Chapter 12
Still Hiding Through Mask's
Pagkatapos kong makumbinsi ang punong bruha ay nagtungo ako sa mga lobo. Nasa labas pa lamang ako ng kubol ay doon na ako nakita ng mga lobo. Nag anyo akong diwata ngayon, ngumiti ako sa kanila at naramdaman ko naman ang kanilang hininga sa paligid marahil ay inaamoy kung anong klaseng diwata ako. Nagpapasalamat ako sa kapangyarihang ipinagkaloob sa akin dahil katulad ng sinabi ko ay nasa akin ang lahat.
Dalawang matipuno na may parehas na anyo ng katawan, hindi sila naka anyong lobo ngayon at mukhang mga pangkaraniwan na tao lamang. Mahaba ang buhok ng isa at may disenyo ang kaniyang balbas habang ang isa naman ay malinis tingnan. Doon tumigil ang paningin ko, may nararamdaman akong koneksyon sa amin sa hindi malamang dahilan. Parang agad na nakaramdam ako ng komportable kahit na alam ko ang dala niyang bagsik.
"Ikinagagalak ko na makita ang isang magandang diwata ngunit sino ang sadya ng magandang diwata na nasa harap namin ngayon?" Sabi ng malinis tingnan na lobo. Mas lalo akong ngumiti sa kanila.
"Maari ko bang malaman ang inyong pangalan ginoo?" Hindi ko naiwasang maitanong.
"Ako si Manos" sabi ng mahaba ang buhok.
"Ako naman si..." Nagtitigan kaming dalawa. Alam ko ang ginagawa niyang paninitig. Kinikilala niya ang aking pagkatao sa sikretong paraan. "Recko"
"Ikinagagalak kong makita kayo Manos at Recko, ako ang diwatang nagmula sa angkan ni Manolo at nandito ako para sana makausap si Kurbumin, nandiyan ba siya ngayon?" Nagtinginan silang dalawa na parang nag usap sa tingin lamang at muling ibinalik ang tingin sa akin.
"Hindi siya maaring magambala ngayon" si Recko.
Nanliit ang mata ko at sinubok na tingnan ang nangyayari at ginagawa ni Kurbumin. Napairap ako nang makita ang nasa tabi nitong babae na hinahalik halikan ang leeg nito. Bukod sa may kakaibang pang amoy ang mga lobo ay matinik din at babaerong likas ang mga ito kaya hindi na ako nagtataka na nakita ko iyon kay Kurbumin. Huminga ako ng malalim at kinausap sa isip ang pinuno ng mga lobo na si Kurbumin.
"Sino ka at paano mo ako nakakausap sa isip?" Ibinubuka niya ang kaniyang bibig sa pananalita.
"Papasukin mo ako Kurbumin, ako ang diwata na nagmula sa angkan ni Manolo" patuloy ko siyang kinakausap sa isip habang nagtataka naman na tumingin sa akin si Manos at Recko.
"Ano ang kailangan mo?"
"Nais kong makausap ka ng harapan habang sinasabi ko ang mga mahahalagang dapat na malaman mo" itinaboy niya ang babae at sumigaw.
"Manos! Recko! Papasukin nyo ang diwata" nagkatinginan naman ang dalawa at sabay na muling tumingin sa akin at nagbigay daan. Muli ko naman silang nginitian bago pumasok at tumango naman sila sa akin. Muling tumigil ang tingin ko kay Recko na kasalukuyang nakatingin din sa akin.
Tuluyan na akong nakapasok sa loob at nakita siyang nakatayo malapit sa apoy.
"Kurbumin kinagagalak ko ang makita ka sa harapan ko ngayon"
"Diretsuhin mo ako diwata anong sadya mo?"
"Nabalitaan ko ang magaganap na pagpupulong sa akademya ng mga may abilidad at binabalaan kita na wag na tumuloy"
"At bakit ako makikinig sa isang diwatang katulad mo? Minsan na kaming nilinlang ng iyong ninuno at may kasabihan nga na ang pag uugali ay dumadaloy sa dugo ng mga kalahi" nainsulto ako para sa angkan ng mga walang kamalay malay.
Alam ko ang naging hidwaan nila noon. Nagsimula iyon sa ama ng napangasawa ni Manolo kung saan naging kabiyak ito ni Kurbumin bago napangasawa si Manolo at doon na nagkaroon ng di pagkakaunawaan ang lahi ng mga diwata at lobo. Maraming gulo ang nasa loob na lugar na ito at mas nakakasiguro akong mas malala pa ang gulo ng mga tao dito.
"Nanggaling ang babala sa nawawalang reyna" doon na napukaw ang atensyon niya. Kahit sino naman yata ay may interes sa akin. Nangunot ang kilay niya matapos kong ipahayag ang mga salitang iyon.
"Nawawalang reyna?"
"Oo" walang pag aalinlangan kong sagot.
"Natagpuan na ba siya?"
"Hindi pa ngunit may kumakalat na balita na nanggaling ang sulat na ito sa kaniya, palagay koy may komunikasyon ang mga puno sa reyna" ibinigay ko sa kaniya ang kaparehas na sulat na ibinigay at ipinakita ko din kay Meneste. Binasa niya iyon at nagtagal ng ilang minuto bago umangat ang tingin niya sa akin.
"Totoo ba ito o nililinlang nyo na naman ako?"
"Maniwala ka sa akin Kurbumin, balang araw ay pasasalamatan mo ako dahil nagsabi ako ng totoo"
Tuluyan na akong lumisan doon dahil alam kong hindi na sila tutuloy. Napabuntong hininga naman ako matapos akong mapatapat naman at makikipag usap sa mga bampira. Malapit na sila sa akademya at palagay ko ay siguradong sigurado na ang pinuno nila. Hindi ko kilala kung sino ang pinuno nila dahil bawat taon ay papalit palit sila hindi tulad ng lobo at mga bruha. Napatigil ako sa akmang pagpasok sa silid nang may humawak sa aking braso. Napaigik ako nang itulak niya ako sa punong kahoy at tumama ang likod ko sa kumpol ng dahon na may sanga.
Isang hininga ang nagpatayo ng balahibo ko sa buong batok. Mabilis na tumibok ang puso ko sa hindi malamang dahilan. May kakaibang dulot ang hiningang iyon sa aking tiyan na para bang ito ay nag sasaya. Iminulat ko ang aking mga mata at sinalubong ng dalawang mapulang mata na ngayon ay tutok na tutok sa akin. Ang mapupulang labi na ngayon ay nakangisi at ang kutis niyang maputi ngunit hindi maputla kaiba sa ibang bampira. Ang kaniyang halimuyak na siyang mas lalong nakakaakit.
"You're so fragrant and beautiful for a young lady, may I know your name?" he put my long hair on the back and sniff my neck causing goosebumps all over my body.
It tooks minutes before I felt his fangs slowly touching my skin. That made my reflexes push him off me. Im thankful that I push him off with me that fast that he also didn't see it coming. I sighed in relief that it woke me to the reality. I almost mated on him, what a relief.
"A vampire like you can't be mated on me, young man"