Chapter 11: The Manual
Nakaabang si Rosalinda sa pagbukas ni Daril ng puti na sobra. Dahan-dahan hinatak ni Daril ang laman ng sobre at binuklat ang makapal na nakalagay sa loob nito. Nakita ni Daril ang isang manual ng time-machine, at nakalagay rin sa gilid nito ang rules ng paggamit ng time-machine.
Rule#1
Isipin mo ng maigi kung saan kang panahon babalik, dahil kapag magulo ang isip mo maliligaw ka sa time-machine at maaaring hindi ka na makabalik.
Rule#2
Pag nakarating ka na sa destination mo, huwag kang nagpapakilala sa sarili mo kung makikita mo o makakasalubong mo ito, dahil iikot din ang oras mo sa panahon na binalikan mo.
Rule#3
5 beses ka lang pwedeng makapasok at 5 beses ka lang din pwedeng makabalik. Kapag sumobra ka ay hindi ka na makakalabas sa time-machine.
Last Rule
Hindi ka pwedeng magsama ng tao sa panahon na binalikan mo, pabalik ng future.
Nang mabasa ni Daril ang lahat ng 'yon ay naalala niya bigla si Lolo Daril. Halos lahat ng rules na nasa loob nito ay nilabag niya. Nabitawan ni Daril ang manual nang dumating bigla si Lolo Daril galing sa palengke at sinalubong niya ito ng mahigpit na yakap.
Nagulat si Lolo Daril sa biglaang pagkayap ni Daril sa kanya, halos tumalsik na kase ang mga pinamili niya sa palengke sa biglaang pagyakap sa kanya nito. Tiningnan niya ng maigi ang mukha ni Daril at nakita niyang paiyak na ito. Binitawan niya ang mga hawak niya at hinawakan ang mukha ni Daril.
"Humarap ka sakin! Bakit ka umiiyak?! Nag-break na ba kayo?" pagtatakang tanong ni Lolo Daril.
"Lolo Daril, nilabag mo lahat ng rules! Hindi ka na makakabalik sa future!" sagot ni Daril.
"Saan mo nalaman 'yan?" tanong ni Lolo Daril.
Dahil sa umiiyak si Daril ay hindi niya na nasagot ang tanong ni Lolo Daril, tinuro niya nalang ang manual na nakalapag sa sahig at dinampot naman ito ni Rosalinda at malungkot na inabot kay Lolo Daril ang manual.
Nang mabasa ni Lolo Daril ang nakapaloob sa manual ay mangilid-ngilid na rin ang luha nito at nilapitan siya ni Daril para yakapin. Lumapit rin si Rosalinda kay Lolo Daril at umiiyak na kumandong ito sa kanya at hinihimas ang mga buhok nito.
"Huwag ka nang umiyak, ano bang meron sa manual na 'yan?" tanong ni Rosalinda.
"Hindi ako umiiyak, sige lang kumandong ka lang sakin! Hu Hu(Crying)," naiiyak na sabi ni Lolo Daril.
Nang mahimasmasan na si Lolo Daril ay binasa niya ulit yung manual at napaisip ng malalim kung anong mangyayari sa kanya sa loob ng time-machine at sa panahon sa binalikan niya. Tiningan niya pa ang ibang nakasulat sa loob nito at nakita niya ang pirma sa gilid ng matandang Marie.
"Kay Marie galing ang bagay na 'to! Sinabi ko na ehh, nakapunta siya dito sa past bago siya mamatay," ani Lolo Daril.
"Kung pumunta na siya dito? Baka nagkita na sila ni Marie?" tanong ni Daril.
"Baka nga nagkita sila, pero hindi lang siya nagpakilala," sagot ni Lolo Daril.
"Anong gagawin mo ngayon niyan? Paano ka na makakabalik sa future?" tanong ni Daril.
"Yun nga ang iniisip ko ngayon ehh, halos lahat kase ng rules nilabag ko, hindi ko naman kase alam na may manual at may sinusunod pala na rules, bigla nalang ako pumasok sa loob ng time-machine," sagot ni Lolo Daril.
"Nasaan na ba ang time-machine? Pwede naman natin subukan na pumasok sa loob ahh," ani Daril.
"Hindi pa ko tapos sa memories na gustong balikan ni Marie, gusto ko muna matapos yun," paliwanag ni Lolo Daril.
"Babalik ka rin naman ehh, susubukan lang natin dahil meron ka pang natitirang apat," ani Daril.
"Gusto mo ba na pumunta tayo ngayon sa time-machine?" tanong ni Lolo Daril.
"Oo, gusto ko 'yon at gusto ko rin magtravel sa future," ani Daril.
"Hindi, hindi pwedeng mangyari ang gusto mo," ani Lolo Daril.
"Gusto ko rin na magtravel," ani Daril.
"Hindi! Papayagan lang kita na sumama sakin pero hindi ka pwedeng pumasok sa time machine, nagkakaintindihan ba tayo?" ani Lolo Daril.
"Sige na! Hindi na! Sasamahan lang kita pero bumalik ka agad ahh, kung hindi ka babalik susunod ako sayo!" ani Daril.
Gabi na nang umalis ang dalawa sa bahay nila. Sumakay nalang sila ng taxi para mas mapabilis ang pagpunta sa museum. Pagkarating doon ay dahan-dahan silang naglakad papasok sa loob ng museum. Nang makapasok sila doon ay agad silang dumiretso sa basement at nakita nila ang time machine na nakalagay sa gilid nito.
Pero nagkaroon ng problema ang pagbaba nila doon dahil nakita sila ng binatang George, ang kaibigan ni Lolo Daril. Para matuloy si Lolo Daril sa gagawin niyang pagpasok doon ay hinarang ni Daril si George at pinigilan ang paghabol nito kay Lolo Daril.
"Daril! Babalik ako!" sigaw ni Lolo Daril.
"Bakit ayaw mo ba kami papasukin ha! Ano bang problema mo!" galit na sabi ni Daril.
"Nasa loob kayo ng museum at hindi kayo pwede pumasok dito sa basement! Hindi kayo employee!" galit na sabi ni George.
Tinali muna ni Daril si George sa gilid at tinakpan ang bunganga nito para hindi maingay. Nasa harap si Daril ng time machine at naghihintay na bumalik si Lolo Daril. Habang naghihintay siya na bumalik si Lolo Daril ay nakipag-kwentuhan muna siya kay George at nakipagkilala.
"Anong sabi mo? Sa Ateneo ka nag-aaral? Ha Ha(Laugh), mababang uri!" natatawang sabi ni Daril.
"Bwbwbwbwbw!" hindi maintindihan na sabi ni George, dahil sa nakatakip sa bunganga nito.
"Ano? Anong sabi mo? Bwaw bwaw bwaw? Hindi ko maintindihan!" ani Daril.
Tinanggal ni Daril ang nakalagay sa bunganga ni George at umiyak ito.
"Hindi mababang uri ang Ateneo! Ipinagmamalaki ko ang Alma mater ko! Doon ako natuto ng maraming bagay at naging isang matalinong tour guide ng museum na 'to! Alam mo ba na ang Ateneo ay pinag-aralan din ni Rizal? Siguro hindi mo kilala si Rizal dahil hindi mo alam ang Ateneo!" ani George.
"Saan ba ang Ateneo? He He(Laugh)," natatawang sabi ni Daril.
Mag-iisang oras na ay hindi pa rin lumalabas si Lolo Daril sa loob ng time-machine. Nag-simula nang mag-alala si Daril at gusto niya na rin sundan si Lolo Daril sa loob nito. Nagugulo pa siya dahil sa ingay ni George sa kapapaliwanag sa kanya at pag-papakilala sa kanya ng Ateneo. Halos i-describe pa nito ang loob at labas ng Ateneo.
"Papasok na ba ko?" tanong ni Daril.
"Huwag! Huwag ka pumasok! Huwag mo kong iwan dito!" sigaw ni George.