Chereads / Bring Back Memories | Tagalog/Filipino / Chapter 9 - Chapter 9: Life of Future

Chapter 9 - Chapter 9: Life of Future

Chapter 9: Life of Future

Nang kakain na sina Daril at Lolo Daril ay naalala ni Daril ang sinasabi ni Lolo Daril habang natutulog ito. Hindi maalis sa isip ni Daril ang salitang 'yon habang kumakain sila ay paulit-ulit niyang naririnig ang salitang 'yon.

"Ano ba!" sigaw ni Daril.

Nagulat si Lolo Daril sa sigaw nito at halos mabato na nito ang baso na hawak niya. Lumapit siya kay Daril at tinanong ang dahilan kung bakit ito sumigaw. Seryosong tumingin sa kanya si Daril at sinagot ang tanong niya.

"May nanggugulo sa isip ko! Yung bulong mo kagabi," sagot ni Daril.

"Huh! Anong bulong?" tanong ni Lolo Daril.

"Tungkol sa Time Machine! Ano bang meron sa Machine na yon? Bakit binabanggit mo pa pati sa panaginip mo?" galit na sabi ni Daril.

"Hindi ko alam kung bakit ko binabanggit yon! Wala akong maalala," ani Lolo Daril.

"Para saan ba ang Machine na 'yon?" seryosong tanong ni Daril.

"Para makapunta ka sa panahong gusto mo puntahan," seryosong sagot ni Lolo Daril.

Nanahimik si Daril ng marinig niya ang sagot ni Lolo Daril sa kanya. Kumain ulit siya ng tahimik, hanggang sa matapos siya. Umupo si Daril at inisip kung ano bang meron sa future. Kung papapiliin kase siya kung anong panahon ang gusto niyang puntahan, ang isasagot niya sa kahit sino ay ang future.

Gusto kase niya makita ang mga bagong bagay na nadiskubre at nabuo sa mahabang panahon. Hindi pa nakikita ni Daril ang Time Machine, pero pakiramdam niya na ang Time Machine na 'yon ay imbensyon din sa panahon kung nasaan siya ngayon.

Malalim ang iniisip ni Daril, kaya naisipan ni Lolo Daril na lapitan ito at i-kwento ang tungkol sa Time Machine. Paupo pa lang si Lolo Daril ay nakaabang na si Daril dito, alam niya kase na ike-kwento nito at sasagutin lahat ng tanong niya.

"Bakit ganyan ka ba mag-isip? Ang lalim naman ng iniisip mo," ani Lolo Daril.

"Ewan ko, siguro ganito talaga ako pag-curious sa mga bagay na ganyan," seryosong sabi ni Daril.

"Alam ko kase ako ay ikaw at ikaw ay ako," ani Lolo Daril

"Paulit-ulit na naman tayo diyan! Sabihin mo nalang kaya sakin kung anong meron sa future!" ani Daril.

"Ang Future ay maganda, pero maraming gulo! Mas maraming gulo kaysa sa panahon natin ngayon, 'yan lang ang masasabi ko sayo," ani Lolo Daril.

"Yon na? Tapos na? Hindi mo manlang ike-kwento ng buo, para naman hindi na ko mag-isip tungkol 'don!" galit na sabi ni Daril.

"Hindi ko kase alam kung paano ko sisimulan ang kwento ko!" ani Lolo Daril.

"Wag na! Wag mo na sabihin sakin!" ani Daril, at lumubas ito papunta sa mini-garden.

Mula sa loob ng bahay ay kita ni Lolo Daril ang ginagawa ni Daril sa labas. Hinahawakan ni Daril ang mga lumilipad na paro-paro at pinipigilang lumipad. Natatawa naman si Lolo Daril sa loob ng makita niya ang ginagawa nito.

"Ang Future ay isa sa pinaka-delikadong panahon para sakin, kung makikita mo ang future ay saka mo lang malalaman ang tungkol doon at kung anong buhay ang meron doon, Daril," bulong sa isip ni Lolo Daril.

Lumabas si Lolo Daril para mag-jogging. Naramdaman naman ni Daril na lumabas ito kaya bumalik na ulit siya sa loob at umupo muna sa higaan. Ilang minuto lang ay dumating naman si Marie.

"Nasaan na si Lolo Daril? Bakit ikaw lang mag-isa dito?" tanong ni Marie.

"Wala dito si Lolo Daril, kaya ako lang mag-isa kase wala si Lolo Daril," sagot ni Daril.

"Tayo lang dalawa!" nakangiting sabi ni Marie.

"Eh ano naman?" tanong ni Daril.

"Tayo lang! Walang ibang tao dito sa bahay! Ano ka ba! Mag-eh-eh na tayo!" masayang sabi ni Marie.

"Anong Eh-eh? Ahhh, maaga pa!" ani Daril.

"Pwede na 'to! Laban na 'to!" nakangiting sabi ni Marie.

Tumayo si Daril sa pagkakaupo niya sa higaan at hiniga si Marie. Inaamoy pa lang ni Daril ang leeg nito ay nakakaliti na ito at ang ingay sa kakatawa. Binuka ni Daril ang mga hita nito at dahan-dahan na pumatong, hanggang sa kumatok si Lolo Daril at napabalikwas sila ng bangon.

"Puro ka kase dahan-dahan ehh!" galit na sabi ni Marie.

Pumunta si Daril sa pinto at binuksan niya ito ng konti. Sinilip niya si Lolo Daril sa labas at sinesenyasan niya ito ng umalis muna. Hindi naman maintindihan ni Lolo Daril ang senyas nito, kaya umabot ng minuto ang senyasan nila sa pinto.

Hindi na naintindihan ni Lolo Daril ang senyas ni Daril kaya pumasok siya loob ng bahay. Nakita niya si Marie na nag-eexercise ng nakabukaka, napahinto si Lolo Daril at si Daril dahil napatitig sila sa buka-buka ni Marie ng hita niya.

"Bakit kayo nakatingin!" galit na sabi ni Marie.

"Bakit ka kase nakatingin!" galit na sabi rin ni Lolo Daril kay Daril.

Lumapit si Daril kay Marie at si Lolo Daril naman ay pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Tinulak naman ni Marie si Daril at pumunta rin sa kusina para uminom ng tubig. Naiwan na naman mag-isa si Daril kaya humiga siya at hinintay na bumalik si Marie.

Habang naghihintay na si Daril ay napatulala na naman siya sa ding-ding na tabi ng higaan at nakita niya sulok ang isang lumang litrato na sa panahon niya kinuhanan. Inangat ni Daril ang litrato at nakita niya ang sarili niya sa isang lumang litrato na 'yon.

"Mas maganda ang ngiti niya kaysa sakin, Mas masaya sila noon kaysa kami ngayon," seryosong sabi ni Daril.

"Bakit ba malungkot ka? Di naman kita inaaway ahh, dahil ba hindi natuloy yung Eh-eh natin kaya ka ganyan?" tanong ni Marie.

"Oo dahil din don, pero meron pang isang dahilan," sagot ni Daril.

"Anong dahilan? Ano pa? Sabihin mo sakin baka makatulong ako," ani Marie.

"Gusto kong malaman ang buhay na meron ang future," ani Daril.

"Sa Future? Maganda sa Future! Napakaraming building, maraming sasakyan at maraming mga bagong gamit! Yung suot natin ngayon ay iba na sa kanila, old-fashion na ang tawag sa suot nating damit! Meron pa rin doon sasakyang pang-taas at mas pinaganda nila 'yon! Madaling mabuhay sa future, maraming pagkain at maraking kainan, kaso nawawala na ang park na palagi nating pinupuntahan, hindi na nila napapansin ang mga park at mas gusto na nila na mamasyal sa loob ng magandang gusali," ani Marie.

"Paano mo nalaman ang lahat ng 'yan? Nakapunta ka na ba sa future?" tanong ni Daril.