Chereads / Enchanted Academy / Chapter 10 - Chapter 8

Chapter 10 - Chapter 8

Chapter 8

Someone POV

"Panginoon matutuwa kayo sa aking ibabalita" nakuha ng utak bia ang aking atensyon.

"Siguraduhin mong matutuwa ako papatayin kita kapag hindi ako natuwa" pagbabanta ko sa kaniya pero malaki ang ngisi niya sa akin marahil ay maganda nga ang kaniyang ibabalita.

"Sigurado ako panginoon" lumapit pa ito sa akin

"Kung gayon anong ibabalita mo sa akin?"  Mukhang maganda ito sapagkat nakangiti itong sumalubong sa akin.

"Panginoon sa aming pagmamatyag sa buong kagubatan ay may naramdaman kaming gumamit ng tatlong kapangyarihan na iisang tao lamang ang gumamit at natitiyak ko sa inyong babae ang nagmamay ari ng kapangyarihang iyon" bago nga ito dahil karaniwan sa mga nararamdaman naming gumagamit ng kapangyarihan ay isa o dalawa lamang ang nagagamit. Mukhang natutunugan ko na ang sinasabi nya. Napangiti na rin ako dahil sa balitang iyon.

"Anong ibig mong sabihin?" Kailangan kong makatiyak.

"Malapit na nating matunton ang babae panginoon" humalakhak ako.

"Magaling Elezar pinahanga mo ako akala ko ay puro katangahan na lamang ang magagawa mo at kung gayon dalhin mo sa akin ang babaeng tinutukoy mo" nakangising utos ko dito. Nararamdaman ko na ang nalalapit na pagtatagumpay ko.

"Masusunod panginoon"

Yumuko ito at tumango upang sundin ang utos ko.

Mizuki POV

Pagkatapos lumabas ni Ezekiel ay humiga na ako sa sikretong silid bukod sa salamin. Maraming punapasok sa aking isipan. Maraming plano din ang gusto kong gawin.

Dumating na ang araw na kinatatakutan ko. Nagamit ko ang aking tatlong kapangyarihan at may posibilidad na matunton ako ng mga kalaban. Kailangan ko ng dobleng pag iingat. Hindi pa ito ang tamang panahon para ako ay magpakilala sa lahat. Bukod sa hindi pa ako handa ay maraming mangyayaring masasama.

Nagulat ako nang may biglang kumatok ng malakas. Nakaramdam ako ng kaba sa aking dibdib. Bakit kaba ang aking nararamdaman? Bago ito sa akin. Gamit ang aking kapangyarihan tiningnan ko kung sino ang nasa labas. Madilim na pala sa labas kaya ganon na lamang ang aking pagtataka nang may nakita akong lalaki.

Nag invisible ako para makita ang kanyang mukha. Ngunit mas nadagdagan ang kaba ko ng makita kong wala itong muka. Puno lamang ng nag aalab na itim.

Nakasuot sya ng unipormeng pang guro. Pero ang katotohanan ay nakasuot sya ng itim na balabal, itim na sumbrero, itim na pangkamay, itim na damit, at itim ding kapa. Masama ang kutob ko dito. May masama akong pangitain dahil sa pakiramdam na ito.

"Sino ka?" Saad ko dito.

Di ko na namalayan ang nangyari. Hindi ako makahinga at batid kong ako ay kanyang sinasakal. Pinaghalong gulat at kaba ang aking naramdaman. Napapapikit na lamang ako sa higpit ng kaniyang pagkakasakal. Sinubukan kong gamitin ang aking kapangyarihan ngunit may malakas na mahikang pumipigil sa akin.

"Si-sino k-ka?"

Hirap na hirap akong magsalita sapagkat ako ay hindi na makahinga ng ayos. Sinubukan kong tawagin at gamitin ang aking kapangyarihan ng puwersahan para tawagin ang hangin. Ngunit agad ding napatigil nang mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakasakal sa akin. Sobrang hinddi na ako makahinga kaya naman alam kong mawawalan anumang oras ay mapunta ako sa mundo ng mga paro paro.

Ezekiel POV

Kasama ang mga maaasahang guwardiya ay sumama ako sa paglilibot sa akademya upang masiguro na wala ng pakalat kalat na estudyante ng ganitong oras. Madali naman naming natunton ang mga estudyante na naglakas loob na magtago sa amin. Bilang presidente ay hinding hindi ko pinapayagan iyon. Magkakahiwalay kasi ang mga condo dahil malawak naman ang akademya. Naglalakad na ako papunta sa condo ni Mizuki at natanaw ko na ang kanyang pintuan. Ngunit nagulat ako nang may makita akong guro dito. Ito ay malakas kumatok. Agad na nagsalubong ang aking mga kilay dahil walang guro ang mangangatok ng ganitong oras. Nagpapasalamat ako na walang nag bubukas kaya naman mas lumapit pa ako doon.

Maglalakad na sana ako papalapit sa gurobg iyon nang nakita kong may sinasakal ang lalaking gurong ito pero wala naman akong nakikita. Malakas ang kutob kong may masamang binabalak ang gurong ito.

Ang aking tangkang paglapit ay muling natigil ang aking paghakbang sa gulat. Nakita kong malinaw na malinaw na si Mizuki ang kanyang sinasakal. Kitang kita ko sa kanyang mapupulang mukha na sya ay nahihirapan ng huminga hanggang sa sya ay pumikit at nawalan na ng malay. Tumatakbo akong lumapit doon at ginamit ang kapangyarihang apoy upang mawaksi ang kaniyang ginagawang kasamaan. Pinugot ko ang kaniyang ulo sapat na para mawala ang galit ko.

"Walang hiya ka! Nawa ay talikuran ka ng bahay ng mga paro paro dahil sa ginawa mo kulang pa ang pagpugot sa ulo mo kapalit ng buhay na binabalak mong tapusin! pakeo de elemente!" Batid kong hindi na siya makakasagot pa sa akin dahil nagkalat ang purong itim na likido sa kawawang damuhan.

"Mizuki" naghintay ako ng pag sagot ngunit hindi pa rin sya sumasagot.

Nagulat na lamang ako nang unti unting nabubuong muli ang ulong pinugot ko. Agad akong naggawa ng malakas na bolang apoy para itapon dito ngunit bago ko pa iyon magawa ay naglaho na ito sa harap ko. Muli kong inilibot ang aking mga mata at nakita ang mga tumatakbong gwardiya sa aking pwesto. Ibinaling ko naman ang aking atensyon sa babaeng ngayon ay wala ng malay.

Agad kong siyan nilapitan at binuhat papasok sa kanyang condo. Hindi ako makapapayag na mangyari ulit ang ganito lalong lalo na sa loob ng aking akademya at lalong lalo na kay Mizuki. Talagang delikado ang kaniyang buhay sa lugar na ito. Tiningnan ko ang kaniyang kalagayan at sinubok ang kaniyang paghinga sa pamamagitan ng aking pandama. Mukhang normal na ang pagdaloy ng hangin sa kaniyang katawan.

Nagtatangis bagang at nagngangalit na mga kamao ang ginawa sa akin ng labis na galit. Gusto kong mapatay ang elementong iyon! Nakita ko ang mapulang marka sa leeg ni Mizuki at napasuntok sa pader. Hinihingal na bumilang ako ng tatlong numero para pakalmahin ang sarili at muling humarap sa mahimbing na natutulog. Marahan kong pinalandas ang aking mga daliri sa bahanging mapula.

"Kapangyarihang yelo paghilumin at ibalik sa dating kulay ang bahaging ito"