Chapter 7: She Liked the Old Version
Madaling araw na nang makatulog ang dalawang Daril, dahil napahaba ang kanilang kwentuhan. Gusto kase malaman ni Daril ang mga susunod na mangyayari, sa tulong ni Lolo Daril. Malakas na ang sikat ng araw pero ang dalawang Daril ay mga nakahilata pa rin.
Maagang dumating si Marie sa bahay nila, hindi naman naka-lock ang pintuan kaya pumasok na si Marie sa loob ng bahay nila. Nakita niya na ang dalawa ay nakahilata pa rin, pero hindi niya ito ginising. Nagluto si Marie ng pang-umagahan at ang mabangong amoy nang niluluto niya ang gigising sa dalawa.
Nagulat si Marie dahil nang marinig pa lang ni Lolo Daril na tumutunog ang kaldero ay alam na niyang si Marie ang nagluluto. Lumapit siya at tiningnan ang dalawa. Si Lolo Daril ay naka-ngiting tumitingin sa kanya, pero ang Daril na kasing edad niya ay naghihilik pa rin.
"Huwag kang mag-alala, ganyan din naman ako nung una," naka-ngiting sabi ni Lolo Daril.
Hindi na inintindi ni Marie si Daril, bumalik nalang siya sa kusina at pinagpatuloy ang niluluto niya. Tumayo si Lolo Daril sa pagkakaupo nito, nakita niya kasing nakasimangot na pumunta si Marie sa kusina, kaya sinundan niya ito.
"Gisingin ko na ba siya?" tanong ni Lolo Daril.
"Huwag na, gigising din naman 'yan!" nakasimangot na sagot ni Marie.
Lumapit si Lolo Daril sa niluluto ni Marie, kumuha ito ng kutsara at tinikman ang lugar na niluluto ni Marie. Napaso ang dila ni Lolo Daril dahil sa pagmamadali niyang matikman ang luto ni Marie. Nag-alala naman si Marie sa nangyari kaya kinuhaan niya agad ng tubig si Lolo Daril at pinainom ito.
"Dahan dahan kase Lo! Alam mong mainit sugod ka nang sugod ehh!" naka-kunot noong sabi ni Marie.
"Okay ka pala maging apo, sana hindi na kita niligawan sa panahon ko, ginawa nalang sana kitang apo," pabirong sabi ni Lolo Daril.
"Imposible! Kaya lang naman kase ako nag-alala kase napaso ka," ani Marie.
"Anong ginagawa niyo?!" pagtatakang tanong ni Daril.
Nagulat si Marie at Lolo Daril sa reaksyon ni Daril sa kanila. Binigay ni Marie ang sandok kay Lolo Daril at kinausap si Daril.
"Bakit kase ganitong oras ka nang gumising!! Tanghali na, paano ka nabubuhay!? Ang laki-laki mo na ganyan ka pa!!" sigaw na sabi ni Marie.
Nagulat ang dalawang Daril sa sigaw ni Marie. Nagtinginan lang ang dalawa habang si Marie ay nagliligpit ng pinaghigaan ni Daril. Habang nagliligpit si Marie ay patuloy pa rin ang pagbubunganga niya.
"Grabe, nangyari ba samin 'to dati?" tanong sa isip ni Lolo Daril.
Tinandaan ni Lolo Daril ang panahon na 'yon, medyo matagal niyang iniisip ang panahon na 'yon, pero hindi pumapasok sa utak niya. Nag-aaway na ang dalawa dahil habang nagbubunganga si Marie ay inaasar pa lalo ni Daril, kaya mas lalong umiinit ang ulo ni Marie.
Nang matandaan na ni Lolo Daril ang mangyayari sa kanila, na mapipikon si Marie kay Daril at magagalit ito nang husto kaya maiisipan ni Marie na pukpokin ito ng kawali na nakalapag sa mesa. Naisipang tulungan ni Lolo Daril si Daril, hawak na ni Marie ang kawali at handa na niyang ipukpok 'yon sa ulo ni Daril, pero nakaabot pa rin si Lolo Daril at sinangga niya ang malakas na hampas ni Marie ng kawali.
Pag-hapas ni Marie ay nahilo si Lolo Daril, humarap pa ito kay Marie at ngumiti, pero natumba pa rin siya at nakatulog dahil sa lakas ng pag-hampas sa kanya. Nataranta na ang dalawa sa gagawin nila. Nagtinginan sila dahil hindi nila alam ang gagawin, at imbes na tulungan si Lolo Daril ay inuna pa nila ang pagtatalo.
"Ikaw kase ang may kasalana nito! Kung hindi ka nang-bwisit hindi sana magkakaganyan si Lolo!" sigaw ni Marie.
"Ako pa ngayon ang may kasalanan ahh! Sinangga niya kase yung hampas mo sakin kaya siya nagkaganyan!" ani Daril.
"Ngayon ako pa ang lumalabas na may kasalanan?" ani Marie.
"Hindi ko naman sinabi 'yon! Ikaw naman kase talaga!" ani Daril.
"Ano!! Huwag mo kong binagbibintangan diyan ahh!!" sigaw ni Marie.
Inasar na naman ni Daril si Marie kaya hindi rin siya nito tinigilan. Hindi sila magkaintindihan at hindi rin sila magkasundong dalawa sa lahat ng bagay. Habang binubugbog ni Marie si Daril ay bumabangon na si Lolo Daril sa pagkakahiga nito. Nang makabangon na ay sinigawan niya ang dalawa.
"TUMIGIL NA KAYO!!" sigaw ni Lolo Daril.
Nagulat ang dalawa sa sigaw ni Lolo Daril at kahit mismo siya ay nagulat rin sa sigaw niya. Tumigil ang dalawa dahil sa sigaw niya at nakatingin ang dalawa sa kanya. Nahiya naman si Lolo Daril sa ginawa niya, kaya sa seryosong ganap nila ay natawa siya.
"Malakas pala ang sigaw ko, Ha Ha(Laugh)" natatawang sabi ni Lolo Daril.
Nang makita nila na tumatawa na si Lolo Daril ay nilapitan na nila ito. Kumuha si Marie ng yelo para ilagay sa bukol ni Lolo Daril at si Daril naman ang nagpatuloy ng nilulutong lugaw.
"Masakit pa rin po ba Lo?" malambing na bigkas ni Marie.
"Oo, masakit pa rin," pagpapaawa ni Lolo Daril.
Nakikita ni Daril ang ginagawa ni Marie kay Lolo Daril kaya nanlilisik ang tingin niya sa dalawa. Tapos na ang niluluto niyang lugaw at padabog na naghanda ng kakainan nila.
"Nye!Nye!Nye! Paawa pa, hindi manlang iniisip na matanda na siya tapos nagpapa-cute pa! Hindi nahiya!" bulong na sabi ni Daril.
Natatawa si Lolo Daril sa naririnig niya kay Daril, kahit na bumubulong kase ito ay rinig na rinig ang sinasabi niya. Binato ni Marie si Daril ng hawak niyang yelo at sinabihan niya ito, dahil narinig din niya ang bulong ni Daril.
"Hoy!! Huwag ka nang bumulong diyan! Huwag ka rin magdabog! Mas gusto ko na ang matandang Daril kaysa sayo!" sigaw ni Marie.
"Huwag mo sabihin 'yan! Alam kong mas gusto mo ko dahil mas cute ako!" ani Daril.
"Cute?! Saan banda? Mahiya ka naman sa sinasabi mo!" ani Marie.
"Tara na! Kain na tayo!" ani Daril.
"Lo? Tara na po kain na tayo," malambing na bigkas ni Marie.
Nakangiting lumapit si Lolo Daril kay Marie at inalalayan siya nito na umupo sa hapagkainan. Nilapit din ni Marie ang pagkakainan ni Lolo Daril at siya rin ang nag sandok ng kakainin nito. Habang ginagawa 'yon ni Marie kay Lolo Daril ay nakatingin ng masama si Daril sa kanila.
"Isang puntos para sakin! Ha Ha(Laugh Maniacally)," bulong sa isip ni Lolo Daril.