Chapter 12: Travel of Two Daril's
Binuksan ni Daril ang time machine para sundan na si Lolo Daril sa future, pero iba ang nakita niya sa loob nito. Nakita niya na nakapikit si Lolo Daril at nandoon lang. Tinapik niya ito at nagulat pa sa kanya.
"Bakit mo ba ko ginugulo! Bakit ka nandito! Nasa future na ba ko?" ani Lolo Daril.
"Wala ka pa sa future, nandito ka pa sa past! bakit hindi ka makaalis?" tanong ni Daril.
"Hindi nga ako makaalis ehh, hindi ko alam kung paano ako makakaalis baka hindi na talaga ako makakabalik," sagot ni Lolo Daril.
"Makakabalik ka niyan, tara dalawa tayo ang sumakay!" ani Daril.
Hinatak ni Daril papasok si Lolo Daril sa loob ng time machine at dahan-dahan na sinara ang pinto. Nang makapasok na sila sa loob ay biglang lumabas ang bilog na umiikot na para bang hinihigop sila papasok. Hilong-hilo na ang dalawa, hanggang sa makarating na sila sa future.
Pagbukas ng pinto ay may nakaharang na yellow sa paligid ng time machine. Nagtinginan ang dalawa at tumalon sa saya ng makabalik na silang dalawa sa future. Humakbang sila sa yellow lane at umakyat na sa first floor. Pag-akyat sa first floor ay nakita ni George na magkasama silang dalawa.
"Bumalik ka na! At kasama mo ikaw!" natutuwang sabi ni George.
"Anong nangyari habang wala ako?" tanong ni Lolo Daril.
"Ayon, hinahanap ka ng anak mo, sinabi ko na bumalik ka sa past, saan pa ba kita hahanapin ehh alam ko naman na 'yan lang ang binabalik-balikan mo!" pabirong sabi ni George.
"Hinahanap ako ni Daris? Kailangan ko siya puntahan, Tara na Daril," ani Lolo Daril.
Umalis na sa museum ang dalawa at pumunta sa bahay ng anak niya na si Daris. Pagpunta nila don ay agad na niyakap ng mahigpit ni Daris ang tatay niya. Nang makita ni Daris ang binatang Daril ay nagulat siya at tinititigan niya ito ng maigi.
"Tay? Totoo ba yung nakikita ko? Totoo bang nanggaling siya sa past?" tanong ni Daris.
"Oo anak, galing siya sa past, talagang ganyan ang itsura ko nung bata ako," sagot ni Lolo Daril.
Pinapasok ni Daris ang mga bisita niya sa loob ng bahay niya. Pinakita naman ni Lolo Daril kay Daril ang mga apo niya at ang asawa rin ng anak niya. Hindi makapaniwala si Daril na totoo na merong future at doon nanggaling si Lolo Daril.
Pagtapos nila na bumisita sa bahay ni Daris ay umuwi na silang dalawa papunta sa bahay nila sa future. Habang bumabyahe sila papunta sa bahay nila ay natutuwa si Daril sa mga nakikita niyang matataas na building na dinadaanan nila. Halos mabali na ang leeg nito sa kakatingin at kakasunod sa magagandang building na dinadaanan niya.
Pagkarating nila sa bahay nila ay nakita ni Lolo Daril si Lola Rosalinda na nagtitirik ng kandila sa tapat ng bahay nila. Agad naman na nilapitan ito ni Lolo Daril at sinaway sa ginagawa niya.
Nagulat si Lola Rosalinda at napatili, nang makita niya ang binatang si Daril. Halos himatayin na ito sa gulat, pero inalalayan ni Daril ang matanda at pinaupo. Nang nakaupo na si Lola Rosalinda ay hinahawakan niya at hinihimas ang mukha ni Daril.
"Nako Daril, ito ang Daril na gusto ko, sakin mo nalang siya patulugin ngayon," malambing na sabi ni Lola Rosalinda.
"Hindi ko inaasahan na makikita kita sa future na ganyan ka na katanda! Ang ganda mo nung dalaga ka tapos ang panget mo pala pag-tumanda," natatawang sabi ni Daril.
"Hoy! Yang mukha na yan ang naging crush ko noon! Huwag ka masyadong manlait dahil alam kong gusto mo rin ako nung dalaga pa ko! Nakita mo ba ang itsura ko doon sa past? Maganda ako diba?" ani Lola Rosalinda.
"Oo, maganda ka! Ikaw nga pa-sexy sa harap ng bahay ko ehh, sana pala hindi na kita sinilip!" ani Daril.
"Sinilipan mo ko?" natutuwang tanong ni Lola Rosalinda.
"Tama na 'yan, magpapahinga na kami, bukas nalang ulit Rosalinda.
"Sige, bubuksan ko lang ang bintana ko, silipan mo ko ahh," malambing na sabi ni Lola Rosalinda.
Bumalik na si Lola Rosalinda sa bahay niya at si Daril naman ay hindi pa rin maka-move on sa itsura ng sinisilipan niyang sexy na babae sa tapat ng bahay niya. Habang naka-upo si Daril ay nag-aasikaso na si Lolo Daril ng makakain silang dalawa.
Nang tumahimik na si Daril ay tiningnan niya ang mga picture na sinasabi ni Lolo Daril sa kanya na nakalapag sa lamesa. Pinagmasdan niyang maigi ang mga masasayang litrato nila at ang litrato ng kasal nila.
"Mangyayari pa kaya 'to samin ni Marie ko?" tanong ni Daril.
"Oo naman, mangyayari pa 'yan sa sainyo, huwag kang mag-alala, hindi ko na sisirain ang mga pagkakataon na magkasama kayong dalawa, basta aalagaan mo siya nang maigi para mangyari sainyo ang lahat ng bagay na 'yan," nakangiting sabi ni Lolo Daril.
Nakapaghain na si Lolo Daril ng pagkain nila at sabay na silang kumain. Pagtapos ay matutulog na naman silang dalawa, sa ganun lang umiikot ang buhay nila ngayon. Nang makahiga na silang dalawa ay pumasok na naman sa isip ni Daril ang rules ng time machine.
"Paano pag hindi ka na makabalik sa past? Paano ako makakabalik? Baka hinahanap na nga ko ni Marie ngayon ehh," ani Daril.
"Makakabalik ako, ihahatid kita don pero hindi ko na mapapangako na magtatagal ako at makakasama ko pa kayo," ani Lolo Daril.
"Iiwan mo kami don? Huwag kapag bumalik ka doon pwede mong maging girlfriend si Rosalinda at magiging masaya ka don! Hindi kagaya dito na malungkot kang mag-isa dahil wala nang magpapasaya sayo," ani Daril.
"Ahm, pwede! Pwede yung iniisip mo! Hindi na siguro tatanda si Rosalinda don!" masayang sabi ni Lolo Daril.
"Ha Ha(Laugh), pareha nga tayo mag-isip!" natatawang sabi ni Daril.
Bago matulog si Lolo Daril ay nagtirik muna siya ng kandila sa harap ng litrato ni Marie at kinausap niya ito sa isip niya. Nakita naman ni Daril ang ginagawa niya at sinamahan niya ito sa harap ng litrato ni Marie.
"Nakausap mo na ba siya?" tanong ni Daril.
"Siguro ito ang huling araw na huling beses ko siya makikita, at ito na ang huling araw na maamoy ko yung panty niya," seryosong sabi ni Lolo Daril.
"Panty? Panty ni Marie?" tanong ni Daril.
Nginuso ni Lolo Daril ang nakadikit na panty ni Marie sa pader at nang makita ni Daril yun ay halos hindi na siya matigil sa kakatawa.