Chereads / Enchanted Academy / Chapter 6 - Chapter 5

Chapter 6 - Chapter 5

Chapter 5

Trapped

Matapos kong basahin ang sulat ng aking ina ay nagpasya na akong matulog ng may luha sa mga mata. Kahit malungkot at may nararamdamang pangungulila ay walang magbabago kaya idinaan na lamang sa tulog. At hindi nga ako nabigo nagpakita sa aking panaginip ang aking buong pamilya. Masaya sila at masaya na rin ako dahil ligtas sila kaysa naman kasama ko sila pero palagi kaming nasa panganib. Kahit sa panaginip ko lamang sila nakita ay masaya na ako kahit papaano.

Maaga akong pumasok para makaiwas sa gulo. Para na rin maging mapayapa ang pagsisimula ng araw ko. Pagkarating ko sa aming classroom ay nagulat ako nang may biglang humila sa akin sa gilid ng pinto. Alam kong fire ball at wind pressure ang kapangyarihan nya dahil kaya kong alamin ang kahit anong kapangyarihan. Ikinulong nya ako gamit ang kanyang dalawang kamay. Napatungo ako dahil doon. May dugo siyang pang royal na nalalapit sa mamayamang pamilya iyon ang nakikita ko. Kailangan kong mag panggap dahil baka isa ito sa mga impostor dito sa acdemy. Nakatungo lamang ako habang siya naman ay nakatungo din sa akin. Hindi ko mabasa ang iniisip niya na para bang sinasadya niyang harangan ang aking kapangyarihan kaya kumalabog ang aking dibdib.

Gamit ang kapangyarihan nyang wind pressure ay sinaraduhan nya ang buong classroom na hindi naman tumagal ng ilang segundo dahil sa lakas na naidulot niyon. Mas lalong kumabog ang dibdib ko.

Hindi ako tumutunghay. Tahimik lang kami sa ganoong posisyon. Iniintay ko siyang magsalita.

"Tumunghay ka" ma-awtoridad nyang sabi sa akin.

Hindi pa rin ako tumutunghay. Unti unti nyang itinataas ang mukha ko gamit ang paghawak sa aking baba. Nung nasa kanya na ang paningin ko ay hindi na ako nagulat kung sino iyon.

Sya ang anak ng dean, presidente ng buong academy, sya ang batas sapagkat ang alam nila ay sya lamang ang may tatlong mahika na makapangyarihan dahil sa pinagsamang apoy at hangin dumagdag pa ang regalo sa kaniya ng mga diwata noon na pagbabasa ng mga kaisipan ng iba bagay na mayroon si Queen Ellen at ang lahat ay namamangha at sumusunod sa kaniya. Sya si President Ezekiel. I feel awkward. Kahit kailan ay hindi ko nakasama ng ganitong kalapit ang presidente. Palagi lamang siyang nakataas ang noo sa nakakasalubong niya. Kaya naman nakakapagtaka na sa akin pa siya gumanito. Napapikit ako nang sinusubukan niyang pasukin ang isip ko. Mabilis akong gumawa ng ilusyon at pinapasok siya doon.

"May nagawa po ba akong mali president Ezekiel?" sabi ko dito habang nakakagat labi at ikinagulat nya ang pagtatanong kong iyon. Matapos ang isang minuto ay mukhang natauhan na sya. Umiling muna sya bago nagsalita.

"Ah wala naman, mayron lamang akong mga katanungan maaari ba akong magtanong?" sinserong sabi nito sa akin. Nasa ganon pa din kaming sitwasyon ngunit wala akong pakialam.

"Basta po kaya kong sagutin president pwede po" Inangat ko ang paningin sa kaniya at akipagtitigan sa kanya ng mata sa mata.

"Sino ka ba talaga?" Biglang kumalabog ang dibdib ko doon at nangunot ang noo ko kasabay ng nakapag-pakaba sa aking damdamin.

"Ako po si Mizuki president" Pagmamaang maangan na sa sagot ko dito.

"Alam kong ikaw si Mizuki maari ko bang malaman kung ano ang iyong kapangyarihan?" Pinaghihinalaan ba nya ang kapangyarihan ko? Mukhang kailangan ko ng dobleng pag iingat. Kailangan ko na doblehin ang aking pag iingat. Kailangan ko ding galingan ang aking paraan ng panglilinlang.

"Ang kapangyarihan ko po ay Ice Frost" Pagsisinungaling ko pa dito. Kailangan kong itago ang tunay kong kapangyarihan at wala dapat akong pagkatiwalaan dahil unang una wala naman talaga akong mapagkakatiwalaan.

"Salamat sa iyong mabuting pagsagot mauna na ako" Dun lamang ako nakahinga ng maluwag. Akala ko mahuhuli na ako.

Pagkatapos nyang sabihin iyon ay lumabas na siya. Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ko na nag sanhi naman ng paglabas ng malakas na hangin na sumakop sa buong claasroom namin. Naupo na ako sa aking upuan. Maya maya lamang ay nagsipasukan na ang aking kaklase at ang aming prof. Katulad ng nakasanayan ay may natutunan ako ngayong araw.

"Mizuki"

May lumapit sa aking isang babae na may dala dala ding makapal na libro. Tumingin ako sa kaniya at inalam ang kaniyang kapangyarihan. She is a nature elemental magic handler. Gumaan agad ang loob ko sa kaniya dahil tagapangalaga siya ng kalikasan.

Tumayo ako at pinantayan siya.

"Ano ang nais ng isang katulad mo sa isang pangkaraniwang gaya ko?" Sabi ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin na hindi ko inakala sa kaniya.

"Maari ba tayong mag usap?" Doon naman nangunot ang aking noo. Ngayon lamang may lumapit sa akin ng ganito.

Nanguna siya sa paglalakad kaya inayos ko na ang mga gamit ko at sumunod sa kaniya. Pinag aralan ko ang kaanyuan niya. Mukhang isang mabuting nilalang ang isang tao ayon sa nakikita ng salamin ko. Tumigil kami sa likod ng paaralan na puno ng mga kulay berdeng mga puno at halaman ang paligid. Umihip ang katamtamang hangin na tumama sa aking katawan. Humarap siya sa akin ng nakangiti.

"May nais iparating sa iyo ang mga punong kahoy" may inabot siya sa aking sanga ng puno. Napatitig ako doon at pinag aralan bago kinuha sa kaniya. Paglapat pa lamang ng sanga sa aking kamay ay naging uwak na itim na iyon na may hawak na papel sa tuka. Tumingin sa akin uwak kaya inilahad ko ang isa ko pang kamay para hingin iyon sa kaniya. Ibinigay ng uwak sa akin ang papel at unti unting binuklat iyon.

'Maligayang pagbati mula sa may mataas na ranggo na nangangalaga ng kagubatan sa iyo reyna ng kagubatan! Nais kong ipaalam sa iyo ang mahalagang pagtitipon dito sa susunod na mga araw at hinihiling ko ang iyong pagdalo bilang reyna naming lahat inaasahan ng bawat isa ang iyong pagdalo isang napakalaking pagpupuri ang inaaalay namin sa iyo reyna Mizuki'

Pag angat ng tingin ko ay nakangiti siya sa akin at dahan dahang yumukod na parang nagbibigay galang sa reyna. Hindi ito maari dahil hindi pa ito ang tamang oras para dito.

"Tumingin ka sa akin isang nilalang" umalis siya sa pagkakayukod at nakangiting tumingin sa akin.

"Nais kong manatiling sikreto itong pag uusap nating ito kaya kung maari ay tahimik kang bumalik sa buhay na nakasanayan mo at iyan ang utos na magiging reyna mo maari ka ng makaalis"