Chereads / Enchanted Academy / Chapter 20 - Chapter 18

Chapter 20 - Chapter 18

Chapter 18

The Three Soldier

Tahimik ang silid kung saan nakasandal si Quin sa pinto habang ang mga kamay ay nasa bulsa ng pantalon. Habang si Ezekiel naman ay nakaupo sa kaniyang upuan pang presidente habang ang kamay ay nakapirmi sa lamesa. Si Recko naman ay chill lang na nakaupo malapit sa inupuan ko habang nakahalumbaba na parang modelo.

Hindi ko alam kung paano ako napunta sa sitwasyong ito. Si Ezekiel, Quin, at si Recko ang kaharap ko. Hindi ko alam kung kakabahan ba ako o matatawa dahil sa pare-parehas nilang ekspresyon sa mukha. Nang matapos ko kasing sugatan ang sarili ko ay hindi ko naisip na sa dugo ko nga pala nababanguhan si Quin kaya kailangan pa ilayo ni Recko si Quin at tinakpan naman ni Ezekiel ang sugat ko at madaling hinilom. Sa opisina ni Ezekiel nila ako idineretsong tatlo. Walang balak na magsalita sa amin at mas lalong nakakatakot ang katahimikan nilang binibigay.

"Paumanhin sa aking nagawa" yon na lamang ang tanging sasabihin ko. Kasalanan ko na doon ko pa napiling ilabas ang dugo ko.

"Tsk tsk tsk..." Napatingin ako kay Quin nang bigla siyang nagbigay ng reaksyon na ganon. Umiiling iling pa siya na parang sobrang dismayado sa sinabi ko. Muli akong yumuko dahil sa kahihiyan na inabot ko.

"Wag mo ng uulitin ang ginawa mo, napakadelikado lalo na at kasama mo pa si Quin lalong lalo na dahil baka maamoy ka din ng mga mononggo" kalmadong sabi ni Recko. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti ng bahagya, tumango naman siya sa akin kaya panatag na ang loob ko.

"You'll receive a punishment..." Doon na nanlaki ang mga mata ko. Hinarap ko si Ezekiel na ngayon ay seryoso na rin ang tingin sa akin.

"Unang una sa lahat, sinuway mo ang utos ko na walang sinuman ang maaaring lumapit sa crime scene..."

"Pero kailangan kong malaman kung sino ang may gawa... noon" halos pabulong ko na lamang nasabi iyon dahil sa seryoso at mukhang galit na ekspresyon niya.

"Kaya ako nandoon para alamin iyon. Pangalawa, ang paggamit mo ng kapangyarihan sa labas ng akademya at sa mga royal guards mo pa napiling gawin iyon" sumandal siya sa upuan at pinagkrus ang mga braso.

"I did it" muli namang napabaling ang tingin ko kay Quin. Umiling ako sa kaniya bilang pagpapahiwatig na wag na siyang makielam pa.

"Ako ang nag utos sa kaniya na gawin niya iyon dahil hindi ako papasukin ng mga gwardya mo"

"Iyon ay dahil sa utos ko na walang sinuman ang maaaring pumasok sa kagubatan. Pangatlo, ang muli mong paggamit ng kapangyarihan kay Ellen at sa mga kasamahan nito" kumunot ang kilay ko dahil doon at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. Nananatili pa rin ang seryoso niyang mukha pero kailangan ko ng ipagtanggol ang sarili ko dahil kailangan.

"Sila ang nauna!" Napapikit siya sa aking pagsigaw at parang nagtitimpi na tumingin sa akin.

Naramdaman ko naman si Quin sa likod ko na parang kinakalma ako. Ramdam ko din ang akbay ni Recko sa akin kaya napatingin ako sa kaniya. Tumango lamang siya sa akin kaya huminga ako ng malalim. Muli akong tumingin kay Ezekiel na ngayon ay may masama ng ipinupukol kina Quin. Anong problema niya eh sa akin siya galit?

"We got your back your highness" sabi ni Quin sa aking isip. Marunong din pala siya niyon? Akala ko ay hindi niya kaya iyon dahil bampira siya.

"Get off her" madiing sabi ni Ezekiel. Inakbayan ko naman lalo sina Recko at matapang na humarap sa kaniya.

"Bakit? Inggit ka?" Nakita ko naman ang bahagyang pagkuyom ng kamao niya.

"Isang linggong sikretarya ko, iyon ang parusa mo at kayong dalawa... Hindi kayo pwedeng mamalagi dito dahil magtataka ang ang immortal kung bakit palaging may bampira at lobo dito" umirap na lang ako sa kaniya.

"Sige pero pwede bang pagsabihan mo si Ellen na hindi kita aagawin sa kaniya at wala akong balak na agawin ka" umirap ako sa kaniya at hinila na sina Recko at Quin.

" Hindi pa tayo tapos mag usap!" Napatalon ako sa gulat nang malakas niyang sinara ang pinto gamit ang hangin at hinampas ang lamesa. Natawa naman sina Quin sa reaksyon ko kaya sinaman ko sila ng tingin. Muli akong humarap kay Ezekiel.

"Ano pa pong kailangan nyo President?" Sarkastikong sabi ko sa kaniya. Huminga siya ng malalim na para bang nagtitimpi.

"Secretary kita kaya dito ka lang"

"Ngayon na yun agad?" Naghintay ako sa sagot niya pero wala akong nakuha kaya tumango na lamang ako. Inalis ko ang mga kamay ko kina Quin at Recko at umayos naman sila ng tayo.

"I'm willing to help you your highness" tumango na lamang ako at ibinaling ang tingin kay Recko.

"Tiwala akong hindi ka pahihirapan ni Ezekiel" tinapik tapik niya ako sa balikat. Ngumuso ako sa kaniya kaya napatawa siya.

"Pero hindi ako aalis dito" lumawak agad ang ngiti ko matapos marinig iyon.

"Hindi mo ako matitiis Recko" humalakhak ako at napakamot naman siya sa batok. Dahan dahan ko namang sinulyapan si Ezekiel na ngayon ay nakatingin sa akin.

Naupo ako at gayon din sina Quin. Ayoko munang magtanong kung ano ang gagawin ko, gusto ko na lang muna umupo dito. Sakto naman na pumasok sa pinto si Amel na parang nagulat pa na nandito ang bampira at lobo sa iisang silid. Dumapo ang tingin niya sa akin kaya nginitian ko siya. Gayon din ang ginawa niya bago naglakad patungo kay Ezekiel.

"Maaari ka ng bumisita sa mga magulang mo ng isang linggo" iyon ang bungad ni Ezekiel sa kaniya

"T-talaga?" Nauutal pa na sagot ni Amel. Para silang may sariling mundo kaya itinuon ko na lang ang atensyon ko kay Jecko na nakatingin pala kaya Amel. Napangiti ako ng lihim. Kinalabit ko si Jecko kaya napatingin siya sa akin.

"Gusto mo si Amel?" Umiling siya sa akin kaya tumango ako. Tumingin naman ako kay Quin na nakatingin din pala sa akin.

"Magsimula ka ng magbalot ng gamit mo bukas na ang alis mo" naririnig ko pang sabi ni Ezekiel.

"Tara na lang sa dorm ko" anyaya ko kay Quin. Gusto ko kasing ipakita sa kaniya kung saan kamk dati nagtago noong mga panahon na hinahanap kami ng mga mononggo.

"Sumama ka sa akin Mizuki... Ikaw lang" napatayo ako nang bigla kong narinig ang pangalan ko kay Ezekiel.