Chapter 1
Hindi Pantay na Karapatan
Mizuki POV
Nandito ako ngayon sa aking sariling condo. Ako lamang mag isa dito sapagkat walang gustong maging kaibigan ako. Mahilig akong magbasa ng libro. Sabi nga nila nerd daw ako. Well its up to them kung anong itawag nila sa akin.
Mag isa lamang ako sa buhay walang mga magulang, walang kaibigan, walang kausap kundi sarili lamang. Ayoko din namang may kausap at may kasama. Minsan pumupunta na lamang ako sa magic mirror at doon ako nagpapahinga. Lugar kasi yon na nasa gitna ng gubat kung saan kami dati nakatira. Doon ko lamang maaring ilabas ang aking kapangyarihan. Ako lamang ang nakakaalam ng aking kapangyarihan at ang aking mga magulang.
Bago ako makapasok sa eskwelahang ito sinigurado muna ng aking ina na walang makakaalam ng tunay kong kapangyarihan sapagkat kapag kumalat ang aking kapangyarihan maaaring makarating ito sa aking kaaway na sampung taon ko ng tinataguan.
Labing pitong taong gulang na ako. Ang tunay kong pangalan ay Mizuki at malapit ng dumating ang araw kong ayokong mangyari. Ang araw ng aking kaarawan kung saan ganap na akong reyna ng buong kagubatan. Mag iiba ang aking anyo kapag dumating ang araw na iyon.
At yun ang ayokong mangyari dahil gusto ko ng tahimik na buhay. Yung normal lang? Hindi yung makikisama at ngingiti lamang sa akin dahil alam nilang reyna ako. Pero alam kong Hindi ko iyon matatakasan dahil kapag nalaman na ng mga nilalang ang aking edad ay alam kong hindi sila titigil sa kakahanap sa akin. Iyon ang huling habilin sa akin ng aking ina. Sa akin daw napunta ang huling dugong bughaw ng pamilya namin pero walang nakakaalam niyon kung hindi kami lamang at ngayon ngang mag isa na lamang ako ay sinasarili ko na lamang ito.
Narinig ko na ang dambana ng academy at hudyat iyon ng aming pagpasok sa aming mga silid. Paniguradong madami na namang estudiyante ang pagala gala sa hallway.
Nagmamadali akong magbihis. Kinuha ko na ang aking makapal na salamin na may mahika kaya nitong itago ang aking buong pagkatao at gawing normal na tao lamang pero hindi ko masasabi na tao nga ba ang tawag sa aming lahat dito dahil alam naming lahat na kakaiba kami sa isang normal na tao tanging ang makikita mo lamang sa akin ay ang aking asul na mata. May mga estudiyante kasi dito na nakakabasa ng kapangyarihan kaya delikado kung magpaubaya na lamang ako sa aking anyo. Kinuha ko na din ang nagkakapalan kong mga libro na hindi naman talaga tunay na libro kundi ang aking mga kapangyarihan. Malimit sa mga estudyante ay mga wand ang hawak.
Naglalakad na ako ng hallway ng may biglang tumakid sa akin. Nagulat ako habang naramdaman ko ng ako ay bumagsak na sa lupa. Muntikan ng matanggal ang aking salamin. Bagay na ikinatakot ko.
HAHAHA! ano wala ka bang balak na tumayo dyan lampa?' sabi ng babaeng tumakid sa akin. Si Queen Ellen ang sinasamba kuno ng mga estudyante dito. Dahil daw sa taglay nitong kagandahan at pagka war freak kaya baka kapag sinagupa nila ito ay mapapahamak lamang sila. Inismiran ko lamang ito at nagtitimping nanatili sa pagkakadapa.
'HAHAHAHA' tawa ng lahat ng nasa hallway. Kung tutuusin kaya kong paglahuin ang lahat ng nandito pero di ko gagawin yon. Hindi ako na buhay para gawin ang masamang bahay na iyon.
'HAHAHAHAH' tawanan pa ng iba. Ganyan sila kapag alam nilang may nasasaktang katulad ko na di lumalaban.
'Ano tatayo ka o hindi?' Mapanuya niyang sabi sa akin.
Nagtiim ang mga bagang ko sa sobrang pagtitiis na hindi gumanti. Sapagkat ayokong lumabas ang tunay kong kapangyarihan. Natatakot akong mabilis akong matunton ng mga kalaban.
Tumayo ako at yumuko. Nagulat na lamang ako ng sampalin ako ng babaeng tumakid sa akin. Sya pa talaga ang may balak na sampalin ako. Pinanatili ako ang pagiging kalmado.
'Bat di ka sumasagot ha?' sabi nito sa akin
Pasensya na po Queen Ellen' sarkastiko ngunit palihim na sabi ko dito habang nakatungo. Gusto kong ngumisi ngunit baka ito ay makita pa ng ilan at humaba pa ang mga pangyayaring ito. Bigla siyang sumigaw
Attention everyone! I want you to bully her! Kung makakasalubong o kung ano pa basta siguraduhin nyong lampa iyan naiintindihan nyo! sabi nito sa mga tao roon. At dahil mga uto uto at sunod sunuran sila.
'Yes queen!'
'Yes queen Ellen!' sabi ng lahat ng nadoon. Kawawang mga nilalang tsk tsk.
Go grab her! sabi pa ni Queen Ellen.
Nagulat na lamang ako ng bigla nila akong tutukan ng mga wand nila. Sari saring mga magic power ang nandodoon. May earth, fire ball, water, at rain thunder. Oh diba parang halo halo special lang? Andito na lahat. Napaismid na lang ako.
Itatama na sana nila sa akin yon ng may malakas na sumigaw. Napahinga ako ng maluwag dahil doon.
Stop! Dont do that to her! Rinig kong sabi ni dean sa lahat ng mga student na may hawak ng wand. Hayst kala ko makikita na nila ang teleportation ko. Inire-ready ko pa naman ang sarili ko para mailabas na iyon.
Ibinaba ng lahat ang kani kanilang mga hawak. Lahat ay nagtunguhan at parang maaamong pusa ang mga ito. Pati si Queen Ellen ay parang daga na nagugutom.
Ms. Mizuki to my office now!' pasigaw nitong sabi sa akin at naglakad papunta sa kanyang office. Ako pa talaga ang dapat na pumunta? Bakit ako pa ang kailangan na sumama sa kaniya? Hindi naman ako ang nagsimula ng away na ito ah?
Nilimot ko ang mga librong nahulog at inayos ang makapal na salamin at sumunod ako sa kanya ng nakayuko. Ewan ko lamang kung may susuporta sa akin at sasabihing ako ang inapi at kailangan ipagtanggol. Alam ko namang takot ang lahat na mapuntirya ng pang aalipusta ng isang katulad ni Queen Ellen. Kahit pagtawag sa kaniya ng Queen ay naaasiwa ako. Gusto niya ng maraming atensyon kaya ako ang pinagbalingan niya para mas lalong matakot sa kaniya ang mga estudyante dito. Napabuntong hininga ako dahil doon. Kahit sa eskwelahan ay wala akong mapayapang buhay.