Chapter 4
Ang Diwata
Mizuki POV
Matapos gawin sa akin iyon ng mga pagparo ay nakatulog na ako sa puntod ng aking pamilya. Hindi talaga ako pinababayaan ng kalikasan sa mundong ito. Iyon ang bagay na nagustuhan ko dito. Marami ding mayroon sa mundong ito na wala sa mundo ng mga normal na tao at imortal. May narinig akong pagkatok sa loob ng aking condo kaya dali dali akong lumabas sa kabilang mundo. Muli akong pumasok sa salamin at inilabas sa aking silid. Muli akong may narinig na pagkatok kaya napatingin ako sa pinto. Tumungo ako sa pinto at binuksan iyon. Isang babaeng naka uniform na dito ko sa academy nakikita. Nakita ko na agad siya dahil sa kapangyarihan.
"Mizuki?" Tawag nito sa akin. Mukhang iyon ang janitor dito.
"Nnndyan na!" sigaw ko dito.
Binuksan ko ang pinto at nagulat ako sa aking nakita. Nakasuot sya ng unipormeng pang janitor subalit alam ko ang kanyang tunay na anyo. Kumunot ang noo ko sa aking nakita sya ay may bulaklak sa ulo at para syang isang diwata. Hindi siya taga rito sa academy. Hindi rin naman siya impostor. Ang ganda ng tunay niyang anyo kaya namangha ako dito.
"Sino ka?" sabi ko dito. Ngumiti siya sa akin ng matamis kaya mas lalo akong nagtaka.
"Ano ang pakay mo sa akin?" Ulit kong tanong sa kaniya.
"Lilinisin ko lamang ang inyong kwarto" hindi ako naniniwala sa kaniya. Hindi ito ang tunay niyang pakay
"Di mo ako malilinlang, inuulit ko ano ang pakay mo sa akin at bakit ka nandidito? Nakikita ko na ang tunay mong anyo diwata kaya sino ka?" pag uulit ko dito. Mas diniinan ko pa ang pagtatanong ko dito.
"Janitor ako dito at trabaho ko ang linidin ang silid ninyo" Matigas talaga itong isang ito. Kailangan kong ipakita sa kaniya na kakaiba ako at hindi niya ako malilinlang. Kung nagpapanggap siya ay kaya ko rin.
"Huling tanong io at huling sagot mo na iyo at kapag hindi mo sinabi ang tunay mong pakay sa akin ako ang kikitil ng tiwasay na buhay na mayroon ka" Sabi ko ng may galit.
"Ikaw nga ang hinahanap ko, narito ako upang bigyan ka ng babala. Ako ay ipinadala ng iyong ina mula sa kalangitan at nais nyang ipabigay sa iyo ang sulat na ito" may inabit siya sa akin kaya napatingin ako doon habang sinasabi nya sa akin at nangilid na naman ang mga luha ko. Hanggang sa tumulo na ito. Iniabot nya ang isang maputing bulaklak. Kung titingnan ay parang isang pangkaraniwang puting bulaklak lamang iyon ngunit may nilalaman iyon sa loob.
Ngumiti siya sa akin at pinunasan nya ang muka ko na ikinagulat ko. Nag angat ako ng paningin sa kanya habang bakas pa rin ang gulat sa mukha. Walang gumagawa sa akin niyon sa buong buhay ko dito sa academy.
"Nqpakagandang bata mo hija at alam kong maganda rin ang iyong kalooban siguradong matutuwa ang iyong ina at ama sa ibabalita ko sa kanila. Karangalan ko ang makilala at makausap ka itinakdang reyna" yumukod ito sa akin na parang mataas ang aking katayuan kaya nagulat ako doon. Tinulungan ko agad siyang tumayo.
"Diwata hindi pa ito ang tamang panahon para ako ay iyong yukudan" ani ko dito. Nakangiti niya akong sinalubong ako.
"Ngayon pa lamang ay alam ko ng nakatagpo ako ng reyna galing sa lupa ipagdarasal kita sa panginoon sa taas at makakaasa kang makakarating ang iyong kabaitan sa iyong mga magulang" Muli lamang bumalik sa akin ang pangungulila sa kanila.
"Diwata maaari ko bang makita ang aking pamilya?" Umaasa pa din akong makita sila kahit saglit lamang.
Bigla syang tumungo at hindi ko naiwasan ang paghikbi. Wala na nga yata akong pag asang makita sila kahit saglit man lamang. Mas lalong nadagdagan ang aking pangungulila.
"Pasensya na mahal na reyna hindi pa ito ang tamang oras para riyan. Pinadala nya lamang talaga sa akin ang sulat na iyan. Pasensya na talaga mahal na reyna"
Tumango ako bilang pag sang ayon. Hindi ko naman siya maaring pilitin. May misyon pa akong kailangan tapusin sa lupa. Hindi ko naiwasan ang pag buntong hininga.
"Maaari mo bang sabihin sa aking pamilya na labi ang aking pangungulila sa kanila? At kung pwede sanang kahit sa panaginip na lamang sila mag pakita?" Tumango naman ito bilang pag tugon
"Masusunod mahal na reyna"
"Maraming salamat diwata" muli itong tumangk at bigla na lamang siya naglaho. Pumasok na ako sa loob at sinimulang basahin ang nakasulat doon.
"Mahal kong anak, nais ka na naming makasama ngunit hindi pa ito ang tamang panahon para tayo ay mag kitakita. Paunang pagbati sa iyong kaarawan anak palagi mong tatandaan na mahal mahal ka namin. Mag iingat ka dyan at nandito kami lara gabayan ka. Pasensya na anak kung ngayon lamang ako nagparamdam makalipas ang mga nagdaang taon. Marami kasi kaming ginagawa dito at hindi basta basta ang planong pagbibigay ng sulat sa iyo. Palagi kang mag iingat sapagkat malapit na ang araw na aming pinakahihintay at ng kalaban. Kung maaari ay umiwas ka muna sa paggamit ng iyong kapangyarihan sapagkat malapit lamang ang kalaban dyan sa paaralan ninyo. Huwag kang mag alala hindi ka namin pababayaan, lagi ka naming babantayan. Ginagawa na namin ang iyong magiging kaharian. Iyon lamang at mahal na mahal ka namin anak.
Lubos na nagmamahal,
Ang iyong ina
Napaluha ako doon habang unti unting naglalaho ang piraso ng bulaklak. Kahit paano ay gumaan ang aking kalooban. Ngayon ay alam kong nandiyan pa din sila para sa akin. Alam kong may nag aalaga at gumagabay pa rin sa aking mga ginagawa.
Biglang may kumaluskos sa kung saan kaya napatayo ako. Ramdam ko ang negatibong enerhiya na nasa paligid. Tumambol ang kaba sa aking puso. Talagang malapit na lamang sa akin ang mga kalaban. Ginamit ko ang aking kapangyarihan para manatiling mag isa lamang ako sa silid na ito. Kailangan ay walang makapasok dahil masyado pang maaga para sa madugong labanan. Ayoko pang makahawak ng dugo ng kahit na sinong nilalang. Muli kong pinakiramdaman ang paligid at napahinga ng maluwag nang wala na akong negatibong nararamdaman sa paligid.