Chereads / Enchanted Academy / Chapter 18 - Chapter 16

Chapter 18 - Chapter 16

Chapter 16

Different Attributes

Pagbukas ko pa lamang ng pintuan ng aking dorm ay sumalubong agad sa akin si Ezekiel. Saktong kakatok dapat siya ay binuksan ko na agad. Nakakapagtaka lamang dahil maaga pa para bumisita siya sa akin. Balak ko sanang bisitahin ang kagubatan at personal na humingi ng tawad sa aking hindi pagdalo.

"Magandang umaga President" maagap kong pagbati.

"Ezekiel, sabi ko ay iyon ang itawag mo sa akin kapag tayong dalawa lamang" tumingin ako sa paligid at nasiguro na kaming dalawa lamang talaga.

Tumingin ako sa kaniya at itinaas ang isa kong kilay. Kumunot naman ang noo niya sa ginawa ko.

"Anong kailangan mo?" Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang inis ko pero naiinis talaga ako sa kaniya ngayon sa hindi malamang dahilan.

"Kailangan nating mag usap"

"Anong kailangan nating pag usapan para dayuhin mo ako ng ganitong kaaga?"

"Anong mayroon sa bampirang iyon para tawagin mo siya sa kaniyang pangalan at magpahawak sa kamay?" Ako na ngayon ang napakunot ang noo dahil doon.

"Iyan ang kailangan nating pag usapan?"

"Oo" hinila niya ako palabas ng pinto at sinara iyon ng malakas. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at isinandal ako sa pader na ikinagulat ko. Napasinghap ako dahil sa mabilis niyang kilos.

"A-anong oo?" Kumalabog ang dibdib ko nang inilapit niya ang kaniyang mukha at nagbigay ng kaunting espasyo hanggang sa ramdam ko na ang tungki ng kaniyang ilong. Hindi ako makahinga dahil doon.

"Ilang taon, buwan, o araw mo siya nakilala para tawagin mo siya sa pangalan niya? Ilan Mizuki..." Ramdam ko ang diin ng kaniyang tono.

Hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya dahil hindi ko talaga alam kung para saan ang tanong niya. Bakit parang iba ang tono niya habang tinatanong niya iyon? Inalis ko ang hawak niya sa magkabila kong balikat at bago pa man ako makawala ay inihampas na niya ang mga kamay niya sa pader para harangan ako. Napapikit ako dahil sa lakas ng hangin na dumaan sa mukha ko.

"Gulong gulo na ako Mizuki... Pakiramdam ko unti unti akong nilalamon ng dilim. Lagyan mo naman ng liwanag ang daraan ko papunta sayo" wala talaga akong naiintindihan sa sinasabi niya.

"A-anong bang pinag sasabi mo?" Halos pabulong ko ng sinabi dahil kaunting maling galaw ko lamang ay maglalapat ang mga labi namin.

Gusto ko siyang itulak palayo pero wala akong lakas para gawin iyon. May kakaiba ding dulot ang ginagawa niya sa akin. Parang bumabaligtad ang sikmura ko sa kakaibang paraan. Hindi matigil ang abnormal na pagtibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Wala akong makuhang sagot sa mga bago kong nararamdaman na hindi pamilyar sa akin.

"Kiel?" Pamilyar ang matinis na boses na iyon. Itinulak ko si Ezekiel at doon lamang ako nakahinga ng maluwag.

Lumingkis agad sa kaniya si Ellen, oo si Ellen hindi ko na maatim na tawagin siya na Queen. Umiwas ako ng tingin sa kanila at nagsimula ng umalis sa harapan nila. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang may kumirot sa parte ng aking dibdib. Hindi pa man ako nakakalayo ay may pumigil na agad sa akin gamit ang paghawak sa kamay ko. Malamig ang kaniyang kamay at ramdam ko ang kakaibang dulot niyon sa akin. Iniharap niya ako sa kaniya at seryosong mukha ang sumalubong sa akin.

"Kailangan pa nating mag usap, hindi pa tayo tapos" pilit kong inalis ang hawak niya sa aking kamay at hinarap siya.

"Hindi ko obligasyon na sagutin ang tanong mo..." Tumingin ako sa likod niya kung nasaan si Ellen na ngayon ay may nakakamatay na titig na sa akin pero ikinibit balikat ko na lamang iyon.

"May karelasyon ka Presidente at iyon ang obligasyon mo hindi ako, wag kang mag alala kaya ko ang sarili ko" muli akong tumalikod at nagsimula ng maglakad.

"What was that Kiel!? Did she put a spell on you? That bitch!" Iyon ang huli kong narinig bago ako makalayo ng tuluyan. Nakahinga ako ng maluwag matapos makalayo sa lugar na iyon at napahawak sa kumikirot kong puso.

"Ano itong pakiramdam na ito?.." hindi ko naiwasang mapatanong sa sarili.

"Diwata?" Napabalik ako sa reyalidad matapos marinig ang pamilyar na boses na iyon. Si Recko. Napatayo ako ng tuwid bago humarap sa kaniya ng maayos. Oo nga pala nagsinungaling ako tungkol sa aking pinagmulan.

"Recko" awtomatikong ngiti ang ibinigay niya sa akin at gayon din naman ang ginawa ko.

Tumingin siya sa paligid bago inilagay ang isang kamay sa bulsa ng pantalon. Nakadamit lamang siya ng simple na kulay puti at may tattoo sa bandang kamay at may hikaw sa kaliwang tainga habang ang buhok ay buhaghag na bumagay sa kaniyang hitsura. Mukhang galing sa mundo ng mga tao dahil sa kaparehas na pananamit niya sa mga ito. Muling tumama ang mga mata niya sa akin at nagkatitigan kami.

"Anong ginagawa mo dito diwata? Hindi ba dapat ay nasa silangang bahagi ka ng kagubatan kasama ng iyong mga kalahi?"

"Maari ba kitang makausap ng mapayapa Recko?" Naguguluhan pa siyang tumango sa akin. Dinala ko siya sa likod ng akademya kung saan mataas ang mga puno.

"Recko" panimula ko sa kaniya.

"Hmm?" Kinuskos niya ang kaniyang ilong gamit ang hinlalaking daliri niya sa kanang kamay habang ang mga mata ay nakatutok sa akin. The way he moves makes me think that he is so handsome for a wolf. Quin is also good looking and their blood is growing gracefully like them.

"Hindi ako diwata na nanggaling sa angkan ni Manolo..." Kumunot ang kaniyang kilay. Muli niyang inayos ang tindig at huminga ng malalim.

"Inaakit mo ba ako babae?" Doon naman ako napakunot.

"Hindi bakit mo naman nasabi ang bagay na iyon?"

"Dahil sa halip na magalit ako ay balak ko pang sumang ayon sa iyo... Anong ginagawa mo para ako ay magkaganito?"

"Wala akong ginagawa Recko at hindi ko din alam kung bakit ganiyan ang nararamdaman at reaksyon mo maniwala ka wala akong ginagamit na kapangyarihan sa iyo"

"Kung gayon... Bakit panatag ang loob ko sa isang katulad mo?" Napangiti ako dahil doon. Tunay nga ang sinabi ng aking ama tungkol sa magiging taga alay ko ng buhay. Nakakabit ang dugo ni Recko sa amin kaya marahil ay nararamdaman niya ang mga bagay na iyon.

"Ako ito Recko, ang nawawalang panganay ng mga makapangyarihan noon"