Chapter 1: In Loving Memory
"Marie, maging masaya ka sana sa piling ng diyos. Makakapagpahinga ka na hindi ka na mahihirapan sa pagtanda mo. Huwag mo sana akong kalimutan, pag-sumunod na ko sayo i-kwento mo sakin lahat ng nangyari sayo ahh.," bulong na sabi ni Daril.
Namatay sa sakit na diabetes ang asawa ni Daril na si Marie. Sa araw ng libing ni Marie ay naiwan si Daril sa tapat ng libingan nito. Pinipilit na siya ng anak niyang si Daris na sumama ang ito sa kanya pero hindi niya mapilit ang ama niya at hinayaan niya nalang muna at hinintay ang ama niya sa kotse.
Madilim na at hindi pa kumakain si Daril. Nakayakap lang siya sa puntod ng asawa niya at namamaga na ang mata sa kaka-iyak niya. Nilapitan na siya ng anak niya at binigyan siya ng pagkain pero hindi niya iyon pinapansin. Hindi niya kinain ang dalang pagkain ng anak niya.
Naiintindihan naman ni Daris ang sobrang paghihinagpis ng ama niya sa pagkawala ng ina niya. Sinamahan nalang muna ni Daris ang ama niya sa puntod ng ina niya at pina-uwi na ang sariling pamilya niya.
"Bakit ka pa nandito? Gabi na! umuwi ka na!" ani Daril. Umupo si Daris sa tabi niya at binigyan siya ng dala nitong beer. "Bakit mo ko binigyan nito? Ayoko ng beer! Gusto ko wine! Magkaiba talaga tayo ng taste!" pabirong dagdag nito.
"Pa, nagpapahinga na si Mama, magpahinga na rin.," ani Daris.
"Aba g*g* 'to! Kanino ka nagmana ng kag*g*han mo? Malakas pa nga ko gusto mo na maghinga na rin ako! Ayoko pa mamatay anak! Hihintayin ko pa ang magiging anak mo sa magiging pangalawa mong asawa!" pabirong sabi ni Daril.
"(Laugh) Pa, hindi pa kita gustong mamatay! Gusto ko lang sabihin na matulog ka na dahil gabi na. Pa, bibigyan ko nalang ng maraming anak si Jeniva yung puro lalaki! Para may magkakalat ng apelyido mong Harris.," ani Daris.
"Nakakalungkot yung sinasabi mo! Puro babae nga anak mo ehh! Umuwi ka na wala kang kwenta kausap!" pabirong sabi ni Daril.
"Sige Pa, uuwi na ko maiwan na kita dito.," paalam ni Daris.
"Sige umuwi ka na! gusto ko bukas meron na kong apo na lalaki ahh!" sigaw na sabi Daril.
Lilipas na ang gabi at nandoon pa rin si Daril sa sementeryo. Nakatulog siya sa tabi ng asawa niya at nagising sa malakas na iyak ng mga taong nasa paligid niya. May bago nanaman kasing ililibing sa tabi mismo ng asawa niya. Naalimpungatan si Daril sa ingay kaya sinigawan niya ang mga ito.
"Hoy! Alam niyong natutulog yung tao ehh ang iingay niyo! Hinaan niyo lang yung pag-iyak niyo! Pare-parehas lang tayong namatayan! Ayoko na nga matulog! Honey, Bebelab, Sweetheart. Uuwi na ko ahh! Iiwan na kita.," ani Daril.
Walang sasakyan na dala si Daril kaya naglakad nalang siya pauwi dala ang saklay niya. Pakarating niya sa bahay niya ay may nakita siyang isang matandang babae na maganda ang suot sa harap ng bahay niya. Marami pang suot ito na pampakinang sa katawan.
"Hi Daril, Saan ka galing? Kagabi pa kita pinupuntahan dito sa bahay mo pero wala ka. Saan ka ba natulog? Gusto sana kitang tabihan sa pagtulog mo kagabi ehh.," ani Rosalinda, ang kapitbahay nila.
"Alam mo manang dapat nung bata pa lang tayo saka mo ko nilandi nang ganyan! Hindi kita aatrasan, pero ngayon? Pareha na nating hindi kaya umuwi ka na!" ani Daril.
"CONDOLENCE! TSE!" sigaw ni Rosalinda.
Umalis na ang kapitbahay ni Daril at pumasok na siya sa loob ng bahay niya. Kung ano ang huling ayos ng bahay niya na huling nakita niya kasama si Marie ay yun pa rin ang nadatnan niya. Pati ang mga huling pinaghubaran ni Marie na damit niya at pangloob ay hindi pa rin naayos.
Kinuha ni Daril ang panty ni Marie at dinikit niya sa pader na malapit sa kama niya. "Kaya ka pala walang panty nung nilibing ka Sweetheart dahil iniwan mo dito sa bahay yung paborito mong panty!" ani Daril. Ang mga labahan naman nila ay nilabahan na ni Daril at naglinis siya ng bahay.
Pagtapos ay umupo muna si Daril sa tabi ng bintana at nag-kape doon. Sa bawat sulok ng pader ng bahay niya ay nakikita niya si Marie. Ang mga panahon na masaya sila ni Marie ay naaalala niya.
Gabi na naman at walang balak na kumain si Daril. Gusto niya ay matulog nalang muna dahil hindi rin siya nagaganahan kumain. Humiga si Daril at tumingin sa ibabaw ng kama niya at may nakaipit na litrato nila ni Marie nung sila ay binata't dalaga pa.
"Sana bumalik nalang yung panahong 'to, ang saya-saya pa natin dito sweetheart huwag kang manglalaki diyan sa langit ahh hintayin mo ko! Huwag kang mangangati, I love you sweetheart.," ani Daril.
Maraming paro-paro ang lumilipad sa garden ni Marie. Namumukad rin ang mga bulaklak na iniwan nito. Nasisikatan ng magandang araw ang bahay nila at may maririnig kang ingay na galing sa mga ibong nasa bubungan nila.
Nagising na si Daril at gaya ng dating gawi ay maliligo siya. Pagtapos ay magkakape at magja-jogging sa labas. Kahit matanda na si Daril ay patuloy niya pa rin na ginagawa ang bagay na magpapasigla sa kanya.
Jogging, hanggang sa maikot na niya ang buong subdivision nila at makarating ulit sa harap ng bahay niya. Katapat lang nang bahay niya ang bahay ni Rosalinda kaya sa tuwing magdidilig si Rosalinda ng halaman ay nakikita niya ito. Dati ay hindi siya nito sinusungitan, dahil sa ginawa ni Daril sa kanya ay iniirapan niya ito.
Pagpasok si Daril sa bahay niya ay naghubad siya ng sapatos at nagpunas ng paa. Pagtapos ay binalik niya ang sapatos niya sa ilalim ng kama. May nabangga si Daril sa ilalim ng kama nang ibalik niya ang sapatos. Matigas at mabigat ay bagay na nabangga niya. Sinilip ni Daril ang ilalim at nakita niya ang kahon sa ilalim ng kama niya at kinuha niya ito.
"Sweetheart? Ano 'to?" tanong ni Daril.
Tumingin ito sa taas at inumpisahang buksan ang kahon na hawak niya.
Litrato ang laman ng kahon na nakita ni Daril sa ilalim ng kama niya. Litrato noong panahon na binata't dalaga pa lang sila. Sa pinakahuling laman nito, na pina-ilaliman ng mga litrato ay isang sulat na may nakalagay na "I love this Memories of us. Best forever!"