Chereads / Enchanted Academy / Chapter 7 - Chapter 6

Chapter 7 - Chapter 6

Chapter 6

You're Under My Law

Ezekiel POV

Pagkatapos kong makausap si Mizuki ay nagpunta na ako sa aking opisina. Matagal ko ng sinusundan si Mizuki. Minsan ko na rin syang narinig na umiyak. Minsan ko na ring napasok ang kanyang condo para sana maglakas loob na kausapin sya subalit walang tao nang makapasok ako doon. Nilibot ko ang buong condo niya at may nakakaakit na salamin doon. Hinawakan ko iyon at nagulat na lamang ako ng nasa ibang lugar na ako. May isang hindi nakakapaniwalang bahay na maliit sa loob ng punungkahoy akong nakita. Hindi makapaniwalang pinasok ko iyon at nakita ko ang lahat ng larawan ng kung sinong lalaki na at babae habang may ilan pang bata na nakapostura doon at maging siya ay naroon din. Puno ng mga larawan ang buong bahay kaya namamahangha ako dito. Pero napatalon ako sa gulat nang may biglang pagsabog na naganap sa kung saan.

Lumabas ako doon sa maliit na punong bahay na iyon. Nakita ko si Mizuki na ginagamit ang kanyang kapangyarihan. Napakunot ang noo ko doon. Ngunit ang mas ikinagulat ko pa ay gumagawa sya ng malaking bilog na bola na may apoy hangin tubig yelo at iba pang mga kapangyarihan. Lumaki iyon ng tulad ng ipo ipo at nakakapagtakang nagawa niya ito. Isa lamang ang kayang gumawa nito at iyon ang hinahanap ko. Itinapon nya iyon sa kalangitan at gumawa ng isang malaking pagsabog.

She looks so beautiful wearing that green long cute dress. Her eyes turn into ash when she slowly releasing the pressure in her.

Naramdaman nya yata ang aking presensya kaya nagmadali akong nagtago at umalis. Kaya simula noong makita ko kung anong ginawa nya ay alam kong sya ang babaeng matagal ko ng hinahanap. Paniguradong marami ring nakaabang para sa kaniya sa paligid. Siya ang tagapagligtas sa aming mga pangkaraniwan lamang. Ngunit ang ipinagtataka ko ay bakit nandito siya sa Academy na pagmamay ari ng pamilya ko. Bakit ito pa ang napili niyang pasukan gayong napakadaming eskwelahan na nakaabang para sa kaniya.

Ngunit ang mas ipinagtataka ko lamang sa kaniya ay ang pag iwas niya sa amimg ka-uri niya. Lagi nyang nakakasalamuha ang mga libro. Hindi sya lumalaban sa kahit na sino. Hindi niya ipinapakita kung sino talaga siya. She's aloop with everyone. Iyon ang mga bagay na napapansin ko sa kaniya sa isang buwang pagmamasid ko sa kaniya.

Sa laging pagmamatyag ko sa kanya ay hindi ko na namalayan na may ibang pakiramdam na akong nararamdaman para sa kaniya. Nang saglit na maramdaman ko iyon at makita siya ay parang napakalayo namin sa isa't isa gayong hawak kamay ko siyang nakikita araw araw. Kaya sobrang saya ko ngayon sapagkat nakausap ko sya. Hindi ko alam kung saan nagsimula pero alam kong may pupuntahan ang lahat ng ito. Bumalik ako sa reyalidad nang may biglang pumalo sa lamesa.

"Ano pong iniisip nyo President Ezekiel sapagkat kanina pa po kayong tulala at nakahalumbaba" sabi ng aking sikretarya. Inismiran ko siya.

"Its none of your bussiness" pagsusungit ko dito. Sanay na naman siya sa akin kaya ayos lamang.

"Im sorry President" Sabi nya habang nakayuko. Hindi ko na sya pinansin at lumabas na lamang ako doon sa lugar na iyon.

Agad na hinanap ng mata ko si Mizuki. May lumingkis sa aking mga braso kaya napatingin ako sa pinanggalingan ng mga brasong iyon.

"Maligayang pagbati aking mahal" inalis ko ang pagkakalingkis ng kaniyang mga braso sa akin. Sumama agad ang kaniyang mukha sa ginawa ko.

"I have to go"

Hahakbang pa lamang ako ay agad niyang nahawakang muli ang kamay ko.

"Im going too, Im going with you"

She used her slender eyes as if she's taming me. Napabuntong hininga ako.

"Get off me Ellen"

"Bakit ba palagi mo na lang akong inaaway? Are we fighting again?"

"Its up to you" inalis ko ang pagkakalingkis niya sa akin at nagpakad ng mabilis.

"Wait for me Kiel!"

"Dont call me that, I'm your president and you're under my law"

Hinabol niya ako pero gumawa ako ng apoy na harang para sa kaniya. That made her stop chasing me. Hindi ko alam kung paanong nangyaring nawalan ako ng amor sa ibang mga babae matapos kong makita si Mizuki.

"Kiel! You're my Kiel! Remember that you're always mine!"

She shouted at the top of both her lungs but I didn't mind her. She's always claiming that I'm her's but I didn't remember anything about me being her's. I roam my eyes again but this time I'm looking in the field. No trace of her but I saw bunch of students. Naglakad ako patungo doon habang wala pang nakakakita ng presensiya ko. Nang tuluyan na akong makalapit ay nagsilayuan naman ang nga estudyante at sabay sabay na nagyukudan. Tiningnan ko kung anong bagay ang tinitingnan nila at isang dugo na nagkalat sa sahig ang aking nakita.

"Kaninong dugo ito?"

Tahimik na nakayuko ang mga estudyante at walang sumasagot.

"Inuulit ko kaninong dugo ito?"

"Hindi po namin alam President"

Napakunot ang noo ko. Pinagmasdan kong mabuti ang dugo at parang hindi iyon pangkaraniwang dugo lamang.

"Teleporter I need you right now"

May lumapit na isang lalaking estudyante sa akin kaya humarap ako dito.

"Tell the guards about this make sure it'll be clean as soon as possible and tell the special agent's to search about this blood and make a report. I also want it as soon as possible"

Tumango ang lalaki kaya ibinaling ko naman ang tingin ko sa mga nakayukong estudyante.

"Wala kayong dapat ipag alala. Your under my law so you're safe here. Get back to your own lives now!"

Mabilis namang nawala ang mga estudyante sa harap ko. Muli kong ibinalik ang paningin sa dugo. Nagkukulay itim na ito kaya nakakasigurado akong hindi ito dugo ng mga estudyante dito. Dumating ang mga gwardya sibil at ang mga agents.

"Take care of this"

Tumango silang lahat kaya nagpatuloy ako sa paghahanap kay Mizuki. Naglakad ako patungong canteen pero sa labas pa lamang ay kita ko na siya. Mabilis akong napangiti ng makita ko syang kumakain. Pero agad ding nangunot ang aking mga kilay. May lumapit sa kanyang isang lalaki at gagamitin nito ang kanyang kapangyarihan. Pero ang hindi ko inaasahang mangyari ay nangyari.