kilay si Alvin, nanunukat ang tingin.
"Yung mga impormasyon pa lang sa internet tungkol sa laro pa lang ang nakakalap ko."
Napaisip ang kambal at nagsalita si Banjo. "Mahirap yang gagawin mo kuya, alam mo ba paano mo magagawa yan?"
"Yup, the basic thing to the account is to kill it in game and all of its progress are gone for good and the account resets after 24 hour restricted access into the game."
Napatakip ng mukha si Edmond sa sinabi ko. Maliban sa kanya ang apat kong pinsan ay dismayado habang ang 4 kong tiyuhin at tiyahin ay napatingin na lang sa isa't isa.
"Buti na lang kinausap mo kaming lahat ngayon para dito." Binigyan ako ni Hailey ng pamatay na titig
"Even we don't play the game that often knows that it's not going to work." Tinakip niya ang mukha ni Tito Charlie, bumulong siya kay Tita Loren para di namin lahat marinig ang sinasabi niya
-/-/-/-/
-/-/-/-/
Kinurot ni tita Loren sa huling bulong sa kanya ni Tito charlie kaya nagkukulitan lang sila doon kaya naningkit ang paningin si Tita Leona sa kanilang dalawa at si Tito Harnan ay napaikot na lang ang mata sa kanila.
"iho di lang ganun ka simple iyon, pero mamaya na yan. kakausapin ka nang mga pinsan mo tungkol diyan tutal naglalaro din sila." Tinignan ko ang apat kong pinsan at tinanguan ako bilang pagsangayon sa sinabi ni Tita Loren
"Maliban dyaan, may neural gear ka naman na. Paaano mo gagawin iyan? Kailangan mo ba ng tulong namin." Harnan
"Gusto ko sana gawin ko ito ng magisa, alam ko wala pa masyado akong alam sa laro pero dapat walang makakaalam na naglalaro ako kundi maalarma ang mga taong sinasabi ni Ailee.
Kaya ko to sinasabi sa inyo dahil iba ang kailangan kong tulong sa inyo, gusto ko nang impormasyon sa lahat ng tungkol kay Ailee. Trabaho, buhay niya, at mga tao sa paligid maliban sa inyo. Di ko alam kung sino ang mga kalaban na sinasabi ng kakambal ko dahil di niya sinabi kung sino ang mga kasangkot dito."
Nang maintindihan nila kung anong klaseng tulong ang hinihingi ko sa kanila. Nagsalita si Edmond
"I can help you with that, the only thing is how I send those information to you? it's not always reliable te send it online because probably they are also watching you online. Together with their private investigators are watching us which is one of the problem now." Yan din isa sa mga problemang ikinahaharap ng pamilya ko.
"Ano? Someone is stalking us? Katawa-tawa naman iyan." Sumingkit ang mata ni Banjo pero si Tito Harnan ay kunimpirma niya ito
"Hindi biro ang sinabi ni Edmond, totoo at kinumpirma ito nga mga bodyguard ko mula nung pumapasok ako sa trabaho ngayong linggo na 'to."
Namilog ang mata ni Tita Leona na ibig sabihin ay siya rin minamanmanan din siya kagaya ng asawa niya.
"Kaya rin pala may malaking lamok sa paligid ko, akala namin ni Loren ay dahil sa mga nakaraang mga maselang kaso na kailangan kaming bantayan ang mga biktima." Nawala na ang masayahing tono niya dahil malakas ang kutob nilang mag-asawa na damay din ang anak nila dito.
"Banjo, Alfonso wala ka bang napapansin sa paligid mo sa nakaraang mga araw?" Pagaalala niyang amok ni Tito Leona kay Tito Harnan.
"Wala naman pong kapansin pansin, dahil na rin sa loob ako ng kolehiyo at derechong uwi ako ng mga nakaraang mga linggo." Paninigurado ni Banjo habang inalala ang mga nakaraang mga araw na lumipas
"Eh paano ko naman mapapansin iyon Ma, maliban sa masteral classes po ko ay nasa trabaho naman ako. Lagi ako nakapaligid sa tao kaya mahirap." Napatingala si Alf dahil inaatupag niya lang ay aral at pagreresidency niya sa hospital kaya di niya napapansin na may sumusunod sa kanya araw araw.
"Wait! Wait! One by one guys! Masyadong sabog na ang usapan. Let's be organized for once please? Hmm?" Hannah stand up to her seat and we see her at the center circling around the sides of the small table while hailey is now in sitting position still glued to her phone and listening to us.
"Okay, that is much better. Simulan ulit natin sa umpisa, ngayon ano ba gusto mong mangyari ulit Alvin?" Tita Leona claps with enthusiasm. Despite our situatio, we still have a reason to smile even though how dire because we have each other. It is one of the reasons why I want to do the hard part alone.
"Based on the video ailee sent to us herself, I'll be going to play on UTOPIA to get some leads and also delete the three accounts that she wish for alone."
"meron na tayong goal, ilista ngayon ang mga problema." Despite her bossy tone, Hannah is the one who keep the family oraganized with the help of Tita leona because most of the family is a mess in orderliness. Well, look at tita Loren at Tito charlie. You can tell that there not the ones who fix even though they are both policeman/policewoman.
"Masyadong mababaw ang alam ni kuya sa laro. Maliban sa nakikita ni kuya sa internet ay masyado din komplikado ang mga impormasyon na isinulat ni Ate Ailee sa mga kuwaderno." Tinitignan ni Banjo ang mga Kuwaderno at librong nakalagay doon sa bag
"Sinu-sino ang mga taong gumastos para lang buntotan tayo sa mga kilos natin?" may diin ang pagkakasabi ni Tita Loren, baka yun ang isa sa mga unang niyang gagawin sa mga susunod na mga araw. Lumingon siya kay Charlie at nagkakaintindihan na sila
Lumabas si Tito Charlie para kausapin si ronnie at sonny, di ko naintindihan ang sinabi ni tito pero pagtapos niyang magsalita ay lumabas siya kasama ang dalawa. Tuloy pa rin ang usapan sa sala kahit wala na si Tito Charlie.
"may mga koneksyon ako lalo na sa pinagtrabauhan ni Ailee, baka meron mga taong kasangkot o pinagtatakpan ang mga bagay bagay na di natin alam. Malakas ang tiyansang sila ang dahilan o may ilalalim pa ito." Edmund has the one of the dangerous part because he don't know who the enemies and allies unless if he uncover it. It's easy to collect info but hard to get the real ones.
"ingat ka ah, sayo ang pinakamapanganib. Kapag naramdaman nilang naghahanap ka, di natin alam kung anong kaya nilang gawin."
Sumang ayon ang lahat lalo na si Tita Leonora, may pinagtataka siya kaya tinanong niya ulit si Alvin.
"'iho, kung gagawinmo to ay early retirement ang ikababagsak mo. Mukhang di lang buwan ang bibilangin mo dito." Maliban sa kung gaanong kaselan na ngayon, kakain ito ng maraming oras dahil iilan lang kami may alam nito.
"Yun na nga rin, baka nga yun ang gawin ko kahit na binigyan ako ng indefinite leave. di naman pwede ako bumalik doon dahil sigurado akong meron doon kaso di naman pwede ako di magtrabaho dahil sa mga gastusin ko.
"hey, did you forgot something?" naguguluhan siya ito itinanong sakin
Naalala agad ni Alvin ang binigay sa kanyang bank book, pwede naman akong di magtrabho pero napaisip siya dahil mahahalata agad maglalaro ako sa UTOPIA
"Oo nga pala, pwede naman ibuhos ko ang buong atensyon ko dahil na rin sa binigay mo sakin kaso mahahalata agad ako dun na may malaking pera ako na kaya kong di magtrabaho. Syempre sundalo ako, napa-background check na nila ako panigurado. Magtataka iyon kung bakit ang lakas ng loob ko magretiro sa ganitong edad kung base sa sweldo ko ay katawa-tawa." Napaisip si Edmond na ito rin makaksira sa plano kapag ganoon ang gagawin ko.
"He needs a cover up job."Nagsalita na muli si Tito Harnan. Tumingin siya kay Tita Loren, lumukot ang mukha niya dahil mukhang undercover operation ang gagawin. Oo, isa iyon sa mga gawain ng pulis at militar kaso nagiba ang timplada niya sa kadahilanang umabot sa puntong gagamitin ang ginagawa nila sa pulisya.
Hailey: ako na bahala sa mga tsismis sa paligid tungkol sa laro mula sa loob at labas, may mga bagay sa alingawngaw mo lang nakukuha.
"di lang iyan." Nilapag ni Alf ang tablet sa mesa nakikita at naririnig ang lahat nag balita kahapon tungkol sa tribute ceremony ni Ailee.
"Here we go." Tingala siya sa taas, mukhang ito ang ayaw niya mangyari. Pero kasi hindi naman maiiwasan dahil sikat ang kapatid ko
"kahapon lang ipinahayag sa publiko, ang pinagtataka ko kung bakit di pa nila sinasabi satin muna?" Nagsalita ulit siya pero dismayado ang reaksyon niya dito.
Namilog ang mata at bibig ni Hailey dahil napatanto niya ang gustong mangyari, kaya napatigil siya sa ginagawa niya sa cellphone.
"gusto nila makita tayo sa publiko."
"Aba anong mapapala naman nila kung makita nila ang mukha natin sa buong mundo?" taas kilay si Hannah.
"isipin niyo, Di pa nakikita ng publiko ang mukha ng kapamilya natin simula pa nung naging pro-athlete siya sa laro. Two birds with one stone, kung di nila tayo mapigaan ng impormasyon dahil muntikan na silang mahuli ay gawin na lang nilang pamilyar ang mukha natin sa media dahil pamilya sila ng isa sa pinakamahusay na player ng UTOPIA sa pilinas."
Plakado na ang mukha natin sa media at internet pero hindi kaming lahat maliban sa 4 na magpipinsan dahil ayaw ng apat na matanda ng mata ng publiko, kahit na ba magbayad sila ng malaki pero kapalit non ay ang mga tao may litrato tayo kahit saan dahil pamilya tayo ng isang sikat na tao sa pilipinas. Napakadali nila tayo mamanmanan dahil sa pagiging peste ng publiko sa bawat galaw natin.
Kahit teorya lang ito ni hailey dahil na rin sa sinabi niya at sa mga nangyayari ngayon ay napakalohikal nito. Mas lalong nag-aalala si Tita leonora
"Pwede ba tayo hindi dumalo doon? Tutal biglaan nilang ikinalat sa masa kaya pwede naman natin atakihin na hindi sila nagpaalam satin."
"Ate, hindi basta basta iyon. Inagahan na nila ang pagpapahayag nila sa publiko para mapipilitan tayong dumalo doon." Naliwanagan si Tita Loren kung bakit sa susunod na 2 buwan pa ito gaganapin"
"Ma, Babaratin tayo ng masa kung di tayo makakadalo kahit saan mang anggulo mong tignan. Panalo pa rin sila kung ito ang gusto nilang mangyayari dahil sa away mo sa gusto ay uusisain pa rin tayo." Payak na salita ni Alf at nagkatinginan sila ni Edmond.
"*sigh* labag man sa loob ko ay tama ang si pamangkin, kahit nga si Harnan sang ayon sa mangyayari." Biglang sabat ni Tito Charlie na kagagaling lang sa labas pero di niya kasama si Manong Sonny at Ronnie. Katabi niya si Edmond at ako.
"Madali lang gumawa ng excuse dahil may nangyayaring E-sport pa, kahit anong mangyari tuloy ang business dahil organisasyon pa rin ito kaya mangyayari pa ito sa makalipas pa ng dalawang buwan sa kadahilanang yun ang simula ng offseason." Alam agad ni Tito Harnan na di pwede matigil ang lahat dahil lamang may namatay, tutal lahat ng ito ay negosyo lang.
"kung sino man ang mga taong ito ay malaki ang posibilidad na hawak nila ang media. Tsk." Nagkibit balikat na lang si Tito Charlie sa sinabi ni Edmond. Kakaiba at mataas na tao ang kakalabanin namin at yun ang sigurado kami base sa mga nangyayari.
"sa galaw natin malalaman kung gaanong karaming alam natin sa kanila, kahit na wala tayong alam sa kanila ay aangkop sila dedepende sa paanong reaksyon natin dito sa balita." Kahit sa Banjo alam niyang mapipilitan tayo pumunta sa ayaw man sa gusto natin pero di niya alam kung anong aksyon ang gagawin namin sa balita.
Napagtanto kong sa ayaw man sa gusto ko ay damay ang buong pamilya.
"Simulan na naming magpipinsan si Kuya tungkol sa laro at si Hailey sa mga chismis, kayo na munang bahala sa iba." Pagtatapos niya ng usapan kaya tumayo ito pati na rin ang mga pinsan ko, sumunod na lang ako sa kanila
Sumangayon na ang lahat "Kuya Edmond kausapin mo rin sila dahil may alam kang bagay na kinasangkutan ni Ate Ailee. Sunod ka samin mamaya tutal naglalaro ka rin." Pagpapatuloy niya habang nakatingin siya kay Edmond
"Sige, sunod na lang ako sa inyo sa taas." Umakyat na kaming apat at nagpaiwan lang si Alf dahil kausapin niya lang si Edmond ng saglit, pumunta kami sa kwarto ko dala dala ang bagpack para pagusapan kung anong meron sa UTOPIA.