Chereads / Enchanted Academy / Chapter 12 - Chapter 10

Chapter 12 - Chapter 10

Chapter 10

Nais ko

Nanatili ang titig niya sa akin. Mata sa mata ang titig niya at sinubukan kong basahin ang kaniyang isip ngunit sarado iyon. Hinarangan niya ako. Bumuka ang kanyang bibig na animoy may gustong sabihin na hindi lumalabas ang kanyang boses. Lumipas ang ilang minuto at ako na ang umiwas ng tingin, hindi ako kumportable sa kaniyang mga titig. Mukahng pati siya ay natauhan na at doon lamang inayos ang kanyang pagkakaupo at ang sarili. Tumikhim pa siya at namula ang aking pisngi.

Bumilis ang tibok ng aking puso, napahawak ako dito. Anong pakiramdam ito? Ngayon ko lamang naramdaman ito.

"Kung ganon sabihin mo sa akin ang mga nalalaman mo, sabihin mo sa akin kung sino ka, sabihin mo kung saan ka nagmula" nagtatapang tapangan niyang sabi.

"Kailanman ay hindi ako magsasabi kung sino at saan ako nagmula hahayaan kong alamin mo ang buong pagkatao ko, pinahihintulutan kitang alamin kung ano ako ngunit sa oras na malaman mo ang lahat maaari mo bang ipangako na hindi ka tutulad sa kanila?"

Hindi ko alam kung bakit ko iyon nasabi. Parang pakiramdam ko ay iyon ang kailangan kong sabihin.

"Kahit hindi ko pa alam ang ibinubuka ng bibig mo at ano man ang nais mong sabihin kahit hindi ko pa alam ngayon pa lamang ay ipinapangako ko ng hindi ako tutulad sa kanila" tumango ako sa kaniya.

"Sa ngayon ay kailangan mo muna akong iwasan" sambit ko.

"Hindi! Hindi ko iyon gagawin!" Bigla akong nagulat sa kaniyang biglaang bugso ng damdamin.

"Bakit naman?" pagtatakang tanong ko sa kanya. Iniwas niya ang tingin niya sa akin at naglakad palayo. Nakasunod lamang ang aking mata sa kaniyang kilos.

"Bakit mo uutusan ang presidente at wa-wala, hinding hindi ko magagawa iyon dahil trabaho kong bantayan ang mga pumapasok sa paaralang ito" kumunot ang aking kilay sa nag aalinlangan nyang sabi at alam kong nagsisinungaling lamang siya.

"Sundin mo ang nais ko sapagkat hindi ka makakabuti para sa akin at gayon din ako sa iyo" akmang tatalikod na ako nang hawakan nya ang kamay ko. Ang bilis ng kaniyang kilos.

"Sinabi ko bang tapos na tayong mag usap Ms.Mizuki? At sino ka para sabihin iyan sa akin?" nakangising tanong nya sa akin.

Tumingin ako sa kamay niyang nakahawak sa akin. Hindi ko maintindihan ang tibok at pintig ng kaniyang puso. Miski ang sa akin ay naguguluhan ako sa aking ibinibigay na bugso ng damdamin. Unti unti niyang binitawan ang kamay ko.

"Ano ba nais mo pang pag uusapan presidente?" sarkastikong tanong ko sa kanya.

"Gusto kong tulungan ka" Agad na kumunot at nagsalubong ang aking mga kilay.

"Puntuhin mo ang sinasabi mo upang maliwanagan ako" Takang taka ako sa mga ikinikilos.

"Gusto kong tawagin mo ako sa aking pangalan, Ezekiel na lang ang itawag mo sa akin kapag tayo lamang dalawa ang magkasama at utos ito ng nakakataas sa iyo kaya marapat mong sundin"

"Hindi maaari ang nais mo, paano kapag nalaman ito ng iba isang kalapastanganan para sa iyo iyon at maaari akong mabansagan na walang paggalang sa iyo. Iyon ba ang nais mo?"

"Kaya nga nais kong tawagin mo ako sa pangalang nais ko kapag tayong dalawa lamang, tawagin mo akong Ezekiel nais kong marinig ang pangalan ko mula sa bibig mo, nais kong makita ang pagbuka ng bibig mo habang binabanggit ang pangalan ko" napakamot ako sa aking batok.

"Oh sige EZEKIEL saan mo nga akong tutulungan ha?" pagmamadiin ko sa kanyang pangalan.

"Tutulungan kitang talunin ang mga kala—" napatingin kami sa pinto.

Hindi na nya nagawang ituloy nang may kumatok sa pintuan ng kanyang opisina

"Pasok" parang galit na sigaw nya. Bakit siya naiinis? Pumasok ang kanyang sikretarya.

"Mr. President your father is looking for you" sabi nito at yumuko.

"Okay you may go out, susunod ako" pagkatapos nyang sabihin iyon ay inintay nyang makalabas ang kanyang sikretarya at saka pa lamang tumingin sa akin ng seryoso ang mukha.

"Im sorry I have to go, you may go first I'll wait for you to go out" sinserong sabi nito. Tumango lamang ako bilang pagtugon at inintay nga nya na makalabas muna ako. Naguguluhan ako sa kaniyang kilos. Ginagawa niya ba ito dahil alam niyang ako ang reyna?

Nang palabas na ako ay dali dali din syang lumabas at maglalakad na sana ako ng hallway ng bigla syang sumigaw.

"See you around!" Pagsigaw pa nito. Napailing na lamang ako at wala sa sariling nangiti. Nanlaki ang mga mata ko. Bakit ako napangiti?

"See you around?" kala nya magpapakita pa ako sa kanya?

'Ulol' pabulong na sabi ko ng hindi sya nililingon

"Anong sabi mo?" parang naiinis nyang sigaw

"Ah wala ang sabi ko see you around" sabi ko dito na humarap sa kanya. Nakakunot na ang kanyang mga kilay ng humarap ako sa kanya. Nginitian ko naman sya at bigla syang namula at ngumiti din sa akin. Tumalikod na ako ng naglalakad. Ang wierd nya talaga. Paanong naging ganoon siya? Sa ilang minutong pag uusap namin ay iba ibang katangian agad ang nakita ko sa kaniya.

Mukha siyang bata, at mukha din namang ma-awtoridad. Ewan ko ang bilis niyang magbago. Parang kanina lamang ay seryoso kaming nag uusap ngayon naman ay hindi ko maipaliwanag. Matapos ang pag uusap namin ay dumiretso na ako sa klase. Sa isang araw ay dalawang klase lamang ang mayroon pero limang pagsusulit depende sa kapangyarihan na mayroon ka. Kapag dalwa ang kapangyarihan mo ay dalawang pagsusulit bawat araw. Pero kahit anong pagsusulit pa ay alam kong kulang pa ang mga iyon para mahasa at makadulog sa madugong labanan.

Gusto ko sanang pamunuan ito pero madaming magiging komplikado. Madaming maguguluhan, at hindi ko alam kung alam ba ng buong academy ang tungkol sa akin at sa mga kalaban. Nang mga dumating kasing taon ay parang mapayapa lamang ang lahat. Kahapon lamang ay nakita ko ang hudyat na malapit ng dumating ang labanan, sa dugo pa lamang na iyon ay alam kong may nag babadyang kapahamakan. Ramdam ko ang pangamba ng lahat ng nakakita, iyon ay hudyat pa lamang lalo na kung dumating na ang mga kalaban. Naaawa ako na wala silang kaalam alam na nasa panganib na ang kanilang buhay.