Chapter 14
The Warning Of the President
Tahimik ang hallway at para bang walang mga immortal na mag aaral pero ang katotohanan ay marami ang nagkukumpulan. Bawat paghakbang niya ay siyang paghawi ng mga tao sa daraanan. Gumilid agad ako para hindi niya ako makita at tumalikod pa ako para makasigurado. His scent is all over the place. Bumuntong hininga ako dahil naalala ko ang sinabi ko sa kaniya.
"I wouldn't have said that, if I were you" napatalon ako sa gulat matapos kong maramdaman na nasa likod ko lamang siya at bumulong pa.
Rinig ko ang mahihinang bulungan marahil hindi nila inaasahan na ako ang dinayo ng isang bampira sa akademya. Huminga ako ng malalim bago humarap sa kaniya. Sinalubong ako ng kaniyang dibdib dahil sa sobrang lapit at tangkad niya sa akin. Tumingala ako ng kaunti at marahang inilayo siya sa akin.
"I'm sorry I forgot by the way, how did you know that I'm here?" His eyes are no longer red hindi katulad noong una ko siyang nakita. I was mesmerized by his blue eyes that I forgot how to breath in a second.
"You mean... Here? Where you trying to hide on me or here in this boring academy?" Yumukod siya at pumantay sa akin.
Napasinghap ako at napalayo ng kaunti. Rinig ko ang singhapan ng mga immortal na mag aaral sa paligid. Iba ang ngiti niya ngayon na para bang nangungutya. Nagkatinginan kami ng ilang minuto bago ko naisip kung anong hitsura naming dalawa. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at umayos ng tayo at kunwaring inayos ang suot bago tumikhim at ginala ang tingin. Nahuli ko ang tingin ng ilan sa akin at ramdam ko ang hindi pagkakomportable.
"Both" Pinilit kong hindi mautal at tumingin sa kaniyang mga mata na kanina pang nakatingin sa akin. Pakiramdam ko ay tinutunaw niya ako ng mga titig niyang iyon kaya hindi ako makatagal ng titig sa kaniya.
"I followed your fragrant scent and found you here" umayos na din siya ng tayo at hindi ko inasahan ang bigla niyang paghawak sa kamay ko at paghapit nito. Pero hindi pa man kami nakakalayo ay
"Quin" tinawag na siya ni Ezekiel. Tumigil kami sa paglalakad at tumingin ako sa likod.
His eyes are on our hands, at ngayon ko lang din napagtanto na hawak niya ang kamay ko. Napasinghap ako nang hinila ko ang kamay ko pero mas lalo lamang niyang hinigpitan ang hawak niya doon. Tumingin ako sa kaniya at kay Ezekiel naman siya nakatingin.
"Hmm?" Malamig na sagot ni Quintilion kay Ezekiel. Pa-cool pa rin siya at dumoble iyon ngayon. Ramdam ko ang tensyon sa kanilang dalawa. Quintilion looks dashing on his black cape with the red fabric inside it. He really looks vampire with his musculine body and the height.
"What are you doing here?" I looked at Ezekiel who's now looking seriously to Quin.
"Do I need to tell you? Im not one of your students here" tumingin siya sa akin at sa kamay ko na hawak ni Quin. I can sense something on the way he looks at it and I can't figure it out.
"Let her go" I looked at Quin, he's smirking. Hinila ko ang kamay ko sa kaniya at tumingin sa paligid. Everyone is staring at us. Alam kong magiging big deal na naman ito. Namataan ko sa medyo dulo ng hallway si Queen Ellen na nakatingin kay Ezekiel at kay Quin.
"She needs to fulfill something on me first" My eyes wander at Ezekiel clenching fist. Mas lalo lamang ako naguluhan dahil doon. Bakit? Muli kong ibinalik ang tingin ko sa kaniyang mukha at nakita ang nagtatangis niyang bagang. Bakit siya nagagalit?
"President" tawag ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin ng mata sa mata.
"Can I leave with him? We have something to discuss...in private" he never leave my eyes that makes me confused for a bit. I saw him gulp because his adam apples goes up and down and when I come back with his face, he's not looking at me again. He's now looking to Quin
"Kung paano mo siya kinuha ganoon mo din siya ibabalik, don't ever lay your dirty and disgusting fangs on her skin again or else..." His sight reached mine again, this time it looks so worried or I am just assuming.
"Or else what? You'll kill me?" Quin laughed fakely and it echoed to the whole quiet hallway. "I'm not scared of you Ezekiel" he almost whisper it like he did it on purpose.
"I'm not scaring you... I'm giving you a warning and I'm not going to kill you right away... I'll make you suffer first and give what you deserve" those words coming from his mouth sent shivers on my spine. Its like talking to a king.
"Psh, whatever let's go young lady" hinila ako ni Quin at nagpatinaod naman ako sa kaniya. Hindi maalis at nag eecho pa din ang mga salitang binitawan ni Ezekiel. My heart is beating abnormally for I don't know the reason why.
"Where are we going young lady?" Napatingin ako kay Quin na ngayon ay patuloy pa rin kaming naglalakad. Tumigil ako at gayon din naman siya.
"Let's go to the place where you can understand what is the meaning of mate"
Dinala ko siya sa gubat ng katotohanan, kung saan nandodoon ang nakatakda kong palasyo. Sinalubong agad kami ni Hane, ang tagabantay ng buong kagubatan.
"Mahal na reyna" yumukod siya sa akin pero agad ko ding pinatayo ng tuwid.
"Hane, ito si Quintilion isang bampira na nanggaling sa alagad ni Valentina. Quin ito si Hane ang tagabantay ng buong kagubatan" inintay kong magkamayan o magbatian pero walang nangyari.
"Naghihintay na po ang pinto" tumango ako sa kaniya at naglakad na patungo sa silid. Human portal ang tawag ko dito dahil kapag pumasok ka ay sa mundo ng mga tao ka dadalhin. Tumingin ako kay Quin na ngayon ay titig na titig sa umiikot na mahika sa pinto.
"Quin" pagkuha ko sa atensyon niya. Tumingin siya sa akin.
"Promise me one thing, just this one" hindi siya sumagot at tumango lamang.
"Don't bite her yet"