Chereads / Bring Back Memories | Tagalog/Filipino / Chapter 4 - Chapter 4: Who Are You?!

Chapter 4 - Chapter 4: Who Are You?!

Chapter 4: WHO ARE YOU?!

Nasa labas ng museum si Daril at nagpapahangin. Nakaramdam nanaman kase si Daril ng lungkot at pagkasabik kay Marie. Gusto niya na makita ang isang buhay at nakakausap na Marie.

"Okay ka naba? Kapag nalulungkot ka o gusto mo nang kasama pwede mo naman ako tawagan ehh, pwede mo ko yayain na uminom sa bahay mo.," ani George.

"Okay ka na ko, tara! Balik na tayo sa loob.," ani Daril.

"Akala ko naman kung anong tara na!" pabirong sabi ni George.

Bumalik na ulit sa trabaho si Daril at maayos naman niyang ginawa ang trabaho niya, hanggang sa matapos ito. Binabalak nanaman ni Daril na balikan ang capsule sa basement, pero kinakalaban siya ng takot na baka hindi na siya makabalik.

Pag-uwi ni Daril ay akala niya nandoon pa rin ang kapitbahay niyang si Rosalinda nakaabang sa kanya. Pero hindi na niya ito nakita. Tumingin si Daril sa bintana ni Rosalinda at napansin niyang nakasilip ito.

Paglapit niya sa pinto niya ay may nakasabit na pagkain dito. Kinuha niya 'yon at iningat ang pagkain, pinakita niya kay Rosalinda at biglang patay naman ng ilaw nito. Pumasok na si Daril sa loob ng bahay niya at kinain ang binigay ni Rosalinda na pagkain.

"Marie, sorry ahh kumakain na ko ng ibang putahe. Promise ko sayo na ikaw pa rin ang mahal ko! Kinakain ko lang ang luto ng iba kase hindi na ko nakakain ng mga ganito simula ng mawala ka!" ani Daril.

Habang kumakain si Daril ay naalala nanaman niya ang Time-Travel Capsule sa basement. Tuwing naalala niya ang asawa niya ay palagi rin sumasagi sa isip niya ang capsule sa basement.

Sa araw-araw na pumapasok si Daril sa trabaho niya at nakikita ang capsule ay palagi niyang binabalak na pumasok doon, para bumalik sa nakaraang kasama si Marie. Kahit sa gabi na galing siya sa trabaho at hihiga nalang sa higaan niya ay hindi nawawala ang capsule sa isip niya.

Ilang araw niyang binalak na pumasok doon, pero siya nalang mismo ang kusang umaatras kapag nakakapasok na siya sa loob noon. Hanggang sa isang gabi, ang gabi na buo na ang loob niyang pumasok sa loob ng capsule ay pumunta siya ng museum kahit gabi na.

Kinakabahan na pumunta doon si Daril, dahil nag-aalangan din siya na baka mahuli siya nang taong nagbabantay sa loob nito.

Habang pinag-mamasadan niya ang litratong hawak niya ay lumalakas din ang loob niya na pumasok doon. Hanggang sa umalis na ng bahay si Daril at gabing-gabi na pumasok doon.

Maraming bantay ng mga araw na 'yon, pero hindi natakot na pumasok si Daril. Napansin siya ng isa sa mga nagbabantay nito.

"Mr.Harris! Gabi na ahh, bakit nandito ka pa? Bilisan mo na at umuwi ka na.," sabi ng nagbabantay dito at tsaka umalis.

Pababa na nang basement si Daril at naglalakad na siya papunta sa capsule.

Nakikita na niya ang ganda nito, para kase sa mata ni Daril ay nagliliwanag ang kagandahan nito. Nilapag niya ulit ang hawak niya na litrato sa salamin ng capsule at pumasok sa loob.

Hindi pa sinasara ni Daril ang capsule, dahil kinakabahan na naman siya na ituloy ito. Dahan-dahan na isinara ni Daril ang pinto at pumikit. Pagkasara ay bigla nalang lumiwanag ang loob nito at nahihilo siya sa nakikita niya. Kaya agad niyang inisip ang panahon na gusto niyang balikan.

Pagbukas ni Daril ng pinto ay parang walang nangyari sa pagpasok niya dito. Inisip niya na peke ang capsule na sinasabi ni George, kaya bumalik na siya sa first-floor. Pag-akyat niya ay umaga na at marami nang tao sa loob ng museum. Maraming bata at nakita niya rin na naging bata ang itsura ni George.

"George! George!" sigaw ni Daril.

Nilapitan niya ito at niyakap ng mahigpit. Pilit naman inaalis ni George ang pagkakayakap sa kanya ni Daril. Pinag-masdan nang maigi ni George ang mukha ni Daril at mukhang hindi siya nito kilala kaya tinalikuran siya nito. Hinabol naman ni Daril ang binatang George at pilit siyang nagpakilala, pero hindi talaga siya nito kilala.

"Ikaw ba yung nawawala kong tatay? Kung ikaw nga 'yon sino ang nanay ko?" naiiyak na tanong ni George.

"Si Georgia?" sagot na tanong ni Daril.

Umiiyak si George at yumakap sa kanya ng mahigpit. "Ikaw nga ang tatay ko!" sigaw nito at tuloy-tuloy ang pag-iyak nito. Sumakit ang ulo ni Daril kay George dahil hindi maipaliwanag kay George ang nangyayari sa kanya.

"Hula ko lang 'yun ehh, bakit tinotoo mo!" bulong sa isip ni Daril.

Bumitaw na si George sa kanya at tiningnan ulit ang mukha ni Daril. Tumingin si George sa salamin at tiningnan niya ang sarili niya doon.

"Parang ang labo naman na maging tatay kita, kase ang layo ng itsura mo sakin!" ani George.

"Hula ko lang yung pangalan ng nanay mo, pero hindi ko talaga kilala kung sino 'yon!" ani Daril.

"Ehh sino ka ba? Saan ka ba nanggaling? Bakit ka nandito?" tanong ni George.

"Ako si Daril Harris, ang kaibigan mo!" sagot ni Daril.

"Huh?! Wala akong kilalang Daril!" ani George.

"Sa panahong 'to hindi pa pala kita kilala.," ani Daril.

Tumakbo palabas si Daril nang museum at nagmadaling umuwi sa bahay niya, iniwan na tulala si George sa Museum. "Ano bang meron 'don?" tanong nito sa sarili niya. Nang makarating na si Daril sa bahay niya ay parang wala tao sa loob nito.

Nakita niya si Rosalinda na nasa labas ng bahay nito. Tiningnan niya ito ng maigi at pinagmasdan mula ulo, hanggang paa.

"Maganda ka pala nung dalaga ka, kay Marie lang kase ako nakatingin.," bulong sa isip ni Daril at pumasok na ito sa loob.

Marumi ang sala niya at puro labahan ang kusina nito. May nakalapag pa sa sahig na halos kahuhubad lang at mainit-init pa. Dinampot ni Daril ang damit at inimoy "Sa akin ang amoy nang pabango na 'to ahh, damit ko rin 'to nung binata pa ko bakit lumabas?" nagtatakang sabi ni Daril.

Nilinis niya ang lahat ng kalat at hinigusan ang lahat ng tambak sa lababo niya. Pati ang magulong higaan niya ay inayos niya rin. Pagtapos ay tiningnan ang C.R kung marumi rin ito para agad na malinis. Pero iba ang nakita niya, isang makisig na lalaki at nakahubad ang nakita niya. Pagharap nito sa kanya ay nakita niya ang itsura niya, ang sarili niya noong binata pa lang siya.

"HAAAAAA!! SINO KANG MATANDA KA! BAKIT KA NANDITO SA BAHAY KO?!" sigaw ng binatang Daril.