Chapter 3: The Capsule
Pagod sa maghapon sa trabaho si Daril. Matanda na kase siya at nabigla rin sa pagtatrabaho kaya mabalis na napagod. Naisipan ni Daril na bumaba sa basement at doon nalang magpahinga. Hindi kase siya makapagpahinga ng maayos sa locker room dahil maraming lumalabas-pasok doon.
Pagbaba ni Daril sa basement ay binuksan niya ang ilaw. Napakaraming ilaw sa basement ng Museum at nakita ni Daril na wala pa rin pinagbago ang basement ng Museum. Nakita ni Daril na meron upuan na malambot sa sulok at meron din maliit na fan na nakakabit sa ding-ding nito.
Humiga si Daril doon at nakahiga naman siya ng maayos. Relax na relax at pantay ang higa niya doon sa upuan. Papikit na sana si Daril nang makita niya ang isang kahon sa sulok at kaharap ng upuan na pinaghihigaan niya ay kitang-kita nita ito.
Naging mainit sa mata ni Daril ang nakalagay na kahon sa sulok. Napabangon siya at nilapitan ang kahon na umaakit sa mga mata niya. Inalis niya ang nakatakip na tela doon at pinagpag ang mga alikabok na nakakapit dito.
May nakalagay doon na "Warning! Do not touch!" bilang signal na bawal ito galawin. May salamin na nakakabit sa pinto ng kahon at ngayon lang nakakita si Daril ng ganong itsura ng salamin. Bilog kase ang salamin at pagnasisinagan ng liwanag ang makikita mo dito ang paikot na bilog na aakalain mo ay hihigupin ka paloob, yung bilog na parang mahi-hypnotize ka.
Dumating ang katrabaho ni Daril na si George doon, na dapat ay magpapahinga rin. Nagkagulatan sila ng makita nila ang isa't isa doon sa basement. Mabilis na tinakpan ni George ang kahon na hinahawakan ni Daril at hinatak niya ito palayo. Inupo ni George si Daril sa upuan na pinaghihigaan nila at kinuwento niya ang tungkol sa kahon na hinahawakan niya.
"Huwag na huwag mong lalapitan ang bagay na 'yan! Dinala 'yan dito dahil marami ang pumapasok diyan at hindi na nakakabalik. Time-Travel Capsule 'yan kapag pumasok ka diyan at inisip mo kung saang oras mo gusto bumalik ay dadalhin ka niya sa panahon na 'yon.," seryosong sabi ni George.
"Saglit, wala na bang nakakabalik diyan kapag pumasok? Kahit isa ba sa pumasok diyan ay hindi na nakabalik?" tanong ni Daril.
"Meron bumalik, si Mr.Roberts. Si Mr.Roberts at may isang dalagang babae lang ang pumasok diyan na nakabalik, pero ang iba ay wala na talaga.," sagot ni George.
Umakyat na si Daril at George sa first-floor. Hindi makapag-focus sa trabaho si Daril dahil naiisip niya ang Capsule sa basement. Hanggang sa nag-uwian na ang lahat at si Daril nalang ang naiwan sa museum. Gusto niyang balikan ang Capsule sa basement pero nag-aalangan siya kaya umuwi nalang siya.
Dumaan muna si Daril sa convinience store at bumili ng pagkain bago umuwi sa bahay niya. Bumili siya ng mga instant noodles, kape at sabon na gagamitin niya sa araw-araw at bumili rin siya ng tubig. Pagtapos bumili ni Daril ay agad na umuwi na siya.
Nakita ni Daril si Rosalinda na nasa harap nanaman ng bahay niya at nakaabang sa kanya. Malayo pa lang si Daril ay nakikita na niya itong nagpapaganda sa kanya at may dalang pag-kain na ibibigay sa kanya.
"Goodevening Daril, meron akong niluto para sayo. Alam kong pagod ka at hindi ka pa kumakain kaya dinalahan kita ng niluto ko.," ani Rosalinda.
"Gusto mong pumasok sa loob?" tanong ni Daril.
"Huh? Ehh, Sige! Gusto ko na rin naman madiligan!" naka-ngiting sagot ni Rosalinda.
Pumasok sila sa loob at inayos muna ni Daril ang mga dala niyang pagkain. Pinaupo niya muna si Rosalinda at naghanda ng pagkain sa lamesa. Nakatingin si Rosalinda sa litrato ni Marie na nakapatong sa lamesa at kunuha niya ito.
Hinawakan ni Rosalinda ang litrato ni Marie at hinatak naman sa kanya ni Daril ito. Umupo si Rosalinda at tinitingnan ang ginagawa ni Daril. Nang matapos na si Daril sa paghahain niya ay kumain na ito.
"Bakit nandito 'yan sa lamesa mo? Dapat lagyan mo siya ng magandang lagayan at palagi mong lalagyan ng bulalak sa harap niya.," ani Rosalinda.
"Ayaw mo ba kumain?" tanong ni Daril.
"Kumain na ko ehh, ikaw nalang panonoorin nalang kita.," sagot ni Rosalinda.
"Kaya lang ba pumasok dito para madiligan kita?" tanong ni Daril.
"Ahm, ano ka ba! Syempre naman!" sagot ni Rosalinda.
Hininto muna ni Daril ang pagkain niya at pumunta sa likod ng bahay nila at kinuha ang pang-dilig ni Marie at diniligan niya si Rosalinda. Nagulat si Rosalinda sa ginawa ni Daril kaya sinigawan niya ito ng malakas.
"HAYOP KA!! ANONG GINAWA MO SAKIN!!" aniya.
Tumawa lang si Daril sa kanya at nagdabog na lumabas si Rosalinda. Natatawa pa rin si Daril sa ginawa niyang kalokohan kay Rosalinda, hanggang sa paghiga niya ay naalala niya pa rin ang ginawa niya kay Rosalinda.
Papikit nalang si Daril ay naalala nanaman niya ang itsura ng Capsule na nakita niya sa basement. Pakiramdam niya rin ay na-hypnotize na siya nito kaya pumapasok pa rin sa isip niya ang itsura ng capsule.
Hanggang sa napabalikwas siya ng tayo at kinuha ang kahon na iniwan ni Marie sa kanya. Ang kahon na puno ng litrato nang panahon na unang lumabas sila at ang panahon na gustong balikan ni Marie kasama siya.
Naalala lahat ni Daril ang sinabi sa kanya ni George tungkol sa Time-Travel Capsule. Kaya naisipan niyang bumalik sa nakaraang gusto ni Marie gamit ang Time-Travel Capsule.
Pagpasok ni Daril sa trabaho niya ay dumiretso siya sa basement para makita ang capsule. Hawak ni Daril ang litrato nila ni Marie papunta doon. Nang makarating na siya ay tinanggal niya ulit ang telang nakalagay dito. Nilapag niya sa salamin ang litrato na hawak niya at binuksan ang pinto ng Time-Travel Capsule.
Nakita siya ni George na papasok sa Capsule kaya pinigil niya ang pagsara ng pinto at hinatak niya ito palabas. Tinulak niya si Daril at napaupo naman ito.
"Ano bang ginagawa mo?! Bakit papasok ka diyan? Diba sinabi ko na sayo na delikado pag pumasok ka diyan sa loob?!" galit na sabi ni George.
Umiiyak si Daril at itinayo siya ni George. Nang makatayo na ay pinainom siya ni George ng tubig. Ilang minuto lang nang maging kalmado na si Daril ay kinausap siya ulit ni George.
"Bakit mo ba gustong pumasok diyan?" tanong ni George.
"Gusto kong bumalik sa panahong masaya si Marie.," sagot ni Daril.