Chereads / Enchanted Academy / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 2

Bullying

Umupo si dean sa kanyang trono at sinenyasan akong maluhod sa kanyang harapan.

"Mizuki anong nangyari doon? You're too good to do bad things kaya hindi ako naniniwala na ikaw ang nagpasimula doon"

Sabi ni dean. Kung alam niya ay dapat hindi ako ang pinatawag niya. Malakas kasi ang impluwensiya ng pamilya ni Queen Ellen kaya ako ang mangyayaring may kasalanan dito. Iyon ang ayaw ko sa eskwelahang ito. Oo nga at nakakapag aral ako ng maayos at naibibigay ang lahat ng pangangailangan iyon nga lamang ay bias naman sila sa mga estudyante dito. Kung sino ang sa tingin nilang may malaking maiitulong sa kanila ay doon sila malapit kahit alam nilang may mga pagkakamali ang mga ito.

"I dont know dean"

Tumangi ako dahil kahit sabihin ko ang totoo ay hahaba lamang ang usapang ito. Halatang walang patutunguhan sa nangyaring insidente.

"That's impossible Mizuki bakit nila gagamitin sayo ang kanilang mga kapangyarihan kung hindi mo alam? Hindi ako tumatanggap ng mga sinungaling na estudyante dito"

Gustong gusto kong sabihin na sana hindi na rin sila tinanggap ng estudyante na magpapakita na mas may awtoridad pa sa kanila at under sila ng mga ito.

"Dean maayos po akong naglalakad sa hallwy pero isang hindi inaasahang pangyayari ang nangyari kaya nangyari ang lahat ng iyon kanina"

Sinserong sabi ko kay dean dahil iyon naman talaga ang nangyari doon. Hindi ko nga lamang sinabi ang eksaktong nangyari doon.

"Mizuki anong eksaktong nangyari doon? Sabihin mo sa akin ang totoo"

Lalaki pa ang gulo kaya hindi ko na sinabi pa.

"Pasensiya na dean hindi ko kasi talaga kilala hindi naman ako palagala sa Academy"

Hayst bagal.

"Hindi mo alam? Talagang hindi mo kilala? You know i can help you. Thats kind of bullying"

Kapag sinabi ko bang si Queen Ellen iyon ay maaksyunan niya iyon? Baka ipagsawalang bahala na lamang niya ang ginawa niyon sa akin kaya wag na lang.

"Opo dean"

Magalang na sagot ko dito. Nakakangalay din lumuhod dito dean baka naman pwedeng s na ang interrogation na ito. Napabuntong hininga ako

"Pwede mo bang sabihin sa akin ang itsura? Pananamit? Galaw o pananalita?"

Hayst hindi pa ba matatapos ito? Kahit naman sabihin ko ang totoo ay walang mangyayaring aksyon pagkatapos. Kaya wag na lang natin pahabain ang usapan. Bias ang academy na ito kahit ano pang magandang benepisyo ang makuha ay mananatiling bias ang tingin ko dito.

"Pasensiya na dean pero hindi ko talaga kilala at dahil hindi ko naman nakita"

Mas magandang manatiling sikreto ang nangyari.

"Oh sige pagbibigyan kita ngayon pero sa susunod ay magsabi ka na para maaksyunan natin. Makakaalis ka na salamat sa iyong oras na inilaan"

Nginitian ko sya. Wala naman akong pwedeng gawin para matigil siya sa pagtatanong.

"Walang anuman po Dean hinding hindi na po mauulit ang nangyari. Salamat din po sa oras una na po ako dean"

Sa wakas natapos din kahit medyo napatagal.

"Pasensiya ka na sa nangyaring ito hayaan mo at sasabihan ko ang mga estudyanteng nagtutuok sa iyo ng kanilang kapangyarihan hanggang sa muli nating pagkikita Mizuki makakaalis ka na"

Alam kong hindi mangyayari ang sinabi niyang iyon dahil hanggang salita lamang siya iyon ang bagay na napatunayan ko sa kaniyang pamamalakad.

"Sige Dean una na ako may klase pa ako"

Matapos ng mahabang usapan namin ng dean ay dumiretso na ako sa aming silid. Hindi na ako nag madali dahil maintindihan naman siguro ng aming guro kung bakit ako nahuli. Pumasok ako sa silid at tumungo.

"Pasensiya na po guro at nahuli ako sa klase"

Nakatungo kong sabi dito.

"Ayos lamang umupo ka na at habulin ang klaseng nawala"

Tumango na lamang ako bilang pagtugon.

Nagsimula ng mag discuss ang aming guro. Nakinig ako hanggang sa matapos ang discussion. Lunch break na kaya naglabasan na ang mga classmates ko nagpahuli ako kasi ayokong makipag unahan sa kanila. Ako lang kasi ang may makapal na salamin at libro sa buong academy. Baka ma-bully ulit ako kung ipagsisiksikan ko ang sarili ko.

Pumunta akong mag isa sa magical canteen namin para bumili ng colorful cake. Yes colorful dahil lahat na yata ng kulay ay makikita at malalasahan mo dito. Papasok na sana ako ng may biglang nagbuhos saken ng sweet juice. Yumuko na lamang ako sapagkat alam ko na kung sino ang gagawa non. Here we go again.

"HAHAHA"

tawanan ng lahat ng nasa loob.

"HAHAHA ano tutungo ka na lamang diyan?"

Sabi ni Queen Ellen, pumapalakpak sya ng dalawang beses. Pasikat amp.

"Guys!"

Pagsigaw pa nito. May binabalak na naman ang reyna kunong ito.

Biglang nagsilabasan ang mga may dalang magic spaghetti, colorful cake, at sweet juice. Lahat sila ay nakangisi na animoy mga demonyong may gustong patayin. At sa kasamaang palad ako ang biktima nila. Hindi talaga sila titigil sa pang aapi ng kung sino.

"Ngayon na!"

Sabi ni Queen Ellen.

Sabay sabay silang lumapit sa akin ng nakangisi. Habang naglalakad sila papunta sa akin ay marami akong iniisip na gustong gawin ngayon ngunit baka ikapahamak ko lamang ito. Nang tangkang ibubuhos na saken ang lahat ng magic foods na yon ay napapikit na ako. Inintay kong may pumatak sa aking sari saring pagkain dito.

"Tumigil muna kayo!"

Sigaw na pagpigil ni Queen Ellen. Iminulat ko ang aking mga mata.

Natigilan ang lahat. Lumayo ang lahat sa akin at unti unti namang lumalapit sa akin si Queen Ellen nang nakangisi. May araw ka rin.

"Bakit ba ayaw mong gamitin yang kapangyarihan mo ha? Para iligtas yang sarili mo! Oh baka naman wala kang kapangyarihan kaya hindi mo kayang lumaban"

Lalo akong napayuko at sya naman ay nag iikot ikot sakin. Kung alam mo lang kung anong kaya kong gawin sa iyo.

Hahawakan nya dapat ang kamay ko ngunit iniwas ko iyon sa kanya sapagkat may kapangyarihan syang alamin kung ano ang aking kaanyuan. Maaga pa para malaman nya at ng lahat. Maaga pa para ito sa lahat. Hindi pa ito ang takdang panahon para maisakatuparan ang lahat ng pagtatago at pinaghihirapan ko. Tiningnan ko siya ng blangko sa mata.