Chereads / Enchanted Academy / Chapter 13 - Chapter 11

Chapter 13 - Chapter 11

Chapter 11

Mixed Environment

Ang lahat at nakangiti na para bang may isang magandang mangyayari ngayong araw. Hindi ko alam pero masama ang kutob ko sa mangyayari ngayong araw. Ngayong araw din ang itinakdang pagtitipon sa kagubatan. Nais ko sanang dumalo ngunit hindi ako mapakali dahil sa aking nabalitaan at gumulantang sa aking balita ngayong araw. Habang ang lahat ay bakas ang galak sa bawat ngiti at titig ng mga mata. Lahat ay kakaiba ang suot. Inilinga ko ang aking paningin at nakita ang isang lalaki na nakatingin sa akin, ngunit nang makitang ako ay napatingin ay biglang umiwas. Pinagmasdan ko iyon at wala namang napansing kakaiba.

"Sana ay may maging kabiyak ako sa mga bampira o lobo na darating mamaya" sabi ng isang babae na ngayon ay hindi maalis ang ngiti sa labi.

Iyon ang balitang aking kinagisingan. Ngayon lamang nangyari ito sa buong pamamalagi ko sa akademya. Hindi ko alam kung sino ang nagpasimuno at nakaisip nito pero nasisiguro kong hindi maganda ang kakalabasan nito. Ang paligid ay makulimlim, nagbabadya ng pagbuhos ng ulan. Ang ulap ay nangingitim at handa ng ibuhos ang laman. Hinanap ng aking mata ang opisina ng presidente.

Pagpasok ko doon ay natagpuan ko ang isang bampira na nakikipagkamay sa kaniya. Isang maputla at matipunong bampira na may mapupulang labi at nakasuot ng kapa kaya batid kong may malaki itong katayuan sa grupo nila. Natagpuan nila ang aking gawi at batid kong may pakiramdam ang mga bampira tungkol sa akin. Agad kong iniligaw ang kaniyang pag iisip para hindi niya mahalata ang aking tunay na anyo. Ito ang bagay na ikinakatakot ko, dahil hindi lamang kalaban ang naghahanap sa akin kundi ang punong ministro ng mga bampira lobo at mga bruha.

"Presidente maari ba kitang makausap?" Alam kong siya lamang ang makikinig at ang makakatulong sa akin dahil kilala niya ako. Sana lamang ay hindi niya buwagin ang tiwalang ibinigay ko sa kaniya.

"Ano iyon?" Sagot niya sa akin.

"Maari ba tayong dalawa lamang?"

Tumingin ako sa bampirang kanina pa ibinibigay ang mapanuring tingin sa akin. Tumango siya at muling nakipag usap ng saglit sa presidente bago muling tumingin at lumapit sa akin. Isang mapaglarong ngisi ang natanggap ko sa kaniya bago niya nilisan ang lugar. Bigla akong kinabahan dahil doon. Sinigurado ko munang walang ibang makakarinig ng aming pag uusap bago nagsimulang magsalita sa kaniya.

"Pigilan mo ang pagdiriwang" ani ko dito

"Bakit ako makikinig sa iyo?" Napatigil ako dahil doon.

"Hindi maganda ang kutob ko sa mangyayaring ito ngayon pang hindi pa maayos ang samahan ng bampira at mga lobo marami ang mapapahamak kapag nagkataon na dito pa sila magpasimula ng pag aaway"

"Hindi mangyayari iyang sinasabi mo"

"Paano ka nakakasiguro? Alam mong magiging malaki ang epekto nito sa mga estudyante dito dahil kahit ilang taon na sila ay hindi pa nila nararanasan ang mahirap at madugong pagsasanay na dapat ngayon ay pinamumunuan mo na"

"Hindi mangyayari iyang iniisip mo" nagtangis ang aking bagang dahil doon. Paano siya nakakasiguro na hindi nga mangyayari ito?

"Makinig ka sa akin.."

"Hindi mangyayari iyang iniisip at sinasabi mo dahil alam kong hindi mo hahayaan na mangyayari iyon" napatigil ako dahil doon. Kumunot ang aking kilay dahil sa sinabi niya.

"Hindi pa ngayon mangyayari ay nais mo, hindi pa ngayon ang tamang panahon para riyan"

"Kailan pa... Kailan mo pa balak na magpakilala? Kung kailan nandito na ang mga itim na monggo at mga mananobo? Ngayon na Mizuki ang hinihintay mo, ang hinihintay ko at ng lahat"

"Ngunit kapag nangyari iyon ngayon ay kakalat ang balita at makakarating lalo sa mga kalaban. Naghahanda pa lamang sila para sa laban at natunugan na nila kung nasaan ako. May dapat pa akong gawin bago simulan ang pakikidigma at malaki ang magiging parte mo doon kaya inuudyok ko na pasimulan mo na ang pagsasanay para sa lahat at iyong bampira kanina alam kong may iba siyang pakiramdam sa akin. Hindi dapat sila ang unang makaalam dahil magiging malaking kaguluhan lamang ulit ang mangyayari sa pagitan ng mga bampira, lobo at mga bruha!"

Iniintay ko ang kaniyang pagtugon ngunit pagtitig lamang ang natanggap ko. Ginamit ko ang kapangyarihan ko para alamin ang kaniyang iniisip ngunit pinigilan niya iyon.

"Huli na para riyan dahil naghahanda na ang mga bampira, lobo at mga bruha na dumating rito" pagkadismaya ang naramdaman ko kaya naman tiningnan ko siya. Ngumiti ako ng peke

"Ikaw ang unang nilapitan ko pero hindi ka pala makakatulong hanggang sa muli Presidente" nag teleport ako kung saan naroon ang kinaroroonan ng mga bruha. Natagpuan ko sila sa bahagi ng Mahaganihan Falls at doon ay nagpapahinga. Nilibot ko ang mga mata ko upang hanapin ang punong bruha.

"Kailangan ninyong bumalik" iyon ang aking salubong na bati dito na ngayon ay kasalukuyang inihahanda ang mahikang gagamitin niya. Tumingin siya sa gawi ko at inamoy ang paligid. Alam ko ang ginagawa niya, inaalam niya kung saang angkan ako nagmula pero katulad noon ay kasinungalingan lamang ang nalalaman niya ukol sa akin.

"Ano ang ginagawa ng anak ni Melissa na nanggaling sa angkan ng mga diwata dito sa pangkat ng mga mahiwaga?" Inikutan niya ako habang pinagmamasdan ang aking hitsura mula ulo hanggang paa.

"Narito ako upang magbigay ng babala na nanggaling sa nawawalang reyna ng buong kagubatan na kasalukuyang may ginaganap na pagdiriwang ngayon sa kagubatan" agad na nakuha niyon ang kaniyang atensyon at ngumiti.

"Nakita mo ang nawawalang reyna?" Tumawa siya na ang boses ay maliit.

"Pakeo de elemente! Walang nakakaalam kung nasaan ang nawawalang anak ng mga makapangyarihan miski ang aking mahika ay hindi iyon mahanap! Paano mo nasabi na babala iyon mula sa nawawalang reyna at hindi sa mga bampira!"

"Maniwala ka Meneste, nanggaling doon ang ibong maya kung saan ipinadala ang sulat ukol sa babala na mangyayari ngayong araw kung ayaw mong maniwala ay wala na akong magagawa, ipinadala lamang ako rito para ibigay ang mensahe na kasalukuyang inaalam kung nasaan ang reyna batay sa mahikang nakasulat... Ito ang patunay" ibinigay ko sa kaniya ang pekeng punong kahoy na may nakasulat ng mahika ko na iniba ang lingguwahe at puno ng pagsusulit. Kinuha niya iyon sa akin at sinuri.

"Totoo nga ang nakasulat sa propesiya ni Abkargan, nalalapit na ang pinakahihintay ng lahat" muli siyang tumawa at lumabas ng pugad. Si Abkargan ang nakakaalam kung anong mangyayari sa kasalukuyan at sinulat niya ito nang ako ay naipanganak. Buhay pa kaya siya? Nais ko siyang kausapin ukol dito. Sinundan ko si Meneste.

"Ebuenos Macvos!" Ang ibig sabihin nito ay may maganda akong balita. "Nalalapit na ang araw na pinakahihintay natin! Nakatanggap ako ng babala mula sa nawawalang reyna na tayo ay bumalik upang walang mangyaring masama at kailangan nating sumunod sa utos niya!"

"Huka! Huka!" Sigaw nilang lahat na may galak. Kailangan ko namang pigilan ang mga lobo.