Chapter 13
The Introduction of Revelation
Nakaharap ako ngayon sa pinuno ng mga bampira. Hindi tulad ng bruha at mga lobo ay mas mahirap makipag usap sa mga bampira. Hindi ko naman sinasabi na mangmang ang mga bruha at lobo pero mas mataas kasi ang antas at pang amoy ng mga bampira kaya ngayon ay medyo kinakabahan ako. Labis makatingin ang lider na nasa harap ko. Dumagdag pa ang bampirang ngayon ay nakatali dahil sa ginawa niya kanina sa akin.
Noong itinulak ko kasi siya ay muntikan na niya ulit akong makagat kung hindi lamang napigilan ng kasamahan niyang bampira. Blood lust ang tawag doon, marahil ay matagal na nung huling uminom ng dugo ang bampirang iyon. Pero kung nakagat niya ako ay mas malala pa ang maaaring mangyari dahil hindi lamang simpleng pagkagat ang mangyayari kundi ang pag iisang dibdib naming dalawa. Ganito ang pamamalakad at patakaran o tradisyon ng mga bampira.
"Quintilion" ma-awtoridad na pagsasalita ng lider na nasa harapan ko.
May mapuputla, makulubot at mapupulang labi ang hitsura ng babaeng nasa harap ko ngayon. Bakas sa mukha at pananalita niya ang kapangyarihan na ibinigay sa kaniya ng mga bampira.
"Valentina" pagbabalik ng sa palagay ko ay si Quintilion.
Muling nagtama ang mga mata namin at muling pumula iyon bago pumikit at kumalag ang tanikala sa kaniyang kamay.
"Alam mo ang batas natin na walang ibang diwata ang makakapasok sa ating linya ng dugo kaya ano ang gagawin mo sa babaeng nasa harap ko ngayon"
"She's my mate, Valentina"
"Paano mo nasabi? Naramdaman mo na bang lumukso at nangati ang pangil mo o uhaw ka lamang sa dugo? Magkaiba iyon Quintilion"
"I know" muli siyang tumingin sa akin. "Just let me taste your blood... Just one gulp" pinakatitigan ko siya. Para siyang bata na nawalan ng laruan habang binabanggit ang mga salitang iyon.
May matangos na ilong, mapupulang labi, hindi maputlang kulay, malaki ang pangangatawan, matangkad... At uhaw sa dugo.
"It doesn't taste sweet Quintil so dont ever dare of biting me again, I'll be needing you in the future just help me with this and let me talk to her" ngumisi siya sa akin
"Mizuki" malalim niyang bigkas sa pangalan ko. Tumaas ang sulok ng kaniyang labi at bumuka ng bahagya ang bibig. "Ang nawawalang reyna" nanlaki ang mga mata ko doon. Hindi ko alam kung narinig iyon ni Valentina ngunit nakakasiguro akong napakahina niyon sapat na para marinig ko.
"Ano ang sinasabi mo Quintilion? Sinasadiya mo bang hindi ko marinig iyon?" Mariing salita ni Valentina.
"Do you want me to tell her?" Kumalabog ang dibdib ko dahil doon.
"Ang nararamdaman mo ay isang simpleng pagkauhaw ng dugo lamang sapagkat katulad ng mga normal na tao ay inaakala ng ibang mga tao na ang Rage ay isang simpleng pagnanasa ng dugo, isang masamang buhay na hayop na hindi alam ni alintana kung ano ang target nito, at ganon din noong tumama ito nang walang babala. Ngunit kapag ang isang bampira ay binigyan ang kanyang sarili dito nang may kamalayan, ito ay malamig na tulad ng mainit, kasing makatuwiran na nakamamatay. Upang yakapin ang Galit ay upang yakapin ang isang karangyaan, isang kaluwalhatian, isang pagtanggi ng lahat ng pagpipigil ngunit hindi ng dahilan. Ito ay dalisay, panimulang sangkap, na walang hadlang ng pakikiramay o katatakutan o awa, subalit ito ay higit pa sa pagiging siklab ng galit" mahabang paliwanag ko sa kaniya.
"I can't understand" ngumiti ako sa kaniya.
"Pagkatapos kong makausap ng maayos si Valentina ay sumama ka sa akin para malaman mo ang tunay na ibinubuka ng bibig mo" kumunot ang kaniyang kilay at maya maya ay kinalas na ang kaniyang mga tanikala bago tumingin sa akin at lumabas ng kubol.
"Nakakamangha kung paano mo napaamo ang isang bampirang baliw na baliw sa halimuyak mo gamit lamang ang mga salitang inilalabas ng bibig mo"
"I didn't use my power if that's what you are pointing, I just use my eyes and brain" tumango tango siya sa akin at tumaas ang gilid ng labi.
"Bakit mo kami pinipigilan? Hindi sa akin gagana ang pagpapalit palit ng katauhan mo katulad ng panlilinlang mo sa mga bruha at lobo" alam kong alam niya iyon. Dahil habang nakikipag usap ako sa kanila kanina ay may tainga na nakakarinig niyon at siya iyon. Kaya yata siya naging lider ay dahil sa taglay niyang iyon.
"Masama ang kutob ko sa mangyayari"
"Bakit? Gaano ba kasama ang kutob mo?"
"Kapag natuloy kayo ay magsasabay ng selebrasyon kagubatan sa inyong pagsasalubong at may hangin na nakikiramdam sa akin na masama iyon kaya pinipigilan ko kayo"
"Paano kung tumuloy kami ngayon?"
"Maari kayong tumuloy pero wag na wag lang magkakaroon ng pagkagat at pag atake ang mga alagad mo batid kong hindi mo gugustuhin ang mangyayari kapag nagkataon wala pa kayo sa akademya pero mayroon ng umatake sa akin ngayon" natahimik siya doon.
"Kahit kailan man ay hindi mapipigilan ang isang rebelde kapag buo na ang desisyon nitong makipaglaban mag isa sa gera ng mga usa"
"Alam ko ang ibig mong sabihin ngunit ang aking paglapit sayo ay kakalingkuran mo balang araw, hanggang sa muli Valentina" maginahawa akong umalis doon at bumalik sa akademya.
Agad naman sumalubong sa akin si Ezekiel na nakangisi.
"Nakahinga ako ng maluwag na bumalik ka ng ligtas, alam kong gagawin mo iyon kaya naging kampante ako. Nais ko lamang palakasin ang loob mo"
"Hindi ko kailangan ng opinyon mo, umalis ka sa dadaanan ko" hinawi ko siya ngunit bago pa ako makahakbang pa ng isa ay agad niyang nahawakan ang braso ko at hinila pabalik sa harapan niya. Gulat akong nagbalik ng tingin sa kaniya habang siya naman ay titig na titig sa akin. Kakaiba ang ekspresyon ng mata niya ngayon. Hindi ko iyon mabasa at hindi ko mapasok ang isip niya.
Napasinghap ako nang bigla niya akong hapitin ng yakap. Mahigpit ang kaniyang mga brasong nakayakap sa akin. Isiniksik niya ang kaniyang mukha sa aking batok at halos tumingkayad ako dahil mas matangkad pa rin siya sa akin. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso niya dahil sa sobrang higpit ng yakap niya. Tinangka kong kumalas pero mas lalo lamang niya akong niyakap ng mahigpit.
"I won't make a promise, but I will devote my life to you and I'll make sure that I will be your only choice"