Chereads / Bring Back Memories | Tagalog/Filipino / Chapter 2 - Chapter 2: Sweetheart, I Miss You

Chapter 2 - Chapter 2: Sweetheart, I Miss You

Chapter 2: Sweetheart, I Miss You

Nalungkot si Daril dahil sa nabasa niya at sinabi niya rin na ang memories na yun ay ang pinaka-magandang memory nila ni Marie at 'yon din ang pinaka-favorite niya sa lahat. Ang nakalagay kase sa litrato ay ang first monthsarry nila ni Marie.

Nakaramdam na nang gutom si Daril kaya kumain siya ng kumain. Hindi na niya napansin na ang kinain niya ay napasobra na. Marami ang nakain ni Daril kaya uminom siya ng tsaa. Nakita niya ulit ang sulat sa karton ng tsaa na "Drink Everyday!".

Lungkot na lungkot na si Daril sa loob ng bahay niya dahil halos lahat ng bagay na ginagalaw niya ay may naiwang ala-ala ni Marie. Kinuha niya ang telepono at tumawag siya sa dati niyang trabaho. Ang paggiging isang tour guide sa museum.

"Hello? I'm Daril Harris, pwede ko bang makausap si Mr.Roberts?" tanong ni Daril.

"Hmm Sir Daril, wait lang po ibibigay ko sa kanya.," sagot ng receptionist ng museum.

"Hi Mr.Harris, Kamusta na? Nakikiramay ako sayo, bakit ka nga pala tumawag?" tanong ni Mr.Roberts.

"Gusto ko sana bumalik sa trabaho, alam kong matanda na ko pero kaya kong gawin ng maayos ang trabaho ko. Malakas pa ko kaya ko pa ang mga gawain sa museum, kaya ko pang mag-lecture at mag-guide.," sagot ni Daril.

"Masaya ako na gusto mo ulit mag-trabaho sa Roberts Land Museum, Mr.Harris. Hihintayin ko ang pag-punta mo dito!" ani Mr.Roberts.

"Maraming salamat po (Call Ended)" paalam ni Daril.

Naging masaya si Daril nang malaman niyang pwede pa siyang bumalik sa dati niyang trabaho. Si Daril kase ang pinakamagaling na tour guide sa Roberts Land Museum, noong panahong si Daris palang ang anak nila ni Marie.

Pumili na ng damit si Daril na ihahanda niya para sa pagpunta niya ng museum. Nakalagay pa sa hunger ang damit niya at idinikit niya sa kanya para makita niya kung bagay ba ito sa kanya. Nang gawin niya 'yon ay naalala nanaman niya si Marie, ito kase ang naglalagay ng neck-tie sa kanya tuwing papasok siya sa trabaho.

Binitawan ni Daril ang damit at pumunta sa kusina para kumuha ng wine. Pagkuha niya sa wine ay wala itong laman, lahat ng bote ay tiningnan niya pero walang laman kahit isa. Ayaw ni Daril na malungkot siya gusto niya ng may gagawin siya para makalimutan niya ang asawa niya.

Lahat ng bote nang wine na nakalagay sa kusina niya ay binasag niya. Binato niya lahat ng iyon sa pader ng bahay niya. Isa pa lang ang nababasag ni Daril ay nararamdaman niya na ang saya at nakakalimutan na niya ang asawa niya.

Nang mabasag na ang lahat ng bote ay nilinis niya lahat ng bubog nito. Kumuha siya ng lalagyan at nang damputin na niya ang isang basag na bote ay nasugatan siya. Nung nang masugatan siya ay naalala nanaman niya si Marie. Si Marie kase ay mabilis niyang hinahawakan ang kamay ni Daril at agad na pinupunasan ang dugo ng sugat dito.

"Sweetheart, I Miss You! Miss na miss na kita! Maglapag ka naman ng hagdan dito ohh para naman maakyat kita diyan sa langit!" bulong sa isip ni Daril.

Tinuloy ni Daril ang paglilinis ng bubog. Pagtapos ay nagluto nalang si Daril ng pagkain. Naghanda siya ng dalawang pinggan at nilagay niya sa lamesa ang litrato ng asawa niya. Nakaharap sa kanya ang litrato ng asawa niya, nilagyan niya ng pagkain ang pinggan ni Marie at nag-umpisa na siyang kumain.

Nakangiting kumakain si Daril, dahil sa kaharap niyang litrato ni Marie. Pakiramdam kase niya na kasama niya sa pagkain si Marie nang ilagay niya ang litrato nito sa harap niya. Tumitingin si Daril sa litrato at tumatawa ito dahil iniisip niyang nginingitian siya ni Marie.

Kinabukasan, paalis na ng bahay si Daril para pumunta sa museum at magtrabaho ulit doon. Dala ni Daril ang bag niya at sumakay ng taxi. Pagkarating sa museum ay nakangiti pa rin siyang pumasok sa loob nito. Pagpasok ay nakita niya ang sarili niya sa harap ng malaking salamin. Inayos niya ang buhok niya at inayos rin ang suot niya.

Hanggang sa lapitan na siya ng isang receptionist at sinamahan siya nito papunta sa office ni Mr.Roberts.

"Hi Sir, kayo po ba si Mr.Harris?" tanong ng Receptionist.

"Yes, ako nga.," sagot ni Daril.

"Dito po Sir sumunod po kayo sakin.," tugon ng Receptionist.

Sumunod naman si Daril dito. Hindi mapakali ang mata ni Daril dahil sa malaking pinagbago ng museum ni Robert. Nang makarating na sila sa office ni Mr.Roberts ay iniwan na siya doon ng receptionist at nakausap na niya si Mr.Roberts.

"Goodmorning Mr.Harris, sobrang tagal na ng hindi tayo nagkita. Noong huling kita natin ay binyag ng anak mo.," ani Mr.Roberts.

"Hinanap ka namin ng anak ko para mamasko siya sayo, pero wala ka palagi. Saan ka ba nagtago?" ani Daril.

"Huh? Nagtago? Hindi ako nagtago nandito lang ako sa museum palagi.," ani Mr.Roberts.

"Malaki na ang utang mo sa anak ko! Sinisingil na kita! Wait compute ko muna kung magkano ahh.," ani Daril.

Seryosong nag-compute si Daril ng utang ni Mr.Roberts sa anak niya. Nanlalaki ang mata ni Mr.Roberts dahil sa mga sinasabi ni Daril sa kanya. Nang matapos ng ma-compute ni Daril ang lahat ay sinabi niya ang total ng na-compute niya.

"32 years old na ngayon si Daris, kada 1 year ang pamaskong ibibigay mo sakanya ay dapat 100 pesos! 3,200 pesos ang babayaran mo sa kanya.," ani Daril.

"Kalimutan na muna natin ang tungkol diyan da-" -Mr.Roberts

"Tatakbo ka nanaman sa utang mo?" pabirong sabi ni Daril.

"Sumasakit na ang ulo ko! Mag-umpisa ka na nang trabaho simula ngayong araw!" sigaw ni Mr.Roberts.

"Mr.Roberts, libre ang pang-araw-araw na pagkain ko dito sainyo ahh parang hindi niyo po kase balak bayaran ang utang niyo.," ani Daril.

"Mag-umpisa ka na! Labas!" sigaw ni Mr.Roberts.

Lumabas si Daril ng office at nilagay ang gamit niya sa locker room at nagsuot rin ng uniform. Nakita ni Daril doon ang matagal na niyang katrabaho at kasing tanda niya rin na si George. Nagtakip si George ng mukha ng makita niya si Daril. Nilapitan ito ni Daril at hinampas ng dala niyang bag.

"Hoy! Bakit ka nagtatago? Anong akala mo sakin multo? Matagal na kitang hindi nakikita George. Miss na kita, na-miss mo ba ko?" masayang sabi ni Daril.

"Akala ko kase patay ka na rin! Nakikiramay ako sa pagkawala ng asawa mo.," malungkot na sabi ni George.

"Bakit ka tumandang pangit? Pustiso na ata yang ipin mo ehh.," pabirong sabi ni Daril

"Bakit yung sayo? Pustiso na rin naman yan!(Laugh)" ani George.