Chereads / Enchanted Academy / Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 3

Ang Mga Pagparo

Ngumisi siya sa akin na para bang isa akong katatawanan lamang sa kaniya.

"Oh bakit ka umiwas? Baka naman natatakot kang malaman kung sino ka talaga ha? Baka isa ka sa mga walang kapangyarihan talaga at walang kakayahan! Ano!"

Nang akmang hahawakan nya ulit ang kamay ko ay hindi na ako nakapagtimpi. Naunahan kong hawakan ang kamay nya ng mahigpit. Ikinagulat nya iyon. Pinanatili kong kalmado ang galaw ko at pag tingin sa kaniya. Pinagtitinginan na din kami ng mga tao dito sa magical canteen namin. She is always the center of attraction when it comes to bullying.

"Queen Ellen ito na po ang aking kamay para po malaman na ninyo kung sino ako at ano ang kayang taglayin ng isang katulad ko"

Sabui ko habang nakayuko. Ngumisi siya bago itinirik ang mga mata at lumiwanag ang kaniyang noo. Ginawa nga nyang hulaan ako subalit kasinungalingan ang lahat ng nalaman nya sa akin. Katulad ng sabi ko ay hindi pa ito ang oras para doon. Mayroon akong  kapangyarihan na ibahin ang lahat sa isang bagay katulad ng anyo at kung saan ako nagsimula. Kayo kong baguhin ang mga bagay bagay. Nagmulat sya ng mata at nagulat ako ng titigan nya ako ng may galit sa mata. May halo din iyong pangungutya kaya alam ko na ang kahahantungan nito.

"Ang yabang yabang mo eh yelo lang pala ang taglay mong kapangyarihan? Galing ka pa sa isang mahirap na pamilya. Kinakaawaan kita isang nilalang na walang binatbat!"

Humalakhak siya at masamang tiningnan ang mga alagad niya. Biglang nagtawanan din ang mga ito na halatang peke naman.

"Opo Queen Ellen"

Sabi ko dito at napangisi nang makita ang ilang estudyante na masama ang tingin sa kaniya. Marahil ay tinapakan niya ang pagkatao ng mga ito dahil minamaliit niya ang kapangyarihan ng yelo.

"Kaya pala hindi ka makalaban laban dahil wala ka naman palang ibubuga!"

Nakataas pa ang kilay nito na animoy sobrang taas niya sa amin. Napailing ako sa kaniya at muntikan ng mapatighim dahil sa kayabangan niya. Hindi na ako sumagot at yumuko na lang. Nagsialisan na ang ibang tao. Inintay kong umalis ang lahat bago ako pumunta sa sarili kong condo. Dumeretso ako sa banyo at naligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis at humiga na lamang ako sa kama buong araw.

Naramdaman ko na naman ang pag iisa. Nalulungkot ako sa tuwing maiisip ko na mag isa lang ako sa buhay. Naramdaman ko ang pag init ng gilid ng mata ko. Agad kong pinigilang tumulo iyon subalit hindi ko nagawa. Nagtuloy tuloy ang pag iyak ko hanggang sa makatulog ako.

Nagising ako sa nararamdaman kong sa sakit sa buong katawan ko at mas lakong sumakit iyon ng imulat ko ang mata ko.

Pakiramdam ko mamamatay na ako dahil sa sobrang sakit na idinudulot non. Napasigaw na ako sa sobrang sakit. Maya maya lamang ay nawala na. Pagkatapos non ay naalala ko ngayon pala ang kamatayan ang aking mga magulang. Tuwing kaarawan ng kamatayan nila ay sumasakit ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang nangyayari sa akin

Nagmadali akong pumunta sa magic mirror at doon ko nakita ang mga puntod nila. Naiiyak na naman ako ng maalala ang dahilan ng kamatayan nilang lahat. May isang nagdala sa akin ng kanilang mga bulaklak. Ito ang simbolo ng mabuti nilang katawan at kalooban. Sa taas sila napapunta at hindi sa ibaba.

Namatay silang lahat dahil sa aking mga kalaban. Pati dalawang kapatid ko namatay dahil sa kanila. Pero hindi ko pa rin matanggap ang dahilan ng kanilang kamatayan. Kaya sila pinatay ng mga kalaban sapagkat gusto nila akong makuha. Simula bata pa lamang ako ay gusto na nila akong makuha. Ako ang may pinakamalakas na kapangyarihan sa buong Magic Land kaya gusto nilang makuha ang kapangyarihan ko.

Lumapit sa akin ang mga maliliit na diwata at sinabuyan ako ng halaman ng Pagparo. Ito ang halaman na ginagamit para mawala ang lungkot ng mga imortal na katulad ko.

"Aming Pagparo dinggin mo ang kalungkutan ng imortal na ito at alisin mula sa kaniyang katawan"

Maliliit na tinig ng mga ito bago hinipan sa aking mga mata. Napapikit ako dahil sa sobrang lamig niyon sa mata. Kinusot ko ang mga mata ko pero mistulang bumababa ang lamig patungo sa aking dibdib. Napaubo ako at dinama ang lamig niyon sa aking puso.

"Aming Pagparo dinggin mo ang kalungkutan ng imortal na ito at alisin mula sa kaniyang katawan"

Muli nilang isinantinig iyon hanggang sa mawalan na ako ng malay dahil sa lamig niyon.

Someone POV

"Elezar nalalapit na ang araw na pinakiintay natin"

Hindi na ako makapag intay na makita ulit ang matagal na naming hinahanap. Nalalapit na ang takdang araw ng pagkikita naming ulit na dalawa. Humalakhak ako.

"Ano iyon panginoon?"

Tanga talaga itong tauhan ko. Utak buko!

"Malapit ng lumabas ang nag iisang nabuhay na anak ng mag asawang inutil!"

Napapangiti na lamang ako sa isiping iyon. Nalalapit na ang aking paghahari sa buong Magic Land! Nasasabik na akong mapasa akin ang buong lupa at mga nakatirik dito. Muli akong humalkhak ng malakas at napatigil nang makita ang aking kanang kamay na sinusundot ang ilong.

"Kailan ang itinakdang oras panginoon upang mapaghandaan natin"

Wala pa akong ideya sa kanya. Marahil ay marami ng pagbabago sa batang iyon.  Matagal na rin noong huling nakita ko iyon. Bago pa man siya makapamuno sa buong lupain na dapat ay sa akin ay sisiguraduhin kong mamamatay muna siya at hindi na makakaabot pa sa araw ng koronasyon.

"Hindi ko pa alam Elezar pero alam kong ngayon ang kamatayan ng mga magulang ng batang iyon"

Alam ko dahil ito ang araw na dapat ay nasa amin na dapat ang Batangas iyon kung hindi lamang kami napigilan ng pamilya niyang inutil! Ikinuyom ko ang mga palad ko at nagtatangis na bagang na binato ng tungkol si Elezar dahil kanina pa ito nangungulangot at naiiyamot na akong makita itong ganito.

"Panginoon bakit mo ako binato ng iyong mahiwagang tungkol?"

"Lumayas ka sa harapan ko naaasiwa ako sa iyo! Lumayas ka sa harap ko a ihanda mo ang hukbo!"

"Masusunod panginoon!"