Chereads / Two Sides of the Coin / Chapter 2 - Chapter 2: Alone (2)

Chapter 2 - Chapter 2: Alone (2)

Chapter 2: Alone (2)

Kailangan ko paghandaan at ayusin bago ako ibigay ang buong atensyon ko sa habilin sakin ni Ailee. Tumingin ako sa loob ng supplies sa kwarto ko kung may papel at panulat para ilista ang mga responsibilidad at mga bagay na kailangan kong iwan sa gagawin ko. Hindi pwede ako magpabara-bara dahil nakasalalay ang kinabukasan ko dito, maraming maapektuhan kung di ko to magpagplanuhan ng maayos.

Nakakuha ako ng puting yellow pad at itim na ballpen sa aking study desk, umupo ako sa harap nito at sinumulan magsulat na kailangan ko iwan sa pag-fulltime ko sa Utopia:

Una, Trabaho ko. Captain na ang ranggo ko ngayon at malapit na ko maging Major na kung saan ito ang dating ranggo ng aking Tatay, kung gagawin ko ang plano ko ay kailangan ko umalis sa militar. Di ko pa alam kung indefinite leave o resignation dahil kailangan ko pa tong kausapin sa superior at ninong kong si General Antonio Mondragon. Siya ang kaibigan ng tatay ko mula nabubuhay siya at noong nagsimula siyang pumasok sa academy kung saan pareho ang batch nila.

Pangalawa, ang kamag-anak. Nagaalala ang mga iyon sa kundisyon ko dahil ako na lang nagiisa sa pamilya ng tatay ko na siya ang panganay sa tatlong magkakapatid. Tatay kong si Emilio, ang tanging lalaki sa magkakapatid ay pinakamalaking dagok sa kambal na si Leonora at Lorena. Kumbaga inaaya nila ako mainirahan sa isa sa kanilang tahanan. Kakausapin ko sila ukol doon at tska kay Ailee dahil sa aming dalawa ni Ailee, siya ang mas malapit sa pamilya kaysa sakin.

Pangatlo, ang Neural gear. Ito pa lang ang unang beses na gagamitin ko ang ganitong console sa tanang ng buhay ko, matagal na to sa pamilihan at sikat na sikat ito. Dapat may mapagtanungan ako ukol dito dahil may mga pagsasaayos at pagiingat ito upang maayos ang unang paggamit ko nito.

Pang-apat, Pera. Base sa savings ko, meron akong sapat na pera na aabot siyam na buwan na pagkain, inumin, kuryente at tubig. Tutal buo na ang bayad dito sa bahay, ang problema ko na lang ang buwis ko dahil di ko pa nababayad ang kabuwanang buwis ko at tska kailangan ko ilathala ang magiging estado kung mag reresign o leave sa militar kundi papatuloy ang pagpataw sakin ng buwis kahit na wala akong trabaho.

Pang-lima at panghuli, ang pagbabasa ko dito sa iniwan na bagay ni Ailee sakin. May di ako maintindihan sa kuwarderno at librong nakasulat doon, kailangan ko ng sapat na kaaalaman tungkol sa Utopia. Buti na lang ang USB Flash Drive ay makakapunan ng kakulangnan na iyon kaya handa ako sa kung anong ibabato sakin kahit na baguhan lang ako sa Utopia.

Tinignan ko ang kalendaryo ko sa aking cellphone, mukhang sa susunod pa na linggo makakausap si Ninong tungkol dito. Una ko munang pupuntahan ang mga kamag-anak ko bukas sa Tagaytay tutal malapit lang naman iyon.

Ang problema ko lang naman kung paano pumunta doon dahil sa pagbabago sa cavite mula noong nagkaroon ng epidemnya sa buong mundo na naging iba na ang pakikipagsapalaran ukol sa public transpo, magtatanong ako sa mga kalapit kong kapitbahay o sa baranggay. Tinoon ko lang muna ang atensyon ko sa files ng Flash drive ni Ailee sa nakikita ko sa desktop ng laptop at kukuha ako ng tubig sa refrigirator kaya tumayo ako dahil pupunta ako sa kusina.

--------------

Pumunta ako sa baranggay upang makapagtanong kung paano pumunta pa-Laguna, ang baranggay ay 3 palapag na gusali malapit sa interseksyon ng panguhaning kalsada ng subdivision at 2 pampublikong kalsada. Simple lang ng gusali, pagkapunta ko sa pasukan ng baranggay ay nakita ko ang tanggapan para sabihin ang nais mong gawin dito sa baranngay.

"Magandang hapon po sa inyo, ano po ang maitutulong ko?" Maliit na babae ang tumambad sakin; mga 5'2 ang tangkad, itim na buhok humahaba sa kanyang balikat at nakaponytail ito, mukhang mas bata pa sakin. baka ito ang nagtratrabaho sa Sangguniang Kabataan (SK).

"Ano lang, magtatanong sana ako paano pumunta sa Laguna." Tumitingin ako sa paligid dahil wala pala masyadong tao sa baranggay ng ganitong oras.

"Kuya, doon sa istasyon ng pulis ka magtanong. Mas marami silang alam doon, itanong mo kay Mang Bobot yan. Itanong mo kung nasaan na siya, baka makita mo siya agad sa tanggapan ng pulis." Turo niya sa gusali sa tabi ng kabilang dulo ng pampublikong kalsada kung saan makikita mo ang kulay asul na tanda at puting letra nakapangalang 'Pulisya'.

"Sige, salamat." Pagtaas ko ng kanan kong kamay upang magpaalam sa kanya, dumerecho ako sa likod ng baranggay kung saan may overpass para laktawan ang dalawang pambulikong kalsada. Paakyat ako sa covered overpass ng naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin at tumingin ako sa langit, walang araw na nakikita at puno ng maraming ulap. Ang gandang maglakad ngayon sa labas, paboritong lumabas ni Ailee sa ganitong mga klasing klima. Ayaw niya kase ng mainit na sinag ng araw.

Nakadaaan na ako sa overpass at pababa na ako sa hagdanan at nakita ko na ang 3 palapag din na gusali pinaghalong asul at pilak kung saan ito ang intasyon ng pulis. Makikita mo ang mga nakapark na mga kotse, minicab at mga motor. Papasok na ako sa maluwag na pinto ng gusali nang may tumapik sa kaliwang balikat ko, tumingin ako sa kaliwa ko at nakita ang isang matipunong pulis sa gilid ko.

Nakasuot ito ng asul na uniform na karaniwang nakikita mo sa isang pulis, malinis ang gupit nito at makapal ang kilay nito na parang isang bumbay maliban sa kulay kahoy sa buong mata nya at pango nitong ilong.

"Alvin." Ngumiti siya sakin nang makita ako, nung narinig ako ang boses niya ay namilog ang mata ko at tumaas ang parehong kilay ko sa kanya.

"Kuya Toro?" pagkasabi ko sa kanya na may pagkagulat ang aking tinig. Di ko nakmukhaaan si Kuya Toro, ang laking pinayat ni kuya nung huli kaming nagkita kasabay ng pagbakgsak din ang panga ko na naiwang nakabuka ang bibig ko sa kanya.

"Ikaw pala yan! wait lang buksan ko pinto para sayo." Binuksan niya ang dalawang pinto upang mabuksan ng malaki ang pasukan ng gusali.

"Mga Pre! Si Batang dungis oh naandito na ulit sa pulisya!" Malakas niyang pahayag sa maririnig ng buong pulisya ang sinabi nya at napatingin ang lahat ang mga pulis sa pintuan at nagsigawan sila.

"SI BOY DUNGIS!!!!!!" pasigaw nilang lahat at nagsilapitan na silang lahat.

Nagsilapitan sakin ang buong kapulisyahan sa akin pati na rin sa labas para makita ako. Ang tagal na rin nung nakita ko sila, mula pagkabata ko ito ang tambayan ko dahil sa mga gulong pinasukan ko hanggang sa pagtulong nila sakin para makapasok ako sa PMA upang maging sundalo. Laking pasasalamat ko sa kanila dahil maliit ang tyansa ko dahil late na ako pumasok pero sila ang naging suporta ko kaya proud sila nang malaman nila naging Captain ako.

"Lintek, Musta Captain Dungis?" isang matabang itsik ang lumapit sakin, hindi kasing linis ang gupit kagaya kay Kuya Toro pero masasabi mong matinong pulis dahil sumusunod ito sa decorum kaso di ko malilimutan ang manyak niyang ngiti kahit na ba normal ang ganoon sa kanya.

"Mang Mao!!" yakap ko sa kanya, siya ang isa sa mga taong tutulungan ko kung may gagawin akong kalokohan sa baranggay. Lagi kasi promotor sa tayaan sa liga noon at ang kinikita ko doon ay pambili ko ng mga video games para kay Ailee, ang pinamalaking nakalap ay naging pambili ng Baystation 5 noong unang labas pa nito sa madla.

"Lintek na yan, naging matino na ang batang kalye namin oh!" ang pinakamatangkad na lalaking lumapit sakin at nakipagkamay. Namumuti na ang buhok niya at pinakamalaking katawan sa buong pulisya na to.

"Sir Danny! Kamusta na." sabi ko sa kanya habang nakikipagkamay din sa kanya at ginulo nya ang buhok ko, siya ang naging tatay-tatayan ko mula namatay ang magulang namin sa aksidente. Laking bagay nya dahil sya pumupunta sa eskwelahan para ilakad ang papeles namin upang makapagaral kami at isa rin siya sa dahilan kung bakit di kame kinuha ng DSWD para kuhanin at ilagay sa bahay ampunan.

"Okay lang naman, marami nang nagbago dito. Maraming bago dito sa presinto na to nung wala ka, di pa nila nakikilala ang mukha mo pero naikwento namin lahat tungkol sa inyong kambal." Tumabi siya sa akin at umakbay siya sa akin hanggang sa kanang balikat ko.

"Mga Kaibigan! Ito ang kakambal ni Ailee, itong batang to kung bakit naging magulo ang buhay namin noong nagsisimula pa itong presinto na to." Malalakas na halakhak ang naririnig ko, nakakahiya man pero totoo ang sinabi niya. Laking asungot ko nung kabataaan ko, argh!

"Sayang Alvin, wala yung mga taga- Task Force. Sila pa naman ang galak na galak makita ka." Nilabas na ni Kuya Toro ang cellphone niya para itext ang mga ito na dumating ako dito.

"Oo nga eh, anong oras ba sila darating?"

"Mukhang mamaya pa dahil may operasyon lang sa Paliparan, may drug smuggling nanaman eh."

"Oh, Maiba tayo. Nakita niyo ba si Mang Bobot?" luminga-linga ako para makita ang tanggapan ng pulisya at pumunta doon.

"oh, paano mo nakilala si Mang Bobot?"

"Sabi kase ng tao sa baranggay, kung may kakausapin daw ako tungkol sa sakayan papuntang laguna eh sakanya daw ako magtatanong."

"Nakita mo pala si Roxie doon, Si Bobot kase ang nakakaalam kung saan ang mga transpo. Ano pala pakay mo sa Laguna?" nakacross arm ang magkabilang braso niya habang ang kanyang kanang kamay niya ay hinahaplos ang kanyang baba.

"Bibisitahin ko sana ang mga kamag-anak ko sa Laguna, nagaalala na sila sakin dahil ako na lang nagiisa dito."

"tsk oo nga pala, nakikiramay ang buong presinto para sa kapatid mo." Tapik sakin ni Sir Danny sakin ulo ko, sumama ang timpla ng mukha niya nang nagpagtanto niya na nagiisa na lang pala ako sa bahay.

"Kain ka na lang sa bahay namin mamayang hapunan, masarap pa naman ang ulam sa bahay namin ngayon tutal mukha naman walang makakain doon sa tahanan mo." Paanyaya ni Kuya Toro sakin

"Sige ba, punta ako doon mamayang gabi. Pero malalaman nyo ba kung pupunta ba rito si Mang Bobot? Kasi di ko kilala ang mukha niya eh."

"Darating iyon, may inaabala lang dahil may kaguluhan sa ibang village doon ang kailangan ng otoridad para masolusyunan agad. Pakita ka muna kay Hepe habang hinihintay mo si Bobot dahil ginagalak ka rin makita nun, may ginagawa lang ngayon kaya ikaw na bumusita sa opisina nya." Paakyat nyang kilos upang sundan siya hanggang sa opisina ni Hepe.

"Sige ba, tagal ko ng di nakikita si Mang Hepe." Sumunod kaming dalawa ni Kuya Toro kay Sir Danny paakyat hanggang sa tatlong palapag.

Naging matagal ang pagakyat namin dahil si Sir Danny ay ipinakilala niya ako sa buong kapulisyahan lalo na sa mga baguhan at sa mga ngayon lang nakakilala sakin kaya puro pagbati ang ginagawa ko. Naging maingay ang pangatlong palapag dahil nandoon ang lahat ang nakakilala sakin kahit na marami sa kanila ay nakalimutan ko na ang pangalan.

Bumukas ang pinto ng opisina ng Hepe at nakita ang nangyayari sa buong palapag.

"Boy Dungis? Ikaw ba yan?" kalbong lalaki ang tumambad sa amin na may sobrang liit na mga itim na buhok sa mga gilid nito , kayumanggi at katamtamang pangangatawan, nakasalamin siya at may kulubot na sa kanyang mukha na tanda ng katandaan niya pero di mawawala nito ang palangiti nitong bibig na nakikita ang maputi nitong mga ngipin.

"Mang Hepe!" Payakap ko sa kanya at yumakap din siya pabalik sa akin.

"Hindi ka na patpatin aah, ok ka lang ba?" malumanay ang tono ng pagkakasabi niya sakin, para bang may gustong sukatin.

"Ok naman ako Hepe, kaso madami lang ako aasikasuhin kasi maliban sa papeles ni Ailee ay may mga bagay pa na kailangan ayusin kagaya ng mga paglilipat ng insurance at bangko niya saakin." Ngumiti ako sa kanya pero pagod na ang katawan ko ngayon pa lang

"Pasensya na, wala kaming naitulong. Di namin naantabayan si Ailee ng maayos." Bumalik na ang kanyang karaniwang ekspresyon sa mukha niya mula pagkabata ko, patay na mukha. Alam kong sinsero niya ito sinabi base sa tono niya kaso di akma sa mukha niya ngayon.

"Wala kayong kasalanan doon, di rin natin lahat inaasahan ang nangyari." Tinapik ko ang makabilang braso niya malapit sa balikat para mapanatag siya, si Hepe laging sinisisi ang sarili nito sa mga bagay bagay kahit na hindi niya ito makontrol sa hulli.

"O sige, *deep sigh* maiba tayo. napadalaw ka pala?"

"Opo, hinihintay ko po si Mang Bobot dahil maghihingi ako ng direksyon kung paano pumunta sa laguna."

"Buti nakilala mo si Bobot, eh bago lang dito sa subdivision natin iyon kahit na ba isang taon na dito iyon nakdestino sa presinto."

"May nagsabe sakin sa baranggay na kausapin ko daw Mang Bobot sa mga ganitong mga bagay."

"Tama ka diyan, hintayin mo na lang si Bobot sa baba. Tutal sandali lang naman siya kaya maghintay ka muna doon, pupunta siya dito kase may mga papeles pang gagawin dito sa presinto yan."

"Sige po Hepe, salamat."

"Walang anuman, tambay ka lang dito kung anong oras mo man gusto."

"Ayus, sige ba. Magbabakasyon muna ako dito kaya magandang may mapagtambayan ako." Pagsisinungaling ko, di ko pa alam kung makakabalik ako sa trabaho sa gagawin kong plano. Kailangan ko muna itago ito, mahirap na baka madamay sila dahil di ko alam kung sino ang mga naka-engkwentro ng kapatid na kahit sila eh di nila alam.

"Aba'y buti naman, ngayon ka lang nakabalik dito. Bigyan mo naman ang sarili mo magpahinga."

"Oo nga eh, baba na po ako." Kaway ko sa kanya habang siya ay tumango sakin.

"Paalam." Patag ang tono ng pagkakasabi niya sakin, walang pinagbago pa rin si Hepe.

Naiwan na si Sir Danny sa taas dahil may aasikasuhin kaya kami na lang ni Kuya Toro ang bumaba hanggang sa unang palapag, naghihintay lang sa upuan malapit sa tanggapan ng pulis nung dumating si Mang Bobot.

Nagsalita ang isang pulis. "Bobot!! May naghahanap sayo!"

"Talaga? Sige pasok na ako." Tumingin ako sa lalaking bumukas ng pintuan—maputing lalaki na may umbok sa tiyan, di kasing laki kagaya ni Mang Mao pero masasabi mong napabayaan na din ang katawan niya, buhok niya'y puti pero panot ito, ang pinakapapansinin mo ang eyebags sa mata nya at sobrang itim na mata niya, malinis ang mukha niya pero makikita mo kulubot maliban sa mga maliit na bigote sa taas ng bibig nito.

"Magandang Hapon po sa inyo, Mang Bobot." Pakikipagkamay ko sa kanya na agad niyang tinanggap din.

"Sorry pre, kilala ba kita?"mapuniring mata ang natambad niya sa akin, tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Hindi po, ako nga po pala si Alvin Alcantara. Isa ako sa nakatira sa Dasma 3, sabi kase ng baranggay kung may itatanong ako tungkol sa mga direksyon at sakayan ay sayo daw magtatanong ukol doon."

"Ah! Oo, may koneksyon din kase ako sa mga prankisa at transpo kaya karamihan sa akin na nagtatanong kung paano pumunta. Bago ka lang ba dito?"

"Matagal na po ako dito,kakabalik ko lang dahil sa trabaho at ngayon lang ako makakapagbakasyon."

"Kaya pala parang bagong mukha ka dito sa bayan, eh saan ka pala pupunta?"

"Sa Los Baños, Laguna po sana."

"Aba buti na lang sa akin ka nagtanong, may kakilala ako sa prankisa malapit sa Paliparan papuntang Los Baños. Turo ko sayo kung paano pumunta doon." Nagpatuloy na siya kung saan ako pupunta sa prankisang sinasabi niya. Nag-iba na ang bayan ng Dasmariñas, maraming mga bagong transpo at mga establisyimento sa paligid ng bayan kahit na tinamaan ng epidemya ay unti-unti ay bumabalik at gumaganda.

"Salamat po pala sa dito, malaking tulong ito dahil maraming nagbago dito sa bayan."

"Walang anuman pero totoo yan maraming nagbago dito dahil nawala ang mga ilegal na prankisa kaya mukhang maayos na ang mga transportasyon dito." Ngumiti siya, tumaas ang dibdib nya at naituwid niya ang likod ng mahaba. Humabol siya ng tanong.

"Paano mo pala ako nakita pala, maitanong ko lang?"

"Sa baranggay po nalaman tungkol sa inyo, sa babaeng na may ganitong tangkad tska ponytail. Roxie daw po pangalan" Ginamit ko ang kamay ko para isukat gilid kung gaano katangkad ang babaeng 5'2''.

"Yung anak ko pala ang nakita mo doon, kung may iba ka pang itatanong tungkol sa pasikot-sikot dito kay Roxie ka pumunta. Gala kase iyon kaya may alam yun sa lugar malapit dito."

"Sige po, salamay ulit Mang Bobot." Paalam ko sa kanya at kumaway siya sakin habang ako ay palakad na sa labas ng presinto, di ko na pinansin sina Kuya Toro dahil nakita ko siya sa busy sa desk niya kaya di na ako namaalam. Pupunta na lang ako sa bahay niya mamaya.

Lumabas na ako ng presinto ay namaalam na ang iba pang pulis na nakakakilala sakin, ngumiti na lang ako at kumaway sa kanila. Para naman akong pulitiko dito sa ginagawa ko, ang hirap makaalala ng mga pangalan kaya tinikom ko na lang bibig ko at naglakad na ako sa overpass.