Chapter 7
Gubat Ng Katotohanan
Nagdulot ng isang malaking pagsabog sa lugar na iyon. Nang mawala ang makapal na usok ay nagulat ang lahat ng biglang nawala sa paningin nila si Mizuki. Nakita ko sya malapit sa pintuan ng kanyang condo. Halos takbuhin ko na ang paglapit sa kanya. Naabutan ko syang binubuksan ang magic door knob niya kaya agad kong hinawakan ang kanyang kamay at kinuha ang susi saka ko minadaling buksan ang kanyang condo. Hinila ko sya papasok at nilock ang pinto. She can't look at me straight in the eyes. I want to see something on her eyes. I want to know her more. I want to protect her as far as I can. I want to own her whole.
Nakayuko lamang siya sa akin habang hawak ko ang kanyang kamay. Mukha siyang takot at iyon ang ayaw kong makita sa kaniya. Hindi ko alam kung anong sumapi sa aki pero bigla ko siyang hinapit sa isang mahigpit na yakap. She stilled, hinigpitan ko lalo ang yakap sa kaniya. Parang gusto ko na lang na ganito kami. I sound gay but I'm starting taking this addiction. She's my addiction. I know its too early to say this but...
"You're safe"
I finally said my words to her.
I held her chin and slowly took her face up and label it on mine. Ako ang nagulat nang mag iba iba ang kulay ng mga mata niya. Binawi ko ang kamay kong nakahawak sa baba niya at napaatras patalikod.
"A-anong nangyayare sa mga mata mo?" pagtatanong ko, subalit sa halip na sumagot ay yumuko lamang siya. It's amazing!
"Uulitin ko ang katanungan ko anong nangyayare sa mata mo" pag uulit ko dito ngunit hindi pa rin siya tumutugon. I guess she's scared because I appear all of a sudden.
"Huwag ka ng matakot sa akin Mizuki alam ko na kung sino ka talaga, alam ko na ikaw ang magiging reyna ng lahat ng kapangyarihan sapagkat nasa iyo lahat ng kapangyarihan" Doon na siya tumingin sa akin at doon ko nakita ang mga mata niyang kaakit akit. Mukhang ikinagulat nya iyon kaya nag angat sya ng tingin.
"Pano mo nalaman ang tungkol doon?" Bakas ang gulat sa kaniyang mga mata. Ako ang batas sa academy na ito pero siya ang nakatakdang mamuno ng lahat.
"Mizuki matagal na kitang sinusundan kaya alam ko na ang lahat ng sikreto mo hindi ako naging presidente lamang basta" taas noong sabi ko dito hindi siya nakapagsalita.
"Kaya sabihin mo sakin kung anong nangyayari diyan sa mga mata mo" pag uulit ko pa dito.
"Akala ko ba alam mo na ang lahat ng sikreto ko President?" Nakangisi niyang pahayag.
" Alam ko ang tungkol sa iyo kaya sa ayaw at sa gusto mo ay sasabihin mo sa akin ang gusto kong malaman o ipapaalam ko ito sa punong mga bruha at ministro" doon nabago ang pagpapalit palit ng kulay ng mata niya at tumigil iyon sa kulay itim. Ang normal niyang mga mata.
"Kaya ganito ang mata ko ay da-dahil ganito talaga ito sa tuwing nagagalit ako. Minsan naman kapag nagpipigil akong magalit kaya mas pinipili ko na lamang tumungo sapagkat ayaw kong katakutan nila akong lahat. I'm not born to scared people, I born to save them"
"Bakit hindi mo sabihin sa kanila na ikaw ang magiging reyna gusto mo tulungan kit—" bigla nyang pinutol ang dapat kong sasabihin.
"Wag na wag mong gagawin iyon" biglang siyang naging seryoso at wala kang makikitang emosyon sa mukha nya kasi blangko iyon bagay na ayaw kong makita sa kaniya. Nakaramdam agad ako ng pagkirot ng munting sakit sa aking dibdib.
"B-bakit?" Utal utal ko pang sabi dito.
Makinig ka na lamang sa akin kung ayaw mong mapahamak kayong lahat. Tandaan mo ang sasabihin ko sayo huwag na huwag mong ipagsasabi ang nalalaman mo tungkol sa kung sino ako maaaring ikapahamak nyo iyang lahat lalong lalo na ako kapag nalaman ng lahat kung sino talaga ako" seryosong sabi nya at bigla na lamang naglaho. Napaupo ako sa pagkabigla dahil sa mga lumabas na salita sa labi nya.
Nilinga ko ang aking mga mata at hinalughog ang buong condo niya. Pumasok ako sa salamin ngunit iba na ito ang hitsura nito kaysa sa unang pagpasok ko dito. Kaunti lamang ang makikitang liwanag at natatakot akong tumuloy sa kung saan dahil malawak iyon at mahirap maligaw.
"Psst" napatigil ako sa paglalakad at tiningnan ang paligid. Walang katao tao kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad.
"Psst!" May sumisitsit sa akin at hindi ko makita kung sino ito.
"Nasaan ka! Magpakita ka!" Sigaw ko dito.
"Nandito ako sa gilid ng iyong mukha" tiningnan ko ng dahan dahan ang aking mukha at nakita ang isang maliit na diwata doon.
"Anong kailangan mo sa akin?" May isinaboy siyang kung ano sa akin na nagsanhi ng aking pagbahing.
"Anong ginagawa mo dito isang estranghero" maliit na tinig nito.
"May hinahanap akong napakahalagang tao"
"Tao? Ngunit walang tao ang kayang makapasok dito"
"Hindi talaga siya tao, siya ang reyna nandito ba siya?"
"Anong kailangan mo sa reyna? Malayo dito ang kastilyo ng reynang maharlika batid kong nagkamali ka ng pinasukang gubat estranghero" kumunot ang kilay ko doon.
"Tama ang aking pinasukan ko kaya hinahanap ko siya dito" paglaban ko pa dito.
"Ngunit ang hindi paniniwala sa pahayag ng isang katulad ko ay isang pagkakamali nagsasabi ako ng totoo gubat ito ng katotohanan kaya nakakapagtakang hindi ka naniniwala sa aking mga sinasabi nasaktan mo ang aking damdamin estranghero may batid akong babala sa iyo at iyon ay paniwalaan mo unabis ay umalis ka na dito pakeo de elemente! pakeo de meseme ey meleskeso!"
Mahigpit na ipinikit ko ang aking mga mata dahil may usok siyang ibinuga at naghatid iyon ng pagkirot ng aking paningin. Nang mawala ang sakit ay iminulat ko na ang aking mga mata ng dahan dahan at sa una ay malabo pa ngunit nang luminaw ay napag alaman kong nasa tapat ako ng aking opisina.
Pumasok na ako sa aking opisina at doon nabuo sa mga tanong sa aking isip.