Chapter 10: A Book from Future
Hindi mapaliwanag ni Marie ng maayos kay Daril ang mga binanggit niya. Naririnig naman ni Lolo Daril ang sinasabi ni Marie kaya siya na ang nagpatunay na totoo ang sinasabi ni Marie.
Lumapit si Lolo Daril sa kanila at umupo sa harap nila. Hindi pa makapaniwala si Daril sa kanya dahil parang nangloloko ang itsura nito nang lumapit sa kanila. Dahil sa itsura ni Lolo Daril na yon ay nagtawanan pa ang dalawa.
Marie: Ano ba? Kaya niyo ba ipaliwanag?
Lolo Daril: Kaya ko naman, ready na ba kayo?
Daril: Ready ka na ba?
Lolo Daril: Totoo ang sinasabi ni Marie, lahat ng makikita niyong mga gusali dito ay binabago na nila ang istilo, mas pinapaganda nila at pinapatibay para umabot pa sa susunod na henerasyon.
Marie: Marami na rin mall doon at yung ibang park nasira na, dahil sa tagal ng panahon.
Daril: Paano mo nasabi Marie? Paano mo nalaman?
Marie: Dahil sa librong iniwan ng matandang babae sakin. Isa siyang magandang matanda at binigay niya sakin ang libro na yun, sa totoo lang hindi yun libro ehh. Magazine yun na may litrato ng mga magagandang building at may mga bagong gamit din.
Lolo Daril: Totoo? Hindi ka nagsisinungaling? Baka nakapunta ka na sa future?
Marie: Hindi, totoo ang sinasabi ko! Nakasalubong ko lang ang matandang yun at inabot sakin yung libro.
Daril: Nasaan yung libro na sinasabi mo?
Marie: Dadalhin ko mamaya, kukunin ko sa bahay at dadalhin ko dito para makita mo yung sinasabi ko sayo!
Lolo Daril: Mas maganda nga kung ganun, para makita niya talaga kung ano yung totoo.
Umalis si Marie at pumunta siya sa bahay niya. Kinuha niya sa ilalim ng higaan niya ang mga libro na sinasabi niya. Tiningnan niya muna yon ng maigi kung ayon ba talaga ang libro na hinahanap niya. Nang masigurado niyang 'yon na nga ang libro ay nilagay niya iyon sa bag niya at bumalik sa bahay ni Daril.
Nang mailabas na ni Marie ang libro na sinasabi niya ay nag-agawan sila doon ni Daril. Pinapanood lang ni Lolo Daril na mag-agawan ang dalawa, hanggang sa mapapikit na ito dahil sa naririnig niyang tunog nang napupunit na papel.
"Hindi pa kayo tapos? Ayaw niyo ba malaman talaga kung anong nasa loob ng libro na sinasabi niyong dalawa na hindi naman talaga libro! Magazine at Brochure yang hawak niyo!" ani Lolo Daril.
Nanahimik ang dalawa at inabot kay Lolo Daril ang mga napunit nilang parte ng Magazine at Brochure. Hindi naman maipakita sa kanila ni Lolo Daril ng maayos ito kaya binuo niya muna at pinag-dikit-dikit ang mga napunit na parte nito.
"Pinahirapan niyo pa kong dalawa! Ayan tingnan niyo ang laman ng libro na yan! Kung hindi niyo sana pinunit yan sana maganda niyong makikita ang mga nakalagay diyan!" galit na sabi ni Lolo Daril.
Nang tingnan ng dalawa ang libro ay nakita na ni Daril ang itsura nang future. Nanlaki ang mga mata nito nang makita niya ang napakagandang itsura ng mga building na nakalagay doon at ang mga pagkain din na best recipe ng isang sikat na chef sa future.
"Napakaganda naman sa lugar na 'to! Saan 'to? Napuntahan mo na ba ang lahat ng 'to? Gusto ko rin pumunta dito at tikman yung mga pagkain na nakalagay sa Magazine na 'to!" sigaw ni Daril.
Pinakita naman ni Marie ang mga iba't ibang design ng bra sa kanila. Pati ang mga accessories na nandoon ay gusto niya rin pati ang mga pabango at bag. Nagustuhan rin niya ang mga tupper ware set na nandoon.
"Paano ba umorder dito? Gusto ko ng mga ganitong bra!" masayang sabi ni Marie.
"Bakit parang kay Marie galing ang magazine at brochure na 'yan? Alam ko sa kanya ang brochure na yan ehh, bakit nandito sa past?" pagtatakang tanong sa isip ni Lolo Daril.
Pagtapos nilang tingnan ang mga nakalagay sa Magazine at Brochure ay umuwi na si Marie at natulog na rin si Daril, pero si Lolo Daril ay nakahiga lang at nakatingin sa brochure na hawak niya. Natatandaan niya pa kasi na nagpapa-order pa si Marie sa hospital bago siya mamatay at yung brochure na yun ang gamit niya
Pati ang magazine na hawak nila ay galing din sa hospital. Sobrang lalim talaga ng iniisip ni Lolo Daril ng gabing yun, pakiramdam niya kase na nanggaling na rin si Marie sa past at nakita niya pa ang sarili niya nung dalaga pa siya.
"Paano naman siya makakapunta sa past? Pumunta rin ba siya sa museum para mag-time-travel? O meron din sa hospital?" tanong sa isip ni Lolo Daril.
Dahil sa mahabang pagtatanong sa sarili niya ay nakatulog na din siya na hawak ang brochure. Habang hawak niya ito ay nabitawan niya ito at nabagsak sa mukha ni Daril. Nagising si Daril, dahil naalimpungatan sa nangyari at tiningnan kung ano ang bumagsak sa mukha niya.
Nakita niya ang brochure at dinampot niya ito. Pagdampot niya ay may nakita siyang puti na sobre. Dahil sa sobrang antok ni Daril ay kunuha niya nalang ang puti na sobre at nilagay sa loob ng drawer, para mahiga na at ituloy ang naputol niyang tulog.
Kinabukasan, Nanonood ng TV si Daril at kumakain ng snack. Si Lolo Daril naman ay nagdidilig ng halaman sa garden. Hapon na at kailangan na niyang pumunta sa palengke, para bumili ng pagkain nila.
Umalis na si Lolo Daril at nang matapos na rin ni Daril ang inaabangan niyang drama sa TV ay nag-asikaso na rin siya. Habang nag-aasikaso siya ay kumatok naman ang kapit-bahay niyang si Rosalinda at hinahanap si Lolo Daril.
"Nasaan si Lolo Daril, magpapadilig kase ako sa kanya babayaran ko nalang siya," malambing na sabi ni Rosalinda.
"Magpapadilig ka?! Wala pa siya dito ehh, gusto mo papuntahin ko nalang siya sa inyo?" tanong ni Daril.
"Hindi na, hihintayin ko nalang siya dito sa loob ng bahay niyo," malambing na sabi ni Rosalinda.
Pinagpatuloy ni Daril ang ginagawa niya at habang may ginagawa siya ay nililibot ni Rosalinda ang loob ng bahay nila. Pumunta siya sa drawer at binuksan pa niya ito, kinuha ni Rosalinda ang isang puti na sobre at inangat niya ito.
"Ano 'to? Sulat ba 'to para sayo?" tanong ni Rosalinda.
"Hindi, huwag mo nalang galawin, pakibalik na lang," sagot ni Daril.
Habang nasa kusina si Daril ay naalala niya na ang sobre na yon ay nalaglag galing sa brochure na bumagsak sa kanya habang natutulog siya. Nilapitan ni Daril ang drawer para kunin ang puti na sobre at nang mahawakan niya ito ay naramdaman niyang isang makapal na papel ang nakalagay sa loob nito.