Chapter 8: Battle of Two Daril's
Pagtapos nilang kumain ay nagpaalam na rin si Marie sa kanila at nagmamadali itong umalis. Hinatid nila ito sa labas ng bahay at hinintay nila na may dumating na taxi, ilang minuto lang ay biglang may dumating at huminto sa harap nila. Nag-unahan ang dalawang Daril na magbukas ng pinto nang taxi na sasakyan ni Marie.
"Ako na ang magbubukas!" ani Lolo Daril.
"Bitawan mo! Ako na!" ani Daril.
"Ako na sabi ehh, ako na nga ang unang humawak ehh," ani Lolo Daril.
"Bitaw! Ayaw mo?!" ani Daril.
"Ano ba? Pasasakayin niyo ba ko o hindi?" tanong ni Marie.
Binuksan ni Lolo Daril ang pinto ng sasakyan at sumakay na si Marie. Bago pa sumakay si Marie ay hinalikan niya muna si Lolo Daril sa pisngi at ngumiti. Pagtapos ay diretso nang umalis ang sasakyan.
Masama na ang tingin ni Daril kay Lolo Daril, pero si Lolo Daril ay naka-ngiti lang sa kanya. Nakita ni Daril na bukas ang pinto ng bahay at tumakbo siya ng mabilis para mauna siyang makapasok dito at pagsarahan ng pinto si Lolo Daril.
Nagawa niya ang balak niya at naiwan sa labas si Lolo Daril. Nakita ni Lolo Daril na bukas pa ang pinto sa likod kaya dali-dali siyang pumunta doon para makapasok pero naunahan pa rin siya ni Daril at sarahan pa rin siya nito.
"Ano bang problema? Buksan mo ang pinto! Papasok ako!" sigaw ni Lolo Daril
"Hindi! Umamin ka muna sakin!" sigaw rin ni Daril.
"Ano bang aaminin ko? Buksan mo ang pinto para makapag-usap tayo ng maayos!" ani Lolo Daril.
"Hindi! Gusto mo si Marie ko! Akin lang ang Marie ko! Yung sayo wala na!" sigaw ni Daril.
"Wala naman akong inaagaw sayo ehh, na-misunderstand mo lang ang ginawa niyang pag-kiss sakin kanina, wala lang 'yon," mahinahon na sabi ni Lolo Daril.
"Wala lang? Pero kinilig ka? Pinapaselos mo pa ko!" sigaw ni Daril.
"Dapat hindi ka pumunta dito! Mang-aagaw ka!" sigaw ni Daril.
"NATATAE NA KO!! BUKSAN MO NA!!" malakas na sigaw ni Lolo Daril.
Bunuksan ni Daril ang pinto at pinapasok na niya si Lolo Daril para makatae. Naka-isip ng kalokohan si Daril para kay Lolo Daril. Kumuha siya ng tabo sa kusina at hinintay na lumubas si Lolo Daril ng banyo. Sinisilip ni Daril sa butas si Lolo Daril at naamoy niya ang amoy ng dumi nito.
"Hmm…! Ang Baho!" bulong ni Daril.
Ang hawak ni Daril na tabo na may laman ng tubig ay binuhos niya kay Lolo Daril, pinadaan ni Daril sa butas ang tubig at saktong bumuhos kay Lolo Daril at nabasa ito. Sumisigaw si Lolo Daril sa loob ng banyo dahil nabasa siya nito.
Pagtapos magbanyo ni Lolo Daril ay may dala rin itong tabo na may laman ng tubig at sinaboy sa mukha ni Daril. Ang hawak naman ni Daril na tabo ay pinukpok niya sa ulo ni Lolo Daril at si Lolo Daril ay ginawa rin 'yon sa kanya.
Naghahabulan ang dalawa sa loob ng bahay, nagbabasaan at nagpupukpokan ng tabo sa ulo. Baha na sa loob ng bahay nila at tapos na rin silang dalawa mag-away na akala mo ay naglaro lang nang basaan at habulan sa loob ng bahay.
Kahit na naglalampaso na ang dalawa ay naghahampasan pa rin sila ng basahan. Pagtapos nila lampasuhan ay pagod silang dalawa at humiga nalang sa sahig para magpahinga. Habang nakahiga ang dalawa sa sahig ay nag-kwentuhan sila.
"Maganda rin pala na kaibigan mo ang sarili mo noh? Kase alam mo kung ano lang limitasyon mo," ani Lolo Daril.
"Magkaugali ba tayo?" tanong ni Daril.
"Huh?! Anong klaseng tanong 'yan! Syempre oo! Pinatanda lang ako," sagot ni Lolo Daril.
"May gusto ka ba kay Marie? Sa dalagang Marie?" tanong ni Daril.
"Anong klaseng tanong 'yan? Syempre oo, dahil siya lang ang iisang babae na minahal ko! Hindi ka na makakakilala pa ng iba dahil 'yan ang nangyari sakin," ani Lolo Daril.
Maggagabi na kaya naman nagluto na sila ng kakainin nila. Ang niluto nilang pagkain ay sakto lang sa kanila. May tira pang isang laman sa dala ni Marie nung umaga, may tira rin na lugaw sa kaldero at pang-isang tao nalang ito.
Nag-unahan ang dalawa sa pagkuha ng mangkok at nag-agawan sila sa kaldero na may laman na lugaw. Hanggang sa natapon ang lahat ng laman nito at napunta lang sa sahig, at ang nag-iisang karne ay tumalsik pa papuntang lababo.
Masama na naman ang tingin nila sa isa't isa habang kumakain, ang kinain nalang nila ay ang niluto nilang ulam. Pagtapos kumain ay nagturuan pa sila kung sino ang maghuhugas ng pinagkainan.
"Ako na ang nagluto! Ikaw naman ang maghugas!" sigaw ni Daril.
"Masakit na ang likod ko! Matanda na ko kaya ikaw na dapat gumagawa ng ganyan!" ani Lolo Daril.
Para hindi na humaba pa at mapunta na naman sa pagkakalat ang alitan nila ay si Daril ba ang naghugas ng pinagkainan nila. Nang matapos na si Daril na maghugas ng pinggan ay nakita niya si Lolo Daril na malalim na ang tulog, kaya hindi na niya ito ginulo pa.
Humiga na si Daril, pero hindi pa rin siya makatulog. Simula kase nung dumating si Lolo Daril sa bahay niya ay hirap na siyang makatulog dahil hindi sanay ang katawan niya na sa sahig siya natutulog. Bumangon si Daril at umupo muna saglit, nang makaramdam siya ng uhaw ay tumayo siya para kumuha ng tubig.
Nasa kusina si Daril nang marinig niyang nagsasalita si Lolo Daril habang natutulog. Hindi malinaw ang naririnig ni Daril kaya lumapit siya para pakinggan ang sinasabi ni Lolo Daril. Nang makalapit na si Daril ay narinig niya ang sinasabi nito.
"Time Machine…Marie…Miss na kita," mahinang sabi ni Lolo Daril.
"Time Machine? Yung Time-Travel Capsule? Anong bang meron 'don?" tanong sa isip ni Daril.
Bumalik ulit si Daril sa kusina para isara ang ref., naiwan kase niyang bukas ito. Pagsara niya ng ref. ay nakita niyang gising si Lolo Daril at nakatingin sa kanya. Nagulat si Daril at natakot kaya dali-dali siyang humiga at nagtalukbong ng kumot.
Nakita ni Lolo Daril ang istura ni Daril, kaya tahimik siyang tumatawa dahil sa gulat na reaksyon ni Daril sa kanya. Hinahatak niya ang nakatalukbong na kumot dito habang tumatawa.
"Ano ba! Huwag kang manakot!" sigaw ni Daril.
"Nilalamig ako, penge lang ng kumot!" natatawang sabi ni Lolo Daril.