Chereads / Enchanted Academy / Chapter 17 - Chapter 15

Chapter 17 - Chapter 15

Chapter 15

The Solemn Member

Dinala ko si Quin sa mundo ng mga tao para ipakita ang tunay na para sa kaniya. Alam kong maaga pa para sa kaniya ito pero alam kong maganda ang kakalabasan nito kapag tinupad niya ang pangako niya sa akin. Ito rin ang pinakamagandang paraan para ipakita at ipaliwanag sa kaniya ang tunay na kahulugan ng mate sa mga bampira.

Nakatingin kami ngayon sa babaeng nagpupunas ng mga lamesa. Ito yata ang unang beses na nakaapak si Quin sa mundo ng mga tao. Hindi na rin ako magtataka na tao ang para sa kaniya dahil malaki ang porsyento na ang tao talaga ay pwedeng maging bampira. Ramdam ko ang malakas na atraksyon ng dugo ng babaeng iyon kay Quin.

"Quin" pagtawag ko sa kaniyang atensyon. Tumingin naman siya sa akin.

"Siya ang mate mo" pagkumpirma ko sa kaniya. Tumingin naman siya sa babaeng ngayon ay papalapit na sa aming gawi dahil bago kaming mga costumer. Nakangiti ito ngunit pagod na ang mga mata na hawak ang isang papel.

"Hi Mam and Sir, ano pong order nyo?" Muli kong sinulyapan si Quin na ngayon ay titig na titig na sa babaeng nasa harapan namin ngayon.

"Dalawang red velvet cake" tumango sa amin ang babae bago tumalikod.

"I don't think she is my mate..."

"Look at me Quin" he looked at me.

"You're still more fragrant than her... But she's more beautiful than you" napangiwi ako dahil doon.

"I use my power to lessen her fragrant for you to not bite her here, there's a right place and right time for that and yes Quin, she's more beautiful than I am because she's your mate and you're seeing her different from mine do you get what I'm saying?"

"Mizuki... I will commit my promise but stop using your power on me and let me smell her for seconds" napaisip ako doon. That would be risky but I wont disappoint him. Tumango ako sa kaniya at hinintay lamang namin na dumating ang babae at itinigil ko na ang paggamit ko ng kapangyarihan.

Ibinababa ng babae ang order namin at kita ko na agad ang pamumula ng mata ni Quin. Agad akong naalarma pero pinabayaan ko siyang amuyin ang babae dahil kilala ko ang mga bampira. Marunong silang tumupad sa mga pangako pero iyon ay depende pa din sa mga kaharap. At umaasa akong handa niya iyong panindigan. I suddenly look at his clenched fist showing his veins. Kita ko ang pagpipigil niya kaya napangiti ako. Nagkatinginan sila ng babae at kita ang atraksyon sa mga mata. Biglang tumingin sa akin si Quin kaya napatingin din ako sa kaniya.

"Elpora power" ginawa ko ang sinabi niya at doon siya nakahinga ng maluwag. Ang ibig sabihin lamang niyon ay gamitin ko na daw ang kapangyarihan ko. Tumayo siya at hinila na niya ako sa labas.

"When is the right time?" Iyon agad ang salubong niya sa akin pagkalabas namin.

"You'll figure it out once everything is in its right place, gagawa ang panahon ng oras para sa inyong dalawa Quin ang kailangan mo lamang gawin ay ang maghintay" tumango siya sa akin.

"Make me one of your vampire soldier, I promise to protect and be with you when you need me and that's my deepest commitment on our future Queen" yumukod siya sa akin at hindi ako makapaniwala na sinabi niya iyon. Napakurap kurap ako at hindi alam ang gagawin.

Nakabalik na kami sa mundong para sa amin. Nasa akademya na ako at kasalukuyang nakikinig sa itinuturo ng mga guro. Nabalitaan ko din na nagsisimula na ang mahirap at madugong pagsasanay ng magtatapos na sa pag aaral. Isang linggo ang inilaan para matutunan nila ang tunay na kapangyarihan para sa kanila. Iyon ang mga usap usapan dito pagkarating ko. Nakakapagtaka na hindi na pinag usapan ang nangyari kanina marahil ay binalewala na lamang din nila iyon.

"Sino ang nakakaalam ng tungkol sa nawawalang reyna?" Agad kumalabog ang puso ko dahil doon. Iginala ko ang tingin ko at nakitang wala naman silang alam kaya nakahinga ako ng maluwag. Muli akong tumingin sa gurong nasa unahan.

"Marahil ay wala ngunit pinapasabi ng presidente na kailangan nyo ng malaman ang tungkol sa kaniya. Ito ay matagal ng itinatago sa lahat at inilalabas na ang tungkol dito ngayon" napakunot ang kilay ko dahil doon. Inisip kong mabuti iyon, marahil nga ay ito na ang tamang panahon para malaman ng lahat iyon at hindi magmukhang mangmang pagdating ng araw.

"Isang pamilya sa dulo ng kagubatan ang sinasamba ng mga lobo, bampira, bruha at namin noon. Sila ang tinaguriang maswerteng dugo na dinaluyan ng dalisay na kapangyarihan. Ngunit dahil nga alam ng marami ang gustong makakuha ng kapangyarihan nila ay malimit silang mapahamak, at sa isang pagdiriwang ng isang panganay na anak sa ikaunang taon nito sa mundong ito ay nalinlang ng isang kaaway o ng mga mononggo ang pamilya. Nakuha nila ang kalahati ng kapangyarihan ngunit ang panganay na anak na iyon ang humigop ng kapangyarihan na nakuha ng mga mononggo kaya nagkaroon ito ng lahat ng kapangyarihan na mayroon kayo ngayon, walang nakakaalam kung paano ito nangyari dahil paano nagawa iyon ng isang taong gulang na babae? Kahit sa lahat ng angkan nila ay walang nakagawa niyon kaya naman itinago nila ang panganay na babae at namuhay ng ilang taon na nagtatago dahil sa trahedyang nangyari" lumakad ang guro sa gilid at nanatili ang tahimik na paligid.

Tumingin ako sa paligid at nakita ang kuryoso sa kanilang mga mata. Interesado sila dito dahil ngayon lamang nagkaroon ng kwento na hindi kasama sa kapangyarihan.

"Labingtatlong taon silang nawala at patuloy na hinahanap ng mga diwata, bampira, lobo at mga bruha pero wala ni isang nakaalam. Ngunit isang masaklap na balita ang pumutok sa kalagitnaan ng kabilugan ng buwam kung saan ang lobo at bampira ay nagkaroon ng hidwaan. Ang pamilya ay inatakeng muli ng mga mononggo sa kalagitnaan ng gabi kung saan nagkaroon ng paglalaban ang bampira at lobo. Kinabukasan ay natagpuan ang bangkay ng pamilya kung saan ang mag asawa at dalawang bata ay patay. Walang nakakaalam kung iyon ba ang makapangyarihang panganay o mga kapatid lamang. Sinuyod ng mga bruha ang buong kagubataan at napag alamang nakatakas ang panganay na anak nang gabi ding iyon. Apat na taon na ang nakakalipas ngunit wala pa ring balita sa nawawalang reyna ng kagubatan, walang nakakaalam kung buhay pa ba o patay na at ang pinakahihintay na lamang ng lahat ay ang pag asa kung kailan ang kaarawan nito sa eclipse limang buwan mula ngayon. Doon nakatakdang magliwanag ang paligid at lamunin ng sinag ng buwan ang mga mononggo sa pamamagitan ng pagpatay ng mga bampira at lobo sa mga ito habang ang mga bruha ay nakatakdang sunugin ang pugad nila. Ito din ang dahilan kung bakit kailangan nyo ng magsanay ng mabuti dahil kahit hindi pa nagpapakita ang panganay na anak ay kailangan nyong maghanda sa mga mononggo dahil maari kayong madamay"