Chereads / Bring Back Memories | Tagalog/Filipino / Chapter 5 - Chapter 5: First Date

Chapter 5 - Chapter 5: First Date

Chapter 5: First Date

Hinintay ng matandang Daril ang binatang Daril na matapos na makaligo. Dahan dahan siya na naglakad papunta sa upuan at iniisip kung bakit niya nakikita ang sarili niya. Nang maka-upo na siya ay naalala niya na ang panahon pala na binalikan niya ay ang first date nila ni Marie.

Tumayo bigla ang matandang Daril sa upuan niya at pumunta sa cabinet niya para pumili ng damit at sabay labas naman ng banyo ng binatang Daril at doon rin papunta sa kabinet niya.

"Sino ka ba? Bakit nakikielam ka ng gamit ko!" sigaw ng binatang Daril.

"Gamit ko rin 'to! Hindi mo naiintindihan! Ako si Daril, bumalik lang ako sa panahon na 'to! Ako ang matandang ikaw! At ikaw ang batang ako!" paliwanag ng matandang Daril.

"Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ka nandito ehh, tsaka anong bumalik ang pinagsasabi mo? Anong ako ikaw? At ikaw ako? Ang gulo mo!' sabi ng binatang Daril.

Kumuha ang binatang Daril ng damit pati ng underwear nito. Nang makita ng matandang Daril ang damit na kinuha niya ay sinundan niya ito sa banyo. Kinukulit niya ito at kinukuha ang damit na kinuha ng binatang Daril.

"Hindi mo pwede gamitin 'yan dahil akin 'yan!(Hinatak ang damit)" sabi ng matandang Daril.

"Paano naging sayo 'to? Umalis ka na! Alis! Hindi ka nakakatulong! Male-late na ko sa oras na pinag-usapan namin ni Marie dahil sayo!" galit na sabi ng binatang Daril.

Pumasok na sa loob ng banyo ang matandang Daril, pero naiisip niya ang matanda na nasa loob ng bahay niya. Malungkot kase ang matanda at matanda na rin ito kaya nilabas niya ulit para ibigay sa matanda ang damit niya. Paglabas niya ay wala na ang matanda sa loob ng bahay niya.

Tiningnan niya sa labas ang matanda at nakita niya itong nakaupo sa hagdan. Nagbihis na muna siya at nilabas ang matandang nangungulit sa kanya. Pagkalabas niya ay tinabihan niya ito.

"Ano ba talagang pangalan mo?" tanong ng binatang Daril, pero hindi ito sumagot sa kanya kaya siya na ang nagpakilala dito.

"Ako si Daril Harris!" sabay na bigkas ng dalawa at nagtinginan sila sa mata.

"Ako ang tunay na Daril Harris!" sigaw ng binatang Daril

"Ako rin si Daril Harris! Matanda na ko sa panahon ko at bumalik nalang sa panahon mo! Hindi mo ba gets?" sabi ng matandang Daril.

"Hindi kase ako naniniwala! Paano ka bumalik sa panahon na 'to? At hindi ko ma-imagine ang sarili ko na ganyan ang itsura ko pagtanda! Yuck!" bigkas ng binatang Daril.

"Ginamit ko ang Time-Travel Capsule kaya ako nakabalik sa panahon 'to! Any question? Follow up questions? Bilis na!" sabi ng matandang Daril.

"Teka! Wag mo gayahin yung tono ng pananalita ko! Ginagaya mo ba ko?" sigaw ng binatang Daril.

"Magkaparehas kase tayo! Binata kalang at matanda ako!" sabi ng matandang Daril.

"Ewan ko sayo! Bahala ka na diyan!" bigkas ng binatang Daril.

"Saan ka pupunta? Sasama ako!" sigaw ng matandang Daril.

"May Date ako! Umalis ka na diyan!" sigaw ng binatang Daril.

Nakita ng matandang Daril si Rosalinda na lumabas ng pinto nito at nilapitan niya ito. Lumapit din sa kanya ang dalagang Rosalinda at tiningnan nang maigi ang mukha niya. Titig na titig ito sa mukha niya at hinawakan pa nito ang mukha niya para tingnan ang bawat sulok at kanto ng mukha niya.

"Tatay ka ba ni Daril?" tanong ng dalagang Rosalinda.

"Bastos ka! Hindi niya ko tatay! Hindi ko tatay ang sarili ko!" sabi ng matandang Daril.

"Ha Ha(Laugh), hindi ko maintindihan ang sinasabi mo! Kumain ka na ba? Gusto mong pumasok sa bahay ko?" tanong ng dalagang Rosalinda.

Pumasok naman ang matandang Daril sa loob ng bahay ni Rosalinda. Ang binatang Daril naman ay naghihintay pa rin kay Marie, halos isang oras na siyang nakatayo at naghihintay na dumating si Marie, pero hindi pa rin ito dumadating.

Magkatext kase sila sa cellphone at hindi inaamin ni Marie ang tunay na lugar kung nasaan siya at kung malapit na ba siyang dumating, dahil nagpapaayos pa ito ng buhok sa salon. Hanggang sa tumawag na si Daril sa kanya.

"Nasaan ka na ba? Ito pa naman ang unang date natin tapos wala ka! Ang bagal mo talaga! Nasaan ka ba talaga ng mapuntahan na kita diyan!" galit na sabi ni Daril.

"Sweetheart, nagpapaayos pa kase ako ng buhok! Kung nagmamadali ka makipagdate ka nalang sa sarili mo! Nagpapaganda nga ko ehh para sayo! Yung mata mo kase tingin ng tingin sa iba, kaya gusto kong magpaayos para hindi ka na tumingin sa iba! Kapag ikaw ha dudukutin ko yang mata mo! Tatapak-tapakan ko hanggang sa wala ka nang makita!" sigaw ni Marie.

Pinatay agad ni Daril ang cellphone pagtapos tumawag ni Marie. Nakasimangot si Marie sa loob ng salon at badtrip din dahil sa boyfriend niyang si Daril. Nang matapos na si Marie maayusan ay agad na pumunta siya kay Daril.

Gabi na at tulalang nakaupo si Daril sa tabi ng puno kakahintay sa kanya. Nilapitan ni Marie si Daril at nagpasexy sa harap nito. Pumo-post si Marie sa harap ni Daril, na akala mo ay supermodel at binibida niya kay Daril ang mapupulang labi niya at kulot na buhok niya.

"Huwag ka ng umikot-ikot baka matumba ka!" ani Daril.

"Huwag kang sumimangot! Di ba ko maganda?" tanong ni Marie.

"Siyempre, ang panget mo pa rin!" sagot ni Daril.

"Tatlong oras akong inayosan! Tapos ganyan ang sasabihin mo sa ayos ko! Mahal ang bayad dito at mahal din ang bili ko sa mga suot kong damit! Pinaghandaan ko ang gabi na 'to! Ang First Date natin tapos ganyan ka! HAAAAAA!" galit na sabi ni Marie.

"HOY!! HUWAG KANG MAINGAY!!" Saway ng tao sa paligid nila.

Napahinto sa pagdaldal si Marie at lumapit kay Daril dahil sa takot. Yumakap siya kay Daril at pagyakap nito ay nagtawanan silang dalawa dahil sa ginawa niya. Tumayo na si Daril at hinawakan ang kamay ni Marie.

Naglakad sila sa park kung saan sila nagdate at naglaro ng mga laro na nasa paligid nila. Sumakay ng rides at kung ano ano pa. At ang pinakahuling pinuntahan nila ay ang photobooth na pilit hinahatak ni Marie si Daril papunta doon. Nagpakuha naman ng litrato si Daril at pagtapos ay sinama ni Daril si Marie sa bahay niya.