Chereads / THE THIRDS (Mini-Series) / Chapter 53 - KABANATA 5

Chapter 53 - KABANATA 5

"ILANG taon kana hija?" ang mabait na tanong sa kanya ni Lemuel Policarpio II. Nasa opisina sila ng ginoo at kasalukuyan siyang kinakausap.

"Seventeen po" maikli niyang sagot saka nahihiyang ngumiti.

Kanina nang sabihin sa kanya ni Aling Curing na sa mansyon ng mga Policarpio ito nagtatrabaho ay mabilis siyang naalarma. Naalala kasi niya ang nangyari sa pagitan nila ni Lemuel kanina at dahil doon ay hindi niya maikakaila ang kagustuhang umatras.

Pero naisip niyang oras na gawin niya iyon ay wala na siyang ibang mapupuntahan. Ang katotohanang magiging amo niya si Lemuel at makakasama sa ilalim ng iisang bubong ay nagdadala sa kanya ng matinding discomfort. Isama pang crush niya ito at mukhang ang plano niyang pagmu-move on sa nangyaring halikan nila ay hindi mangyayari.

"Minor ka pa pala hija, nag-aaral ka ba?"

Tumango siya. "Opo, sa SJU po."

Mabait itong ngumiti. "Talaga? Anong course mo?"

"Accountancy po" maikli muli niyang sagot.

"Mabuti naisipan mong mamasukang kasambahay? Paano na ang pag-aaral mo? Mukha ka pa namang matalino at responsableng bata" para maitago ang pamumuo ng kanyang mga luha ay mabilis siyang nagbaba ng tingin.

"P-Pinalayas po ako ng Tita ko, pinagbintangan po nila akong magnanakaw" minabuti niyang aminin ang totoo para kahit paano hindi man siya nito tanggapin wala siyang pagsisihan na hindi nasabi kaya hindi siya natanggap.

"Kaya ba nangingitim iyang kaliwang pisngi mo?" naramdaman niya ang concern sa tinig nito dahilan kaya siya napahagulhol.

Tumango siya. "Ang Tita ko po ang nagpapaaral sakin sir, kinupkop niya ako mula nang mamatay ang tatay ko. Kapalit po niyon ang paninilbihan ko sa kanila bilang kasambahay. Pero tinatanaw ko pong utang na loob sa kanya iyon kaya hinding hindi ko po magagawa ang ibinibintang nila" aniya habang patuloy sa pag-iyak.

Narinig niya ang mabigat na hiningang pinakawalan ng lalaki. "Huwag ka ng umiyak, naniniwala akong inosente ka."

"T-Talaga po?" hindi makapaniwala niyang tanong.

Ngumiti ito. "May tiwala ako kay Aling Curing. At isa pa nararamdaman kong mabuting bata ka, magaan ang loob ko sa iyo hija."

Malapad ang pagkakangiti siyang nagsalita habang umiiyak. "Maraming salamat po sir, thank you po talaga!"

Tumango ito. "Sige na hija, marami pa akong kailangang tapusing trabaho" pagtataboy nito sa kanya.

Tumayo siya para lumabas ng silid. Nagulat siya at kamuntik ng mapatili nang biglang bumukas ang pinto hindi pa man niya nahahawakan. Iniisip niyang si Aling Curing ang iluluwa niyon pero nagkamali siya dahil isang pamilyar na mukha ang nakita niya. Walang iba kundi si Lemuel, kinabahan siya, kasabay niyon ang pagpapakawala niya ng sunod-sunod na hininga.

"I-Ikaw?" kunot-noo nitong sabi.

"IHAHATID na kita sa magiging kwarto mo" sa likuran niya nagmula ang tinig ni Aling Curing.

"Excuse me po" anito saka tipid na ngumiti.

Nakalabas na ito ay nanatili paring nakasunod ang tingin niya sa dalaga. Napakislot pa siya nang marinig ang tikhim ni Lem. "Anong ginagawa niya rito?" nang makalapit sa ama ay naitanong niya.

Makahulugan ang titig sa kanya ng ama bago niyuko ang papeles sa harapan nito. "Nag-apply siyang maid, kailangan rin naman ng pansamantalang kapalit ni Beth."

"Pansamantala? Ibig sabihin paaalisin niyo rin siya after a month?" hindi niya napigilang sabihin.

Tinawanan siya ni Lem. "Bakit parang worried ka anak?"

"A-Ahh, napansin ko kasi namamaga ang mga mata niya, bakit?" hindi niya mapigilan ang magtanong. Lalo at napuna niyang tila nangingitim ang kaliwang pisngi ng dalaga. Mataman siyang nakinig nang simulang isalaysay ni Lem ang lahat sa kanya.

Noon niya napag-alamang Careen Florez ang buong pangalan nito at isang first year Accountancy student sa SJU.

Kaya siguro ganoon nalang ang pamimilit niyang makuha iyong CD. Now I understand.

Narealized niya matapos marinig ang lahat.

"Son?" nang manatili siyang tahimik.

"Yeah? Anyway maiwan ko na kayo!" mabilis niyang sabi nang tila naalimpungatang tumayo.

"Para kang wala sa sarili mo. May sasabihin ka ba sa akin kaya ka nagpunta rito?"

Sandali siyang natigilan saka sumagot. "N-Nakalimutan ko na Dad" aniyang tumawa ng mahina.

Amuse siyang tinitigan ni Lem. "Anyway pakisabi kay Aling Curing tawagin ako when dinner is ready."

Tinanguan lang niya ang ama habang sa kalooban niya ay naroon ang matinding paghahangad na makausap ng sarilinan si Careen. Hindi niya alam kung bakit pero talagang gusto niya itong kilalanin ng buo. Gusto niyang malaman kung ano ang mga gusto at hindi nito gusto at ang lahat ng magpapasaya at magpapangiti rito.

Naglakad siya sa pasilyo pabalik sa kanyang kwarto saka makahulugang napangiti. Mukhang hindi naman kasi nagalit ang langit sa ginawa niyang paghalik sa dalaga kanina dahil wala pa mang twenty four hours ay muli na ngang natupad ang kahilingan niya.

Ang muling mag-krus ang mga landas nila. Ang kagandahan pa makakasama niya ito sa kanilang bahay. Not to take advantage, dahil ang totoo ang makita lang niya ito, alam niyang makukumpleto na ang araw niya.

KINABUKASAN, Lunes ang unang araw niya bilang kasambahay sa mansyon ng mga Policarpio. Hinayaan siyang magday-off ng Linggo ni Aling Curing ang dating araw ng pahinga ng matanda habang ito naman ay tuwing Sabado.

Ang dating restday ni Beth, ang katulong na pinalitan niya. Ayon na matanda, mas marami kasi itong kailangang ayusin tuwing araw ng Linggo gaya nalang ng pamamalantsa ng damit. Kanina mag-isang nag-agahan si Lem, nasa Australia raw kasi ang asawa nitong si Yvette at sinamahan ang anak nitong si Lucinda na kapapanganak palang.

Habang ang magkapatid na Lemuel at Leo ay parehong tanghali na kung magising kapag ganoong araw na walang pasok.

Malapit ng magbukas ang ikalawang semester sa SJU. Ayaw man niya pero sa nangyari ay mukhang pinagplanuhan ni Mia ang lahat. Hindi naman kasi niya ugaling ikandado ang pintuan ng kwarto niya dahil ang katwiran niya bukod sa nakikitira lang siya doon, wala namang ibang tao maliban sa kanilang tatlo.

Pero hindi niya inasahan na hahantong sa ganito ang kayang gawin ng pinsan niyang inisip niyang inis lang sa kanya. Dahil obviously wala itong kahit na kaunting amor sa kanya.

Pinigil niya ang mapaiyak saka ipinagpatuloy ang paghuhugas ng plato. Ang sabi ni Aling Curing oras na magising ang magkapatid ay kolektahin niya ang maruruming damit ng mga ito. Nagpunta kasi ng bayan ang matanda at namili ng mga kailangan nila sa kusina.

"Good morning!" kamuntik na siyang mapatalon nang marinig ang malaki at buong tinig na iyon na pumuno sa kusina.

Hindi parin nagbabalik sa normal ang tibok ng puso niya nang lingunin niya ang nagsalita. Si Lemuel, nakangiti ito sa kanya habang nakasandal sa hamba ng pintuan.

"G-Good morning po sir Lemuel" aniyang inihinto sandali ang ginagawa saka nagtuyo ng mga kamay gamit ang isang malinis na cloth. "kakain na po ba kayo?" pilit niyang ginagawang normal ang tinig.

Araw-araw niyang makakasalamuha ang binata at kung hindi niya sasanayin ang sarili sa presensiya nito, baka mabuking siyang crush niya ang binata.

"Sounds like a real wife, pero gusto ko iyan" anitong naupo sa stool ng island habang nakangiting nakatitig sa kanya.

Nag-init ang mukha niya. "A-Ah, saan po ba ninyo gustong kumain sir?" saka maiilap ang mga matang sandali niya itong sinulyapan.

"When was the last time you were told you're beautiful? Lalo na kapag namumula iyang mukha mo at umiilap ang mga mata mo, pakiramdam ko gusto na kitang alagaan" gulat siyang napatitig kay Lemuel. "Oh, bakit? Hindi ka ba naniniwala?" nang marahil mabasa nito ang pagkabigla sa kanyang mukha.