Chapter 6: Two Darils
Masayang naglalakad si Marie at si Daril papunta sa bahay nila. Pagpasok ay nakita ni Daril na nandoon ang matanda at kumakain ng pagkain na hinanda niya kay Marie at ang mga rose na inayos niya sa higaan niya ay gulo-gulo na.
"ANONG NANGYARI!!!" sigaw ng binatang Daril.
"Oh My! Sino 'yan?!" sigaw ng dalagang Marie.
Hawak hawak ng matandang Daril ang kutsara at nginangata pa niya sa bunganga niya ang pagkain. Pumunta ang binatang Daril sa higaan niya at umiiyak na hinawakan ang rosas na gulo gulo. Si Marie naman ay umupo sa kusina at naghanda ng pagkain.
"Anong ginawa mo! Bakit mo nabuksan yung bahay ko!" sigaw ng binatang Daril.
"(Pinakita ang susi), meron din ako susi ehh, kumain ka na!' sabi ng matandang Daril.
"Sorry Sweetheart, hindi na natin magagawa ang promise ko sayo!" umiiyak na sabi ng binatang Daril.
Hindi siya pinapansin ni Marie at kain lang ito ng kain, hanggang sa pinigil ng matandang Daril ang pagkain nito. Tumayo ang matandang Daril at niyakap ng mahigpit ang dalagang Marie. Nagtinginan ang dalawa sa isa't isa at nanlaki ang mata nila sa ginawang pagyakap ng matandang Daril sa kanya.
"Ano 'yan? Anong ginagawa mo? Bakit mo ko inakap!" galit na sabi ni Marie.
"Bawal ka kumain ng mga ganyang pagkain, sorry dahil ganyan ang pinakain ko sayo nung unang date nating dalawa! Sa unang date niyo hindi na kita papayagan na kumain niyan! Hindi ko kase alam noon na may diabetes ka!" umiiyak na sabi ng matandang Daril.
"Meron kang Diabetes?" tanong ng binatang Daril.
"Oo, pero paano niyo nalaman 'yun lolo? Tsaka kailan tayo nag-date?" tanong ni Marie.
"Nagdate na kayo! Sugar daddy mo siya Marie? Aminin mo sakin!" sigaw ng binatang Daril.
Binuhusan ni Marie ang binatang Daril sa mukha ng tubig. Tumayo si Marie at lumapit sa matandang Daril. Tinitigan niya ito nang maigi at hinawakan ang mukha nito. Tulala lang at tahimik ang binatang Daril sa gilid dahil sa ginawang pagsaboy sa kanya ni Marie.
"Saan ba tayo unang nagkita? Paano mo nalaman ang sakit ko? Doctor ba kita?" tanong ni Marie.
"Hindi mo ko Doctor, ako kase si Daril Harris at bumalik lang ako sa panahon na 'to! Marie, sa panahon ko kamamatay mo lang dahil sa sakit na diabetes at sa katandaan mo rin," sagot ng matandang Daril.
"Nag-Time-Travel ka sa panahon na 'to? Paano? At ganyan ang itsura ng pagtanda mo Daril? No! Hindi ko maimagine! Pero gwapo ka pa rin pala pagtanda mo!" sabi ni Marie.
Hindi umimik ang binatang Daril sa gilid at nakasimangot lang ito. Naging interesado si Marie sa kwento ng matandang Daril kaya lumipat pa sila ng ibang pwesto at tinuloy ang usapan nilang dalawa.
"So, saan ang Time-Travel? I mean, paano ka nakapag-travel sa panahon na 'to at bakit sa panahon na 'to?" tanong ni Marie.
"Galing kase ang Time-Travel sa museum ni Mr.Roberts. Naisip kong bumalik sa panahon na 'to, dahil sa panahon na 'to gustong bumalik ng matandang Marie," sagot ng matandang Daril.
"Nakakaiyak naman! Hindi ko manlang nakita ang sarili ko pagtanda!" umiiyak na sabi ni Marie.
"Naniniwala ka naman diyan! Kahit kailan talaga naniniwala ka sa kung sino sino!" sigaw ng binatang Daril.
"Hindi siya kung sino lang! ikaw rin siya! Ikaw nga ehh, naniwala na ko na ipapadama mo na sakin yung pangarap kong romantic s*x!" galit na sabi ni Marie.
Nang sabihin ni Marie ang bagay na 'yon ay biglang tumingin ang binatang Daril kay matandang Daril at hinatak niya ito palabas, para itanong kung anong nangyari noong panahon na ginawa nila 'yon ng matandang Marie.
"Nung panahon ba na kayo ang gumawa nito natuloy?" tanong ng binatang Daril.
"Oo, ginulo ko lang ang gabi niyo!" natatawang sabi ng matandang Daril.
"Ano ba! Sana pinaramdam mo naman samin 'yon! Ang daya daya mo naman!" sabi ng binatang Daril.
Pumasok na ang dalawa sa loob at nakatitig pa rin si Marie sa kanila. Pinagtabi kase ni Marie sa upuan ang dalawa. Ang nakakunot noo ang dalawa na nakatingin din sa kanya.
"Ganyan nga ang itsura mo Daril pagtanda mo! Paano na 'yan? Paano kung tatawagin niyo ang isa't isa? Dapat ibahin natin ang pangalan ng isa sa inyo! Sino ang gusto?" tanong ni Marie.
"Dapat siya ang magpalit dahil siya ang bumalik sa panahon na 'to!" ani binatang Daril.
"Dapat ikaw! Dahil bumalik lang naman ako sa panahon na 'to!" ani matandang Daril.
"Alam ko na! Lolo Daril nalang ang itawag namin sayo!" nakangiting sabi ni Marie.
"Lolo? Ha Ha(Laugh)" ani Daril
"Anong nakakatawa sa pagiging Lolo! Ehh lolo naman na talaga ako!" ani Lolo Daril.
Lumalalim na ang gabi kaya umuwi na si Marie sa bahay niya at pinasakay nalang nila ito ng taxi. Pagpasok ng dalawa sa loob ng bahay ay nag-unahan sila na makahiga sa kama.
"Maglatag ka nalang sa sahig! Hindi na kaya ng katawan ko na humiga sa ganyang higaan!" ani Lolo Daril.
"Oo na maglalatag nalang ako! Nagpaawa ka pa sakin ehh sige na diyan ka na!" ani Daril.
"Salamat!" nakangiting sabi ni Lolo Daril.
Nakahiga na ang dalawa, pero hindi pa rin makatulog ang matandang Daril dahil sa saya na makita niyang muli si Marie. Ayaw na niyang matulog dahil iniisip niya baka bumalik siya sa panahon niya. Nakita siya ng binatang Daril na gising pa at kinausap siya nito.
"Ikakasal ba kami? Kinasal ba kayo? Magkakaron ba kami ng anak? Ilan? Tatlo, Lima, hanggang Walo o Sampu?" tanong ni Daril.
"Ha Ha(Laugh) Ganyan pala ako ka-ulol dati. Isa lang ang magiging anak niyo! Pero kung seswertihin ka sa panahon na 'to, baka dumami pa ang anak mo!" sagot ni Lolo Daril.
"Anong magiging pangalan ng anak namin? Babae o Lalaki?" tanong ni Daril.
"Lalaki, Si Daris ang magiging anak mo. Sa panahon ko marami na kong apo sa kanya kahit nag-iisa siya, kamusta na kaya ang anak ko?" ani Lolo Daril.
"Hindi ba alam ni Daris na bumalik ka sa panahon na 'to?" tanong ni Daril.
"Hindi niya alam dahil wala siya nang pumasok ako sa Time Machine," sagot ni Lolo Daril.
"Hindi ka ba nag-aalala sa kanya? Baka hinahanap ka na ng anak mo? Kailan mo ba balak bumalik?" tanong ni Daril.
"Hindi ko na alam kung paano ako makakabalik ulit, basta ang alam ko lang kasama ko si Marie ngayon," sagot ni Lolo Daril.