Chereads / Enchanted Academy / Chapter 1 - Prologue

Enchanted Academy

🇵🇭Jessa_Altarejos
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 41.9k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Prologue

"Mizuki takbo!"

"Mama!"

"Tumakbo ka na iligtas mo ang sarili mo!"

Umiling ako sa kanila. Duguan at may mga saksak ng kung ano anong mahika ang kanilang katawan. Iyak lang ako ng iyak habang tinutulak nila ako palayo sa kanila.

"Mizuki dalian mo tumakbo ka na!"

Umiling akong muli sa kanila.

"Sasama ako sa inyo! Ayokong maiwan dito!"

Humihikbing sagot ko sa kanila. Pilit nila akong tinutulak palayo sa kanila. Nakita ko ang mga kapatid kong nakalapag na sa damuhan dahil sa dami ng sugat na tinamo nila sa mga kalaban.

"Dalian mo na anak! Baka matunton at makuha ka ng kalaban! Hindi ito ang buhay na gusto kong makamit ko habang buhay gusto kong mabuhay ka na walang takot at puno ng lakas! Ikaw na lamang ang natitirang pag asa ng buong kagubatan dalian mo at tumakbo ka huwag na huwag kang lilingon anak! Mahal na mahal ka namin!"

Umiling akong muli at nakita ang mga kalaban na tumatakbo palapit sa aming direksyon. Gumawa ako ng malaking harang at dinoble ang lakas niyon. Nilapitan kong muli sina Mama at Papa para gamutin.

"Lumapit po kayo sa akin kaya ko kayong gamutin!"

Umiling sa akin si Mama.

"Umalis ka na! Iyon lamang ang gusto ko!"

"Ayoko kayong iwan dito! Mahal ko kayo at kayo na lamang ang natitirang pamilya ko!"

"Mas lalong mauubos ang lahi natin kung hindi ka tatakas ngayon wag mong sayangin ang pinaghirapan ng buong angkan natin dahil lang sa amin humayo ka na at wag ng lilingon pang muli sa amin!"

Sabi sa akin ni papa at tumingin sa mga kalaban na ngayon ay nagkakaroon na ng gitak ang ginawa kong harang. Tumingin siyang muli sa akin at itinulak palayo sa kanila.

"Mahal na mahal ko kayo at ipinapangako kong hindi ko kayo bibiguin! Ipagpaumanhin nyo ang aking katigasan ng ulo dahil sa akin ay nangyari ang lahat ng ito"

Humahaguhol kong sabi.

"Wala kang kasalanan at tadhana na ang gumawa ng paraan para sa ating lahat! Mahal na mahal ka namin at wag mong iisipin na kasalanan mo ang lahat ng ito! Tumakbo ka na!"

Sabi sa akin ni Papa.

"Dire diretsuhin mo ang daan na iyan at may makikita kang eskwelahan sa dulo! May taong sasalubong sa iyo sa labas! Siya ang magbibigay ng kailangan mo sa lahat! Wag na wag kang lilingon sa amin at wag kang titigil kahit anong mangyari! Magpatuloy ka hanggang sa makakita ka ng larawan!"

Tumango ako at tumakbo palayo sa kanila. Takbo lamang ako ng takbo pero bigla akong natisod sa isang baging kahoy. Sumubsob ako sa lupa.

"Ah!"

Sigaw ko dahil sa sugat na natamo sa aking tuhod at may nakapasak na kahoy sa aking talampakan.

"Hmp!"

Impit na sigaw ko habang inaalis ang pasak na iyon sa paa ko. Napakagat ako sa braso ko hanggang sa puro dugo ang lumabas sa talampakan ko. Huminga ako ng malalim at ikinalma ang sarili.

Lumapat ang malamig na mahika sa aking talampakan hanggang sa nakita ko ang paghilom niyon. Isinagawa ko ang parehas na paraan at itinapat ang kamay sa aking tuhod. Muling naghilom iyon.

Muli akong tumayo at tumakbo at nadaanan ang isang nakaharang na puno. Nakita ko ang parehas na madilim na parte na palihis sa aking daan. Ipinikit ko ang aking mga mata at kinausap ang nilalang sa aking isip.

"Maganda at mahiwagang puno tulungan mo akong makarating sa paroroonan ko"

"Sino ka para tulungan kita?"

"Ako ang lahat, ako ang tagapagligtas, ako ang gaganap na maghahari sa mundo pagdating ng araw ako ay ako"

Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ang punong tumabi sa dinadaanan ko.

"Magbibigay daan kaming mga nilalang ng lupa iligtas mo ang mundo laban sa masama at palitan ang kadiliman ng kaliwanagan"

Inintay kong matapos sila sa paggalaw at muling tumakbo. Hindi ko na ginamit ang kakayahan kong bilis sapagkat may limitasyon lamang iyon.

"Salamat mahiwaga at magagandang puno"

Sabi ko sa isip ko sapat na para marinig nilang lahat. Yumukod silang lahat sa akin kaya nagpatuloy ako sa pagtakbo. Kinausap ko ang hangin.

"Mabining hangin ituro mo sa akin kung saan ang tungo ng aking pagtakbo ngayon"

Umihip ang malakas na hangin habang ako ay hinihingal na tumatakbo.

"Malapit ka na sa paroroonan mo sundan mo ang aking pag ihip mahal na reyna"

I reduced my energy and go with the wind. Naramdaman ko ang panganib na nakaabang sa akin kaya kinausap ko ang apoy.

"Mainit at nag aalab na apoy ako ay dinggin mo, sunugin ang lahat ng haharang sa daraanan basta may masamang binabalak sa iyong mahal"

Habang tumatakbo ay naramdaman ko ang nakasunod na apoy sa hangin at umuna ito sa amin. Napapagod na ako pero hindi ako pwedeng tumigil sa pagtakbo. Tinawag ko ang mga diwatang gubat.

"Mga mababait at matulunging diwata ako ay gabayan nyo at bigyan ng maraming lakas sa aking paglalakbay gamit ang aking mga paa sa pagtakbo tulungan nyo ako"

Nagliwanag ang kapaligiran at lumutang ang aking mga paa galing sa lupa. Kailangan kong tawagan ang lahat ng elemento ngayon. Iniangat ako ng liwanag at bumilis ang aking paglipad. Wala akong pakpak at ang hanging liwanag ang nagdadala sa aking buong katawan.

Dinala ako ng liwanag sa isang pangpang at nakita ang dagat. Nagtatakang ibinaba ako ng liwanag at nawala ang hanging gumagabay sa akin.

"Bakit rito nyo ako dinala?"

Hindi sila sumagot kaya mas lalo akong kinabahan. Umiling ako at inalis ang pangamba sa isipan.

"Alam kong tapat kayo sa akin kaya pagkakatiwalaan ko kayong lahat salamat sa nakamit na tulong mga nilalang"

Sabi ko sa aking isipan. Iginala ko ang tingin ko sa dagat sa harapan ko habang pinapaligiran ng mga puno. Mukhang isa itong pagsubok. Nag isip ako ng paraan para makaalis doon. Napadako ang tingin ko sa isang ibon na ngayon ay nakatingin din sa akin.

"Ibong marikit ano ang dapat kong gawin ngayon?"

Kinausap ko siya sa isip at nakita itong lumipad sa isa pang puno. Nakita ko doon ang mga bubuyog.

"Mga bubuyog bigyan niyo ako ng tanda sa aking gagawin"

Lumipad ang mga bubuyog sa isang sanga ng puno. Kakaiba iyon sa mga puno na nakikita ko. Nagtungo ako doon at hinawakan ang kaniyang katawan. Bigla akong nilamon ng liwanag at nakita ang isang bulto na naghihintay sa akin sa dulo ng liwanag.

"Maligayang pagdating Mizuki"